Isang linggo na 'kong puyat (puyat = 3am onwards ang sleeping time). Minsan, dahil wala lang. Minsan, nagtatrabaho.
August 27-28, naghahanap lang ako ng letrato ni Lyka para sa isang video para sa kanya. Mahirap maghanap ng letrato ng di ma-internet ah. Ginawa ko na yata halos lahat. Sobrang pagkastalker na 'to. Pero bigo pa rin. Pambihira. Nakuha ko na nga lahat ng pangalan ng mga taga BA EC na kabatch nya eh at hinanap isa-isa sa facebook. Ginamit ko pa account ng isang kaibigan para tignan kung may pics ba 'tong isang friend niya sa facebook na friend din ni Lyka (wala). Inadd ko na rin yung mga di ko naman talaga kilala (one time meeting lang), para lang mapagkuhaan ng picture niya. Inisa-isa ko mga multiply, friendster, facebook ng lahat halos ng pwedeng pagkuhaan ng pics ng 13, 24, 35, at 41. Basta, mahirap rin. Tapos saka inedit.
August 29, nakatulog ako nang mag aalas-singko na ng umaga sa sofa habang inaantay magawang avi yung video. Nagising ako ng 6:30 yata dahil naramdaman ang araw. Pupunta sa doctor kaya ginising ko si Mama na ayaw pa yatang pagising kaya tinuloy ko ang tulog ko sa sofa. Saka nagising sa ingay ng laro ng kapatid ko ng mga 9am na. Handa, alis. Naka-uwi ng 3PM pagtapos magpadoctor at kung ano. Umalis ng 3:30PM para pumunta sa gradeschool reunion.
Anlaki ng pinagbago ng mga tao. Pero syempre, may mga katangiang nandun pa rin. Takte talaga. Gago as usual sila S, pero masgago na, sobrang gago. Si Do di ko ganong nakausap, medyo nawala yata ung pagkaadik at pagkabaliw niya, pero hot na hot, haha. Si Du grabe di ko namukaan agad, wala na kasing salamin, nagyoyosi na rin, good boy gone bad. Pero nang medyo makainom-inom na yata e ayun, nakausap ako sa isang tonong pamilyar, 'yung dati. Si K sira ulo pa rin pero nakikita kong mabait. Yun, dami pa. Nakakamiss sobra. Naalala ko tuloy bigla 'yung gradeschool life na masaya rin naman. Sayang lang dahil may pupuntahan pa 'kong debut at kinailangan kong umalis nang maaga. 4-7pm akong naron. Tipsy akong umalis pero nawala nang magkasense of responsibility para sa bday surprise kay lyka, dahil na rin siguro dun sa babaeng nakasabay ko sa jeep na lasing at nilalandi ako, nagpapapicture pa, buti nalang nasa brookside na ko nun. Masaya 'yung gabing 'yon. Muli kong nakita ang ilang 35 classmates na matagal ko na ring di nakikita. Ang haba ng hair ni A at ang lambot lambot, pambabae, haha, katuwa. Sira ulo yung host. Korni. Nakakainis. Pero minsan nakakatawa. Gago. Natapos ang programa nang hindi napeplay yung videong pinagpuyatan ko ng ilang araw. Ok lang, palagay ko panget rin dahil gawa 'to ng bangag. Sabi ni Tita iburn ko nalang daw (yun ang mali ko, di ko nilagay sa CD dahil wala akong oras at akala ko, sa laptop ipeplay at may projector, maling akala.) pero ewan ko. Parang may kopya din naman kasi si Lyka ng mga pictures niyang pede nyang tignan kahit kelan, hindi ko alam kung maseserve pa rin nung video yung purpose niya. 'Yun. Mga hatinggabi, umalis kami at nagpuntang Eastwood, kumain sa Favoli's, saka pumunta sa Metrowalk at nag ktv. Saya. Hindi naman talaga ako kumakanta. At salamat dun, nakakanta ako. Hindi kanta sa mic, kanta lang. Maingay kasi, lahat naman ay kumakanta. Kaya okay lang na kumanta ako nang husto dahil wala namang makakarinig. Masarap rin ang feeling. Medyo namaos. Medyo lang.
August 30, umuwi kaming magfafive na. Nakatulog kela jc nang mga 6. Tapos nung magnanine na yata, nagising ako dahil nagsalita sila Krizia at Wesley. 'Yun. Sobrang inaantok pa rin ako. Nakakatulog. Pero kailangan kong umuwi agad dahil magrereview pa ako ng econ. NAGSHUSHUTDOWN ANG UTAK KO. Madalas, namamatay nalang bigla at nakakatulog. Nawawala ung mga iniisip ko sa utak ko. Hay pambihira. Nang makauwi, agad akong naligo, saka nag-aral ng mga hindi ko pa naaaral at nagreview ng anim na chapters. Dumating ako sa UP, saktong 1pm. At yun, shutdown moments ulet. Habang nageexam ay naaalala ko 'yung mga nangyari nung aug 29. Naalaala ko ung gradeschool reunion at yung birthday ni Lyka. 'Yun ang naiisip ko. Pambihira. Napunta sa recycle bin ang mga pinag-aralan ko. Tang inang exam yan. Lalo na yung essay part. Tang ina talaga. Oh well, i only have myself to blame. Friends > acads > family yata talaga para sa'kin.
Umuwi ako agad dahil gusto kong rewardan ang sarili ko ng tulog. At nakatulog nga ako sa fx na sinakyan ko. Nagising lang ako sa antipolo simbahan nang wala nang tao kundi ung driver at ung asawa niya (yata). Tas ayun, iikot na sila pabalik ng Cubao, kaya lang, wala silang sakay, kaya binaba nalang nila ko sa may Ynares. At 'yun, jeep pabahay. Buti di ako lumampas. Tricycle. Uwe. Pinanuod magdota ang mga kapatid at pinsan. Nakakatulog sa sofa nang nakanganga kaya minabuti nang matulog sa kama. At eto, nagising ng alas dos, at nagblog ang bangag.
2 comments:
HAHA! talaga oversleep? katuwa, buti hindi ka pinagsamantalahan. grabe kakagising ko lang din. bale 12 hours and 30 minutes. akala ni mommy kung ano nang nangyayari saken kaya ginising na ko. sana ipost mo sa multiply yung vtr.. o penge na din ng cd, gusto ko sana makita.
oo. sobrang sobrang sleep. kapagod.
wag na. haha.
Post a Comment