Last year, tumitingin ako sa lupa't nagtatago kapag may nakikitang kakilala.
Iba na ngayon.
Kaya lang...
Ilang beses na, kapag bumabati ako, di ako nakikita/napapansin. Minsan nga nakasalubong ko yung isa, winagayway ko ung kamay ko sa mukha niya, dire-diretso pa rin siya ng akad. Halata, napahiya ako.
Ayan tuloy,
Bumabalik ang dati kong mentality, pero di naman ganon kasarado. Iniisip ko nalang, nakita naman ako ng kilala ko, kung di niya ko batiin, edi okay lang na hindi ko siya batiin. Kung hindi niya ko nakita, edi hindi ko rin siya nakita. 'Yung maayos na posibleng maging kaibigan nga na kaklase ko last sem na okay, tinawag pa 'ko kanina kahit may kalayuan. Ayun, awkward moment. Nakatingin sakin mga kasama niya, nakatingin rin siya sakin at nakangiti. Sumagot naman ako, sabi ko Oy. Pero nakita kong nag-aabang pa siya ng ilang paitan ng kamustahan, at nabigo kami pareho. Naglakad lang ako dire-diretso.
Talaga nga naman,
ang hirap maggeneralize. Hindi talaga pwedeng may isa ka lang takdang sagot sa lahat ng tao.
Ge good day. Alisan na ng hiya.
No comments:
Post a Comment