This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Tuesday, October 6, 2009

Indie

parang pelikula lang.

(maaaring magmukhang mayabang, pero di yun yun)
Simula pa lang, itinaga na ng mga nag-alaga sa'kin na dapat MAGING INDEPENDENT. Self-reliance ang favorite term ng lola ko. Self-sufficiency naman ang kay Ms. Bea. Anumang self-self pa ang itawag diyan, pagiging independent 'yan. At ganoon na nga. Naniniwala akong, liban sa financial needs, ako ay isang indieng tao.
Gradeschool pa lamang, tinuruan na 'kong mag-aral mag-isa. Nag-aaral ako ng advanced sa math sa tulong ng ina pero pag takdang aralin na, ako na. Uso pa 'tong INDIVIDUAL WORK sa aming paaralan noon at isang oras sa isang araw, ginagawa namin 'tong individual work na parang seatworks mula sa lahat ng aming subjects. Para sa'kin, andiyan ang library. Para sa kanila, andun ako. (tangina lang sa kayabangan)
High school, ganoon rin halos. Kopyahan sila, pakopya ako. Minsan rin naman, nagpapagawa ako, pero 'yun lang di ko kayang gawin, i.e. pagguhit. Okay lang sa'kin, 'di naman ako ganoong na-aaberya. Ako talaga ang gumagawa karamihan ng dapat kong gawin lalo na't naniniwala ako noon na kaya ko 'yong gawin.

Pinanunuod ng matandang bidang matagumpay ang dalawang batang nagkokopyahan. Ang nangongopya, nakangiti, masaya't madali niyang nakukuha ang dapat kunin. Ang kinokopyahan, nakangiti, proud sa sarili, antaas ng tingin sa sarili at ambaba sa iba.

Unti-unti...

Unti-unti...

Lulukot ang mukha ng bida. Sisinghot. Iiyak.

Kagabi/kaninang hatinggabi, nagpm 'yung "kaibigan" (sana kaibigan nga) ko ng ilang mga pangungusap na nasa Filipino. Pinapatranslate niya sa'kin sa Ingles. Ginawa 'ko. Nagpapasalamat naman eh. Kaninang madaling araw, nagpm 'yung isa ko ring kaibigan. Kita na sa status niya na kailangan niya ng tulong at noong mga panahong 'yon, inaantok na 'ko. Kaso ewan ko, parang pakiramdam ko, dapat ko rin siyang tulungan kasi tinulungan ko 'yung isa ilang minuto lang ang nakaraan. E wala, grabe lang 'to. Take home finals nila 'yun at gusto ko rin naman talagang makatulong sa ikatataas ng grado niya, kaya sige. Tatlong oras mahigit akong gumagawa nung pinapagawa niya at nang mag-uumaga na, sabi ko sa kanya, "oi, pwedeng matulog?" Ang bwiset na mangongopya, baka mainis at mangunsensiya, pero siya, nagpasalamat lang nang husto.

Sa tatlong oras na pagtatrabaho kong 'yon, iniisip ko, "ano ba 'tong ginagawa ko?" Parang hindi ko naman kayang ipakiusap 'yon sa kahit sinong kilala ko dahil tingin ko anlaking abala noon. At tingin ko, kaya ko naman.

Umiyak pa. Umiyak. Parang ngayon lang umiyak. Parang wala nang bukas kung umiyak. Hindi iyak na ngawa. Iyak 'tong pigil. Hindi pala pigil. Pilit pinipigil. Lumalabas ang hinagpis sa bibig at lumalabas ang luha sa mata. Parang may nakawalang dumi pero parang sobrang sakit ng tiyan. Umiyak pa.

Naiinggit na naman ako at alam kong hindi ito sala. Pinalaki ako para maging "successful" man at buong buhay ko, 'yun lang ang hinangad ko. Isang matagumpay na trabaho, kahit na ano. Kaya naman sige lang nang sige. Pati ang pride, sige nang sige. Kaya kapag kailanganing humingi ng tulong, pride lang ang tutulong. Pride ang magsasabing "kaya mo yan" at kakayanin ko. Hindi ito masama. Pero hindi rin masamang magpahinga at humingi ng tulong. "When asking for help, you make yourself vulnerable." At sa pagiging vulnerable, nakikita ang isang katangiang madalas itinatago na kapag tinugunan sa hindi mapagsamantalang paraan, nagsisimula ang isang intimate connection. Alisan talaga 'to ng hiya at dagdagan ng pasasalamat. Gusto kong humingi ng tulong.

Nakita ng nangongopyang bata ang matandang bida. Lumapit siya. Umupo sa tabi. Hinawakan ang likod ng matanda. Binaba ang kamay. Tinaas. Binaba. Hinimas-himas.

Natigil sa pag-iyak ang matanda. Tumuloy. Umiyak ulit, masaya.

parang pelikula lang.

No comments: