Monday, August 24, 2009

Father And Mother, I Love You

(nakuha ko ang pamagat sa Lola ng kaibigan ko noong 3rd year high school family day)



Mayaman ako, kung tutuusin, sa kadugo. Lampas bente ang mga pinsan kong masmatanda sa'kin sa side ng ama ko. Lima naman ang pinsan ko sa mother's side. Masaya ang parehong angkan sa sarili nitong paraan. Gago-gago 'yung side ng ama ko. Marangal(?) 'yung side ng mama ko (takte ilang minuto akong nag-isip ng description ah). Ayos. Andami kong kamag-anak. Kahit siguro pauntiin ang bilang ng kaibigan ko, mayroong kamag-anak na Diyos (ok) na ang nagbigay. At gawa ng The Proposal, inimagine at hinangad kong balang araw, malalagay rin ako sa pwesto ng karakter ni Ryan Reynlods - mayaman sa kayamanan, sa kaibigan at sa angkan. Magkakaroon ng isang malaking pagtitipon kung saan lahat ay masaya at aking ibabalita na ako'y ikakasal na. Saka matutuwa ang lahat para sa akin at sincere na icocongratulate ako. Ansaya siguro talaga non. Meron akong kakilala na palagay ko ay gano'n sila sa kanila. Nakakainggit. Pero nagsisikap naman yata ako. Sa 67th bday ng lola ko sa mother's side, naghanda ang tatlong anak nya ng isang surprise party. Kasama kaming mga apo sa mga nag-aayos. Bihira 'yun - ang magkaresponsibilidad ala-school - sa sitwasyong pampamilya. Isang araw, nagkaroon ng tagong pagpapractice (para sa mga mangyayari sa gabi ng kaarawan) sa bahay ng pinsan ko. Naiwan kami ng ilan kong pinsan at ng bunsong kapatid, pati ng isang tita. Nag-usap kami-kami, normal. Natuwa talaga ako nun. Parang first time kong magpakalight sa family setting. Naramdaman ko ang layang makapagkwento at makapagtanong sa ilang kaangkan. Hindi na Isang Tanong, Isang Sagot. Gusto ko 'yun. Naglunch pa kami nang kami-kami lang at walang mapangilatis na mga mata kaya okay.

Ilang araw ko nang pinag-iisipan kung ano ang isusulat ko tungkol dito sa The Proposal. Alam ko na tungkol sa pamilya at sa madramang speech ni Sandra Bullock na "I forgot how it is like to have a family." Pero 'di ko alam kung ano ang eksaktong ilalagay ko. Ngayon, alam ko na.

Nandito sa bahay si ina't ama. Andito rin kaming magkakapatid. Nagyayang maghapunang sabay-sabay si inay. At sige, pinagbigyan. At sige, nainis lang ako.
Wala namang pag-aaway talaga sa hapagkainan. Sa utak ko lang meron. Nabanggit kasi yung pagkahulog ng kapatid kong babae nang tatlong beses sa likod ng tricycle. Syempre, dahil nangyari na yun sakin 1.5 years ago, at binanggit ko kay ina (na pinagsisihan ko) ulit nang mabanggit ung sa kapatid ko, nabanggit din nun na nangyari 'yun sakin (pabasa nalang ulit, baka di naintindihan). At syempre, nagsalita si ama tungkol do'n na nalimutan ko na dahil kinainis ko lang. Tapos napag-usapan pa 'yung pagshift ko. At eto namang si ama na ...secret... andami nang sinabi. Magpursigi daw ako sa mahirap dahil hindi ako machachallenge sa madali. Andami na niyang sinabi. (Putakte andami ko nang pansagot sa isip ko, ayoko lang dahil magkakagiyera. At malamang pag sumagot ako, may mangyayaring masama na para sa'kin ay maganda siguro. Mauuwi malamang sa layasan at iwanan, iyakan at kasiyahan. Magkakaroon ng drama ang buhay, na siyang gusto ko, pero di ko kaya.) Syempre si mama, na kahit papano'y naiintindihan ako, sinagot siyang pasarkastiko na hindi rin nya marahil nagets. Tapos nagjoke si inay at nagtatawanan ang mga kapatid ko, hindi rin nagets ni ama, kaya sinigawan ung kapatid kong bunso, kawawa naman. Madali kong inubos ang pagkain ko at pinulot ang sira kong tsinelas (gawa malamang ni ama) saka mabilis na lumabas sa dining room. Nag-internet. Nagplurk na HATES FAMILY DINNERS. Masayang nakipag-chat sa mga kaibigan. At 'yun, back to normal... actually, kanina pa yata normal.

OA ko lang siguro.

Pero pa'nong sa madaming relatives ay magagawa kong mag-announce ng importanteng bagay kung sa magulang ay hindi ko magawa dahil sa OA na reaksyon na kinaiinis ko lang? Ewan ko. Bahala na. Gusto kong magkaroon ng masayang pamilya. Hindi naman yata 'yun ideal.

-----


sana pala gumawa nalang ako ng storyang kunwari'y piksyon na iba ang bida para di ganon kamukhangmiserable ang buhay ko.

No comments:

Post a Comment