This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Wednesday, February 4, 2009

Blogista, Blogera, Blohente, Blogero, Mamamlog, Bloheño, Taga-Blog, Blogano, at kung anu-anong kaBlogastugan

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

tangina talaga ni ser! napakawalang kwenta magturo, bigay pa nang bigay ng kung anong walang kwentang project!

putarantado talaga yang si mateo nanlalamutak na naman sa taco bell

lintek na lider yan o. wala nang ginawa kundi lumandi nang lumandi. ayan babagsak tuloy kami.

to write love on her arms.. .jusko maglalaslas nalang ako.

baket ba ganito ang buhay? puro nalang wasak na pag-ibig, wala nang ligaya, magpapakamatay nalang ako.

When I'm with you, my heart is so true.. you're the only one who makes me happy, i want you to know

ang korni poh ng ibang tao juhn. yung mga patahmah nang puhtama puhta rin poh kayuh :P

naglaro ako ng xileRO! lvl 99 na naman as usual! rock on!!! \nn/.

hElLo pOh sA inYunG lAhAtzZ1 bAgO lAng pOh aKo dIto kyAh pAgpAxEnxaHaN nYo nA mE!


-------
Ang mga pangungusap na nasa itaas ay karaniwang mababasa sa:
a. GM!
b. Self-Centered Messages???? (uuuy di alam)
c. Status sa Y!M?
o d. sa BLOG!


sagot mo?
A? mali ka.



B? mali ka rin...



C? mali ka rin....



D? Tama ka (kunware)!
sa totoo lang, all of the above (kung sa kaso ko). Pero wala akong paki, D ang pokus ko, dahil D ang mahalaga, at D ka maganda. labo.
Sige, ang unang impression daw ng ibang tao sa pagbablog ay "RANT"ing - dada nang dada, walang kabuluhan, ingay, puro reklamo, puro pang-aaway, PURONG KALOKOHAN!
(wooo, una lang ba? o baka kahit hanggang ngayon?)
Pero ang di niyo alam (o baka ako lang) , ang pagbablog ay isang pagbabago para sa kaunlaran. Kahit anong iblog mo, makakabuti sa'yo, (wooo di rin).

bwiset wala akong pinatutunguhan, takteng draft kasi yan nabura
Sige, eto, pinapakilala ko sa inyo si
Bobo Blogago

Si bobo blogago ay isang walang kwentang taong gumawa ng isang blog noong siya'y nasa 2nd yr pa ng high school, at ito'y sa tulong nila krizia. Oo, gago yang si bobo blogago eh. Saksakan ng kabaklaan ang pinagpopopost. eto ha, iquo-quote ko: "ummm.... not really busy koz sa tuesday pa assignment sa theolo9y... then, i'm busy in YAho0 Mes$EngER!!! wahahahahah! y changed?
kase... tungkol sa SC ng skul toh!k?June 30, 2005 " tae ikaw ba naintindihan mo. hahaha. bwiset e no. nakakaloko. Pero hoy, 'di naman nanatiling ganyan si Bobo Blogago. eto nga o. july 25, 2006 - tuesday/ good evening............................/ /\/\/\/\/\/\/\/ haha! no classes again today! ^_^/ I'm about to play Ran . so bye^^/ *ummm. i've watched Naruto episodes again.. ^_^ i am now on episode 185 ^___^" Ayos ba ang improvement? font palang, kitang kita na ang improvement. At syempre, 3-4 years ago pa yang mga yan.... pa'no na kaya siya ngayon? di ko alam eh.

kita niyo, ang blog ay hindi lang basta diary. isa itong hayag na diary. isa itong paraan ng komunikasyon. Hindi ka ba marunong magkwento nang harapan? Pwes, eto si Multiply, siya ang magkekwento. Hindi ka ba madaldal pero madami kang naiisip? Eto si Blogger o, siya ang puputak. Sa pamamagitan ng isang blog, malaya mong naipapamahagi ang sarili mo, bukas sa mundo... sabi nga ng speaker dun, "SELF-EXPRESSION". Gusto mong magkwento pero walang makikinig sa'yo? IBLOG MO!

Malayang Paglalahad. Ayos bang pakinggan?! Sino ba naman ang ayaw niyan? Inis ka? sige mablog ka lang! IKAW NGA ANG BAHALA! Tutal, paraan rin nga itong makipagkilala at magpakilala. Sabi nga sa survey, ang mga nagbablog ay nagbablog :
  • in order to speak my mind on areas of interest
  • To share my expertise with others
  • To meet and connect with like minded people
  • To keep friends and family on my life
  • To get published or featured in traditional media
  • at syempre, to earn
alin ka jan? May dalawa pa yan e, di ko lang nakopya.
MALAYA ka naman raw..... blog mo yan, ikaw ang bahala riyan! at least... un ang sabi ng iba. ganto pa nga raw: THIS IS MY WORLD, YOU JUST LIVE IN IT!!! hayop e no.

Pero syempre teka lang, may kasama yang si Bobo Blogago...
si Ipokritang Blogista!

"Ako si Ipokritang Blogista! Alam niyo, magaling ako magsulat. Pero hindi ko 'to sinusulat para sa inyo. Sinusulat ko 'to, para sa'kin lang. Kaya kayo, BAWAL KAYONG MANGIALAM! Sa'kin 'tong blog na 'to! Nagsusulat ako para sa kaunlaran ng bansa, pagsulong ng kalayaan, ikagaganda ng sining, at hindi para sa inyo! Kaya kung wala kayong magandang masasabi, WALA AKONG PAKI, BLOG KO TO!!!"

Wooo, WALA RAW!

Kanina, bago 'ko pumasok sa acle tungkol sa blogging, may tanong na'ko agad sa speakers, "nagbablog po ba kayo para sa tao, o para sa sarili niyo?" Pero sadyang napakacommon na yata ng tanong na yon dahil kahit di na naitanong, palaging kasama sa talk nila.
NAGBABLOG KA PARA SA READERS! Ano ba, para san pa yang comments box jan o Sa mga hindi nakahalata ng aking pahiwatig, diretsahan na: MAGCOMMENT KAYO! Kung hindi, edi sana nagdiary ka nalang. Kung takot ka sa kritisismo, sana nga nagdiary ka nalang. Kung ayaw mong may makabasa, E SANA NGA MAGDIARY KA NALANG LINTEK NA.

(nga pala, humihingi ako ng tawad kela bea s. haha. nagcomment kasi ako dun sa blog ni berna na nagdedefend sa kanya. oh well. nananatili pa rin naman ako sa side ko, haha basta , sorry ulit.)

Kaya ikaw, Ipokritang Blogista, hindi pwede yang sinasabi mo! Kapag ba pinarangalan ka sa blog awards o ng mga journalists at sinabing ang ganda ng blog mo, sasabihin mo sa kanilang "WALA AKONG PAKI! THIS IS MY WORLD, YOU JUST LIVE IN IT!"? syempre hinde. ipokrita ka lang.

teka eto pa pala, kung may Ipokrita, may Responsableng Blohente

"alam mo gago talaga yang si mateo e. pambihira ginagawa niyan sa admin eh. baboy na nga curriculum, dagdag pa nang dagdag ng tuition. dapat talaga MAMATAY NA YAN."
WOPS WOPS WOPS. FLAGRANT FOUL!

Oo nga, may blog ka na, may kapangyarihan ka na. At sabi nga, BLOG MO YAN, IKAW ANG BAHALA! Sabi nga ni Spiderman... o batman.. o ni superman.... o ni sinuman, "with great power comes great responsibility." Syempre, sa pagbablog rin. KASONG LIBEL ayan o. Hindi naman yata pwede ung tira ka nalang nang tira. mananagot ka rin, tanyo ung mga sa quesci na nagblog yata tungkol sa admin nila, ayan muntik yata masuspinde. hala kaaaaaaa.

Asuuuus, okay lang yan, exposure rin yan, tamo Si Kat, sikat! sino ba naman ang ayaw sumikat? (AKO). biro mo maibabalita ang blog mo sa ganto ganyan, o diba gusto mo rin. Pero teka, tama na sila, sa Blogerong si Gelo na muna tayo...

-------------------------------------------(ininterview ni Bobo Blogago, Ipokritang Blogista, Responsableng Blohente, at Si Kat ang Blogerong si Gelo)

Bobo Blogago: So, Mr. Blogero, how did blogging change.. ummm.. your life ^^?
Blogerong si Gelo: Loko. life ka jan. pero sige na nga. Heto ha. Etong pagbablog na 'to, wala tong naitulong sa aking acad life, lablayf, family life, pero masasabi kong mas pinabuti ako nito bilang isang tao. Gago ka ba, baka kung di pa 'ko nagsimulang magblog nung kapanahunan mo, baka kagaya pa rin kita magsulat hanggang ngayon, nagiging 9 ang g, at z ang s. sira.
Ipokritang Blogista: Ikaw Blogerong Gelo, hindi ka ba naiinggit sa pinagpipitaganang ako, marangal at may dignidad, may prinsipyo at may pinaglalaban, DAKILA AT PARA SA BAYAN!?
Blogerong si Gelo: HALA PINAGLOLOLOKO ANG SARILI! Ano ba'ng napapala mo sa pagpipiling na para sa'yo mo sinulat yang mga yan? Hangin sa ulo? nako di maigi yan. Ang blog nga kasi ay likas na para sa mga nag-iinternet, para sa mambababasa. e para san pa yan kung hindi mababasa? hangal.
Si Kat: Yezzzz naman idol na talaga kita! pakiss nga! o teka, pano kung walang bumasa ng blog mo? walang magcomment? Edi hindi ka sikat, di gaya ko. At wala nang kwenta yang blog mo?
Blogerong si Gelo: Hirap na tanong niyan a. baka maging ipokrito pa 'ko....Siguro ganon na nga. Bigo ako sa pagbablog, pero hindi ibig sabihin nun, titigil na 'ko. Ibig sabihin lang nun, alamin ko kung ano kulang ko o mali ko, tas yun, pag-igihan.. e kung wala talaga, baka hindi para sa'kin ang pagbablog... pero.. kung nagsasaya naman, edi sige lang.
Responsableng Blohente: naks naman.. E kayo po, ginoong blogero, sa tingin niyo ba ay responsable kayong blogero?
Blogerong si Gelo: tingin ko naman, oo. paminsan-minsan may galit ang mga posts - dahil bumagsak sa math, walang nangyari sa report, nalampasan - pero responsable naman yata ako. Masmaganda yata kasi kung ang titirahin mo ay yung ugali at hindi ung tao. Ayun. Pero ewan, kung may pagkairesponsable man, malalaman ko rin yan... Saka dun sa mga taboo topics (para sa iba) tulad ng sex, kaya ko naman yatang panindigan ang mga sinabi ko. Kung hindi man, edi babawiin. Gaya nga ng sabi ko, responsable naman yata ako.
Ipokritang Blogista: O teka teka. e tutal nagsusulat ka para sa mambabasa, di ba naiiba ang mga sinusulat mo?
Blogerong si Gelo: Hindi naman. Sinusulat ko pa rin naman ang nararamdaman ko. Sabi nga, "feelings are never wrong". Medyo imanipula lang natin. Saka, mahalaga nga pala: iba
Ang Blogero at Si Gelo. Minsan, may mga nabablog ako na medyo siguro nakakapanibago, pero kung ano siguro 'ko sayo sa personal, ganon ako. la namang magbabago. Si Gelo ang kumokontrol sa Blogero, at hindi baligtad.. Hindi ung basta kung ano mangyari kay Gelo, ibablog na ng Blogero. Si Gelo ang nag-iisip ng ibablog niya, kontrolado niya ang pagbablog niya.


Kaya naman siguro, ang tanong nalang dito, magbablog ka na ba o hindi pa?
a. ang hirap sagutin
b. magbablog na!
c. never
d. hindi pa

syempre alam niyo na ang sagot.......D! Dahil D pa kayo nakakapagcomment, magcomment muna. tas game, comment din ako sa blog mo.

No comments: