This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Sunday, September 28, 2008

Mali Siya

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - WARNING: EXPLICIT CONTENT BELOW. Bawal sa mga sobrang banal at walang bahid ng kaberdehan.







Pepe. Birdie. Pipi. Wiwi. Pupu. Dodo.

John: "Sampung mga daliri. Kamay at paa. Dalawang tenga. Dalawang mata. Ilong na maganda... Mommy, mommy, e dito (points at his sexual organ), ano pong tawag dito?"

Mom: "ah yan ba, yan ang Birdie. You use that to make wiwi. Dati you use diapers pero now that you've grown up, you'll have to wiwi at the toilet okay?"

John: "Okay mommy. You have a birdie too?"

Mom: "No son, we girls have pipi. Now don't you talk about that to anyone, okay? It's impolite."

John: "Okay mommy."

Sa segundong kinagat ni Eba ang prutas ng karunungan, NAGKASALA NA ANG TAO. Sa oras ng pagkakagat, nagka dunong ang tao - Tinakpan ang buong katawan, Dinamitan ang mga bahaging maselan.
Maselan? Sino naman ang nagdikta sa dalawang yan na maselan ang mga bahaging iyon? Bakit, ang mata ba, hindi maselan at bastos? Nagdudulot ito ng kasamaan, hindi ba ito bastos? Ang bibig, hindi ba maselan at bastos? Bumibigkas ito ng kasamaan, hindi ba ito bastos? Ang tenga, hindi ba maselan at bastos? Pinakikinggan nito ang kasamaan, hindi ba ito bastos?
Marahil magkaiba sa hitsura, pero pareho ng importansya.
Sa hinaba haba ng panahon, ang ari ng lalaki't babae ay itinatak sa utak ng mga bata bilang isang bastos at hindi pinag-uusapang bagay. 'Yan ang karaniwan. Ginawang ibon ang ari ng lalaki (birdie), gayun din sa babae (dodo). Bakit kaya hindi nalang Penis? Vagina? Uten o kung ano man? Pareho lang naman ng ibig sabihin.

Titi. Pekpek. Pokpok. Kantot. Ebak.

Dahil sa mga kalintikang pagtuturo ng mga magulang at nakatatanda, umusbong nang umusbong ang mga salitang kanto, pare-pareho lang naman ang ibig sabihin. Kantutan, jugjugan, tirahan, anuhan! Hindi nalang sabihing nagtatalik.

Ang bastos ko ba?
Kung oo, ikaw ang bastos! Binibigyan mo ng malisya't kalaswaan ang mga sinasabi ko, normal lang naman at nangyayari ang mga ito.
Ang ari ay linikha para gamitin at hindi ikahiya. Ang pagtatalik ay nananatiling NEED at hindi maiiwasan.
(call me blasphemous)
Sinasabing pinako sa Krus si Papa Jesus para isalba ang mga tao sa likas na kasalanan na linikha ni Eba't Adan. Iniligtas Niya tayo sa kasalanan. Iniligtas niya tayo sa MALISYAng gawa ni Eba't Adan. NALIGTAS NA TAYO. Kaya ikaw, ano pa't tinuturi mong bastos ang iyong katawan? HINDI NA. Naligtas na! 'Wala nang bastos.

Don't get me wrong.
Hindi ko sinasabing hubarin niyo na ang mga panty, brief, bra at kung anong suot niyo. Ang katawan ay nananatiling templo ng Espiritu Santo kaya dapat galangin at hindi bastusin. Ngunit nasa sa atin kung lalagyan natin ang ating mga katawan ng mga malisyang hindi naman kailangan. Buksan natin ang ating mga mata, walang bastos sa batuta ni Adan at kuweba ni Eba.
O ano, explicit pa ba?

No comments: