If the Philippines were a first-class country, i wouldn't kelangang magpakagago ng ganito!
Kung malakas lang talagang bansa ang bayan kong sawi, hindi ko na kailangan pang mag-aral ng ibang lenggwahe. Baka ibang bansa pa ang mag-aral ng lenggwaheng gamit ko. Isang hadlang sa personal na pag-angat ang pagpilit sa pag-aral ng ibang lenggwahe. Minsan nang itanong sa amin noong 1st year 1st sem sa Humanidades 1 kong subject, masmaganda raw bang tangkilikin ang wika at kultura ng ibang masmatagumpay na bayan kaysa gamitin ang sariling atin. Inosenteng musmos na galing sa hayskul na ang tingin sa isasagot nya ay matalino ang sumagot. Buksan daw ang bansa sa iba. Pagtanggi sa pag-unlad daw kung isasara ang bayan sa impluwensya ng iba. Kailangan nalang raw tanggapin na masmataas ang ibang bansa sa kanila dahil kapag hindi, lalaki lang nang lalaki ang agwat natin sa first-world countries. Ako yun. Sabay nagtaas ng kamay yung kagrupo ko. Masmaigi raw na tangkilikin ang sariling atin. Bago daw kasi tayo makausad, kakailanganin pa nating aralin ang wika ng iba na hindi naman talaga natin AGAD na mamamaster.
Palagay ko may punto kami pareho. Pero ngayon, masgusto ko yung punto ng kagrupo ko.
COLONIAL MENTALITY. 'Yun 'yun eh. Ang husay talaga ng mga kano. Marahil masyadong nainggit ang ating bansa, na talaga nama'y naghihirap, kaya pilit na inaral ang wika ng mga mayayaman, ang wika ng kalakalan. Tamo, halatang-halata ang pinaka dependent at asa sa ibang bansa. Proud na proud pa ang mga Pinoy na sila ang pinakabihasa siguro sa paggamit ng Ingles kung ikukumpara sa ibang bansang may sariling wika.
Nakakainis na ganito.
Palagay ko mahilig ako sa design. ... siguro. Nanunuod ako ng Top Design, Project Runway, Urban Zone, Cribs at kanina lang, Stylista. Sabihin nang pambabae, wala na tayong magagawa. Sinusubukan ko kasi kung may taste nga ko sa mga bagay na maganda. Natututo rin ako nang husto. Kanina lang, andami kong natutunan sa paggawa ng magazine (season marathon kasi yun). May namuo tuloy na pangarap sa'kin. Gusto kong maging editor, kahit anong editor, kahit di editor-in-chief, ng isang magazine...
... nga lang ay hanggang ambisyon lang 'yun
... malamang.
Hindi naman ako marunong sumulat ng Ingles, alangan namang in Filipino yung magazine. Cheap. Kadiri. Ambaduy. Pang-tabloid ang dating. Bobo. WALANG dating. Habang ang English, sleek, sophisticated and smart. Kung colonial mentality ba ito o national inferiority complex (na malamang ay imbento ko lang), wala akong pakialam. GANON TALAGA. Sumpain ang mga kano. O baka mastama, sumpain ang mga pinoy sa kahinaan nito.
Haha, kawawa naman yung mga sinumpa ko. Joke lang pala 'yun. Sumpain ako pag wala akong gawin para baguhin ito. Kasi kung wala nga, susumpain rin ako ng susunod na henerasyon.
alam mo kung gusto mo talaga ang pagsusulat o ang maging editor, di mo dapat isipin na kahinaan na mas kumportable kang gamiting ang wikang Filipino. why don't you set the trend? Tignan mo si Bob Ong, tagalog naman ung mga sinusulat niya pero tinatangkilik pa rin ng mga Pilipino. Ni minsan, di ko naisip na cheap, kadiri at baduy siya.
