Andami kong problema sa sarili. Kainis. Gusto ko talagang kumawala sa sarili kong katawan para makita ang sariling kumikilos sa mundong mapangutya. Hay. Nagtataka talaga tuloy ako kung ano ba ang gusto ng tao sa'kin. Iniisip ko rin kasi, kapag kasama ko ang sarili ko, amboring nun. Sobra. Tunganga hanggang may magsalita. Mag-aantayan kami hanggang sa may magsalita. Hay. Kapag tinanong kung ano gusto, palagi ring "hindi ko alam" ang sagot. Pambihira. Amboring gago.
Wala. Kailangan ko lang talagang malaman kung ano gusto ng tao sa'kin... para mapangalagaan. Baka pag nawala, mawala na rin ang tao. Ayoko ng ganon. Pero hindi mo naman yata pedeng tanungin talaga ang tao kung ano nagustuhan nila sa'yo. Ilalagay mo sila sa isang awkward situation at mabablangko ang isip nila. Saka mag-iisip ng kung ano, magpipilit ng mga katangiang ewan kung nasayo nga. GENERALIZING. Pero ganon na rin nga siguro. Liban nalang kung close siguro, baka okay lang.
Hindi naman talaga kasi maiiwasang magbago. Wala. Kailangan ko lang malaman kung ano'ng dapat itago at ano'ng dapat magbago. Kailangan. Dahil masaya ako sa tao sa paligid ko, at wala akong balak lumikha ng gap o alitan sa pagitan ng mga ito. Wala akong katangi-tangi't kainga-ingatang kagamitang kalebel ng ginto o ng dyamante, kaibigan lang. Kaya ayoko. Hindi naman sila ninanakaw. Nagpapakaburara lang ako sa ginagawa ko. At baka kakapakaburara ko, mawala ko na sila. Hindi pede.
Kailangan kong malaman.
Pero sa paanong paraan?
Muli, hindi ko alam.
Hay Gelo.
2 comments:
di ka ba nakinig nung open forum dati? haha sinabi na dun yung mga likes diba at nakakatulog na nga yata lahat kasi ang haba ng iyo (hiyes! di tuloy ako umabot..) cliche, pero your friends love you just the way you are. siguro pag hindi mo na nppangalagaan yung characteristic/s mppansin mo nman. saka mo na itanong. ssabihan ka nman siguro.
haha. de. bilang isang self-proclaimed 3d, yung iba ring nagugustuhan sa iba kong sides, gusto kong malaman.
anyway, haha, masama pero malimutin ako, at siguro 30% lang ng nasabi dun ang maalala ko. haha.
Post a Comment