Last day na ng klase ngayon pero tila walang balak si ser na sundin ang school calendar.
Nakaupo ako sa sahig sa klase. PE naman kasi. Lahat ay gusto nang umalis sa klase't nakatayo na habang ako'y nakaindian sit pa. Last meeting na nga dapat kanina at naghingian na ng mga pangalan sa facebook. Pero kay Ser, hindi pa tapos. Sabi niya baka daw gusto naming magparty sa thursday, semender. Potluck lang. 'Yung iba andaming dahilan. Nakita ko tuloy sa mukha ni ser ang kagustuhang makasama pa ng isa man lang oras ang mga studyante niya sa isang sem. Rinig sa tono na ayaw niyang hindi matuloy ang party at kinokonsensiya niya ang mga may dahilan. Tanong na nang tanong ang mga studyante kung pwede nang umalis habang ako'y nakaupo sa sahig at pinapanuod si ser. Sabi ni ser mag-usap muna sa mga dadalhin. Gusto talaga ni ser matuloy itong last meeting, itong party. Gusto ni sir ng masayang paalam.
Wala naman talagang masayang paalam.
Mayroong malungkot na paalam. Mayroon ring masayang wala lang, party lang. 'Yun lang. Dahil sa huli, kung gusto pang magkita, magagawa, at mababaliwala ang paalam. At kung paalam talaga na nangangahulugang pag-iwan ng alaala't saya, walang kasiya-siya run. Magbabago na ang lahat sa simula ng huling pagkikita. Pagbabagong sinimulan ng isang semestreng pagsasayaw.
Ayoko pang magpaalam. Gusto ko pang sumayaw.
------------
Walong minutong senti.
2 comments:
naextend kami!! magfifinals palang, at AYOKO NA! gusto ko naring sumayaw. hahah sembreak mode na ako.. pero ok lng yung iba, mejo di narin nagextend.. pero badtrip yung iba!
haha. bale halos magkasabay lang pala tayo, okay lang yan, onting tyaga nalang!!!!!!! Pero nakakatamad na rin nga.
Post a Comment