This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Wednesday, September 17, 2008

Bata, bata, ... bata ka pa ba?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

wan...

wan...


wantutri!
asawa ni Marie!
Araw, gabi...
walang panty!

asawa ni Marie? walang panty? o o o... kung babae si Marie, edi ang asawa niya ay... lalaki? o baka hindi rin kasi may same-sex marriage na ngayon..pero wala pa yata dito sa Pilipinas (o meron na?) kaya malamang sa malamang, ang asawa ni Marie ay isang... LALAKI.. at malamang, wala talaga siyang panty. o kayo bang mga mambabasang lalaki, may panty kayo?

haaay

bakit kaya wan, tu, tri? bat 'di nalang ey, bi, si? rhyme pa rin naman.
bakit kaya asawa ni Marie? e lalaki nga 'yun.
bakit kaya kelangang banggitin ang "Araw, gabi"?
at ano'ng meron sa panty? bat di nalang... walang bra? a kasi hindi rhyme.. o bakit hindi nalang kaya...walang ari? ay meron naman daw.. pero diba mas may sense kapag yun nga? o mas "katawa-tawa" kung 'yun nga ang gustong iparating ng lumikha nyan.. . hmm.. o basta, andami diyang "eeee" rin ang dulong pantig, bat di nalang 'yun?


Pambihira.. Puro nalang bakit.. Pero ba't nga? KASI... kasi bata! 'Yan lang ang maisip kong dahilan.. kasi BATA! Inosente, malikot, maLARO. Kahit ano pa 'yan, basta mukhang laro, sige, laruin ng bata.

Hay ang saya maging bata... Laro-laro lang. May nanay na sana'y nag-aaruga. Nag-aaral para matuto.. hindi para maka-uno. Walang pinoproblema kundi laruan at pagkain. Isang candy lang, abot tenga na ang ngiti. Ang saya naman maging bata.


(lagyan natin ng crossroad)

a. Ang saya naman maging bata... (right road)
Hay. Sana bata nalang ako? Oo. Mayroong parte sa'kin na gustong maging bata muli. Walang iniisip na assignment masyado. Hindi problemado sa grado. Hindi problemado sa pera. Ewan ko ba. Tinutuklas pa lamang niya ang mundong puno ng karahasan at pinaliligiran ng mga alagad ni Taning. Ang saya!!! Pero sa isang banda, ang pagkabata... nawawala. Sa normal na tao, hindi habang buhay kang magiging bata. TATANDA KA. sa ayaw mo't sa gusto, TATANDA KA. TATANDA't mamomroblema. Problema sa kaklase, problema sa pag-ibig, problema sa anyo ng iyong guro, problema sa mukha. At kahit pa bumalik ka sa pagkabata, dadaan at dadaan ka rin sa problema. Kaya 'wag, Duwag, wag umatras... abante lang. 'Pagkat bata man ay masaya, umiiyak rin.

b. Ang saya naman maging bata..(left road)
Pero pa'no.. pa'no kung mali ang akala ko... Hindi pala basta bata, masaya. Meeeeeeron ding mga batang.... pagkasilang pa lamang, itinatak na ang kalungkutan sa kanilang kainosentehan. 'Yun ngang nasa Hagulgol ng Inabuso, Halakhak ng Abusado... Merong mga sa isang benta ng sampaguita, tuwa na. At pag binigyan ng kendi, imbis na matuwa, makikipag-away pa sa mga kapatid. Meron ding makikipaghabulan sa mga jeep.. at kapag mahabol, papasok saka mamimigay ng mga envelope sa lahat ng pasahero.... SWERTE NA kung may magbigay (pero ako, hindi ako nagbibigay). "Salamat" nalang ang masasabi ng mga bata.. O minsan talaga, dahil kulang sa turo, takbo nalang. Meron ding pag mahabol, pilit na lilinisin ang mga sapatos ng pasahero (kung paglilinis nga ang tawag doon) atsaka hihingi ng "bayad" na opsyonal naman. Minsan, pagpatak ng red light.. susugod ang mga batang paslit, kakatok sa mga bintana ng sasakyan, manlilimos. Kaso meron din namang mga bata.. pagpatak ng pulang ilaw.. susugod sa mga trak at... at magnanakaw ng bakal... HAY BATA. Bata ka pa ba?
Tunay ngang kay laki ng epekto ng karalitaan at kapaligiran sa inosente't kay-daling-tirahing utak ng bata. Sapagkat sa pagkabata, unang namumuo ang konsepto ng prinsipyo, ambisyon, at ng mundo. Kaya naman kung sa pamilyang kinalakhan ay may barumbado/lasenggo/mala-demonyong tatay, at ang ina mo nama'y nagpapaalipin, naku ewan ko nalang. [Ewan ko nalang! palagi nalang akong nabibitin kapag nasa mga ganitong part (dulo)].

Kaya naman ikaw, bata, sa murang edad, magpakabata. Magpakasaya. Lumigaya. Nang may marating kapag hindi na bata. O ano, bata, gusto mo pang bumata?

No comments: