Isa pang maaaring idagdag sa blog post ni Samantha Isabel V. Coronado na "Paabot ng Diksyunaryo" ay ang U.P... bilang Unibersidad ng Protesta!! Karamihan sa mga taong nasasabihan ko na ako'y mag-aaral sa u.p., parang ganito ang sagot... "Ingat ka dun ha! Baka mkita kita sa tv nagrarally.", "Sali ka sa mga rally ha. haha", "Huy pag nakita kita sa tapat ng Mendiola babatuhin kita hahaha",. Meron naman palang dahilan..
Unang araw palang, pinatikman na kami ng luto ng aktibista. Kagabi e sinabihan ako ng pinsan ko na nakita niya ang U.P. na nasa IWitness (GMA) noong hunyo 23 yata. Isa pala sa mga pinakita doon ay ang freshman orientation na kung saan, pumasok paloob ang marami-raming aktibista at umakyat sa entablado't nagpalabas... Noon, akala ko kasama yun sa programa. Patapos na kasi noon at nagsasayaw nalang ang UP Pep Squad kaya akala ko kung anong pakulo lang ng U.P.. e yun nga, protesta na pala. “ISKOLAR NG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN! … NGAYON AY LUMALABAN, ISKOLAR NG BAYAN!”
Noong magbabayad rin nga pala ako para mag-enroll kasama si pascua, nakita namin may nagrarally din sa may u.p., tungkol naman sa CARP.. Noong isang araw rin, may nagrarally sa may sunken garden pero onti lang.. di ko nalang pinansin.
K
Kanina rin, habang naglalakad sa loob ng isang building, andun sa may entrance a
all things said, wala. Wala naman akong anything against pagrarally.. hindi naman mali... ewan ko kung tama... at WALA rin akong balak sumali sa ganyan. (pero sabi ni ate denise, wag magsalita ng tapos.. so..) WALA PA...
basta! ang pagpoprotesta ay walang magagawa kapag walang bilang. At magkakabilang lang (dapat) kapag may punto ang mamomrotesta at may dapat na talagang baguhin sa pinagpoprotestahan. O ikaw, sali ka na! Ingat nalang sa tubig ng mga firetruck. Baka madulas, mabagok, mamatay. O ? edi ayos. BAYANI. namatay para sa bayan!
pweh. KALOKOHAN. namatay dahil sa maling paraan. Di isahan ang rally. Maramihan. At karaniwan, against government ito..Pero sino ba ang naghalal ng mga yan sa trono nila? ang tao. Kaya ang mag-aalis sa kanila, tao rin. Ge! Patalsikin si Gloria!!!
No comments:
Post a Comment