Nung isang araw, nabasa ko sa dyaryo,
bibigyan ng presidential medal of merit si King of Rap, Francis Magalona.
Hindi ako tutol dun. Pero bat nun lang? Bat kung kelan patay na siya?
Nadaig pa niya ung mga ibang masbigaten sa kanya (meron nga ba.. di ako nanunuod ng local tv eh)... kasi ... nauna siyang mamatay.
Kapag feeling ko nakapagpasaya ako, palagi kong naiisip, sana mamatay na 'ko. Kasi sa puntong iyon, siguradong may dadalaw sa lamay ko. Feeling ko may iiyak. Feeling ko maraming pupunta sa lamay ko. Kesa sa tumagal pa't tumanda ako, baka makalimot na 'ko... baka malimutan na'ko.
Ang nasa isip ko kasi, ang sukatan ng lugar mo sa mundo ay kung ilan ang sincere na pupunta sa lamay mo. Kung ilan ang iiyak, kung ilan ang magnanais magbigay ng eulogy para sa'yo, kung ilan ang pipila para makita ka nang huli. Kita mo si Francis M, si DaBoy, puro pinilahan nang husto. Anlaki ng lugar nila sa mundo. Idol. Sana ako rin.
Pero palaging may pero.
Pero naiisip ko kasunod, ang makasarili ko talaga, ang laki ng ego ko, antaas ng tingin ko sa sarili ko. Naiinis ako. E pano kung wala palang pumunta sa libing ko? puta iyak. Hindi ito paramihan ng dadalaw sa libing mo. Isang malaking HINDI. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung ano ang sukatan ng silbi't lugar mo sa mundong ito. Pero alam ko, hindi yon kung ilan ang pupunta sa libing mo o kung ilan ang malulungkot sa pagkawala mo. Hindi ito labanan ng quantity. Ewan ko pa kung quality. Naiinis ako. Eto siguro ang pangit sa pagiging competitive, gusto mo angat ka sa iba. HINDI ITO LABANAN NG KAHIT ANO. Baka nga hindi rin ito sinusukat.
Sabi nung character ni Hillary Swank sa isang character na nung panahong yon ay walang kwenta sa Freedom Writers (something like this), "You know what happens when you die? YOU ROT. And everybody forgets about you." Ngayon may pansagot na 'ko sa tanong ko sa itaas. Kaya nun lang pinarangalan si Francis M, nung patay na siya, kasi ayaw ng mga pilipinong malimutan siya. Hindi na mahalaga kung natanggap niya yung award o hinde nang personal. Ang mahalaga, alam niya sa sarili niyang nakamarka sya sa bawat (kung di man lahat, karamihan) Pilipino, at ang pagbibigay ng medalyang yon ay pagsertipika lamang.
At sana, gustuhin ko nang mamatay kapag masayang-masaya na ako. Hindi dahil feeling ko may dadalaw sa burol ko. Kundi dahil tagumpay ako sa buhay na 'to.
RIP Mr. Francis Magalona
tsk, naisip ko na din yun. yung burol at bisita. palagay ko konti lang pupunta sakin. HAHA. di ko nga alam kung saan ako ililibing. baka yung mga natulungan ko ngayon kalimutan din naman ako. owwel. di naman yata mahalaga yun. lahat naman mamamatay. kahit alaala nga mawawala. ira-rough estimate ka na lang ng tao.
ReplyDeletehaha. siguro nga madalas sinasabi, "Hindi naman mahalaga yung tingin ng iba". Pero mukhang mahalaga nga. haha. Pero mukha rin namang hinde. HAHA. e social beings kasi epal. hahay. let's just be happy! lol
ReplyDeleteFilipino online obituary has just gone social!
ReplyDeleteRemember your departed loved ones by creating a free online obituary and guestbook for them at:
http://www.obitwaryo.net
This is a free online service provided by the same people who created www.eskwela.info, another free online school directory listing service where you can rate and review schools.
Forward this email to your family and friends and let them know about this new online service!
Thank you.
The Obitwaryo.net Team
Email: obitwaryo [at] gmail [dot] com
Follow us: http://twitter.com/obitwaryo/