This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs
Showing posts with label Gelo. Show all posts
Showing posts with label Gelo. Show all posts

Friday, July 10, 2009

Hoy Tanda!

Unang beses kong mapahiya nang husto sa taong ito. Hayop kang MATANDA ka.

Noong isang linggo, ginrupo kami, tinribo. Bawat tribo, dapat may mabuong pangalan ng tribo. Tapos kung gustuhin, pedeng lagyan ng tawag ang bawat miyembro. Nung una, naisip, diwata, bathala, engkantada, atbp. Mala Encantadia't paraiso't mitong pilipino ang tema. Kaya lang, wala kaming maisip na pangalan ng tribo. Kaya naisip namin, mga demonyo nalang. Si Satanas ang lider. Ang mga myembro, manananggal, kapre, white lady at tiyanak. Tribo Mumu. Sabi nung freshie naming member, "'Di kaya ayaw ni ma'am?" Sabi ko, "Eh. WALA SIYANG MAGAGAWA." At sumang-ayon ang iba pang mga kagrupo. good na. Pinagawa rin kami ng isang simulain. Tula ito na may sampung linya. Hinati nalang namin ito, tigalawang linya kada miyembro. Ako dun sa last two lines at palagay ko maganda na yung nagawa ko.

Kanina, MPs10 na. Maulan, may kalakasan. Nakisabay pa sakin ung kagrupo ko sa Stat kaya nama'y half wet half dry ako. whoo. Dumating ako sa room at isa pa lang ung kagrupo kong andun. Syempre di namin mabuo yung simulain. Kami ang tribo uno pero pinauna na lahat ng grupo dahil dalawa pa lang kaming naron. Dumating si Taning. Pinag-introduce na rin kami. Sinabi ni Taning na kami ang Tribo Mumu at siya si Satanas, ang lider ng tribo. Sabi naman nung isa, siya ang manananggal ng grupo. Sabi ko, ako ang kapre ng grupo. Natawa't palagay ko'y natuwa't nainggit ang iba. Sabi ng guro, "Excuse me. Ano ka ulet ng grupo?" (tanong sa manananggal). "Manananggal po," sagot ni katribo.
"AYOKO NIYAN. PALITAN NIYO YAN. GUSTO KO POSITIBO. MARANGAL. MAKABAYAN. MAY DATING."

Pagkatapos ng ilang minutong pagsunod sa utos ng matanda, pinagawa kami ng isang modyul. Essay yun na kung ano. 6-7 sentences lang naman.
WALA AKO SA HUWISYO PARA MAG-ISIP. Sobrang nasestress ang utak ko nun. Tapos papasulatin niya kami in 10 minutes w/ matching pagmamadali. Hayop.
Ang gagawin, "HOY OBLE." Punto De Bista kasi ang topic. At ang pusto de bista (point of view) ng grupo namin ay sa turista. Kakausapin namin si oble. Tapos ung modyul 2, kakausapin kami ni oble, "HOY TURISTA". Bumawi ang grupo namin. Agad na nagrecite ng kanilang mga gawa yung dalawa naming myembro dahil walang nagrerecite sa iba. Sumunod na rin ako pagkatapos magrecite ng bawat isa sa ibang grupo. Ayos.

Pero eto, ibabaling ko sayo, ginagalang na guro, ang modyul mo.

Modyul number 1: HOY TANDA!

MATANDA KA NA'T MAMAMATAY NA KELAN NA LANG. Hindi ba pumasok sa isipan mong magpakasaya nalang at sumakay sa trip ng kabataan? Palibasa'y sarado ang isipan at hindi magawang makipagbiruan. Akala naman kasi magiging satanas talaga yung lider namin kapag tinawag namin siyang satanas. Sus mo! Kung makapagpaalam ka pa sa klase, "KITA-KITS!" Inis ka. Pafacebook facebook pa, di naman talaga kayang sumakay sa trip ng kabataan. ANLABO MO! PALIBASA MATANDA AT MASMADALING IGENERALIZE! PALIBASA NAGPAPADALA KAYO SA STEREOTYPE MASYADO! PALIBASA WALA KAYONG GINAGAWA KUNDI SUMUNOD AT ITURO ANG SINUNOD! BWISET!

Modyul number 2: HOY GELO!

Oo. Tama ka.


- - - - - - - -

Kami ma'y kampon ng kadiliman, kami'y di narito para maghasik ng lagim.
Iaalay ang talento't wika sa May Gawa dahil aswang ma'y may takot din.

Ang Henerala

Binuksan ni Mrs. Fu ang kanyang dilaw na pamaypay at tinakip sa mukha nito sa porma ng isang geisha. Dahan dahan niya itong binaba kasabay ng paghawi ng kanyang kabilang kamay at pag-iling ng ulo. Hindi ko alam kung kinanta, pero may tono niyang sinabing "Sa Tsina, pag ikaw lalaki maraming babae, ayos lang, pero dito Pinas isa lalaki marami kabit!"

Bakit sa Tsina pede 'yun tas sa Pilipinas hinde, liban sa Muslim? Ah kasi di naman sila Kristyano. E bat sa relihiyon nila pwede yun, bat sa Kristyanismo hinde? Sabi nila pare-pareho lang naman daw ang relihiyon. Mayroong maykapal na pinaniniwalaan, taong padalanito, aklat na sinasangguni at marami pang iba. Pero baket nagkaiba?
Sabi nila, man is naturally polygamous. Milyon-milyon naman kasi ang isperma sa katawan kaya sige lang nang sige. E ang babae, isa o dalawang itlog (kung sa parehong ovary) lang sa isang buwan. At pag nadali pa yung itlog na yun, siyam na buwan siyang 'di lalabasan. E yun, likas nga raw. Pero pilit na pinipigilan ito ng tao kaya may relihiyon diyan at kaya may batas. At minsan sa sobrang pagpigil, masnananaig ang nais sumuway sa batas kaya nama'y nagkakakulasisi.

"I will reveal something," sabi ni Mrs. Fu. Lumakad siya papunta sa gitna ng stage. Sabi ni Pekto, "NOW NA!" Naupo lahat ng tauhan sa likod nito at abang na abang sa sasabihin nito. Inalis ni Mrs. Foo ang kanyang buhok. Hinubad nito ang chinese dress na dalawang oras na niyang suot-suot. Lalaki pala.

Bakit kaya kailangang magpanggap na babae? Kahit ang babae, bakit minsan, pagpapanggap ang dapat sana'y natural na pagpapakababae? Gayundin sa lalaki. Minsa'y pinagpipilitan maging lalaki gayong natural naman ito dapat. Pano naman ba kasi ang pagiging babae at pagiging lalaki? Sabi nga sa Eng11, your gender is dictated by the society, it's what society wants you to be. We just conform to what society wants. Sabi rin sa PanPil19, mayroong LIKAS (natural) at mayroong LIKHA (normal). Likas (gawa ng biology) na babae ang isang babae. Pero maaring likha (gawa ng society)siyang maging lalaki, maging tibo. Kaya nama'y kasalanan itong lahat ng lipunan.

Muling binuksan ng nakahubad na Mrs. Fu, este Fernando Fu, ang kanyang pamaypay at tinakip sa kanyang mukha sa paraang pagtakip ng mga geisha. Binaba niya ito kasabay ng pagbaba patagilid ng kanyang ulo at ng kabilang kamay. Kinanta o sinabing may tono, "Sa mundo, kanya-kanya ang tao. Okay na ako."

- - - - - - - - - - -

Nung una, palagay ko di ako matutuwa sa play na 'to. Kelan pa ba ko natuwa sa sundalo-sundalo? Buti pa siguro kung bata pa ako. E yun, kelangang panoorin kung gusto ko magka+.25. At yun na nga, pinanuod.
Pagkatapos manuod, kahit di na 'ko magka+.25, okay lang, nagsaya ako sobra. (de. masmasaya pa rin pag may +.25)

Ginamit ng dula si Teresa Magbanua bilang paraan at hindi bilang istorikal na bida. Paraan para tirahin ang isang isyung pangkalawakan - ang pagtanggap sa panlalaking kagustuhan ng babae at pambabaeng kagustuhan ng lalaki. In short, ang pagtanggap sa "iba" pang gender. Mahusay na naipakita ang pagkakapareha ng magkaibang siglo. Pagkakaparehang lalabas naman talaga dahil sa pagkanatural nito - ang pagrebelde. Siguro isang dahilan kung bakit nagiging homo ang isang tao ay ang pagpilit ng mundong ginagalawan nito. Pinipilit siyang sumunod sa kung anu-anong gawa-gawang batas ng tama dahil sinabing tama. At kapag pinilit to the limit, lalabas talaga ang pagkarebelde. At maiintindihan mo lamang malamang ito kapag nailagay mo ang sarili sa pwesto nila. Si Teresa sa dula ay pilit ring ipinapakasal sa mga lalaking di naman niya kilala. Si Cady din. Kaya nama'y nung sinapian ni Teresa ang ama ni Cady, natuwa na 'ko para kay Cady, matatanggap rin siya. May mga bagay nga talagang hindi masasagot. Kaya minsan kailangan nalang natin itong tanggapin. Pero minsan, mahirap talaga. Pinansin nang husto ni Teresa ang pagsusuot ng pantalon ni Cady at sabi niya, kahit na maliit na pagbabago ay mahalaga, nakakatulong ito patungo sa malaking pagbabago. Supposedly, nag-eevolve ang bawat nilalang. Ngunit mag-eevolve lamang isa kung susundin niya ang sigaw ng puso (hala) at gusto niya na makakatulong para sa SARILI NIYA. Walang pakialaman sa trip ng iba. Kung trip ng ibang maging bakla, at ayaw mo, 'WAG KANG MANGIALAM. Hahadlangan mo ang pag-evolve ng iba, pipigilan mo rin ang pag-evolve mo. Kanya-kanya talaga yan pramis. Sabi nga sa ni Adam Smith sa Econ, kapag ginawa lang natin ang SARILING kagustuhan para sa SARILI, mayroong invisible hand na magpapaunlad ng ekonomiya bilang kabuuan. Ganon ang lipunan. Ang isa, naaapektohan ang iba. Kaya nama'y kung sarili muna ang tutuunan ng pansin at pahuhusayin, malamang ang iba'y maging ganun rin. Minsan lang talaga tingin natin mas-alam natin ang tama. Kaya lang minsan talaga kailangan ring alamin ang tinatawag na mali dahil baka tama. Basta, tanggapin nalang at umusad.

"'Wag mo kong lunurin!"
"Pakialaman niyo na 'ko."

Sunday, July 5, 2009

Babasahin ba o Ikakabit sa Baril?

If the Philippines were a first-class country, i wouldn't kelangang magpakagago ng ganito!

Kung malakas lang talagang bansa ang bayan kong sawi, hindi ko na kailangan pang mag-aral ng ibang lenggwahe. Baka ibang bansa pa ang mag-aral ng lenggwaheng gamit ko. Isang hadlang sa personal na pag-angat ang pagpilit sa pag-aral ng ibang lenggwahe. Minsan nang itanong sa amin noong 1st year 1st sem sa Humanidades 1 kong subject, masmaganda raw bang tangkilikin ang wika at kultura ng ibang masmatagumpay na bayan kaysa gamitin ang sariling atin. Inosenteng musmos na galing sa hayskul na ang tingin sa isasagot nya ay matalino ang sumagot. Buksan daw ang bansa sa iba. Pagtanggi sa pag-unlad daw kung isasara ang bayan sa impluwensya ng iba. Kailangan nalang raw tanggapin na masmataas ang ibang bansa sa kanila dahil kapag hindi, lalaki lang nang lalaki ang agwat natin sa first-world countries. Ako yun. Sabay nagtaas ng kamay yung kagrupo ko. Masmaigi raw na tangkilikin ang sariling atin. Bago daw kasi tayo makausad, kakailanganin pa nating aralin ang wika ng iba na hindi naman talaga natin AGAD na mamamaster.
Palagay ko may punto kami pareho. Pero ngayon, masgusto ko yung punto ng kagrupo ko.
COLONIAL MENTALITY. 'Yun 'yun eh. Ang husay talaga ng mga kano. Marahil masyadong nainggit ang ating bansa, na talaga nama'y naghihirap, kaya pilit na inaral ang wika ng mga mayayaman, ang wika ng kalakalan. Tamo, halatang-halata ang pinaka dependent at asa sa ibang bansa. Proud na proud pa ang mga Pinoy na sila ang pinakabihasa siguro sa paggamit ng Ingles kung ikukumpara sa ibang bansang may sariling wika.
Nakakainis na ganito.
Palagay ko mahilig ako sa design. ... siguro. Nanunuod ako ng Top Design, Project Runway, Urban Zone, Cribs at kanina lang, Stylista. Sabihin nang pambabae, wala na tayong magagawa. Sinusubukan ko kasi kung may taste nga ko sa mga bagay na maganda. Natututo rin ako nang husto. Kanina lang, andami kong natutunan sa paggawa ng magazine (season marathon kasi yun). May namuo tuloy na pangarap sa'kin. Gusto kong maging editor, kahit anong editor, kahit di editor-in-chief, ng isang magazine...

... nga lang ay hanggang ambisyon lang 'yun

... malamang.

Hindi naman ako marunong sumulat ng Ingles, alangan namang in Filipino yung magazine. Cheap. Kadiri. Ambaduy. Pang-tabloid ang dating. Bobo. WALANG dating. Habang ang English, sleek, sophisticated and smart. Kung colonial mentality ba ito o national inferiority complex (na malamang ay imbento ko lang), wala akong pakialam. GANON TALAGA. Sumpain ang mga kano. O baka mastama, sumpain ang mga pinoy sa kahinaan nito.

Haha, kawawa naman yung mga sinumpa ko. Joke lang pala 'yun. Sumpain ako pag wala akong gawin para baguhin ito. Kasi kung wala nga, susumpain rin ako ng susunod na henerasyon.

Friday, July 3, 2009

Confessions of A Bnormal

Palagay ko,

ansayang maging normal.



Tago, pero kasama ng tatlong salitang nasa ibabaw nito ang mga salitang "normal" at "ako" na pinagdugtong at kinabit pagkatapos nung tuldok sa itaas. Ansayang maging normal. Normal ako. Pero meron pang mga salitang "Palagay ko," na nagsasabing ambisyon, pangarap, layunin, gusto kong maging normal.
Ang kapal naman ng mukha ko na iiba ang sarili sa "iba". Pero palagay ko talaga, abnormal ako. Hindi likas na abnormal, likhang abnormal. At pag sinabing abnormal, hindi sinasabing angat ito o mababa, iba lang. Gusto at ginusto ko 'yun. Kaya lang, tao rin pala ako at naghahanap ng wala sa akin. Gusto kong maging normal... kahit saglit lang.

Nanuod ako ng Confessions of a Shopaholic kanina lang. Ang bida, normal, kagaya marahil ng iba pang naglipanang romantic comedies sa tindahan ng pirata. Hindi siya kakaiba, di tulad ng Changeling, Benjamin Button, o kaya nama'y Casino Royale. Normal ang pelikula. Tipikal. Normal din ang plot, comedy e, kayang pangunahan. Normal ang kapareha ng bidang babae - businessman, workaholic, gwapo. Normal ang tirahan ng bida na taga-America. Sa apartment siya nakatira, hindi kasama ang magulang, kahit wala pa siyang asawa. Normal din ang kumpanya - yung business magazine, pinamumunuan ng isang lalaki, yung fashion magazine, pinamumunuan ng isang babaeng matanda at masungit. Normal ang kaibigan ng bida, tumutulong sa inaakala niyang pagtuwid ng mga mali nito. At huli, normal ang pamilya. Nagkaroon sila ng RV - ang pansin kong pangarap ng mga kanong matandang mag-asawa. At nandun sila para sa kanilang anak, kahit 'di nila ito kasama.

Parang ansaya talaga nung scene. May problemang makatotohanan at "normal" yung bida. Tinakas siya ng kanyang mga magulang at dinala sa pampang. Silang tatlo lang ang nandoon. Nakatayo yung bida malapit sa pampang, nakatulala't hinihipan ng hangin, nag-iisip ng malalim. Lalapit ang isa sa magulang, magkukuwento, papayo. Isasampa ng bida ang kanyang ulo sa katawan ng magulang. Aakbay ang magulang. Nanunuod yung asawa, nakangiti. Hindi yung ngiting masaya. Hindi rin yung ngiti ng sobrang saya. Ngiting malalim, ngiti sa loob ng ngipin. At yung dalawa, magkayakap na papanoorin ang tubig na lalapit sa kanila pero babalik rin, o ang ibon sa kalangitan, o wala. Dilat ang mata pero walang nakikita. Dinaramdam lang ang yakap ng bawat isa.

Poetry. Patula. Gagawin kong isang poetry ang prosang sinulat. Sabi ni sir Mon, "that's what's great about poetry. It takes on a certain part of the plot and ____ it." Mag-iimbento ako ng sarili, baka lang panget. Sabi ko ngayon-ngayon lang, "that's what's great about poetry. It abnormals the normal in a way that it's still normal." 'Yun na siguro ang ginawa ng pelikula sa'kin. Normal siya pero abnormal para sa'kin. Basta. Hindi saktong sinabi ni Terry Eagleton pero parang ganoon na rin, "There's no such thing as literature. We define literature. We create literature. We choose literature." At tula nga ito para sa akin.

Gusto ko yata yung feeling dun sa sinabi kong scene. Kahit di ko pa nadarama, kahit papa'no'y naipadama sa'kin ng pelikula. Ansaya ng buhay sa mga palabas. Puros comedy, sabay matinding drama. Ansaya. Hindi puro assignment lang. Para tuloy nalalayo talaga ang sining sa agham. Sino ba naman ang masisiyahang manuod ng pelikula tungkol sa pag-aaral. Kahit siguro yung direktor, hindi maloloko yung sarili niya na gusto niya yung gawa niya. Pero kanya-kanyang art nga yan. At defy stereotypes nga daw. Hayaan nalang.
Ah tama. Lahat tayo may problema, magkaka"iba" lang. At ito marahil ang akin. Normal pala ako, nagkakaproblema. Normal ako, wala na ang problema. Abnormal na ulit ako. X

Monday, June 29, 2009

Doctor Quack Quack

Kanina, mag-isa akong pumuntang doctor. Una, St. Luke's. Doon kasi ung Pedia-Pulmo ko. The Medical City naman ang next stop kaya lang magtetwelve na at aabutin na ko ng lunch break nung health insurance kaya nagGalle muna ako at saka pumuntang Medical City para magpaderma. Sinabihan ako ng derma na magpunta sa isang general surgeon kung gusto kong ipatanggal ung pinapatanggal niya, at yun nga ang ginawa ko. Di ko na nga lang naantay kasi may pupuntahan pa ako.

Parang ni minsan, HINDI SUMAGI sa isipan ko na maging doctor. Takot ako sa dugo. Takot ako sa hayop. Pero hindi ako takot sa doktor. Pero bilib ako sa kanila. Pati sa mga nursing students. Gawa na ang daang tatahakin nila. Nag-aaral sila para maging nurse, para sa field ng medisina. Magaling. Nakakainggit. Tas ung mga doktor talaga, alam ang gagawin. May titignan lang na kung ano, alam na agad ang kung anong problema, at yung problema na yun ay binubuo ng maraming titik na pinagsama-sama para makabuo ng isang komplikadong salita na aayunan naman ng gamot na may ganon kakomplikado ring pagsasama ng mga titik. Hayop na memorya. Hayop na kamay. Hayop na husay. Wala lang. idol. Malamang, ilang taon silang nagmukmok sa mesa kaka-aral. Lubos na pokus, tiyaga at dedikasyon ang binuhos nila para maging kung ano sila. Malamang. O baka hindi rin. Kung hinde, masmagaling. idol talaga.

Saturday, June 27, 2009

Three T(w)o One

May tatlo akong bagay na narealize ngayong araw na 'to. One, impatient ako. To, ang galing ng tao. Three, mamaya na.

Akala ko nun patient ako. May pinanggalingan naman yung akalang iyon. Sabi nga dun sa comm 3, self-knowledge is greatly influenced by others. Nung nagbasa ko one time ng mga palanca letters, siguro 75% ng mga nagsulat ay nagpasalamat dahil tinuruan/pinakopya ko sila sa Math. Tapos sa up friends, palagi akong "vineverbal abuse" ng leader ng group (sa cwts) kaya tinanong ako nung isa kung naiinis ba ako. Ako naman, hinde. Tas one time rin, tinanong din ako ni Torres kung naiinis ba ako sa asar. Hindi naman.
Pero hindi ganong patience ang sinasabi ko. Hindi ko kayang magbago ng tao. Hindi ko gustong magbago ng tao. Wala yata akong panahon para dun. Tingin ko pag sinabi ng isang tao na hindi niya gusto, hindi ko na siya pipilitin. Lalo na kung kilala ko yung tao. Kahit tingin ko pangit ung ginagawa niya, hindi ko tiyatiyagaing i"tama" siya. Una, alam ko namang kanya-kanyang tama at pananaw yan. Ikalawa, ayoko rin namang pinipilit akong magbago (... ngayong inisip ko, okay lang pala para makita ang ibang side). Bahala nalang siya. Baka mag-away pa pag pinilit.

Muli, ang galing nga ng tao. Ang galing ko. Ang galing nila. Ang galing niyo. Matagal na obserbasyon ko na 'to. Minsan kasi kapag gagala, may pineprefer ako na bilang. Kunwari, minsan gusto ko apat lang kami, o tatlo. Minsan masaya naman pag lima o masmarami. Pero minsan kasi, nag-iiba talaga ang ugali ng tao. Halimbawang magkikita ang tinatawag na barkada at wala ang isa, minsan nagiging mas-ok ang pakikitungo ko. Halimbawang napalitan yung isa, minsan mas-ok rin. Halimbawang andun yung pareho, minsan masnaiilang ako. At minsan pag wala pareho, natatahimik na lang ako. Nag-iiba kasi ang ugali nila kapag may nadadagdag. May timpla ang grupo. Minsan kapag wala ang isang sangkap, kulang sa lasa. Minsan pag nasobrahan, pumapanget. Minsan kasi may isang dominanteng tao at may isang hindi. Kapag silang dalawa magkasama, pantay lang. Pero kapag may iba pang sumama, yung ibang sumama na nasa gitna lang, iaangat yung dominante na magpapababa sa hindi. Basta. Iba-iba sa iba-iba.

Ikatlo, akala ko lang yata ang pagiging 3D ko. O kung hindi man, siguro NAGING 3D ako, at ngayo'y nagiging one-sided na. Yan ang naramdaman ko kanina. Ayos naman nung unang magkita-kita. Kaya lang nung medyo nagtagal, parang hindi ko na kinaya. Napaisip ako. Hindi ako makapaniwalang ganito ako dati. Kaya lang naman siguro nila ginagawa yun ay dahil ganoon ako dati. Wala silang kasalanan, ako lang. Malamang mayroong isang pintong nadagdag sa kwarto ko. Pinasok ko yun, at di na ko makabalik sa'king kwarto para bisitahin ang ibang pinto. Mahirap na. Baka unti-unti nang nakakandado yung ibang pintuan. Nagiging one-sided na nga yata ako. Parang may set of values na ako na gusto kong laging nasakin at may set of values na yata akong hinahanap sa iba. At kapag hindi ko malabas yung gusto kong makitang nasakin, o kaya kapag hindi ko mahanap sa iba, parang umaayaw na ako. Hindi ko alam kung pagiging close-minded ba ito. Sana hindi naman. Gusto ko palagi akong open-minded. Yun ay isa sa onting bagay na tingin ko'y lamang sa karaniwan. Kinandado ko na talaga yung ibang pintuan kanina. Kaso nagsalita si Optimus Prime bago magtapos yung pelikula. "Memories of the past contribute much to who you are now." Parang ganyan. Tapos napatigil ako. Gumaan yung pakiramdam ko. Okay na ako pagtapos, balik sa dati't ngiti na.

Naalala ko tuloy, tinuruan tayo kung pano magbilang - one, two, three. Hindi three, two, one.

Friday, June 26, 2009

Payong

Umaaraw, umuulan. Hindi ko lang alam kung kailan. Kaya araw-araw ay kailangan ng payong na masisilungan. Sabihin nilang maarte para sa lalake, okay lang kaysa madale. Darating rin ang araw na hihiramin ito ng kaklase.
- - - - - - - -
'Yan ang sinulat ko nang inatasan kami ni ma'am glecy sa Pan Pil 19 na maghanap ng bagay sa bag namin na ung tipong hindi pedeng iwan. Yung kapag naiwan, babalikan mo pa sa bahay mo. Hindi ka pedeng wala nun. At yung kaya kang irepresenta bilang isang tao o lalaki. At gawan daw namin ito ng maikling write-up in 5 minutes.

Wala akong mahanap nung una. Sabay nakita ko yung payong ko na nakalagay sa ilalim ng silya ko kasi basa. 'Yun nalang. Karamihan sa kanila, wallet ang kinuha. Di ko naisip yun ah. Pero napakacommon naman kasi. Kaya yun, payong. Ang korni pa nga ng ginawa ko. Akala ko kasi ipapasa. Ipapabasa lang pala sa isang partner. Yung sa partner ko napaksimple lang, diretsahan. Akin anlandi pa. Nahiya tuloy akong ipakita.
...
Nakornihan ako bigla. Tinamad na ko mag-explain. Magkwento nalang ako ng nangyari sa linggo na 'to.

Ikalawang linggo ito ng ikalawang taon ko sa U.P.

AT HINDI AKO MARUNONG MAGRECITE!

Pan Pil 19
Okay naman. Interactive tong klase na 'to. Parang Humad 1 lang. Parang Soc Sci 1. Nung unang araw ng linggo, usapang pangalan lang. Ayos naman mga kagrupo ko, masaya. Nung ikalawang araw, usapang daily routine at babae-lalake. Likas vs. likha. Gusto ko ang topic - tungkol sa lipunan. Sinabi nung isang lalaki yung daily routine niya. Sinabi nung babae yung kanya. Tinanong kami ni ma'am kung ano napansin namin. Nagtaas ako ng kamay, sabi ko, 'yung babae, kailangan pang magpatuyo ng buhok (na binanggit nung babae). Tumawa sila. HINDI YUN JOKE. anyway, kalaunan naman e naacknowledge yun ni ma'am kaya okay na ko. Nagrecite pa 'ko isang beses, pero di voluntary. Pinagpalit-palit kasi kami ng bag. E napunta sa'kin yung handbag(?) na pambabae. Tas tinanong ni ma'am kung okay lang ba sakin na iuwi yun. Sabi ko hinde, tumawa ulit sila. Sabi ko pambabae kasi yun, tinuro ko yung babaeng nakaprint sa bag. Antanga ko. Dapat ang sinabi ko, di kasya mga gamit ko dun, para di "stereotypical".

Econ 100.2
Ayos naman. Sa book lang talaga. Nagkabook na ko. Salamat ulit Noel.
Econ 100.2 DISC
Sakto lang akong dumating sa oras. May pinamimigay si ma'am. PROBLEM SET na gagawin namin in 40 minutes. WTF. open notes kaya good. Sinimulan ko na at binilisan. Bawat number ay mahaba. Pero niskip ko yung number 2 dahil mukhang yun ay masmahaba sa number 3. Pagtapos ko sa number 3, magtatime na, tas sinita ni ma'am ung katabi ko na hindi daw sasagutan yung number 3. PUTAKTE! Ubos na oras ko. Wala pa kong kalahati. Lintek. BAGSAK SA UNANG QUIZ! Sabay sinabi ni mam testing lang yun. Di recorded. Haha. nainis ako kasi todo effort ako. PERO ANSAYA KO KASI BAGSAK SANA KO NUN.

Comm 3
Nagkabook na ko. Salamat Mach at Den! Ayos kasi nung first day sa week, pinagawa kami by grp ng isang communication model. Samin yung the Self and Intrapersonal Communication na chapter. Ayos kasi tingin ko natumbasan ko ung cinontribute nung dalawang loud freshies na kagrupo ko. Medyo may model na kasi silang nagawa na inoo-oo-oohan ko lang. Tas nung tinatanong nila kung okay na yun. Sabi ko Intrapersonal ang topic namin at kailangan magfocus sa loob ng tao, sa pag-iisip. Medyo society kasi ung nasa unang model. Though di pa rin ako satisfied sa second model, sige nalang.
2nd day, reporting. Galing nung kagrupo ko mag-english. Hindi ko kaya yun. Kung ako yung nasa pwesto nya, wala akong nasabi.

PE 2 STD
Mukha pa rin akong tanga.

Eng 11
FIRST DAY OF LECTURE/DISCUSSION NA. Di ko pa naman gaanong naintindihan ung pinabasa. Sakto lang. TAPOS MAY INDEX CARDS na hawak. At bunutan. Natawag si France at si Ayra, ako hinde. yehey. 2nd day. Ganon ulit. TAKTE. ni-isa sa mga tinatanong niya, wala akong masasagot. Kaya buti nalang at green ung index card na pinasa ko. Sa white siya palagi kumukuha. shet kelangan kong pag-igihan. Ansaya pa naman nyang prof. Tuwing pagtapos ng class, magtatanong siya. "Any questions? About the poems? About me? Sexual exploits?"

Stat 101
May coursenotes ako. Salamat noel! Galing naman dun lahat ng tinuturo. Pedeng-pedeng mag-advanced reading. Tapos ung mga assignments, nabigay na. Kaya pede ring pangunahan. Ayos. Nung unang araw, tinawag ako, ano daw height ko. Yun. haha. Nung pangalawa, nagtanong siya kung ano ibig sabihin ng non-probability sampling. Lahat ng kaklase ko biglang kinuha mga notebooks nila at course notes. E alam ko, nagtaas na ko ng kamay at nagbigay ng definition. Yehey. Naintindihan ko rin yata yung topic. Yehey.

Wala. Umaaraw, umuulan. Buong linggo akong may payong. Kailangan ko ng proteksyon. Kailangan rin ng iba.

Monday, June 22, 2009

Ramdam ang...Katamaran.

Hindi ko pa maramdaman ang school. Hindi pa 'ko nakakapag-adjust maigi mula sa mahabang break. Ayoko ng ganitong feeling, 'yung parang napaka bago mo sa isang environment. Mahirap gumalaw.

Econ 100.2.
Ambilis magturo.. siguro. Pero nasa book naman lahat. Kaya lang, wala akong libro. Kasama ko naman si Den kaya okay naman.
Econ 100.2 DISC.
Ang ganda ng room. Parang pang-ibang bansang paaralan. Yung may elevation per row. Kaya lang nasira ang kasayahan nang biglang kunin ni ma'am ang class list at inisa-isa sa recitation ang lahat. A pa naman ang apelyido ko. Mali ang sagot ko pero nag-ok siya. Sige. Ayos na rin. Masmadaling matuto pag nagrerecite at kapag nakikita mo na mali ang iba.

Comm 3.
Ayos lang. Nasasakal pa rin ako kasi COMMUNICATION subject ito. interactive dapat. tapos may kagroup ako last year na kaklase, at di kami nagpapansinan. Tapos may mga taga-Xavier na freshies na maingay, as in mahilig kumausap sa teacher at magrecite. nakaka-intimidate. nakakahiya, talo ng freshie. nakakatulog rin ako... papikit-pikit.

Pan Pil 19.
absent ako noong unang araw. Pumasok ako nung ikalawang meeting. Pagpasok ko, medyo marami ang tao. 'Di dumating ang titser. Nagplay ng pelikula. Bayaning 3rd World. Tungkol ito kay Rizal. Tinanong ko 'yung katabi ko kung may pinagawa ba na kung ano. Sabi niya magresearch daw ng isang kakaibang kwento tungkol kay Rizal at gawan ito ng reaksyon. Medyo nakakatulog ako habang nanunuod. Di ko rin naman kasi ga'nong maintindihan ung palabas. Medyo nakakatawa paminsan. Pero nakakaantok. oldie. Sabay kanina, ine-mail ko si ma'am. Tapos nag-e-mail siya.
"Anong Rizal?sigurado kabangPP 19 ang klase mo?Baka dapat sa PI 100 ka.
Pumasok ka na sa susunod at wag mag-absent.Kung magtatanong ka sa akin na lang at di sa katabi mong mukhang absent din katulad mo.Walang klase dapat nung thursday"
Haha. Antanga lang. 'Di ko alam kung mali ba yung room na pinasok ko o sadyang kinuha lang nila ung room dahil wala naman daw kaming klase noon.

Eng 11.
Isang beses pa lang kami nagkikita. OTB siya. First time ko yata magkatitser na ganon. Pina-upo niya sa gitna lahat ng studyante. Gitnang-gitna naman ako. Magiging masaya siguro to. Terror daw sya dati. Pero nagkaproblema sa puso kaya magiging magaan nalang daw siya. Yehey.

Stat 101.
Ang hina ko. Medyo di ko magets agad 'yung tinuturo niya. lintek na. Ayos lang. Salamat sa course notes o kung anuman yun noel. Buti madali assignment... at by group. Hay.

PE 2 STD.
di ako marunong maggroove. parantanga lang pag pinapanuod ko sa salamin. putakte. medyo sumasama na rin siguro tingin sakin ni kuya von coach von sir von o kung anumang von. Nakapantalon kasi ako nung 2nd meeting, e sabi nya bawal yun.

MPs 10.
Wala si prof nung unang meeting. Nag-iwan ng note, sabi sa Friday nalang daw. Wala rin siya nung Friday. Nag-iwan ng note. Pumunta daw ako sa blabla. Pumunta ako. Nagsign ng attendance tas may kinuhang biodata form. Tapos pinapunta ako sa xeroxan sa 3169. yun. nobela yata yun. Hay. Akala ko ansaya ko dahil 3 mtg pa na wala siya. Kaso PARANG andaming pinapagawa. magreresearch pa 'ko nang husto tungkol sa isang city. andaming hinahanap. sikat na artista yata. exotic food. etc. Antipolo o Angono nalang siguro.. City na ba Angono?

Wala pa yata ako sa kondisyon pumasok. Namimiss ko ang Math Building. Hay. Sana this week, komportable na 'ko at desidido nang mag-aral. Hindi ko alam kung matatandaan ko pa ung binasa ko kanina e. Sana dumating na yung araw na papasok nalang ako basta. 'Yung presko ang utak, walang iniisip. Kung late, yung pagkalate ang iniisip. Kung hinde, yung tinuturo lang ng guro ang iniisip. Basta. Hirap i-explain. Kung ano ako nung mga bandang end part o midsem nung mga nakaraang sem, sana maging ganoon na rin ako ngayon.

Ge. Matutulog na 'ko. Baka malate pa ulit bukas.

Saturday, June 20, 2009

Pautang, Ama.

HAPPY FATHERS DAY

sa ama niyong haligi ng tahanan, sa tatay niyong taga-taguyod ng pamilya, sa itay niyong kumakayod para magkapera, sa daddy niyong masarap kasama, sa papa mong puno ng pagmamahal at tagabigay ligaya

at sa ama kong hindi.

Marami na sigurong nacurious sa pagkatao ng aking ama. Marami na talaga. Pati nga guidance councilor namin nung high school e nagtanong tungkol sa kanya. Pa'no, hindi ko rin naman talaga maramdaman at hindi ko na rin pinaparamdam sa iba. Baka nga madami nang alam ang ibang tao tungkol sa nanay ko (tinatawag pa nga sa first name na first name lang at walang tita o kung anuman, syempre pag wala lang siya). Pero pagdating sa tatay ko, shut up nalang ako. Nasabi ko lang ung pangalan niya nung tinanong ako nun kasi lasing ako, pero malamang nalimutan na rin nila yun. Hindi naman kasi talaga siya magandang pag-usapan. Wala akong maisip na magandang sasabihin kapag ama na ang topic. Siguro yung mga biodata lang tulad ng ilan silang magkakapatid at kung pang-ilan siya (na sinasabi lang naman para magkuwento kahit papano tungkol sa relatives). Naalala ko tuloy nung binanggit ni Neil na nung nagpunta sila samin, para daw silang hostage (o kriminal ba?) na tinatago-tago ("Pwede na ba kami lumabas?"). Hahaha. Isa kasi sa tatlo o apat kong dahilan kung bakit ayokong magpapunta ng tao sa bahay e ang tatay ko. Nakakalungkot mang isipin, siguro kahit papano ay kinakahiya ko siya... ng onti siguro. Pero kasi may S yun palagi. Baka pag may papuntahin akong bisita, matyempong may S yun, nakakahiya naman. Sobrang GALIT lang talaga ang aabutin ko. Kanina nga, may S ulit siya. Nagising nalang ako mula sa tulog dahil SOBRANG lakas ng tv sa baba, nakafull volume. hay. Tapos ilang sandali pa e umiiyak na yung kapatid kong babae kay Mama. Wala. Sanay na'ko. Dami pa. Baka nga madami pang pedeng ikwento tungkol sa kanya. Puro kasiraan nga lang niya. Sabi nga ni Mama, ang bawat pamilya daw ay may special child (NA HINDI KO SINASANG-AYUNAN DAHIL MAY MGA ALAM AKONG PAMILYA NA MATINONG-MATINO AT KINAIINGGITAN KO, kahit na alam kong masamang mainggit). Siya na siguro yung amin kung hindi ako. Actually, ayaw ni Mama na nagkekwento 'ko ng family problem sa iba. Siguro nakakahiya para sa kanya bilang tagatayo ng pamilya. Eh, okay lang yan. Blog ko naman 'to. At hindi ko naman na pinoproblema pa 'yun. Tanggap ko na 'yun, realidad na yun. Sa bagay, ang problema naman ay realidad. Ha na. (Babaguhin ko nalang ang pangalan ko.)

Muli, di ko naman nga ikinalulungkot 'yun. Sabi nga ni Chiz Escudero nang tanungin siya sa Ateneo kamakailan lang kung ano ang naitulong ni Pangulong Arroyo sa bansa (paraphrased), "hinimok niya ang mga Pilipino na matalinong bumoto at pumili ng maayos na lider." Sa'kin, alam ko na siguro kung ano ang hindi dapat sa pagiging ama. Maiiwasan ko na ang ayaw ng magiging anak. At pagka-ama na ako, bawat taon, mayroong batang sincere na magsasabi sa'kin ng "Happy Father's Day."

Thursday, June 18, 2009

Ssshhh

...

...
(hahahaha)
...

...
(HAHAHAHA!)
...

...
(HAHAHAHAHAHA!)
...

...

Nangyari na 'to dati sa'kin. Naramdaman ko na 'to noon. Tumatawa silang lahat, ako lang ang hindi. Hindi ako makahanap ng rason para tumawa, kahit hiya ay hindi ko maituring dahilan. Dati naman e todo tawa rin ako pagkaganoon ang pinag-uusapan. Ngayon lang talaga hindi. Pero hindi ako nakatanga lang. Nakatingin ako sa malayo. Pero hindi blangko ang isipan. Sa katunayan, tinutuligsa ng aking isipan ang kanilang kinatutuwaan. Pero kaibigan ang kasama. Lahat ay nagtatawanan. Kapag nagsalita ako, ako ang iba. Baka mag-iba pa ang turing sa akin. Kaya sige, tahimik nalang.

...

...

...

Tumigil na ang mga hahaha.
...

...

...
Nabingi si kuyang nagdadrive sa katahimikan. Binuksan nya ang radyo.
...

...


... Salamat, may ibang pedeng isipin.





... ... ...

Naalala ko noong isambeses na naganito rin ako. Magkakatabi silang magkakaibigan, ako nasa dulo. Sila'y nagtatawanan, ako nakatingin sa bintana ng bus. Umuulan pa naman nun. Ang emo tignan. Pero 'di manhid ang kaibigan ko. Nag-eeffort syang libangin ako o kung ano. Nag-eeffort syang magtanong. Pero hindi ako kulang sa pansin, kaya minabuti ko nalang na itigil ang usapan.
Bakit gano'n? Bakit bigla nalang nag-iiba ang paningin ko sa dati kong trip? Kung noong unang magkakilala palang kaming magkakaibigan at ganoon ako, malamang hindi ko sila kasama ngayon.

Malamang may nangyari lang bago yun na nag-iba talaga ng aking pakiramdam. Sabi sa Comm 3 kanina, ang bawat communication ay unique, "unrepeatable". Sa pagkakataong ito, ang mga nakakatuwa noon ay hindi na nakakatuwa ngayon. Kapag ang joke ay nalalaos, ang kasiyahan ay nag-iiba - minsan bumababaw, minsan tumataas. Ngayon e hindi bumenta ang tinda ng mga kaibigan. Nagsawa na 'ko sa tinda nila. Baka sa iba na ako bumili. Hindi na nila ako magiging suki. Pero malay nila, kung sobrang husay nilang maninininda, babalikan at babalikan ko rin sila.

Tuesday, June 16, 2009

Sa Bago o sa Luma, sa Bago at sa Luma

Unang araw ngayon ng school year 09-10 para sa U.P.. Ibig sabihin, tapos na ang summer. At nitong summer, goal kong matutunan ang sining, agham, pag-aaral o kung anuman sa paggawa ng kaibigan at pagkakaibigan. At ngayon, sa unang araw ng taon, ang part 1 ng exam.

Unang araw palang, may absent na. Sakto naman ang gising ko. Sakto rin ang alis ko sa bahay. Ang 'di lang sakto, e yung pagkuha ko ng masasakyan. At nung makakuha na 'ko, sobrang sikip naman ng traffic. Kaya naman isang oras na ang nakalipas mula nang magsimula ang una kong klase e wala pa ko sa school. Kaya yun, ung pangalawang klase ko nalang ang pinasukan ko.

Maulan. E medyo nagpapaapekto yata ako sa panahon. Di ko tuloy magawang ngumiti. Econ 100.1 na. Sa auditorium yun kaya naman maraming tao. Parang wala akong balak makipagkaibigan sa ganon kalaking klase. Tinetext na ko ni mars. kaso di kami nagkatabi, kasama nya mga orgmates nya. Pagtapos ng econ, balak ko sanang kausapin pa siya, kaso wala rin naman yata akong maisip na sasabihin. Dumiretso nalang ako sa susunod kong klase.
Comm 3. Asar. Napalitan ung prof ko. Ayon sa research ko pa naman e mataas magbigay ng grade ung inenlistan kong prof... sabay napalitan. Hay. Ayun. Andun yung kagrupo ko nung Geog 1 1st sem last year. 'Di kami nagpansinan, never pa naman yata kaming nag-usap kahit magkagrupo kami. Wala 'kong paki. Introduction. Hindi ako nag-effort alamin yung mga pangalan ng kaklase ko. Hindi rin ako nag-effort sa pagbibigay ng introduction. Isang tanong, isang sagot, in Filipino pa. Walang hiya. Sugod sa next class.
PE 2 - Streetdance. Yes yes yes. Medyo nabuhayan ako. Yun. Andun ung blockmate kong never ko pa rin yatang nakakausap. Tinanong ko lang kanina kung tama ba ung klaseng pinasukan ko tas isnaban na ulet. Blabla. Uwe.

Walang kwentang araw. Wala gaanong kinausap. Mapa bagong kita o luma nang kilala, wala 'kong ganang kumausap, hindi ako komportable. Bagsak ako sa unang exam. Wops di bale, warm up palang naman yun.

Langit, Lupa

Ang pagiging bukas sa isa't-isa ay isang mahalagang sangkap sa isang matagumpay na relasyon - mapa-pamilya, kasintahan, o kaibigan. 2nd year high school retreat nang una akong makaranas ng isang open forum sa pagitan ng magkakaklase. 3rd year high school retreat naman nang bigyan kami ng isang notebook na susulatan ng bawat kaklase, lalagyan ng mabuti at masamang katangian. Kamakailan lang, ginawa naming magkakaibigan (35) pareho, nag-open forum at nagsabihan ng gusto at kinaiinisan sa bawat isa. Hindi para makasira ng pagkatao o makapagpalaki ng ulo, kundi para makita namin ang aming sarili sa mata ng ibang tao.

Dumating ang aking pagkakataon. May mga salitang lumabas na 'di ko naman gustong marinig tulad ng pagkatalino, pagiging independent, at galing sa pagsusulat. Tingin ko kasi hindi 'yun mga positibong bagay para sa'king pakikipagkapwa. May mga salitang lumabas na ako, sa sarili ko, e alam ko. May isang salita raw ako (salamat at naappreciate), may prinsipyong pinanghahawakan, na hindi ako makuwento o malapit sa pamilya. At may mga salitang lumabas na 'di ko ganoong inasahan. Mas okay sa okay daw akong kaibigan, ambilis ko raw mag-evolve, antaas ko daw. Bihira kung ituring ko ang sarili ko bilang isang mabuting kaibigan, siguro mabait, pero hindi mabuti. Palagi akong nakakahanap ng lamat sa aking sarili bilang kaibigan. Tingin ko kayang-kaya naman akong palitan ng maraming tao. Madami diyang masmasaya kasama, masmasarap kausap, masmakabuluhan magpayo, masmapagbigay sa oras. Ako, wala lang.
Pero lahat ng 'yan ay relative. RELATIVE (mahalagang salita iyan). Ang sinasabi nilang taas ko ay relative. Ang anila'y bilis kong pag-evolve ay relative. Ang tingin ko sa sarili kong mahinang kaibigan ay relative. Relative sapagkat depende ito sa tao. Depende sa tao kung titignan nila ang ibang tao bilang langit na kahit anong talon ay di nila maabot o lupang habang buhay inaapakan. Tingin ko masamang tignan ang iba bilang lupa. Mayabang yon, mapagmataas at laging namimintas. Buti sana kung tataniman mo ang lupang iyon ng halaman na lalaki, lalago, at maabot ka (oa na sa analogy). Tingin ko, hindi naman masamang ituri ang ibang tao na langit. Hindi masamang humanga. Ang masama lang e yung sa sobrang paghanga mo e di mo na malapitan ang Langit mong itinuturing dahil antaas niya at ambaba mo. At di magtatagal, mauunawaan mong di mo siya kayang abutin at isa ka lamang mababang nilalang. Emo ka na. Iyak na lang.
Pero lahat nga ng 'yan ay sa paraan lamang ng pagtingin. Pede ka namang hindi tumingin sa langit o sa lupa. Pede kang tumingin ng diretso. Tignan ang tao bilang kapwa tao, kasama mo sa ibabaw ng lupa at ilalim ng langit. Nang sa gayon e pantay-pantay ang lahat. Walang takot para di makalapit. Walang yabang para magtayo ng pader. Walang limitasyon sa pakikihalubilo. Tao lang, kasama mo rito. At pagka namatay, saka mo iiwan - ang katawan mo sa lupa, at ang kaluluwa sa langit.

Wednesday, June 10, 2009

Babay ng Bata

Ansarap maging bata. Ansayang maging bata. Gusto ko ulit maging bata. 'Yan ang akala ko mga ilang buwan na ang nakaraan. Pero gawa ng mga nakalipas na araw, naalala ko, hindi pala.

Kasama sa kultura ng Azaaar ang roundtable. Isa-isang tinatanong ang bawat miyembro, paikot sa buong mesa, hanggang matapos ang lahat. At nung isang araw, ang tinanong ay kung pano daw kami mag-away na magkakapatid at pano maglambingan.
WALA. Hindi walang pumasok sa isip ko. Kundi pumasok sa isip ko na wala. Kaya rin siguro ako hirap magkwento ay dahil kinalimutan ko na ang nakaraan. Pero onting piga pa, at naalis ang ulap sa isipan kong nagngangalang WALA at naalala ko na kahit papano kung papaano ko nung bata ako at ang mga kapatid ko. Pangit nga. Wala ring kwenta. Puro away lang, iyakan. Pero di yun mahalaga. Bukod dun e naalala ko 'yung mga tinuri kong kaibigan noon. Meron akong mga kapitbahay na pinupuntahan talaga sa bahay. Mga kabasketbol na tuwing hapon e nagtatawagan pa para magbasketball. Mga gradeschool friends na talaga nama'y pinagtetelebabadan. Mga 1st yr and 2nd yr hs friends na palagi ko rin kasama. Kaya lang, hanggang "noon" lang 'yun. Ewan ko na ngayon.
Kung iisipan ko ng dahilan ang bawat pagtigil ng pagkakaibigan (palagay ko e tumigil naman na talaga), away lang siguro ang dahilan. Yung iba, nakulangan lang siguro ng pag-uusap. Pero sabi nga ng prof ko sa MS1, "Communication is vital." Totoo. Ayan. Patay na ang pagkakaibigan. Onting tampuhan lang talaga, wala na ang pagkagandang pagkakaibigan.

Palibhasa bata, immature. Pagka-kaaway, kaaway. Nilagyan na talaga ng harang, binura na sa buhay. E ngayong matanda na't sabihin nating mature? ... Ganon rin pala. Pareho lang. Babay.

Pero sana, hindi ko balang araw isipin na nasayang ang pagkakaibigan na meron ako ngayon. Sana pagtagal e nagsasaya pa rin ako kasama sila.

Tuesday, March 24, 2009

Papayo

Sabi sa BNO (magic? 89.9), "WHEN YOU SHARE, YOU CARE." Sabi ng isang kaibigang manyak, kapag daw nagkekwento ng problema, MAY ULTIMATE BOND na nasestrengthen between two friends/people. Kailangan kong sumang-ayon. Siguro kasi lately, medyo kinekwentuhan ako ng problema ng ilang tao.. at siguro, nagkekwento rin ako... pero ano nga ba'ng kaya kong isagot?

One time sa mcdo, may (supposedly) tinutulungan ako sa kanyang problema (na sana ay nagawa ko nga)... at sige, nagsasalita ako... pumapayo ako... tapos at one point, tumigil ako, tumingin sa kawalan, ngumiti. Napansin niya, tinanong niya kung ano'ng meron. Sabi ko wala. Syempre pumilit. At syempre dahil may namumuong bond na nga, sige , wag nating putulin. Sabi ko, "i'm learning." Tama, I'm learning... naiinis kasi ako, pakiramdam ko wala akong kwentang kausap.. haha. HINDI KASI AKO MARUNONG MAGBIGAY NG PAYO... (yata) ... AT YUN AY dahil baka masnagmature ako.. Baka naging mas conscious ako sa possible conditions ng tao.. baka naging mas-open ako sa ideas.. baka naging mas humb(UL)le ako. At naging takot akong pumayo... dahil baka mali ako. Hindi ko alam pero siguro nagpayo na rin ako before, pero hindi nakinig yung tao... kaya siguro ayaw ko na. Siguro lang... Pero ayun, iwas payo na 'ko. Kaya puro O at A nalang ang sagot ko. nag-iiba nalang ng pananda - question mark, exclamation point, period, o elipses na dinagdagan ng maraming h. At hindi ko 'to gusto. Naisip ko rin, kung ako ang magkekwento ng kung anumang may bigat sa damdamin ko at O at A lang ang marinig ko sa kausap ko, e ta mababadtrip lang ako.

Kaya tama.

Matuto. At natututo nga yata ako. Medyo mataas pa rin nga ang tingin ko sa sarili ko. Pero hinahayaan kong matamaan ng sapak ang mga kahinaan ko... at balang araw, ang maliit na masel, pag sinapak sapak, ay lalaki. Kaya naman pag may pagkakataon, gusto kong magbigay ng payo. E ano kung mali? Sa tingin ko naman may sense lahat ng sinasabi ko... hindi nila masasabing wala akong sense kausap.... sa bagay, ano naman kung wala akong sense kausap? Kung masaya ako sa pakikipag-usap, sige, makikipag-usap ako. At sa ngayon, masaya ako sa pagpapayo. Hindi man lahat ng bagay ay alam ko, tingin ko naman ay may prinsipyo ako, at doon ako babase. Tuturo ako habang nagpapaturo.

Tuesday, March 17, 2009

Dahong Kuminang

Alam niyo ba kung ano ang paborito kong bagay?

HINDI.

Gusto niyo bang sabihin ko sa inyo?

HINDI.

okay.

JOKE LANG.

o sige....... dahon!

Mula pa nung kindergarten ako, hanggang 4th yr high school, dahon na ang trip ko. Madalas kasi, nagbibigay ang teacher ng activity kung saan ipapadraw ako ng isang bagay na sumisimbolo sa aking katauhan. At mula noong nasa kinder pa 'ko, hanggang sa activity ni ms. yusores noong fourth year, takteng dahon ang dinadrawing ko... at hindi lang basta dahon, DAHONG WALA SA PUNO, nakahiga sa tubig. o kaya naman kapag tinamad kumulay, DAHONG nasa ere, with matching curves around it to show the wind.

Kasi korni ako. Nakalimutan ko na kung bakit dahon ang palagi kong dinadraw.

Pero iba na ang uso sa'kin ngayon. Nakaisip na'ko ng bago.

Alam niyo ba kung ano ang bago?

HINDI.
Gusto niyo bang sabihin ko sa inyo?

HINDI.

Wala akong pake, sasabihin ko pa rin.
...... DIYAMANTE!

Malayong bunga siguro ito ng isang blog na ginawa ng isang maharlikang kaibigan. Sabi niya kasi, may two-sided at may one sided. 'Yung two, maraming sides na pinapakita sa iba't-ibang uri ng tao. 'Yung one, isa lang sa kahit sino.
E ako, two-sided, ika nga. Iba ako sa kanila. Sinasalamin ng bawat hiwa ng aking dyamante ang pagtrato ko sa kanila. Kung masama ka sakin, masama ako sa'yo. Kung masaya ka sa'kin, masaya ako sa'yo. Kung humarap ka sa'kin na ambigat bigat ng pakiramdam at tila galit sa mundo, malamang, hindi kita kakausapin, mag-iinit lang ang ulo ko.Bahala ang paligid kung saang hiwa sila haharap. Pero meron din namang nakatakdang hiwa para sa ilan. Isang parte ng dyamante ay sasalaminin ang pamilya, isa sa kaibigan, isa sa mga kamag-anak, isa sa katrabaho. Ganon lang kasimple.
Tinanong ako ng isang kakilala kung bakit ako masungit sa kanya. Hindi ako makasagot. Hindi ko alam ang sasabihin ko... sinabi ko nalang, "KASI DYAMANTE AKO." Hindi nagets nung kakilala ko. Sino nga naman ba? Pero sabi ng manyak kong kaibigan, "HARD! MATIGAS SIYA!" Oo. Tama. Bukod sa pagkakaruon ng maraming sides, ako ang pinakamatigas sa lahat. Hindi matigas dahil bato ang puso. Matigas, dahil matatag. Palagi kong sinasabi, WALA AKONG PROBLEMA. Kasi para sa'kin, ang problema ay isang mindset. WALANG PROBLEMA KUNG HINDI POPROBLEMAHIN. At wala talaga akong balak problemahin. Kaya ako, mananatiling makinang na mukhang babasagin, pero matatag, di parang buhangin.
Isa akong dyamanteng tinitinda sa pinakamahal na jewelry store, inaalagaan ng sales lady na hanggang tingin lang, at hindi kailanman maisusuot; binibili ng mga kaibigang maprinsipyo, masayahin, at kaya 'kong dalhin; sinasanla sa pawnshop para maipahawak sa iba; saka kukunin pag nakaraos na.
Kikinang ako mapasaan man mailugar, wag lang sa mapanakal na may-aring pilit akong gagasgasan.
Diyamante ako. Mahal ako. Mamahalin ako. Ako ang pinakamagandang regalong materyal na matatanggap mo. at isa pa, diamonds are forever.



WHAT A HUGE EGO

Tuesday, March 10, 2009

A > S

Agham > Sining
o
Arts > Science?

Hmm... Paano kaya kung magkaroon ng isa na namang paradigm shift. Mula sa panahon nila Socrates kung saan ang paradigm ng pag-aaral at karunungan ay Pilosopiya, hanggang sa magtungo sa Biology, Genetics, Physics, Chemistry, at kung anu-ano, hanggang sa ngayong Environmental Science, ________pa'no kung malipat sa ARTS?
SINING, MY FRIEND (binibigkas ng tuloy-tuloy, walang kuwit, "sining my friend"!) Hmm. siguro nung panahon ng renaissance, arts na rin. Pero pa'no kung LAHAT na ngayon, ARTS na ang pagtuunan ng pansin?
Panitikan, pagpipinta, iskulptura, arkitektura, musika, at kung ano pa ung ibang kabilang sa 7 arts - pa'no kung diyan na ang pokus ng pag-aaral ng karamihan... ng lahat?!
Hmm... oo nga no. Hihinto ang mapanirang teknolohiya, baka huminto na rin ang Global Warming. Lahat ay makata, lahat ay nagpipinta. Walang magkakalat, walang mga pabrikang buga ng buga ng usok.... KASI PANGET! Kelangan maganda ang sining. Walang maganda sa basura! Kukulayan muli ang itim puti gray (?!) nating mundo. Ngingiti ang dating P* Inang Bayan.
'Yan ang SINING, MY FRIEND!

----------------------------------------------------------------> mapanlinlang na suwestiyon ng taong mahina sa Math at tamad mag-isip na nasa kolehiyo't nag-aaral ng inhineriya.

Kanina, nalaman ng isang kaibigan na magdedebut na 16 pa lang ako. Ambata ko raw, sabi niya. Antanda niya, sabi ko. Antanda niya, ayos lang. Ambata ko, hay nako.

EWAN! Ewan kasi naguguluhan ako. At Ewan kasi un ang sabi ko nung summer 2007 nung finifill-upan ko ang application form ko sa UPCAT. Lintek. HAHAHAHAHA. 'Yun ang narealize kong mahirap sa pagiging bata sa normal, less mature, hindi pa ga'nong mulat, 'di pa alam ang gustong tahaking landas, nagpapasama pa sa iba (baka maiblog minsan).

"Anong course mo?" tanong ni tao.
"CoE ho." proud na proud na sagot ni iho.
"CoE?? Ano 'yun?" nagtataka (at siguro nanlalait) na tanong ni tao.
"Computer Engineering LANG NAMAN!" humble na humble na sagot ni iho. [okay wag nang magyabang. wala ka namang alam sa kurso mo.]
Haha, yan. CoE nga ang kurso, pero 'di ko talaga 'to gusto. E Bakit ko sinulat sa app. form? Ewan. Kasi ang goal ko nun, makapasok lang ng UP, kahit anong kurso na. E akala ko mahilig ako magdota at mag-internet, at akala ko madali lang magcomputer, kaya sige BS COMPUTER ENGINEERING (5 YRS.) ang lintik na sinulat sa application form. (BS Business Administration ung isa. 'di ko alam kung alin ang first, pero sabi ng iba, masmalamang na CoE ang first kasi masmahirap nga raw pasukin yun). Kaya ayan, patapos na ang isang taon, college na. Summer nung 3rd yr hs ko pa dapat alam kung anong kurso ang gusto ko.... pero parang ngayon lang pumapasok sa isip ko kung anong kurso ang gusto ko.

Oo nga, shifting nga ako sa BS BA... tapos pag makashift, shift ulit next year sa BS BAA.... little by little. Pero ngayon, hahaha. .... hahaha.... hahahahahahahaha.. tang ina kasing slumdog millionaire yan. Oo, gusto kong magFILM! bwahaha. Feeling ko e ako ang unang Pilipinong makakatanggap ng Oscar para sa Best Director/ Best Screenplay/ Best Cinematography/ o kahit Best Actor! Haha. putchak (kamiss si sir sonajo). Hahahahaha. takte. Pero sayang naman ang pagdurusa ko sa math 17, at ngayon sa math 53. ... kaya... isa pang option, BS PSYCH! Since baliw naman na yata ako, at nakakabaliw daw ang psych, easy nalang yan. .... kaso, sabi sa exam na kinuha ko sa OCG(? basta ung guidance), business daw (kasi minanipulate ko ung sagot ko. duh.) o COURSES LEADING TO LAW DAW... odi... BA psych?! ina. Medyo ngayon kasi, medyo interesado ako sa tao... Medyo.
haha. takteng buhay to.

Pero sabi nga ni JC, ang pera, NASA MATH! Kaya naman magpapakarealistiko nalang ako, BS BAA, here I cum............. laude.

Wednesday, February 25, 2009

Gising o Lasing?

Tao ako at nag-iisip ako. Kasi kung hindi, edi parang hayop na rin ako, halang ang kaluluwa, walang pag-iisip. Pero pede naman yatang may kaluluwa, di nga lang nag-iisip.

Ewan. Nag-iisip kasi ako. Kapag may nagawa akong tama, pag-iisipan ko. Mananatili ako sa nakaraan. Pag may hindi ako sigurado, pag-iisipan ko. Mag-aalala ako, kakabahan. Kapag may magawa akong mali, pag-iisipan ko, saka ko pagsisisihan. Siguro kaya rin ako nag-iisip bago magsalita o kumilos ay dahil sa mga reaksyon ng tao na hindi ko nais pero aking natanggap. Papagalitan ako, papangaralan, susumbatan, pupulaan, lalaitin, at kung ano pa. Mag-iisip ako, "patay, hindi ko na'to gagawin."

Kapag may madaanan ako na naging kaklase o kilala, mag-iisip ako. Ano kaya ang gagawin ko? Kakawayan ko? Tataasan ng kilay (tatanguan)? Bibigkas ng "hello"? O titingin sa lupa? Kung kinawayan ko, tinanguan, hinellohan, odi ayos, ngiti. Kapag tumingin lang ako sa lupa, odi ayos rin, wala lang. Pero nag-isip pa rin ako, nag-alala, namroblema.
Pag pakiusapan ako ng isang kaibigan na gawin ang isang bagay maski kalokohan, para lang sa katuwaan, mag-iisip muna 'ko. Sasabihin ng isip ko, "WAG. Kalokohan yan, mapapahiya ka lang, masisira ang kaganda-ganda mong reputasyon." Sasabihin ko, "Ayoko." Hindi ako makikisama. Nag-iisip kasi ako.

Kapag may ipakilala sa aking sanamagingkaibigan, nag-iisip ako. "Hello". Tas yun na. Hanggang dun lang. Kasi iniisip ko, hindi kami close, mahiya naman ako. Inoobserbahan ko pa siya, kung pa'no siya kumilos, kung pa'no siya magsalita, kung ano ang hitsura niya. Tapos, isistereotype ko siya... kasi nag-iisip ako, huhusgahan ko siya.
Kaya rin siguro ako hindi madaldal, kasi sinasala muna ng utak lahat ng aking sasabihin, hanggang sa wala nang matira. Lininis na ng utak ang sasabihin, bahala na ang lakas ng loob kung sasabihin pa... Kasi nag-iisip ako.

'Yan ako bilang taong gising. Isang rational being, angat sa kahayupan, lamang sa lahat ng nilalang. Nga lang, natututukan ng baril ng pari, magulang, guro, kaibigan, at sino pang mapangialam. Nag-iisip ako. Hindi nga lang malaya. Isang bala para sa sala. Isa para sa kabastusan. Isa para sa maling salita. Isa para sa nakakubang pag-upo. Kailangan tumindig para sa reputasyon. Mahalaga ang reputasyon. Nakatutok ang mga baril sa akin. Nakataas ang kamay ko. Nag-iisip ako. Ano ang gagawin ko? Susuko, magpapaalipin sa nagdikta ng aking pag-iisip? Sige, dahil nag-iisip ako. Mahalaga ang buhay. Hindi pwedeng mamatay. Mahalaga ang reputasyon, dapat ingatan. Mag-iisip ako.

E kung hindi? Kung piliin kong labanan ang pari, magulang, guro, kaibigan, at sino pang mapangialam na nakapalibot sa akin at tinututukan ako ng baril? Kung labanan ko itong mga taong itong nagdikta ng aking pag-iisip, gumising sa akin, at patuloy na tumututok ng ulo ko sa isang direksyon para hindi makita ang iba? Pa'no? ._. Alam ko na. Magpapakalasing ako.

Lasing na ako. Isa na akong homo sapiens sapiens, kabilang sa kingdom Animalia. Kapwa ko na ang ibon, ang leon, at ang pagong. Lasing na ako.

Kapag may magawa akong tama, matutuwa ako nang husto. Ngingiti ako na parang gago. Babarilin ako ng mga mamang mapangialam. Wala raw akong kakahiyan. Magmumukmok ako, Susuntok sa sementadong sahig sabay aaray. Babarilin ulit ako kasi mukha daw akong tanga. Susuntok ulit ako sa sementadong sahig sabay aaray. Sabay may kakalabit sa'kin. Okay na. Mapupunta sa nangalabit ang aking atensyon. Mabubuhay ako sa kasalukuyan, dikta ng kalikasan at ng nariyan. Babarilin ulit ako ng mga mamang mapangialam, wala na akong paki. Lasing ako.

Kapag may madaanan akong taong pamilyar, naging kaklase/schoolmate, o kilala sa pangalan, wala nang isip-isip pa. Kakaway na agad ako, kakausapin ko siya sa kung ano ang naaalala ko sa kanya. Kakausapin ko siya nang 'di nag-iisip, salita lang nang salita base sa memorya, at base sa sasabihin niya. Mag-uusap kami na parang magkaclose kami. Magkakaroon ako ng kaibigan. Ngingiti ako na parang gago.
Kapag may kaibigan ako na magpagawa sa akin ng kung anuman, maski kalokohan para lang sa katuwaan, wala nang isip-isip pa, gagawin ko na. Kasi kaibigan ko, mahal ko, kikilos ako sa kaprisyo. Lasing naman ako. Gagawin ko. Tatawa sila. Matutuwa sila. Matutuwa rin ako. Ngingiti ako na parang gago.
Pag may ipakilala sa aking bagong taong sanamagingkaibigan, wala na ring isip-isip pa. Ako na ang unang makikipag-usap. Babanggitin ko ang paligid o ang tungkol sa taong nagpakilala samin. Lasing ako. Dahil wala akong hiya, maaalis na rin ang kanyang hiya. Mag-uusap kami na parang magkaclose. Magkakaroon ako ng bagong kaibigan. Ngingiti ako na parang gago.

'Yan ako bilang taong lasing. Isang impulsive being. Pantay ang tingin sa lahat, kapareho ng kahayupan. Tutukan man ng baril ng mga mapangialam, walang pakialam. Hindi ako nag-iisip. Malaya ako. Walang kailangang panindigan. Walang kailangan. Lasing lang ako, kumikilos base sa galaw ng mundo, sa kung ano man ang meron sa nagaganap, sa anumang sabihin ng tao, sa kung ano ang sabihin ng puso ko. Tinututukan pa rin ako ng mga mamang mapangialam, pero nakangiti pa rin ako na parang gago.


Dalawa na lang ang pwedeng mangyari.

Una, ipuputok na nila ang mga nakatutok na baril. Papaulanan ako ng bala. Paparusahan ako. Pagkakaitan ng anumang nais ko. Ikukulong nila ako sa kwarto. Tuturuan nila ako ng leksyon. Ipapamukha sa akin ang kahihiyan. Pero lasing ako, matutulog nalang ako. At pilit nilang gigisingin ang lasing sa katauhan.

Ikalawa, makikita nilang nakangiti pa rin ako na parang gago, hindi takot sa kanilang mga baril. Iiwan na nila ako. Magiging malaya na ako, walang paki sa bansag at panghuhusga. Walang paki sa nangyari't mangyayari. Mabubuhay kaming mga hayop, nagkakaisa para sumaya. Nabubuhay lang sa kung ano ang nariyan, tatawa, matutuwa, ... ngingiti na parang gago.

Monday, February 23, 2009

Sige, Magkekwento Na Ako

Siguro kung tatanungin ako ng mag-iinterview sa'kin sa pag-aapply ng trabaho, na parang si guidance councilor na nag-iinterview ng mga batang papasok sa high school, siguro kung tatanungin nila ako kung ano ang mga kalakasan ko, mag-iisip ako. Siguro kung tatanungin nila ako kung ano ang mga kahinaan ko, sasabihin ko, pagkekwento. Pero kapag sinabi ko 'yun sa isang job interview at ako'y isang businessman na nun, o basta nasa business industry, malamang hindi ako tanggapin. Kailangan yata ng magaling makipagcommunicate sa ganong industriya. Hindi ata ako bagay. Pero ipipilit ko. Sasabihin ko sa dulo ng aking interview na ako'y nagsusumikap at magsusumikap pa, para lang matuto kung paano magkwento. Tapos tatanggapin na nila ako. Pero hindi pala talaga ako magkekwento. Niloko ko lang sila.

Hindi ko alam. Pa'no ba magkwento? Nung grade school, ang alam ko, tahimik ako. Pero may mga kaibigan naman. Nagkekwento kaya ako nun? Nung high school, ang alam ko, medyo dumaldal ako nun... Nagkekwento kaya ako nun? Hmm... Ano bang dapat ikwento? Sa pagkakatanda ko lang, noon, medyo madalas lang akong mambackstab. Oo na, inaamin na. Pero walang kwenta yun. Ayan, ngayong hindi na'ko nambabackstab, wala na'kong masabi. Ang hirap naman magkwento. Baka kasi hindi dapat pinipilit ang pagkwento... Nakakainggit. Kapag tinanong ako ng "what's up?" ang tanging sagot ko lang ay "wala lang". E wala naman kasi talaga lang.

Nung isang linggo yata, nasa eng'g lib 2 ako, nagnenet lang. winay-em ako ng isang kaibigan, sabi niya, "sup?". Sinagot ko, "teka ha... Pa'no ba sinasagot ang ganyang tanong?" ..." sige kunwari ikaw ang tatanungin ko.."... "SUP?". sumagot siya. Sinabi niya kung nasaan siya at kung ano ang ginagawa niya. Tapos tinanong niya ulit ako. Sinabi ko kung ano ang ginagawa ko. Ayun. wala namang pinatunguhan kasi aalis na rin siya. Pero kapag iba ang kausap ko, palitan ng sup, tas kwento na nila. Ayos lang. Maganda nga yon. Ayoko ng nagkekwento eh. Sabi nga, "some things are better left unsaid." o kaya naman, "kung walang sasabihing maganda, wag nalang magsalita." O wag na nga lang. Paki niya sa sasabihin ko? Ewan ko. May paki naman ako sa sinasabi nila. Ewan ko lang kung may paki sila sa sasabihin ko. O e kung nagkwento nga ako tungkol sa buhay ko... edi wala. ayun. siguro nagbond. odi masaya. e hindi ako marunong magkwento. Wag nalang.

Kanina, sinabihan ako ni Mama, magkwento daw ako ng buhay ko. Ako daw ang pinaka-hindi nagkekwento....Napaisip tuloy ako, "sige magkekwento na'ko." wops. A.S.A. Hmm... minsan, tinatry ko namang takpan ang katahimikan. Sinasabi ko sa sarili ko na "sige magkekwento na'ko." Tapos ayan, magkekwento nga ako. Hindi ko naman masabi nang maayos. O minsan, kapag nasabi ko nga ng maayos, wala. Tatango nalang. tas maagkekwento ung kausap ko ng kanya. Haha. Sabi ko nga, wag nalang ako magkwento.

Buti nga at may blog ako... sa Multiply. Doon (dito rin through crossposting), nakakapagkwento ako. Kasi de-sulat lang. Kasi pinag-iisipan ko rin minsan. Kasi linilinis ko. Kaya ayos. Pero kulang. Pero ayos lang. Kaso, ina-add naman ako ng mga hindi ko kaclose na dapat kong kaclose. O kahit kaclose, pero hindi ako komportable kausapin. O kahit komportable kausapin, ayaw ko lang sabihan ng ganoong bagay. Ina-add ako. E hindi naman nila ako kilala. Ayan, baka nahuhusgahan ako. Pero buti nalang pedeng FOR individuals o FOR FRIENDS only. buti nalang talaga at ang talino ng gumawa ng multiply. Ayun. Nakakapag express ako. Pero... may facebook rin ako. At lahat ng gawin ko dun, mapapaalam sa lahat ng contacts ko. Diba nakakainis. Ayan nga't inadd na rin ako ng mga hindi-komportableng-dapat. Wala na, hanggang mafia wars nalang ako. Kasi baka makita nila akong magmura. Baka may bastos na lumabas sa bibig ko. O bastos na sabihin ng iba sa'kin, pero ayos lang naman sa'kin. Wala na e. Makikita nila. Para bang ang saya-saya mong naglalaro kasama ang kaibigan mo, sabay darating ung terror prof mo. E wala, wala na, mahihiya ka na. Hay. Ayaw na nga sa biosphere, ayaw pa sa blogosphere. Mukhang ayaw talaga akong ipakwento.

Sa bagay, ano nga bang ikekwento? Lablayf? Sorry, wala pa ako nun. Kaaway? Wala rin... sana. School? hmmm.. paki nila? ewan. Problema, Sorry, wala rin ako nun... sa tingin ko. E baka wala nga. Pramis wala nga. Masaya ako. Ang tanging problema ko lang siguro ay ang aking kalusugan. Pero magaling na ulit ako. Salamat sa linggo-linggong pagbisita sa doktor. Ayan, wala na akong problema. ____ Yes! nagkwento ako! Sinabi kong pumupunta 'ko sa doctor. O e ano ngayon sayo? Hmm.. Napag-usapan na rin namin ng maharlika kong mga kaibigan 'yung tungkol sa pagkekwento ng problema. E ayon, ni isa yata samin, wala namang nagkekwento ng problemang pampamilya. Sabi nga run, anong punto ng pagkekwento, hindi ka naman matutulungan. Nandadamay ka lang ng iba. Dadagdagan mo lang ang problema nila... kung may paki sila. Ewan. Wag na nga lang.


Ano, ang gulo na. Magkekwento ba 'ko dahil gusto ko? O dahil kailangan ko? Alam ko, gusto ko. Baka nga lang hindi gusto ng iba. Alam ko, kailangan ko. Hindi ko lang kaya. O baka kaya ko, ayaw ko lang. Hindi ko alam. Bahala na?

Pa'no kung hindi ako 'yung taong makwento? Ipipilit ko ba? E hindi nga ako yun?
O baka ako yung tipo ng taong gustong magbago, odi magkekwento na 'ko? Para bago?
Sabi nila, 16 times mo daw kailangan ulit-uliting gawin ang isang bagay para maging habit mo na siya. Halimbawa, uminom ka ng alak sa labing anim na araw, ayun, hindi na siya mapait. O kaya naman magyosi ka 16 times, cool ka na, hindi na siya nakakaubo. Habit mo na siya, hindi ka na cool. Patay ka na. ___ Ganoon rin kaya sa pagkekwento? Ayan. Ayan ang tinuro saking wag gawin sa ESOTSM, wag mag what if, gawin nalang. Kaya sige, gagawin nalang. susubukan. Sakay lang.

Wednesday, December 31, 2008

DUH

NEW YEAR RESO- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
like duh omg you know yea i know right oh my gosh i super duper love twilight you know im super wtf$U!@#(#*@!($&@!(#*@!(


wtf na multiply. nagloko. nung sinave as draft ko, napost. ayan nakita tuloy ng iba. ge.

tsk tsk tsk... sa kasamaang palad, 2009 na. tsk tsk tsk. pero sige, NEW YEAR RESOLUTION!. di naman talaga ako gumagawa nito, sinasabi ko lang sa sarili ko, pero sige lang.

1. DUH. MAGSIMBA!
at least once a month! kaya yan. Taon-taon naman kasi, ang new year resolution ko ay magsimba every sunday... na di naman nagagawa. ngayon, let's be realistic. AT LEAST ONCE A MONTH! kayang-kaya no?

2. isa pang DUH. MAG-ARAL!
pero magpakatotoo muli tayo. hmmmm...hindi nalang pala. hahaha

3. puro nalang DUH! MATULOG NANG MAAGA!
pambihira. sawa na 'ko sa sariling pangaral. di ko rin naman sinusunod. kaya sige, magpakatotoo muli. at most, hanggang 1AM lang akong gising dapat! bye bye nocturnal beings

4. eto hindi na yata DUH. NGUMITI!
hahahahaha.. sabi ng ms1 prof ko nga, SMILE IS THE SHORTEST DISTANCE BETWEEN TWO PEOPLE! odi yan, ngiti, dali! SUPLADO raw ako e. ODI SMILE! haha. de. naglolokohan lang tayo. magsasmile ako kapag...... trip ko! para hindi naman ako mukhang gago.

5. eto isa ulit na DUH. GUMISING NANG MAAGA /slash/ WAG MALELATE!
andami ko na talagang cut. di ko na nabilang. parang regular na, tipong "AY LATE NA NAMAN AKO NAGISING... OK." naaawa na 'ko sa sarili ko. tas kapag papasok ako, saka dun walang pasok. talaga naman o. kaya sige, kaya naman yatang gumising ng ... 6! kakayanin!

6. sige magpakaDUH ulit. GUMAWA AGAD NG TAKDANG ARALIN. AGAD!
ayan malayo sa katotohanan. pero kaya yan. kkkkaaaaayaa. madelete ang multiply ko pag hindi kinaya. WOPS! ayoko at ayo nyo rin. haha. HINDI KO GAWAIN ANG MAGDELETE! bale siguro 30 minutes multiply tas.. 30 mins assignment.. tas 30 mins multiply...........to 2 hrs.. tas 30 minutes assignment. o wag nalang kaya? haha.

7. eto hindi talaga DUH. MAGBAON!
haha. taghirap na RAW ang buhay. kaya sige. magbabaon ako ng pagkain. sa bagay, di rin naman ako gumagastos sa school (66 pesos a day para sa commute!) kaya yun, pampalibang.

8. hinding hindi siya DUH. MAGBASA NG DIYARYO!
ahaha. ayos no? medyo nahihilig na kasi akong makibalita. kada sign out ba naman sa yahoo mail ay may mga news nang nakalagay. so sige, araw-arawin sa school. may 1hr and 30 mins (na imbis lunch) naman para gawin yun sa 3rd World Studies library (epal nga lang kasi nagcoclose 12-1).

9. tama na ang DUH. MAGBLOG!
takte. medyo di na rin ako nakakapagblog pa. ang korni kasi ng buhay. give me the extremes! ge lang.

10. MAGPAKABAIT!
hinding hindi na po ako cocomment ng masama sa walang ginagawa sa'kin na hindi ko naman kakilala. HINDING-HINDI NA PO! haha. marunong naman ako madala. kung ano pang kaguluhan ang idudulot ko sa mga nagmamahal sa'kin (ulol).

11. MAGSALITA?
hindi kasi ako madaldal e. hahahaha.o talagang blangko lang lagi ang utak ko. ge nvm.

12. IWAS TEXT/TAWAG.
pakiramdam ko e malaki na ang singil ng globe sa'kin! (oo, nagpaparinig ako. wag na kayong makikitawag! haha), de. grabe, mula dec 8 hanggang ngayon ba namang pagkakagamit ko ng cellphone na ito ay naka 1180 text messages ako. (onti siguro pero hindi kasi ako nag uunli!).

13. MAGRECITE SA SCHOOL!
asa. hahaha. asa talaga. ASA! hmmm...(*teka nag-iisip*...pakiramdam ko talaga ay ang bagal na magproseso ng utak ko. ayan. wag akong gayahin! matulog ng maaga!) o basta yun, i'll try. sa philo naman ay medyo umeepal ako. mahirap sa english. hindi kaya ng bibig ko. asa sa ms1. pang intelehente lang dun. asa lalo sa math. asa talaga. sa soc sci 1 nalang (PLEASE MA'AM KUNG NABABASA NIYO TO, FRIEND KO KAYO SA MULTIPLY!, I-UNO NIYO AKO!!!!!)

14. UMIWAS SA LAKWATSA
WOPS! wag mo kong itetext ng GATEWAY DALI! TRINOMA DALI! BONI HIGH DALI! EK DALI!. wtf. iiwas na ako sa paglalakwatsa. IIWAS NA! kailangan AT MOST e ONCE A WEEK nalang. please.

15. MAGGULAY!
makulay nga daw ang buhay sa sinabawang gulay! TSSSSS. o basta, hangga't may gulay, sige maggugulay. pampalakas rin yan


tama na ang 15. wala na 'kong maisip. ge. lintek. new year.

Wednesday, November 19, 2008

Piso

AKO: INTRO - - - - - - - - - - - - -- - - - - - - - -- - - -- - - - - -- - - -- - - - - -- - - -- - - - - -- - - -- - - - - -- - - -- - - - - -- - - -- - - - - -- - - -- - - - - -- - - -- - - - - -- - - -- - - - -- ayun. dahil pinagawa sa Soc Sci 1, para naman daw makilala niya kami nang husto, eto, baka yan ang kung sino ako.
---- - -- - - -- - - - - -- - - -- - - - - -- - - -- - - - - -- - - -- - - - - -- - - -- - - - - -- - - -- - - - - -- - - -- - - - - -- - - -- - - - - -- - - -- - - - - -- - - -- - - -



PISO


Kung itetext kita pero hindi mo ‘ko kilala, at itext mo ko at tanungin ng “sino ka?”, siguradong hindi ito ang iyong mababasa.

Maraming mga katanungan ang bumabagabag sa aking isipan at isa na rito ang kung sino ako. Sabi sa Johari’s Window, ang katauhan ng isang tao ay may apat na dungawan: una, kita ko, kita niyo, kita nating lahat; ikalawa, kita ko, ‘di niyo kita, ako lang ang nakakakita; ikatlo, ‘di ko kita, kita niyo, kayo lang ang nakakakita; at ikaapat, ‘di ko kita, ‘di niyo kita, walang nakakakita. Sa kasamaang palad, ang ikalawang dungawan lang ang inyong masisilip. Heto na.

Ako ay kasalukuyang may taas na 5’9” at edad na labing anim, hindi gaano mahaba o maikli ang itim na buhok, katamtaman ang kulay ng balat, hindi katabaan, ‘di rin naman kapayatan, may kulay lupang maitim na mata, sinasabing matangos ang ilong, at isang tao.

Ako’y swerte’t nabubuhay, ngunit sakitin at matamlay. Mapa-labas o loob ng katawan, talaga namang ‘di ko naiiwasan ang sakit na nagsisidapuan. Ito na rin ay dahil marahil sa aking hilig sa pagpupuyat na gawa ng hikayat na hatid ng makulay na buhay ng Multiply. ‘Di maikakailang mahilig rin akong lumabas ng bahay, kahit hindi na nagpapaalam, kasama ng aking mga kaibigan. Gateway ang madalas na tambayan. Gusto ko sanang sumayaw, ‘di nga lang mabigyan ng pagkakataon. Gusto ko sanang kumanta, ayaw nga lang ng Panginoon. Gusto ko rin ang pag-I-Internet, salamat nalang at may akses. Gusto rin sanang magvolleyball, ayaw nga lang ng CRS.

Ako ay matiyaga naman yata, reklamador, bata (kailangan talagang kasama yan), hindi tomador, malaya, sabihin nating responsable, sinasabi nilang suplado, maaaring ignorante, maaaring seryoso, may katigasan ang ulo, pero malambot naman yata ang puso. Bukas ang aking isipan, kung iyong mapapatunayan ang kung ano mang ipinaglalaban. Pero sa ngayon, sarado ang aking utak sa tinuturo ng mga guro ko sa Math.

Gaya ng karaniwang tao, nagnanais ako ng respeto at tiwala. Tumutupad naman yata ako sa mga pangako, maliban nalang kung ang may gawa ay ako. Gaya ng karaniwang tao, nagnanais ako ng karunungan, kaya ko rin siguro ginagawa ito. Gaya ng karaniwang tao, nagnanais ako ng hustisya at katotohanan, na ‘di naman karaniwan sa gobyerno. At gaya ng karaniwang tao, gusto kong MAGSAYA. Sa ngayon, ang pakay ko ay magpakayaman sa lahat ng aspeto ng buhay – kagamitan, kaibigan, pamilya, atbp. At sa ngayon, ‘di ko pa alam kung papaano makakamtan ito. Basta ang pakay ko, mailagay ang mukha ko sa Pisong pantext mo. Hindi ko alam ang gusto at dapat kong kurso. Pero alam ko ang dahilan sa pagkuha ng sabjek na ito, at iyon ay ang pag-aral ng tao, at kung sino marahil ang tunay na “ako”.

Mukha bang itetext ko ‘yan sa’yo? Mukha mo!



----------------------------


SEP 30 2009


Kung itetext kita pero hindi mo 'ko kilala, at itext mo ko at tanungin ng "sino ka?", siguradong hindi ito ang iyong mababasa.

Ako'y nabubuhay ngunit sakitin at matamlay. Mapa-labas o loob ng katawan, talaga namang 'di ko maiwasan ang sakit na nagsisidapuan. Ito na rin ay dahil marahil sa facebook dota at multiply. 'Di maikakailang mahilig rin akong lumabas ng bahay, nagpaalam man o hindi sa nanay. Pinagpapahalagahan ko nang husto yata ang aking mga kaibigan, pero minsan nag-iiba talaga ang tao't isipan. Hilig ko ang anumang anyo ng sining - pagsasayaw, musika, pelikula, panitikan, interior designing o painting. Kaya lang hindi nabiyayaan ng kung ano mang galing. Kaya nandito sa engineering at nagbabalak lumipat sa accounting. Gusto ko bukas ang isipan ko pati na rin ng lahat ng tao. Naniniwala akong tao ang may gawa ng lahat ng konsepto't kaisipan at tao rin ang magpapawala ng dapat. Pinalaki ako ng lola't nanay ko sa kasabihan ni Confucius o 'yung golden rule kaya ayaw kong ginagawa ang ayaw kong gawin sakin. Tumanda ako nang may sariling prinsipyo't naghahangad lamang sumaya. Gusto ko ring matikman ang paksa ng lahat na pag-ibig na walang hanggan.

Gaya ng karaniwang tao, nagnanais ako ng respeto at tiwala. Tumutupad naman yata ako sa mga pangako, maliban nalang kung ang may gawa ay ako o kung tungkol sa alkohol. Gaya ng karaniwang tao, nagnanais ako ng karunungan pero nasobrahan yata ako nitong mga nakaraang buwan at ngayo'y nagnanais ako ng karanasan, drama't emosyon.  Gaya ng karaniwang tao, nagnanais ako ng hustisya't katotohanan, na 'di naman karaniwan sa gobyerno. At gaya ng karaniwang tao, gusto ko ngang magsaya nang magsaya kasama ang mga mahal sa buhay. Sa ngayon, pokus lang ako sa kasalukuyan at walang pinoproblemang bukas o nakaraan. Basta ako, gusto ko lang mailagay ang mukha ko sa pisong pantext mo. Marami akong ayaw at hindi matukoy ang mga gusto pero yan ang isa sa malabo kong gusto.

Hindi ko na kailangan tanungin kung sino ako dahil ako'y mabilis magbago. Kung hindi ka naguluhan sa pinagsusulat ko sa itaas, ewan ko nalang dahil maski ako'y nalito. Basta, ilang buwan mula sa oras na sinulat ko 'to, iba na malamang ang tunay na ako.

Mukha bang itetext ko 'yan sa'yo? Mukha mo!