ayan. Dahil sa lecheng assignment, na-miss ko ulet ang high school. Kaya sige, post nalang ng kung ano.. Ngayon... parasitism among students.. Parasitism. - uri ng relasyon kung saan ang isang nilalang lamang ang nagbebenepisyo sa isa pang nilalang.
Ang mga nasa ibaba ay mga payo para sa'ting mga parasites para naman maayos ang pakikitungo natin sa ating host (medyo sariling pananaw to).
1. kapag mangongopya
1.1. assignment...
1.1.1. Wag madaliin ang kokopyahan. Mangongopya ka nalang e. Baka mabwiset pa yan at di ka pakopyahin.
1.1.2. Diretsuhin ang kokopyahan. Wag nang, "Uy, paano mo nakuha yung ganito?" "Patingin nga ng sagot mo" .. pasimple pa... didiretso rin naman sa pangongopya.. E kung sinabi mo na lang na pakopya, edi ayun tapos.
1.1.3. . Kapag iniwan sa'yo ang notebook at sinabi sa'yo na ikaw lang ang kokopya, magsinungaling ka na sa iba, kunwari di ka pinakopya para di ka rin makopyahan.. Pagbabalik-utang-na-loob na yun kahit papaano.. Pero kung di naman nagsabi, sige ipakopya mo na sa lahat.. basta babalik ng maayos sa kinopyahan.
1.1.4. Wag kalimutan ang magic word... "SALAMAT"
1.1.5. Kapag di nagpakopya, hmmm.. malamang grade conscious yan.. rason nya, "pinaghirapan ko to e.. tapos ikaw, natulog lang, papasa.. ay hinde maaari.".. tama nga naman.. Pero kasi, ang pangongopya, di dapat inaaraw-araw.. So halimbawang may nangyari lang.. kaya ka mangongopya... pero di rin! kopya nalang! Dapat alam ng host na maslamang siya sa nangongopya kasi siya, ginawa niya, inaral niya, ALAM niya ang assignment niya... o basta, nothing to worry about.. unless... mamaya.
1.2. quiz/seatwork
1.2.1. Wag nang pahalatang nangongopya. Mas-ok na kahit papano yung nangongopya ka lang na di niya alam. Kasi kapag alam niya, baka maperwisyo pa siya (either iuusog nya palapit sa'yo ang sagot o tatakpan nya). Pasimple na lang para di nahahalata ng teacher...
1.2.2. WAG NANG MARAMING TANONG! Kung nagtataka ka sa sagot ng kinokopyahan mo, e tae dun ka sa iba mangopya. Nagagambala mo pa yung kinokopyahan mo sa tuwing tatanungin mo. Kopya nalang para kunwari di siya nakokopyahan.
1.2.3. magVolunteer ng sagot.. syempre diba, nakikita mo na yung papel ng kaklase mo.. alam mo kung ano yung blangko niya.. e meron kang sagot dun, bigay mo na. Para naman di todo parasite ka.. tsaka para mas pakopyahin ka.
1.2.4. what will you say? SALAMAT.
1.2.5. wops! pero syempre, hindi pwedeng lahat ay kinopya.. tapos halimbawa, alam mong mali siya dun, at alam mo na tama ka dun.. so di mo kinopya.. e alam nyang kinopyahan mo siya.. tapos sa huli, masmataas ang score mo sa kanya.. AY WAG NAMAN GANON.. diba Pasa? .. hindi ka na niyan papakopyahin niyan malamang.. magigi kang isang THREAT dahil maaari mo siyang mataasan sa top10. WAG GANUN HA!
