Ikaw ba, tatalian mo ba 'yung aso ng kapitbahay mo? O kung sinumang asong palaboy diyan? ASONG HINDI IYO?!
Syempre kung matino, magalang, at maayos ka, HINDE!
Pero kung bastos, insensitibo, at bwiset ka, malamang e gawin mo na nga.
HINDI AKO ASO pero nasasakal ako! Putchak. Sa tuwing pumapasok ako sa klaseng 'to, tila may bumabalot na itim na aura sa akin na pumipigil sa paggalaw ko. Na pag gumalaw ako, pupunahin. Kapag gumalaw ako, bibigyan ng interpretasyon. Hindi rin tuloy ako maayos na makapagrecite sa English. Kasi nung unang beses na nagrecite ako, sinabi na agad sa iba kong kaibigan na hindi naman namin kaklase na hindi nga taga up yung rinecite ko. Parantanga. Pag gumalaw ako, andami nang masasabi. Puta. nagbabasa lang ako tapos kinausap ako ng isang kaibigan kanina, sabi dun sa kaibigan, "OI WAG MO DAW GULUHIN. NAGBABASA YUNG TAO O." at hindi lang isambeses, inulit pa niya ito kaya hindi ko na napigil yung daliri ko at tinuro siya at nasabing "HINDI NAMAN NIYA KO GINUGULO." at natawa nalang ung kaibigan ko na kaibigan rin niya na naging kaibigan ko dahil sa kanya. BWISET! Syempre di lang yun ung pagkakataon na yun. Ay naalala ko, last sem, nung 2nd sem, palagi pa yun nakaabang sa math. Hay. iniiwasan ko nalang talaga minsan. Tapos minsan, may atraso yata siya, o imbentong atraso niya lang, kaya nagbibigay ng donut at kung anu-anong mensahe. PUTAKTENG YAN. Anlandi-landi puta. ALAM KO NA MALAWAK ANG PANINGIN NG BABAE. At alam kong malawak ang kanya. Minsan pag kasama ko siya at ang iba pa niyang kaibigan na naging kaibigan ko na rin dahil sa kanya, may lalaking tipo niya na nasa kung saan, tas sasabihin nalang niya na nandun nga, kahit di ko nakitang tinignan niya. PUTCHA. E AKO, kapag siguro 20 feet away, nakikita ko nang lumingon na siya at nakita niya ako. NAKITA KO NA NAKITA NIYA. sabay titingin siya sa kasama niya. blabla.sasalita. hanggang sa yung kasama niya yung unang tatawag sakin na parang di niya ko nakita, gusto niya ako pa yung unang pumansin sa kanya. PUTCHA TALAGA. Palagi pang nangunguna. Parang lahat ng gawin ko, alam niya ang eksplenasyon at alam niya kung ano ang dapat iwasan. ganon ganon. E KUNG TUMIGIL KAYA SIYA MANGGULO DAHIL SIYA TONG NAKAKAGULO AT HINDI UNG GINAGAWA NG IBANG SINISITA NIYA. Kanina sa mcdo e nandon din siya. Pumunta ako dahil pinapunta ako ni Yadao. Inasahan ko nalang talaga na hindi siya nandon. Pero gago, malamang andun, yun pa. tang ina. Sabay pagdating ko dun, parang pinapalabas na naman na kami. PUTCHA NAMAN OH! sinusubuan pa ko ng french fries, E SINABI NANG AYOKO. asar talaga. ASAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAR! Nasa isip ko na lahat ng sasabihin ko eh kanina eh, actually, sa bawat pagkakataon na binibwiset niya ako at sinasakal, MERON NANG NAKAHANDANG SABIHIN, bubuksan nalang bibig ko, baka lumabas na yun.
Hindi lang talaga pwede sabihin, DAHIL SENSITIBO KUNG SENSITIBO siya. andaling masaktan PAG AKO ang nagsabi. Siguro masakit lang talaga ako magsalita. PERO MINSAN LANG AKO MAGSALITA NG MASAKIT, at dun lang yun sa karapat-dapat. At kapag binuka ko ang bibig ko, malamang umiyak yun sa kung saan, magdrama, hay. AT AYOKO NUN, dahil tatadtarin ako ng sorry, paglalambing na kailanma'y di ko ninais pero palagi kong natatanggap. PUTA bat ba di makaramdam?! Isa pa, pag magkaaway kami, malamang madaming kaibigan na rin ang mawala. Kaklase ko sa isang sabjek yung isang kaibigang inintroduce niya. Kaklase ko kasama niya yung isa pang inintroduce niya. Syota ng malapit kong kaibigan yung malapit din niyang kaibigan, na kaibigan ko rin. Kaibigan ko rin yung isa niyang malapit na kaibigan. Puta. Alam mo yung pinilit ka pa sa debut ng hindi mo namang gaanong kaclose. Hay. Nakakainis talaga. NAKAKASAKAL AT HINDI KAMI KASAL! PUTANG INA parang awa mo na. Hinding-hindi kami maikakasal, hindi kami magkakaroong ng relasyon. Parang hirap pa nga akong ituri siyang kaibigan. Hay. Kaya kayong kilig na kilig pag pilit na dumidikit sakin yon, ASA NALANG, dahil hinde. UNA, PANGET PANLABAS. PANGALAWA, PANGET PANLOOB. Naaawa nalang ako sa mga kaibigan niya dahil todo sinasapawan niya ito pag nagkekwento, PALAGI NALANG SIYA ANG BIDA. Hay. tang ina talaga.
Kapag sinasakal ang isang tao, hindi ito makasalita. a. e. i. o. u. m. g. Ganon ganon lang. Pero bago ako mamatay sa kakasakal mo, sisiguraduhin kong matitikman mo lahat ng ayos ng salita na baka siya pang pumatay sa iyo. tang ina ka.
3 comments:
o eto pala eh, lagyan na natin ng laman ung msg archive mo. ngaun ko lang to nabasa at marami akong insights. YM naaa! haha :P
tsk. di mainstall ym eh. bwiset.
hahaha! ouch naman yan sa kung sinuman. LOL talaga. hay talk about feelingera. amp!
Post a Comment