ReplyDeleteNaalala ko nung pinabasa moko nung blog mo dati tapos sabi ko dapat maging writer ka na lang. In denial ka pa kasi na un talaga gusto mo sa buhay. Bagay naman sau maging writer lalo na kung sa magazine ka magwwork kasi napapansin ko na for a guy, ang dami mong alam na kaartehan! haha :P
ok, nobela na to pero ineencourage lang kita kasi parati mo sinasabi di mo alam kung ano gusto mo sa buhay pero feeling ko alam mo naman eh, di mo lang pinakikinggan sarili mo mabuti. :)
haha. imaginin mo kaya. tagalog + magazine = enk. Kapag in Filipino din kasi, MAHABA. e less is more nga daw. Si Bob Ong naman kasi, libro ang sinusulat, walang limitasyon halos. 'Di yun magazine! haha.
ReplyDeleteNaalala ko tuloy ung confessions of a shopaholic. kung si bida ay personal finance ang sinusulat, ako tagalog. haha. wtf lang.
haha. syempre gusto ko yung masayang trabaho lang, art appreciative, di science.
Pero yung mga pinili bang maging engineer, scientist, businessman, etc, ginusto ba nilang maging ganon kaysa magtrabaho sa masining na mundo? parang di naman. Kailangan lang siguro talaga para mapera.
eh. haha. la ko sa sarili. di ko alam ung mga sinulat ko bago nito. basta, gusto kong magtrabaho sa ABS-CBN.
Tignan mo ung mga UP professors natin na may mga PhD na pero mas pinili nilang magturo sa UP. Alangan naman ginagawa nila un para sa pera? NAT! di sukatan ng tagumpay ang padamihan ng pera. Pero syempre kanya kanyang pananaw yan. Para sakin kasi, walang saysay ang buhay kung di mo ginagawa ang mga bagay na may "passion" ka. Kaya di matutong makuntento ang tao kasi di nila mahanap ung bagay na magbibigay sa kanila ng "self-fulfillment" kaya nagpapakasasa na lang sila sa pera para matakpan un. Di talaga nabibili ang kaligayahan.
ReplyDelete(hahaha, nagmamarunong nanaman ako! :P)
Heniway, ayaw pa kasi aminin, gusto mo palang maging artista? Try mo kayang pumasok sa bahay ni kuya! haha! :P
yes naman! alam mo pangarap ko din magmagazine. haha. although tingin ko wala pa kong ganong alam sa fashion (parang pointless noh? di naman. haha. pwede nmang matuto:). someday talaga! wag mo muna isipin na sisikat ka ba or hindi. lol. better na itry mo muna kung gamay mo yung ganon. why not create a multiplysite muna. yung pictures na gagamitin mo ay ikaw ang kumuha or ikaw mismo. ayusin mo yung layout na parang online mag. maybe ishare mo yung photos. use your own style sa pagsusulat and tignan mo kung may audience. hear feedbacks to improve. let's go! :]
ReplyDeleteyesss napatango naman ako sa sinabi mo. Haha. Hindi lang naman trabaho ang pangarap ko. May bahay atbp pa kong pangarap. At kailangan nun ng pera. Okay sana kung mahusay na mahusay ako sa media, baka yumaman din ako dun, pero mas safe na daan kasi pag acctg. gusto ko rin naman magtrabaho sa ADB kahit pano.
ReplyDeleteDi pag-aartista! haha. ano lang. ewan. basta, kahit anong may kinalaman sa media (pedeng direktor, editor nga ng mag nila kung meron man, editor ng kung anong kaanuhan sa tv) o kaya sa marketing.
@sam: oo pede namang matuto (haha akala ang galing na e). patulong ka rin kay neil.
ReplyDeletee tinry ko rin nga, see previous post. yung mamma mia (pero tinamad rin dahil di magkasya sa isang page). Ayoko naman sa multiply, masyadong ambisyoso (haha, galit kasi ako sa mga amateur na nagpapasikat agad). Grabe. para mo naman akong pagagawain ng sariling magazine. haha. pero ayos lang. pede rin. haha. Pagdating ng panahon.