1.3. Notes
1.3.1. Pag notes, hiramin lang.. tapos iensure nalang ung tao na ibabalik rin agad.. tanungin rin pala muna kung mag-aaral siya.. Kung "hindi" ang sagot, edi wala na siyang dahilan para tumanggi. Ibalik sa susunod na pagkikita na may kasamang SALAMAT. Baka makalimutan rin nung hiniraman na nagpahiram pala siya (wala, ganon kasi ako.. kala ko nawawala, may humiram pala)
2. kapag magpapaturo
2.1.1. wag na wag mong sasabihing "Uy, PATURO SA MATH".. o sa kung saang subject pa. maleleche lang yung tinanong mo.. sa dinami-rami ng pedeng ituro sa Math, malay ba niya kung saan magsisimula. HINDI TAYO NAGPAPATURO. NAGTATANONG TAYO. Seryoso. Masmadali ang buhay kung itatanong mo nalang dun sa host ung kinalilituhan mo. E kung lahat talaga ay hindi alam, piliting alamin ung pangunahing topics.. tapos ung di maintindihan dun, edi itanong.. muli, hindi tayo nagpapaturo.. nagtatanong lang.
2.1.2. SALAMAT ulet.
3. kapag manghihingi/hiram
3.1. ng ballpen
3.1.1. kapag mabait ang teacher, sa teacher nalang manghingi.. pag wala yung teacher, tatanungin pa niyan ang class kung sino meron.. tapos mapipilitan magpahiram ang meron.. tapos meron ka nang ballpen!
3.1.2. kapag masungit ang teacher, edi wag.. masermonan ka pa nun.. kesyo anong klaseng estudyante ka raw, pumapasok ng walang dalang ballpen. hiram nalang sa katabi... o kung wala.. dapat bago pa magstart ang klase ay nanghiram na.. kahit sa ibang section.. siguro naman may isang tao sa campus na may extrang ballpen.
3.1.3. mamitik.. haha. di ko pa natatry.. ewan. kapag walang tao siguro o walang nakakakita, kunin na ang ballpen na nakakalat kung saan.. preferrably ung mga ballpen na nabibili sa bookstore.. para di ka mapagbintangan..
3.1.4. SALAMAT ho.
3.2. ng papel
3.2.1. minsan sinasabi ng teacher, "bawal mamigay ng papel! limampiso isang piraso!". e kalokohan.. Sira ang reputasyon ng manghihingi ng limampiso para sa papel nya. basta go. wag nalang pahalata.. o kaya hingi na bago pa magklase.
3.2.2. kapag di naman sinabi na bawal, edi malamang, hinge.. pero dapat nakangiti.. kunwaring nahihiya.. wag demanding. bwiset mga demanding.. tapos pag nabigyan mo ng papel, magrereklamo pa.. bwiset talaga.
3.2.3. SALAMAT : )
3.3. ng pagkain
3.3.1. hay. mamimigay naman yan, unless madamot at gutom na talaga.. o kaya naman masarap/mahal talaga ung kinakain niya. Ikaw, ngiti lang ulet. hinge. tapos salamat. tapos hingi ulet. last na .. kunware.. tapos hingi ulet. hanggang ibigay na sa'yo.
3.3.2. Mamigay rin. do to no one what you yourself dislike. So wag mong gagawin ang ayaw mong gawin nila sa'yo.. Wag kang magdadamot kung ayaw mong pagdamutan ka nila.. yun. at... SALAMAT ulet.
3.4. ng kotse (makikisakay)
3.4.1. Siguraduhing magpapasundo/magdadrive ung host. tapos tanungin na kung pwedeng pasabay.. paTANONG ha.. masmagandang approach yata yun.. kesa sabihing "pasabay". pag patanong kasi, parang okay lang kahit "hindi pwede" ang sagot. tsaka maayos ang pakikitungo.. mukha kang mabait. e pag "pasabay", tapos hindi pala pwede, edi nagalit pa. edi lalong di ka na pasasakayin... although pag kay Pasa naman, sige lang nang sige. konduktor natin yan e.
3.4.2. Alamin muna kung may nakasakay sa loob.. Kung okay lang naman sa inyo na kasabay ang lola ng kung sino sa loob ng kotse, odi go.. Kung di naman, tumingin-tingin muna habang paparating ang kotse.. Pag nabukas mo na ang pinto at may tao pala, no choice, tatabihan mo kung may pwesto pa..
3.4.3. Ipaalam sa nagdadrive kung saan bababa, magpaalam rin kung wedeng pasabay.. manners nalang. Tapos pagbaba, sundan ng SALAMAT.
No comments:
Post a Comment