This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Saturday, September 19, 2009

Ser

Namimiss ko na talaga ang last year (school year).

Andali lang noon. Isang text lang, magkikita-kita na. Pupunta ako. At pag tinawanan ako't tinanong ng "O, bat ka nandito?" sapat na ang sagot na "kasi sabi niyo." Kaya ko noong magcut para magpakasaya. Hindi ako libre pag weekends. Linggo-linggo yatang nanunuod ng sine. Ok lang kahit ubos ang pera. At sabik ako sa tuwing magkikita.

Totoo nga sigurong nalalaman ang halaga ng isang pangngalan (tao,hayop,bagay,lugar,etc) kapag nawawala o unti-unti nang nawawala ito.

At malamang kapag napuna ang dati, ibig sabihin wala ito ngayon.

Takte. Ayoko nang walang ginagawa sa kasalukuyan. Napupunta ko sa nakaraan.
Kailangan kong magmall, at sana, hindi ako masanay nang mag-isa.

No comments: