This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Saturday, January 5, 2008

hard + work = sipon


well not really... but in my case.. it is.

Last night, January 4, 2008, I had to sleep at 4am of the next day because of the Economics and Theology projects. This Christmas break did not really appear to be one. Just thinking of the projects given to us by our considerate teachers, hhhhhhh... Economics: analysis of 2007, prediction of 2008, Physics: mini theme park ride, theology: the alchemist diorama, gicp: kaplastikan, action research, English: term paper defense, Filipino: El Fili book cover, Practical Arts: Club Website.. whoo. It's more of a Project month, not a break. Anyway, so now, its January 6, 4am. I'm basically doing what I did yesterday. And now, I have colds.

Ngayong araw... Ika-lima ng Enero... wala lang. hindi kagaya nung mga ibang araw na kain, tulog, laro, paper work. ngayon medyo iba. Napaalam sa mga miyembro ng aming grupo na kami ay magkikita-kita sa bahay ng aming kaklaseng si Christian Druid Bello sa oras na 3:00 ng hapon. Ako, nadala na sa unang pagkikita, ay umalis ng bahay bandang 3:30 ng hapon. Sa kasamaang palad, ako ay nag-antay sa labas ng bahay, sa may tindahan malapit, mula 3:50 ng hapon hanggang 4:30 ng hapon. Ayun, nakatunganga, nanunuod ng palabas na hindi ninanais (startalk). Ang init pa naman. Buti dumating ang isa, tapos hindi nagtagal, nagpakita na rin ang dalawa pang iba. Ayun. Itinuloy namin ang aming nasimulan nang proyekto sa Theology. Masaya. Ayos lang. Pwede na. Sulit. Inabot kami ng hating gabi sa kakagawa, kakaasaran, kakatawanan at kakakuwentuhan. Ayun. Nakakatuwa.
Sa parehong araw naibalitang ilalabas ang resulta sa naganap na ACET. Ayun. Sa kasiyahang palad, pumasa sina Lyka Luis, JC Gonzales, Iriz Beleno, Justin Ryan Canseko, Derrick Jan Divinagracia, at wait-listed si Jose Mari Gerardo Licarte.
Ako ngayon ay nagbabalak nang matulog matapos mailagay sa Multiply ang mga nakuhang letrato.

No comments: