This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Tuesday, March 10, 2009

A > S

Agham > Sining
o
Arts > Science?

Hmm... Paano kaya kung magkaroon ng isa na namang paradigm shift. Mula sa panahon nila Socrates kung saan ang paradigm ng pag-aaral at karunungan ay Pilosopiya, hanggang sa magtungo sa Biology, Genetics, Physics, Chemistry, at kung anu-ano, hanggang sa ngayong Environmental Science, ________pa'no kung malipat sa ARTS?
SINING, MY FRIEND (binibigkas ng tuloy-tuloy, walang kuwit, "sining my friend"!) Hmm. siguro nung panahon ng renaissance, arts na rin. Pero pa'no kung LAHAT na ngayon, ARTS na ang pagtuunan ng pansin?
Panitikan, pagpipinta, iskulptura, arkitektura, musika, at kung ano pa ung ibang kabilang sa 7 arts - pa'no kung diyan na ang pokus ng pag-aaral ng karamihan... ng lahat?!
Hmm... oo nga no. Hihinto ang mapanirang teknolohiya, baka huminto na rin ang Global Warming. Lahat ay makata, lahat ay nagpipinta. Walang magkakalat, walang mga pabrikang buga ng buga ng usok.... KASI PANGET! Kelangan maganda ang sining. Walang maganda sa basura! Kukulayan muli ang itim puti gray (?!) nating mundo. Ngingiti ang dating P* Inang Bayan.
'Yan ang SINING, MY FRIEND!

----------------------------------------------------------------> mapanlinlang na suwestiyon ng taong mahina sa Math at tamad mag-isip na nasa kolehiyo't nag-aaral ng inhineriya.

Kanina, nalaman ng isang kaibigan na magdedebut na 16 pa lang ako. Ambata ko raw, sabi niya. Antanda niya, sabi ko. Antanda niya, ayos lang. Ambata ko, hay nako.

EWAN! Ewan kasi naguguluhan ako. At Ewan kasi un ang sabi ko nung summer 2007 nung finifill-upan ko ang application form ko sa UPCAT. Lintek. HAHAHAHAHA. 'Yun ang narealize kong mahirap sa pagiging bata sa normal, less mature, hindi pa ga'nong mulat, 'di pa alam ang gustong tahaking landas, nagpapasama pa sa iba (baka maiblog minsan).

"Anong course mo?" tanong ni tao.
"CoE ho." proud na proud na sagot ni iho.
"CoE?? Ano 'yun?" nagtataka (at siguro nanlalait) na tanong ni tao.
"Computer Engineering LANG NAMAN!" humble na humble na sagot ni iho. [okay wag nang magyabang. wala ka namang alam sa kurso mo.]
Haha, yan. CoE nga ang kurso, pero 'di ko talaga 'to gusto. E Bakit ko sinulat sa app. form? Ewan. Kasi ang goal ko nun, makapasok lang ng UP, kahit anong kurso na. E akala ko mahilig ako magdota at mag-internet, at akala ko madali lang magcomputer, kaya sige BS COMPUTER ENGINEERING (5 YRS.) ang lintik na sinulat sa application form. (BS Business Administration ung isa. 'di ko alam kung alin ang first, pero sabi ng iba, masmalamang na CoE ang first kasi masmahirap nga raw pasukin yun). Kaya ayan, patapos na ang isang taon, college na. Summer nung 3rd yr hs ko pa dapat alam kung anong kurso ang gusto ko.... pero parang ngayon lang pumapasok sa isip ko kung anong kurso ang gusto ko.

Oo nga, shifting nga ako sa BS BA... tapos pag makashift, shift ulit next year sa BS BAA.... little by little. Pero ngayon, hahaha. .... hahaha.... hahahahahahahaha.. tang ina kasing slumdog millionaire yan. Oo, gusto kong magFILM! bwahaha. Feeling ko e ako ang unang Pilipinong makakatanggap ng Oscar para sa Best Director/ Best Screenplay/ Best Cinematography/ o kahit Best Actor! Haha. putchak (kamiss si sir sonajo). Hahahahaha. takte. Pero sayang naman ang pagdurusa ko sa math 17, at ngayon sa math 53. ... kaya... isa pang option, BS PSYCH! Since baliw naman na yata ako, at nakakabaliw daw ang psych, easy nalang yan. .... kaso, sabi sa exam na kinuha ko sa OCG(? basta ung guidance), business daw (kasi minanipulate ko ung sagot ko. duh.) o COURSES LEADING TO LAW DAW... odi... BA psych?! ina. Medyo ngayon kasi, medyo interesado ako sa tao... Medyo.
haha. takteng buhay to.

Pero sabi nga ni JC, ang pera, NASA MATH! Kaya naman magpapakarealistiko nalang ako, BS BAA, here I cum............. laude.

5 comments:

Samee said...

Haha. Mahirap nga maging bata.. kasi mas may alam ang iba sayo.. yata.. haha. ano ba ang long term mo? lawyer, doctor, businessman, psychologist? sana malaman mo na ang 'calling' mo! :)

Gelo said...

oo parang ganon na nga... mas may alam sila. :( ng onti..(hha)
ayoko ng long term eh. hahaha. siguro now-guy ako. focused on the present (wooo) kaya di ko alam ang future ko. oh well. baka businessman. sana nga.


ayusin mo LJ mo!!! ang pwede lang magcomment kasi ay ung mga may LJ din..

Samee said...

ganon, now guy? hhm. inisip ko din na ganon ako. eh kelangan ng long term yata kahit pano eh.. ako law ang long term pero gusto ko lumibot ng daigdig. HAHA. :D

sige ayusin ko settings (ndi ba pwede? may nakasulat dun, leave a comment eh. sige tignan ko). :]

Gelo said...

haha o baka nagpipiling lang ako. hay nako. sabi pa sa'kin nung kagrupo ko kanina nung linatag ko sa kanila ung gagawin para sa mini movie namin, para daw akong taga FILM! ang galing daw eh. (FLATTERED! haha) .

ayun pede na yata. parang dati bawal iclick ung anonymous e. parang.

Samee said...

yes! haha! kelangan talagang magaling ka siguro pag film. hindi ko alam eh. siguro kasi maraming aspiring ganon na magagaling pero di lahat yumayaman (w/c is the final goal. haha.) sige lang.. mag workshop ka/agency or somethin. life is short. haha.

oo na-enable ko na kasi. :)