Tuesday, March 24, 2009

Papayo

Sabi sa BNO (magic? 89.9), "WHEN YOU SHARE, YOU CARE." Sabi ng isang kaibigang manyak, kapag daw nagkekwento ng problema, MAY ULTIMATE BOND na nasestrengthen between two friends/people. Kailangan kong sumang-ayon. Siguro kasi lately, medyo kinekwentuhan ako ng problema ng ilang tao.. at siguro, nagkekwento rin ako... pero ano nga ba'ng kaya kong isagot?

One time sa mcdo, may (supposedly) tinutulungan ako sa kanyang problema (na sana ay nagawa ko nga)... at sige, nagsasalita ako... pumapayo ako... tapos at one point, tumigil ako, tumingin sa kawalan, ngumiti. Napansin niya, tinanong niya kung ano'ng meron. Sabi ko wala. Syempre pumilit. At syempre dahil may namumuong bond na nga, sige , wag nating putulin. Sabi ko, "i'm learning." Tama, I'm learning... naiinis kasi ako, pakiramdam ko wala akong kwentang kausap.. haha. HINDI KASI AKO MARUNONG MAGBIGAY NG PAYO... (yata) ... AT YUN AY dahil baka masnagmature ako.. Baka naging mas conscious ako sa possible conditions ng tao.. baka naging mas-open ako sa ideas.. baka naging mas humb(UL)le ako. At naging takot akong pumayo... dahil baka mali ako. Hindi ko alam pero siguro nagpayo na rin ako before, pero hindi nakinig yung tao... kaya siguro ayaw ko na. Siguro lang... Pero ayun, iwas payo na 'ko. Kaya puro O at A nalang ang sagot ko. nag-iiba nalang ng pananda - question mark, exclamation point, period, o elipses na dinagdagan ng maraming h. At hindi ko 'to gusto. Naisip ko rin, kung ako ang magkekwento ng kung anumang may bigat sa damdamin ko at O at A lang ang marinig ko sa kausap ko, e ta mababadtrip lang ako.

Kaya tama.

Matuto. At natututo nga yata ako. Medyo mataas pa rin nga ang tingin ko sa sarili ko. Pero hinahayaan kong matamaan ng sapak ang mga kahinaan ko... at balang araw, ang maliit na masel, pag sinapak sapak, ay lalaki. Kaya naman pag may pagkakataon, gusto kong magbigay ng payo. E ano kung mali? Sa tingin ko naman may sense lahat ng sinasabi ko... hindi nila masasabing wala akong sense kausap.... sa bagay, ano naman kung wala akong sense kausap? Kung masaya ako sa pakikipag-usap, sige, makikipag-usap ako. At sa ngayon, masaya ako sa pagpapayo. Hindi man lahat ng bagay ay alam ko, tingin ko naman ay may prinsipyo ako, at doon ako babase. Tuturo ako habang nagpapaturo.

4 comments:

  1. haha! mabuti yan.. pero minsan masakit sa pakiramdam kung baka naoover ka sa pagsasalita/pagbbigay payo. HAHA. :]

    ReplyDelete
  2. hmm wala pa naman yata ako sa point na yun. haha.

    ReplyDelete
  3. haha. buti ka pa. pag di ko close napapaisip pa din ako eh. :)

    ReplyDelete
  4. haha. actually tinry ko na sa di ko kaclose. ayos naman, medyo masnapalapit pa nga yata.

    ReplyDelete