ayan. ang lapit na. bale mga isa't kalahating buwan na lamang, College na!
basta. ayun. dumating akong U.P. ng 8:30am. pumila doon sa lugar kung saan pagkukuhaan ng medical exam (table 1). ayun pumunta sa table 2. tinimbang, kinuha height (5'9"), nagpabasa ng mga titik. balik table 1 tas layas. (table 3) kinuhaan ng BP. Kinabahan ako doon sa isang pinagawa, pinatingnan sa'kin kung anong kulay yung hawak nila.. ung isa red, ung isa green. wala. baka lang kasi mali ako kaya kinabahan ako. o siya. odi ayun balik table 1. naupo sa silya silya doon. Inantay matawag doon sa dental check-up naman. Eto namang ibang estudyante naawa ako nakatayo lang, di binibigay ung dapat ibigay (e hindi sila matatawag pag ganun) kaya ayun sinabihan ko sabay punta siya nang walang sinasabi (you're welcome a!). tapos ayun. balik sa unang mesa. tapos punta naman sa eksrehan. pambihira! pagkahaba-haba ng pila. pagkakupad-kupad kumilos. sa isa't kalahating oras, nagawa ko lahat ng nasa itaas. iyong sumunod na oras naman, nakaupo lang ako, nag-aantay. napapakalampag nalang ako ng paa sa inip! ang ingay-ingay pa ng kalapit na lintik. sabay tawag sa'kin. isang minuto lang tapos na! ba yan! edi 11:30 na. hanggang 11:00 lang bukas ang table 1. 1pm pa ulet. aksaya ng oras! kaya ayun. nagtext sa kung sino para makakain. tas ayun. pumunta sa Rodic's (kainan sa loob ng U.P. Coop). andaming tao. lahat tapsilog ang order. edi ako ganun na rin... ayun.. sumubo... kaya naman pala.. ang sarap eh! sarap! basta sarap! edi 12:15 na. rumenta muna ng kompyuter sa loob ng trenta minutos para magpalipas ng oras. pambihira bagal ng internet. ym nalang tuloy. tas ayun. bumalik na sa table 1 at pumila ulet. tapos ayun. sa "triage" naman. tinawag na nung doktor, pinapasok sa isang kwarto. nasigawan pa ako (taas ng boses) ipapasarado lang pala pinto. ayun. kinig ng puso kinig ng baga. pinaubo ako. ba yan. tingin sa mata. pinababa ng shorts pinataas ng damit. kapa sa tiyan tas ako pinatingin sa kaliwa tas pina-ubo nang pina-ubo habang siya nakatingin sa kung saan. tapos ayun. balik table 1, tapos na!
(bat ba kinekwento yan. o siya)
bale si Neil, nasa Mcdo Katipunan so pumunta na rin ako doon. Si Neil naman todo daldal, 'di na nakakain. ako todo kinig, kain ng kain.. tapos ayun sinamahan ko na siya sa CCA at nagbayad ng ganito ganyan. sabay lakad sa PC Express para tignan ung kung anong sinabi ni ano. sabay lakad papuntang lrt station (balak mag 10,000 steps eh. kapagod). sabay gateway. chill sa big chill. dapat sana manunuod.. eh walang maganda. ayoko talaga ng Forbidden Kingdom na gusto ni Neil. Ayun, tumingin-tingin nalang si Neil at ako ng damit. sabay layas. fx papuntang metroeast. tingin tingin ng ilan. naghanap ng midnight tune (wala). sabay layas. uwi. dating ng bahay... mga... 8:30. bale ayun.
Pag-uwi naman, pre-enlist na via Internet (kahapon kasi sira). woo exciting. Tuesday to Friday lang ang classes. 6 subjects plus 1 P.E. (Pilates kinuha ko). parang 3 subjects per day. tapos tipong 8am to 1pm lang ang klase (sa isang araw.. wed and fri yata). ayun. saya. exciting na hindi? ewan. basta . ge . Moral? wala. Patience is the key to stress!!!
No comments:
Post a Comment