Saturday, August 8, 2009

Tama na ang Cha-Cha

Sabi nila, it takes two to tango. Ganon din yata para magsaya. Hinalikan ka ng crush mo, sumaya ka. humalik+hinalikan=2. Binigyan ka ng guro mo ng mataas na grado, natuwa ka. guro+mag-aaral=2. Binigyan ka ng nanay mo ng regalo, nasiyahan ka. nanay+anak=2.

WOPS REWIND.

ka-ka-nay-ay-ay-an-an-an-an bibigyan ka ng nanay mo ng regalo, masisiyahan ka kaya? Syempre aba, nag-abala ang nagmamahal mong ina. Dapat ngumiti ka't humalik, dapat magpasalamat ka. Dapat. Dahil inaasahan kang matuwa ng nanay mong nagbigay, at inaasahan mong matutuwa ka sa regalo mong matatanggap. Eh kung hinde? Sino ang masaya? Ikaw na di natuwa sa regalong kahit papano'y inasahang matanggap? O ang ina mong akala'y matutuwa ka sa regalong ibinigay. Pwede kang magkunwari, ngumiti, magpasalamat, yumakap. At pag nakayakap, gumawa ng mukha. Para siya masaya, ikaw hindi, at naglolokohan kayo. At kung totoo ang lahat, walang masaya. Kaya bakit pa nagregalo? Sana wala nalang, para walang pag-asang nabibigo at walang taong nalulungkot.

Palagi, kung pinahahalagahan mo, akala mo matutuwa ang iba sa ikinatutuwa mo. Pero minsan, hindi. At palagi, masmahalaga ang ikatutuwa ng babahagian mo, kaysa sa ikatutuwa mo. Dahil minsan, ang pamamahagi ay para sa iba at hindi para sa iyo.

Kaya gloria, ina-inahan ng bayan, kung tingin mo ikatutuwa ng sambayanan ang pag-aaya mong magsayaw ng cha-cha, magtanong ka muna at hindi nalang basta manghatak, "Juan, gusto mong magsayaw tayo?"

No comments:

Post a Comment