This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Friday, July 31, 2009

Patagalan at Palapitan

Ilang linggo na ang nakakalipas, sinamahan ko si Mamang sunduin si Lola sa isang kainan dahil may kinita si lola - ang kaibigan niyang madre. Pede akong magblog sa mga napansin ko sa kilos at pananalita niya bilang madre pero maspipiliin kong magblog tungkol sa tagal ng di nila pagkikita. 9 years nasa ibang bansa 'yung madre. 9 TAKTENG YEARS. Pero nang magkita sila ni Lola, parang nung isang linggo lang huling nagkita.

Sabi nila, ang true friend daw e yung kaibigan mo na kung pano mo siya iniwan, ganon mo rin siya babalikan. Bale ayon sa kanila, true friend nga yung madre ni lola. Eh ako.... ewan.

Ilang buwan na, siguro tatlo, nang huli kong makita ang iba kong malalapit na kaibigan, pero andami nang nagbago at hirap na yata akong magpanggap na "parang kahapon lang." si A, sobrang bihira nalang ako ichat sa ym, at lately, di na nga. Minsan sa plurk din, pero lintek, hindi ako natutuwa sa mga sinasabi niya. Tila nang-aaway, tila naghahanap ng away, kung di man sa'kin, sa kung sino. Palaging galit at may pinagtatawanan. Kapag ako nagcomment sa plurk niya, nababara naman ako kaya di nalang ako nagsasalita. Keep your mouth shut nga daw pag walang masabing mabuti. Lahat rin ng yaya ay natatanggihan. Ewan. Si B, tagal ko na ring di nakakausap. De. Di naman talaga kami nag-uusap kapag may kasamang iba, gaguhan lang pagka ganon. Pero pag kami nalang, yun, dumadaldal siya. Sa chat, ganon rin dati. Pero matapos nung huli naming pagkikita, wala nang ganong pagchachat. Hindi na ko sumusubok kasi malamang sa malamang e mapahiya lang ako at walang magreply. Nagdadaldalan lang naman kasi kapag siya ang nagsimula. Si C, nakikita ko naman, siguro linggo-linggo. Pero bawat pagkikita, bumababa ang tingin ko sa kanya. 'Yung mga pananaw niya sa mga bagay, nagiging mababaw. 'Yung pagtingin niya sa tao, tila isang demonyo. Nagiging masmaarte at reklamador, insensitibo at manhid. Minsan ayoko na nga makinig sa mga sinasabi niya dahil puro kabsiraan lang ng ibang tao ang laman. Masyado na siyang magaling, at least sa tingin niya. Sinisisi ko ang bagong lipunang kinabibilangan niya pero ganon talaga. Si D ganon rin, nagiging masmababaw, sa'king palagay, parang wala na nga daw lalim. Kung makipag-usap ay tila pilit na pilit. Kung magpatawa e hindi ko alam. Parang nawawalan na siya ng dating sa akin, parang nawawala ang dating paghanga.

Hindi ko tuloy alam kung ako o sila ang nagbago. Kung ako ang nagbago, hindi ako makapaniwalang tinotolerate ko ang ganon noon. Kung sila ang nagbago, wala, nakakalungkot. Pero sabi nga ni E sa retreat letter niya sa'kin noon, parang tanga daw kung sasabihin niya sakin na wag akong magbabago. Lahat naman daw talaga ay nagbabago. Nasa satin nalang kung pano babalik sa dating pagkatao na kilala ng noo'y kaibigan at kasalukuyang tunay na kaibigan.

2 comments:

Samantha said...

haha. kung ako yan iisipin kong sila ang nagbago. maganda yung mga taong "right where you left me" type nga. hay. yun talaga yung true friends (parang inulit ko lang sinabi mo haha).

pag ganyan daw isipin mo yung mga bagay na nakapag-like sayo sa kanila. kasi it's inside them pa din naman. and maybe konting "tulak" lang e mddiscover mo na hindi naman sila totally nagbago. maybe ngkakataon lang. although i have to admit yung mga nagiging ganyan ang feeling ko hindi ko na nagiging close pa ulit kht BFFs dati. sayang. pero oh well may natitira pa din naman.

Aylene said...

yaan mo andito pa rin kami parati ni den. walang magbabago kasi mababaw naman na talaga kami from the very start (ahahaha!) at di ka namin kakalimutan kasi malapit na ung birthday mo at ang true friends, nanlilibre ng kaibigan! yehey!i miss you geloooo! ayiieee!!! dali, mag buzz ka lng pag nabasa mo to :)