Kakatapos ko lang manuod ng Mamma Mia.
'Yung anak, pinalaki mag-isa ng kanyang nanay. Summer love lang kasi yung ama, at nung nalaman niyang buntis siya e wala na 'to. Kaso tatlo yung summer love niya. Hala. Sino dito?
Ikakasal na 'yung anak. Hindi daw niya alam kung ano'ng gagawin niya. Sabi ng nanay, "you don't have to do anything." Icacancel nalang daw nila yung kasal at maiintindihan naman ng lahat. Huli si nanay. Naisip nung anak, ayaw nung nanay na matuloy yung kasal. Never kasi siyang kinasal.
Kaya kaya ng tao na magpakasaya para sa kasiyahan ng iba kahit na wala ito sa kagustuhan niya? Hanggang pelikula lang ba 'yun? Minsan pagbabawalan ka talaga ng magulang mong gumawa ng kung ano. Una, dahil tingin nila ay masama. Pangalawa, dahil di pa nila nagawa. Una, dahil tingin nila, kung ano ang di nila nagawa sa buhay nila, di yun tama. Pangalawa, dahil maiinggit sila. 'Yung una, maaaring bunga pa ng pagmamahal pero 'yung pangalawa? Tae na.
I. Totoo. Habang tumatanda, natututo. Bawat isa, tumatanda. Bawat isa, natututo. Bawat isa, alam ang tama. Bawat isa, tingin nila sila ay tama. Kahit ako eh. Isang beses, medyo pinag-uusapan yata yung karir ng bunso saka kung panong dapat niyang ginagawa sa hs, nakikialam ako. Sinasabi ko sa kanya kung ano'ng dapat niyang gawin. Tapos binulungan ako ng kunsensiya ko. "Gago. Ayaw mong pinangangaralan ayon sa karanasan ng iba sabay mangangaral ka ng masbata." Tapos itinigil ko na. Naging mas-aware na yata ako. Siguro may nabubuo talagang sense of authority ang time, ang age. Kapag masbata ang kausap ko, feeling ko madami akong maibabahagi at maituturong bagay na 'di pa nila alam. Kapag 1-5 years older, tingin ko kapantay ko lang. Kapag 6-14 years older siguro, may paggalang at taas ng tingin. Kapag 15+ older, medyo sarado na utak ko. Ibang henerasyon na 'yun. Kaya nga kapag ngayong may mga groupings sa iba't-ibang subject, malayong itanong ko ang edad ng kagrupo. Paki ko? Saka na siguro ako magtatanong ng edad pag kilala ko na. Para alam ko lang 'yung edad nya para masabing alam ko.
II. Maramot. Bakit kailangan mong ipagkait sa ibang tao ang sariling kawalan? Bitter. Isa sa 7 cardinal sins ang inggit. Ang isa pang tawag sa 7 cardinal sins? 7 DEADLY SINS! Papatayin mo ang iba sa pagkakait sa kanila ng mga bagay na di mo naranasan. Kapag nga naikait mo sa iba ang kinaiinggitan mo, ano ang mararamdaman mo? Tuwa? Tuwa na nalulungkot sila? Tuwa na hindi ka maiinggit sa kanila? Ang isang bagay na maganda sa inggit ay pede mo itong baguhin. Nasa pagtingin lang yan. Sobrang yaman ng kaibigan mo, ikaw hindi. Pede kang mainggit o pede kang mainspire. Pag nainggit ka, lilikha ka lang ng poot at kaaway, baka lalong di mo makamtan ang inaasam mong yaman. Pag nainspire ka, walang masamang mangyayari, lalapit ka sa tagumpay. Ganon din sa inggit sa karanasan. Pede mo namang hayaan ang ibang tao sa gusto nilang ginusto mo rin dati. Mainspire ka nalang at gustuhing gawin rin 'yon. O kung di mo na talaga magagawa, tanggapin nalang at matuwa sa tuwa ng iba. Ganon naman magmahal diba? Ano ang masmaganda? half happy (happy in a bad way) ka at malungkot ang iba, o happy ka at happy ang iba. Halata naman.
Subok lang. Nung dulo naman ng movie, kinasal rin yung ina.
3 comments:
haha! tama yung superiority complex pag older. mejo ganon din ako eh, nagmamarunong although minsan naman hinahayaan kong siya yung magisip. at hindi ko na rin tinatanong ang age. sinusubukan ko na ding hindi magpo at opo kahit mannerism ko na yun para walang inhibitions. pero ako ok lang sakin na ina-ate. kaso may responsibilities yun. haha. ayan superiority complex na nga
hindi ko pa din makita kung bakit naiinggit ang ibang tao. minsan feel ko oo lalo na sa parents. pero hindi ko magets kung bakit. di kaya iniisip lang natin na inggit sila pero hindi naman, inaalala ka lang talaga nila?
tama, para wala nang "inhibitions". saka pag kinuya/ate nga, parang nagpapakita nga na lamang siya (hindi lang siguro sa edad, sa ibang bagay pa).
hm e ung sa mamma mia, inggit ang labas e. kung nag-aalala sila, nagmamarunong sila. de basta, ung 1st dahilan, feeling nga nila mali yung gagawin natin. panget.
haha! yes that answers it. "kung nag-aalala sila, nagmamarunong sila". :] siguro minsan nagmamarunong para satin. kine-carry on yung responsibility to look out for us. pero gets ko din kung kelan na yung naiinggit. pag nagppower tripping na. :]
Post a Comment