Parang kanina lang ay andaming pumapasok sa isip ko kaugnay ng salitang "yabang". Ngayong gusto ko nang subukang alalahanin at isatitik ito, nagkagulo-gulo na. Mukhang mahirap na rin magsalita dito. Baka kasi sabihin ng tao, mayabang nanaman..
Sa halos lahat ng araw na ginawa ng Diyos sa San Beda, naririnig ko na yang yabang na iyan. At kapag naririnig ko, naiinis, nabibwisit, at kung minsan, nagagalit ako. Paano kasi, hindi ko sigurado kung tama ang paggamit.
Ang pagyayabang, sa wikang Ingles, ay to boast. Ang boast naman, ayon sa diksyunaryo ay:
-to praise yourself, or speak arrogantly about things you possess or have achieved (Microsoft® Encarta® Reference Library 2003. © 1993-2002)
Isa talaga itong yabang na ito sa mga kinaiinisan ko. Marami na rin akong nakakabanggang mayayabang na tao, mga nagiging kaklase ko. Karamihan sa kanila, nakakaaway ko. Ewan. Kahit naman siguro kayo ay maiirita sa sobrang kayabangan.
Isa pang dahilan kung bakit ako naiinis sa salitang yabang ay dahil minsan, nasasabi ito sa akin. Kaya tuloy, minsan ay ayaw kong naipamamalita sa iba ang aking nagawang kung anu man. Lalabas kasi sa bibig ng ibang tao, "mayabang". Sa klase namin noong unang kwarter, nasa isang rangko ako. Nang mag ikalawang kwarter, umangat ako. Eto namang ibang kaklase ko, kapag may gawin akong di nila gusto pero dati ko pa ginagawa, sasabihing, "woo. porke umangat ka lang sa gantong top, mayabang ka na." Ni minsan, hindi ako nagsasabi kanino man ng kung anong kayabang-yabang, maliban nalang kung tanungin nila. Kaya hindi ko maintindihan itong mga taong 'to. Dalawa lang ang nakikita kong dahilan ng kanilang kalokohan. Isa, marahil naiinggit. Pangalawa, gusto lang akong galitin. Nakakaasar. Nakakaasar talaga. Kanina, magtanong lang ako... ang labas, mayabang agad. Hay tao. Nais ko lang, ingat sa sasabihin. Minsan biruan. Minsan nakasasakit. Sya sige. mukhang linikha talaga tong mundo't laman nito para sirain ang bawat tao.
No comments:
Post a Comment