Sunday, August 30, 2009
Senti
Hiling ng isipan ko ngayon:
Isang scene. Isang gabing nasa isang resort o beach. Mabituing langit sa itaas. Tugtog Mellow/Slow RNB na background kasama ang paghampas ng tubig. Malamig ang mahinang hangin. Kasama ang isa o ilang mahal sa buhay. Gising. Pero tahimik.
Isang eksena sa dilim kung saan hindi takot ang nangingibabaw kundi kagandahan ng gabi. Ewan. Uhaw yata ko sa umaapaw na pagmamahal, o sadyang nasarapan lang ako sa ganitong pakiramdam.
Gusto ko nangmagsembreak. At pag sembreak na, sana may mga overnight outing na mangyari. Kasama gradeschool friends, 35, 40, college friends, now friends. Dahil merong kung anong meron sa gabi na wala sa umaga, at hindi 'yon maiintindihan ng mga konserbatibo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
teary-eyed na naka smile ako nung pinanood ko yan Passion. sick
galing nga. tsk. parang ansarap kumanta. kainggit ung boses th.
Post a Comment