Collection
Nilabas ang resulta ng 2nd long exam namin sa Stat 101 kanina. 2 weeks ago pa dapat yun, kaya lang e umalis si ma'am at walang klase last week. Excited ako kasi feeling kampante ako sa ginawa ko. 79% ang grade, w/ +3% na yun para sa bonus question. Anlungkot ko. Apat ang line of 9 sa klase, 94, 95, 95, 97. Pakshet. Kung Math 17 'to, masaya pa siguro 'ko. E hinde. Nung unang exam, 81% ako. Masaya ako non. 2% difference lang, nalungkot na. Labo.
Presentation
Pero narealize ko, 'di talaga ko dapat naging masaya no'n. Kaya lang naman ako naging masaya non ay marahil,
1. kasabay nilabas ung resulta ng econ exam na uno pag tinranslate.
2. nung math 53 ko, 80% ako nung first exam kaya feeling ko, dito rin sa Stat ay makaka 1.25 ako.
3. Sinilip ko grades ng mga katabi ko at masmababa sila sa'kin.
Analysis
Pero isa lang ang sample sa sariling kong survey at ako 'yun. WALANG mean, median, mode, variance/standard deviation, skewness na makakaapekto sa kasiyahan ko sa natamong grade dahil hindi nagpapadala sa resulta ng population ang transmutable. Ang 79 ay 2.25. ang 81 ay 2.0. (pag pinagsama, ang 80 ay 2.0). Kapag dinagdag ko 'to sa kasalukuyang GWA ko, BABABA ANG GWA KO. Kaya naman cinompute ko na ang pinakamataas na posible kong makuha, assuming na 80 ako sa dalawang quiz of 4 na 50% ng total grade at 100 ako sa lahat ng iba pang quiz at iba pang components. Ito ay 95 at pag cinonvert yata ay 1.25.
Interpretation
Saturday naganap 'yung exam na 'yun. Friday night, birthday party ng kaibigan ko hanggang madaling araw. Tapos, natulog kami sa bahay ng isa pang kaibigan. Gumising ako ng 7 o 8AM para magbasa. Niscan ko lang yung libro ko nang sobrang sandali dahil walang maabsorb ung utak ko gawa ng pagkabangag dahil siguro puyat at bagong gising. Natulog ulit ako at inantay ang mga kaibigang magising. 1 oclock ang exam. 12 o clock nasa bahay pa rin ako nila. Late ako ng 30 mins o 1 hr yata sa exam pero natapos ko naman, 'di lang nareview 'yung sagot.
Nangyari na rin 'yun sa'kin last school year second sem. Lasing pa nga kinagabihan. Hindi ko alam 'yung naging resulta ng exam dahil di sinabi, pero malamang mataas dahil mataas ung final grade ko.
Conclusion diyan, hindi pwedeng uminom lang at hindi malasing. kailangan malasing para tumaas ang grado.
De gago. Ilang linggong inaral 'yung chapters 3-4 at wala pa yatang 30 minutes akong nagreview. Anong tawag mo diyan, RESPONSABLE? Palagay ko hinde.
Isa itong wake-up call para sa'king nag-aambisyon makalipat ng kurso.
Exam ko sa econ sa linggo. Check-up, gradeschool reunion, debut ng friend ko sa sabado at malamang, OVERNIGHT AT INUMAN 'yun. Gagawin ko na naman ang ginawa ko pero hinde, NAG-AARAL AKO NGAYON NANG HUSTO at hindi lang 10 minutes ang ilalaan ko sa pagrereview.
Kailangang gumising, andami ko nang bangungot ngayong sem
* 'di na 'ko nag-aral matapos makakuha ng mataas na grado sa econ. Ngayon, nagdurusa ako sa pagbabasa ng anim na chapters sa loob ng tatlong araw na puno rin ng gagawin.
* 'di ko pa ginagawa ang malupit na paper sa MPs 10 na siyang may pinakamalaking impluwensiya sa grado ko.
* oo ako nang oo sa Stat pero pag next meeting na, nalimutan ko na halos lahat.
* wala pa kaming proposal sa Stat
* 'di ko pa ginagawa ang mga papel sa Comm 3 at English 11.
Kailangan nang gumising, dahil kung hinde, mamamatay ako sa bangungot.
1 comment:
"3. Sinilip ko grades ng mga katabi ko at masmababa sila sa'kin."
-haha!
"kailangan malasing para tumaas ang grado."
-haha isa pa to. minsan talaga may element ng reverse psychology. operative word is minsan. hahah
go aral lang. dapat nga. nagigising na din ako. mxadong kampante at pasarap mdalas. haha. good luck gelo.
Post a Comment