Paunang salita: Ang classroom/office at ang buhay/mundo ay magkaiba. Iba rin ang dunong sa kaalaman.
May mga kaalamang hindi kailangan malaman pero inaalam kaya sa huli, sana 'di nalang nalaman.
Wish mo bang magkasuperpowers? Lumipad? Makagawa ng apoy o yelo? Kumontrol ng tao? Ipatotoo ang ilusyon? Baliin ang oras atbp? Wish mo lang. Malay mo magkatotoo. __ 'Wag pala. Baka naglolokohan lang tayo. Noon, wish ko, nakakabasa ako ng utak. Para diba, makopya ko ang sagot ng kaklase ko, maunahan kong magtaas siya ng kamay sa recit, malaman kung sino ang crush ng crush ko, malaman ang gusto ng tao, atbp. Pero ngayon, naisip ko,___ gusto ko nga ba talagang MALAMAN ang mga bagay na iyon?
Pa'no kung sa paghahalungkat ko ng kaalaman sa utak ng ibang tao, makita kong linalait-lait pala nila ako. O kaya naman, crush niya 'ko, o kaya naman, papatayin pala niya ako. Pa'no? Lalayuan ko na 'yung tao kasi nilalait ako (sa isip)? Lalandiin, sasamantalahin ang pagkakacrush niya? Maghahanda sa pagtatangkang pagpatay sa akin? MAMOMROBLEMA AKO?!
Secret.
Iyan ang sagot sa huli at lahat ng tanong. SECRET. May mga bagay na kapag hindi sinasabi sa'tin ay may dahilan. Lahat pa nga yata. Hindi sasabihin ng prof mo ang sagot sa quiz kasi gusto ka niyang mag-aral. Hindi sasabihin sa'yo ng siyota mo na nangangaliwa siya kasi ayaw ka niyang masaktan o baka magalit ka sa kanya. Hindi ka haharapin ng backstabber mo kasi takot siya. Madami, kanya-kanyang dahilan. May mga bagay na hindi talaga kailangan ipaalam. Wag nalang magduda, mamomroblema ka lang. Sabi nga raw ni Bob Ong, "hindi mo kailangan maniwala, kailangan mo lang magtiwala. Bahala na ang iba kung ipapaalam nila sa'yo o hindi ang nais o ayaw nilang ipaalam. Kung hindi, para mong binuksan ang sent items ng kilala mo at nakitang pinagtataksilan ka nila. Maiinis ka, magagalit. Aawayin mo siya. Sino ang masaya? WALA. Sino ang may kasalanan? Ikaw. Inalam mo kasi ang 'di pinapaalam.
Pero oo nga naman, kung 'di mo tinignan ung sent items, 'di mo malalamang binabackstab ka pala. Mabubuhay ka sa kasinungalingan. Pero bago yun, masaya ka naman kasama siya. Bakit 'di nalang hayaang ganoon? Kung ako, bahala sila sa ginagawa nila, basta ako, masaya.
Kung ano ang sabihin sa'kin, 'yun lang ang kailangan kong malaman. Ang di sabihin, di ko na kailangan pang malaman. Mabubuhay nalang ako, magsasaya. Walang kaalamang ninanais at saka poproblemahin.
Gusto mo pa bang maging superhero? Hindi nalang. Masaya maging tao.
No comments:
Post a Comment