This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Wednesday, September 30, 2009

Tulungan Sumaya



Nakakatuwa na sa paghagupit ni Ondoy, parang lumalabas na likas na mabait ang tao. MILYON-MILYON na ang idinodonate hindi lamang ng mga Pilipino kundi pati ng mga taga-ibang bansa. Parang na-e-enganyo nga akong magvolunteer rin kahit papano. 1 week nga ang binigay samin para makarecover mula sa bagyo. E hindi naman kami ganoong apektado. Bale dapat pumapasok ako sa school. E hinde. Kaya parang dapat, nag"vovolunteer" ako sa tulong tulong na yan. Gusto ko na. Noong isang araw, tinatamad pa 'ko. Ngayon gusto ko na. Parang ansaya-sayang tumulong. Minsan lang kasi ang ganitong nagtutulungan. Nakakatamad rin mag-aral. Kasi parang hindi naman dapat inaabuso tong mga ganitong pagkakataon para mag-aral. Parang tong suspension of classes ay binigay nga para magtulong-tulong. Mahirap man o mayaman, tumutulong sa mahirap man o mayaman. Wala talagang antas antas. Palagay ko di naman humihingi ng kapalit 'yung Sagip Kapamilya o kung anuman (badtrip lang ung ke manny villar, see tunaynalalake.blogspot.com). Tas parang ansaya-saya nila. Yung mga ganitong pagkakataon yata, lahat masaya - tumutulong at tinutulungan. 'Yung pagtapos ng malubhang takot at kalungkutan, sasaya ang lahat. Ambuti.

2 comments:

neolocco said...

haha gelo nakita ko yung kay manny villar.. yung sa tunaynalalake.. haha nakakadisappoint no.. tsk tsk

kring23 said...

aww gusto ko rin maexperience mag relief operations.. kaso naondoy din kami. i envy you!