Tuesday, October 13, 2009

Hopeful Romantic

Linalandi ako ng kaklase ko.

Iba ang friendly kaysa malandi. Halata ko naman noon pa man. Hindi ako ang lumalapit sa tao. Siya ang lumapit sa'kin. Open ako kahit pa'no kaya inentertain ko at tinuloy ang pag-uusap. Wala akong kaclose talaga sa klase kong 'yon. Kinakausap nalang ako ng kung sino-sino, pero siya ang parang pinaka-may-hangarin.

Tinipon kami kanina, magkakadikit halos. Manunuod kasi kami ng kung ano. Naramdaman nalang ng siko ko na may nakahawak na dalawang malamig na kamay. Napansin ko 'yon pero hindi ko na pinansin. Iniisip ko nalang na sige, di naman ako napeperwisyo, wag lang makita ng iba. Nakatayo lang kami at hindi kumikilos kaya hindi ko pedeng ilayo nalang basta ang aking braso, siko, kamay. Tang ina ako pag ginawa ko 'yon. Baka makasakit pa 'ko ng tao. Ayoko. Gusto kong magsaya kaya hindi ko na nga lang 'yon pinansin. Okay lang naman siya. Madami akong ibang type sa klase na 'yon pero hindi siya kasama don. Mabait naman siya. Nakakatakot ako minsan kausapin at buti nga't kinakausap pa niya 'ko. Minsan nafefeel ko din tuloy na belong ako sa klase. Pero hindi ko siya type.

May iba akong gusto.

At 'yon ang ugly truth. Na hindi lahat ng gusto mo ay makakatuluyan mo. At hindi lahat ng gusto ko ay makakatuluyan ko, kahit pa anong gawin ko, dahil may isang katangiang ayaw ko sa isa at 'yon ang nagiging isang malupit na hadlang sa dalawang kamay na 'di magtatagpo, mga pag-aaring hindi kakabit, labing 'di darampi, isang pangarap na 'di makakamit,

----
Sampung minutong assuming

5 comments:

  1. the first sentence caught my eye KAAGAD. nakakatuwa! :))

    ReplyDelete
  2. natuwa ako sa last paragraph at sampung minutong assuming. hahaha. oh well think positive nlang. baka may beautiful truth din.

    ReplyDelete
  3. irizb, malandi ka kasi eh. haha. hahahahahahaha. naalala ko tuloy yung pulis. hahaha.

    jhoenkid, lol

    Samantha Coronado, haha, gusto ko rin ung last paragraph at sampung minutong assuming.
    Parang ansaya kung kaya rin ng sampung minuto ang mga paper. hahay.
    Sana nga meron, ang sarap isipin.

    ReplyDelete
  4. uhm. pwedeng wag ipagsigawan yung sa pulis? hahaha. :))

    ReplyDelete