Hay pambihirang pakiramdam
Gusto kong sayo'y magpaalam
No'ng isang araw, nawala ka
Bakit bumalik ng kay aga?
Ang lamig na nadarama,
Ang hirap sa aking paghinga,
Ang papikit nang mga mata,
Dulot mo'y sakit, pang-abala.
Sa paglapit mo sa akin,
sinama pa si Haring Bahing.
Katawan ko ay inalipin,
inaalipusta ang hangin.
Ang iyong mga kampon, Sipon,
inaatake, aking ilong.
Ilong ranger nasaan ka na?
Neozep, ang pampaginhawa
Mga mata ko, namumula.
Prinsesa sore eyes, nandyan na!
Ang madaanan, namumula,
humahapdi't namamaga.
Ginoong ubo, ba't naparito?
Gusto bang makisalo-salo?
Sipain yan sa kaharian
Boses niya'y dala ang digmaan!
Sana'y sa pagtigil ng ulan
at pagsikat ni haring araw,
mga sumugod sa kastilyo,
tuluyan nang maglaho.
No comments:
Post a Comment