This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Saturday, April 19, 2008

Bakasyong patapon (?)

Dahil wala pang magawa, blog muna sige.
Sa greydskul, karaniwang tinanong sa mga estudyante sa mga unang linggo ng klase, "anong ginawa niyo sa inyong bakasyon?" . Hindi naman ako greydskul bat ko sasagutin yan?. Pero sige. Nitong mga nakaraang araw, dito lang ako sa bahay.tulog. kain. nuod... at higit sa lahat... Multiply! Salamat kay boy survey at sa mga iba pang naglalagay ng kung anong pampalipas oras sa site nila, may nagagawa ako. kopya dito, kopya doon. Syempre hindi lang 'yun. andyan rin ang kampon ni Satanas (o di yata. may kampon kay Satanas yata) na lintikang nagpaparami ng comments at lantarang nagsisinungaling sa kung anu-anong blog posts. Hay! Siguro mga apat na oras din ang nasasayang ko doon. Pero ayos lang. Wala rin namang ibang matinong magawa maliban sa pagtulog. bale yan ang bakasyon ko sa ngayon... haha. walang kwenta? de meron yan. nakangiti naman ako kaya okay lang. ge. parang inaantok ako. parang.

No comments: