If the Philippines were a first-class country, i wouldn't kelangang magpakagago ng ganito!
Kung malakas lang talagang bansa ang bayan kong sawi, hindi ko na kailangan pang mag-aral ng ibang lenggwahe. Baka ibang bansa pa ang mag-aral ng lenggwaheng gamit ko. Isang hadlang sa personal na pag-angat ang pagpilit sa pag-aral ng ibang lenggwahe. Minsan nang itanong sa amin noong 1st year 1st sem sa Humanidades 1 kong subject, masmaganda raw bang tangkilikin ang wika at kultura ng ibang masmatagumpay na bayan kaysa gamitin ang sariling atin. Inosenteng musmos na galing sa hayskul na ang tingin sa isasagot nya ay matalino ang sumagot. Buksan daw ang bansa sa iba. Pagtanggi sa pag-unlad daw kung isasara ang bayan sa impluwensya ng iba. Kailangan nalang raw tanggapin na masmataas ang ibang bansa sa kanila dahil kapag hindi, lalaki lang nang lalaki ang agwat natin sa first-world countries. Ako yun. Sabay nagtaas ng kamay yung kagrupo ko. Masmaigi raw na tangkilikin ang sariling atin. Bago daw kasi tayo makausad, kakailanganin pa nating aralin ang wika ng iba na hindi naman talaga natin AGAD na mamamaster.
Palagay ko may punto kami pareho. Pero ngayon, masgusto ko yung punto ng kagrupo ko.
COLONIAL MENTALITY. 'Yun 'yun eh. Ang husay talaga ng mga kano. Marahil masyadong nainggit ang ating bansa, na talaga nama'y naghihirap, kaya pilit na inaral ang wika ng mga mayayaman, ang wika ng kalakalan. Tamo, halatang-halata ang pinaka dependent at asa sa ibang bansa. Proud na proud pa ang mga Pinoy na sila ang pinakabihasa siguro sa paggamit ng Ingles kung ikukumpara sa ibang bansang may sariling wika.
Nakakainis na ganito.
Palagay ko mahilig ako sa design. ... siguro. Nanunuod ako ng Top Design, Project Runway, Urban Zone, Cribs at kanina lang, Stylista. Sabihin nang pambabae, wala na tayong magagawa. Sinusubukan ko kasi kung may taste nga ko sa mga bagay na maganda. Natututo rin ako nang husto. Kanina lang, andami kong natutunan sa paggawa ng magazine (season marathon kasi yun). May namuo tuloy na pangarap sa'kin. Gusto kong maging editor, kahit anong editor, kahit di editor-in-chief, ng isang magazine...
... nga lang ay hanggang ambisyon lang 'yun
... malamang.
Hindi naman ako marunong sumulat ng Ingles, alangan namang in Filipino yung magazine. Cheap. Kadiri. Ambaduy. Pang-tabloid ang dating. Bobo. WALANG dating. Habang ang English, sleek, sophisticated and smart. Kung colonial mentality ba ito o national inferiority complex (na malamang ay imbento ko lang), wala akong pakialam. GANON TALAGA. Sumpain ang mga kano. O baka mastama, sumpain ang mga pinoy sa kahinaan nito.
Haha, kawawa naman yung mga sinumpa ko. Joke lang pala 'yun. Sumpain ako pag wala akong gawin para baguhin ito. Kasi kung wala nga, susumpain rin ako ng susunod na henerasyon.
Showing posts with label Tao. Show all posts

Sunday, July 5, 2009
Saturday, July 4, 2009
MAtutong MAinggit
Kakatapos ko lang manuod ng Mamma Mia.
'Yung anak, pinalaki mag-isa ng kanyang nanay. Summer love lang kasi yung ama, at nung nalaman niyang buntis siya e wala na 'to. Kaso tatlo yung summer love niya. Hala. Sino dito?
Ikakasal na 'yung anak. Hindi daw niya alam kung ano'ng gagawin niya. Sabi ng nanay, "you don't have to do anything." Icacancel nalang daw nila yung kasal at maiintindihan naman ng lahat. Huli si nanay. Naisip nung anak, ayaw nung nanay na matuloy yung kasal. Never kasi siyang kinasal.
Kaya kaya ng tao na magpakasaya para sa kasiyahan ng iba kahit na wala ito sa kagustuhan niya? Hanggang pelikula lang ba 'yun? Minsan pagbabawalan ka talaga ng magulang mong gumawa ng kung ano. Una, dahil tingin nila ay masama. Pangalawa, dahil di pa nila nagawa. Una, dahil tingin nila, kung ano ang di nila nagawa sa buhay nila, di yun tama. Pangalawa, dahil maiinggit sila. 'Yung una, maaaring bunga pa ng pagmamahal pero 'yung pangalawa? Tae na.
I. Totoo. Habang tumatanda, natututo. Bawat isa, tumatanda. Bawat isa, natututo. Bawat isa, alam ang tama. Bawat isa, tingin nila sila ay tama. Kahit ako eh. Isang beses, medyo pinag-uusapan yata yung karir ng bunso saka kung panong dapat niyang ginagawa sa hs, nakikialam ako. Sinasabi ko sa kanya kung ano'ng dapat niyang gawin. Tapos binulungan ako ng kunsensiya ko. "Gago. Ayaw mong pinangangaralan ayon sa karanasan ng iba sabay mangangaral ka ng masbata." Tapos itinigil ko na. Naging mas-aware na yata ako. Siguro may nabubuo talagang sense of authority ang time, ang age. Kapag masbata ang kausap ko, feeling ko madami akong maibabahagi at maituturong bagay na 'di pa nila alam. Kapag 1-5 years older, tingin ko kapantay ko lang. Kapag 6-14 years older siguro, may paggalang at taas ng tingin. Kapag 15+ older, medyo sarado na utak ko. Ibang henerasyon na 'yun. Kaya nga kapag ngayong may mga groupings sa iba't-ibang subject, malayong itanong ko ang edad ng kagrupo. Paki ko? Saka na siguro ako magtatanong ng edad pag kilala ko na. Para alam ko lang 'yung edad nya para masabing alam ko.
II. Maramot. Bakit kailangan mong ipagkait sa ibang tao ang sariling kawalan? Bitter. Isa sa 7 cardinal sins ang inggit. Ang isa pang tawag sa 7 cardinal sins? 7 DEADLY SINS! Papatayin mo ang iba sa pagkakait sa kanila ng mga bagay na di mo naranasan. Kapag nga naikait mo sa iba ang kinaiinggitan mo, ano ang mararamdaman mo? Tuwa? Tuwa na nalulungkot sila? Tuwa na hindi ka maiinggit sa kanila? Ang isang bagay na maganda sa inggit ay pede mo itong baguhin. Nasa pagtingin lang yan. Sobrang yaman ng kaibigan mo, ikaw hindi. Pede kang mainggit o pede kang mainspire. Pag nainggit ka, lilikha ka lang ng poot at kaaway, baka lalong di mo makamtan ang inaasam mong yaman. Pag nainspire ka, walang masamang mangyayari, lalapit ka sa tagumpay. Ganon din sa inggit sa karanasan. Pede mo namang hayaan ang ibang tao sa gusto nilang ginusto mo rin dati. Mainspire ka nalang at gustuhing gawin rin 'yon. O kung di mo na talaga magagawa, tanggapin nalang at matuwa sa tuwa ng iba. Ganon naman magmahal diba? Ano ang masmaganda? half happy (happy in a bad way) ka at malungkot ang iba, o happy ka at happy ang iba. Halata naman.
Subok lang. Nung dulo naman ng movie, kinasal rin yung ina.
Friday, July 3, 2009
Confessions of A Bnormal
Palagay ko,
ansayang maging normal.
Tago, pero kasama ng tatlong salitang nasa ibabaw nito ang mga salitang "normal" at "ako" na pinagdugtong at kinabit pagkatapos nung tuldok sa itaas. Ansayang maging normal. Normal ako. Pero meron pang mga salitang "Palagay ko," na nagsasabing ambisyon, pangarap, layunin, gusto kong maging normal.
Ang kapal naman ng mukha ko na iiba ang sarili sa "iba". Pero palagay ko talaga, abnormal ako. Hindi likas na abnormal, likhang abnormal. At pag sinabing abnormal, hindi sinasabing angat ito o mababa, iba lang. Gusto at ginusto ko 'yun. Kaya lang, tao rin pala ako at naghahanap ng wala sa akin. Gusto kong maging normal... kahit saglit lang.
Nanuod ako ng Confessions of a Shopaholic kanina lang. Ang bida, normal, kagaya marahil ng iba pang naglipanang romantic comedies sa tindahan ng pirata. Hindi siya kakaiba, di tulad ng Changeling, Benjamin Button, o kaya nama'y Casino Royale. Normal ang pelikula. Tipikal. Normal din ang plot, comedy e, kayang pangunahan. Normal ang kapareha ng bidang babae - businessman, workaholic, gwapo. Normal ang tirahan ng bida na taga-America. Sa apartment siya nakatira, hindi kasama ang magulang, kahit wala pa siyang asawa. Normal din ang kumpanya - yung business magazine, pinamumunuan ng isang lalaki, yung fashion magazine, pinamumunuan ng isang babaeng matanda at masungit. Normal ang kaibigan ng bida, tumutulong sa inaakala niyang pagtuwid ng mga mali nito. At huli, normal ang pamilya. Nagkaroon sila ng RV - ang pansin kong pangarap ng mga kanong matandang mag-asawa. At nandun sila para sa kanilang anak, kahit 'di nila ito kasama.
Parang ansaya talaga nung scene. May problemang makatotohanan at "normal" yung bida. Tinakas siya ng kanyang mga magulang at dinala sa pampang. Silang tatlo lang ang nandoon. Nakatayo yung bida malapit sa pampang, nakatulala't hinihipan ng hangin, nag-iisip ng malalim. Lalapit ang isa sa magulang, magkukuwento, papayo. Isasampa ng bida ang kanyang ulo sa katawan ng magulang. Aakbay ang magulang. Nanunuod yung asawa, nakangiti. Hindi yung ngiting masaya. Hindi rin yung ngiti ng sobrang saya. Ngiting malalim, ngiti sa loob ng ngipin. At yung dalawa, magkayakap na papanoorin ang tubig na lalapit sa kanila pero babalik rin, o ang ibon sa kalangitan, o wala. Dilat ang mata pero walang nakikita. Dinaramdam lang ang yakap ng bawat isa.
Poetry. Patula. Gagawin kong isang poetry ang prosang sinulat. Sabi ni sir Mon, "that's what's great about poetry. It takes on a certain part of the plot and ____ it." Mag-iimbento ako ng sarili, baka lang panget. Sabi ko ngayon-ngayon lang, "that's what's great about poetry. It abnormals the normal in a way that it's still normal." 'Yun na siguro ang ginawa ng pelikula sa'kin. Normal siya pero abnormal para sa'kin. Basta. Hindi saktong sinabi ni Terry Eagleton pero parang ganoon na rin, "There's no such thing as literature. We define literature. We create literature. We choose literature." At tula nga ito para sa akin.
Gusto ko yata yung feeling dun sa sinabi kong scene. Kahit di ko pa nadarama, kahit papa'no'y naipadama sa'kin ng pelikula. Ansaya ng buhay sa mga palabas. Puros comedy, sabay matinding drama. Ansaya. Hindi puro assignment lang. Para tuloy nalalayo talaga ang sining sa agham. Sino ba naman ang masisiyahang manuod ng pelikula tungkol sa pag-aaral. Kahit siguro yung direktor, hindi maloloko yung sarili niya na gusto niya yung gawa niya. Pero kanya-kanyang art nga yan. At defy stereotypes nga daw. Hayaan nalang.
Ah tama. Lahat tayo may problema, magkaka"iba" lang. At ito marahil ang akin. Normal pala ako, nagkakaproblema. Normal ako, wala na ang problema. Abnormal na ulit ako. X

Monday, June 29, 2009
Doctor Quack Quack
Kanina, mag-isa akong pumuntang doctor. Una, St. Luke's. Doon kasi ung Pedia-Pulmo ko. The Medical City naman ang next stop kaya lang magtetwelve na at aabutin na ko ng lunch break nung health insurance kaya nagGalle muna ako at saka pumuntang Medical City para magpaderma. Sinabihan ako ng derma na magpunta sa isang general surgeon kung gusto kong ipatanggal ung pinapatanggal niya, at yun nga ang ginawa ko. Di ko na nga lang naantay kasi may pupuntahan pa ako.
Parang ni minsan, HINDI SUMAGI sa isipan ko na maging doctor. Takot ako sa dugo. Takot ako sa hayop. Pero hindi ako takot sa doktor. Pero bilib ako sa kanila. Pati sa mga nursing students. Gawa na ang daang tatahakin nila. Nag-aaral sila para maging nurse, para sa field ng medisina. Magaling. Nakakainggit. Tas ung mga doktor talaga, alam ang gagawin. May titignan lang na kung ano, alam na agad ang kung anong problema, at yung problema na yun ay binubuo ng maraming titik na pinagsama-sama para makabuo ng isang komplikadong salita na aayunan naman ng gamot na may ganon kakomplikado ring pagsasama ng mga titik. Hayop na memorya. Hayop na kamay. Hayop na husay. Wala lang. idol. Malamang, ilang taon silang nagmukmok sa mesa kaka-aral. Lubos na pokus, tiyaga at dedikasyon ang binuhos nila para maging kung ano sila. Malamang. O baka hindi rin. Kung hinde, masmagaling. idol talaga.

Saturday, June 27, 2009
Three T(w)o One
May tatlo akong bagay na narealize ngayong araw na 'to. One, impatient ako. To, ang galing ng tao. Three, mamaya na.
Akala ko nun patient ako. May pinanggalingan naman yung akalang iyon. Sabi nga dun sa comm 3, self-knowledge is greatly influenced by others. Nung nagbasa ko one time ng mga palanca letters, siguro 75% ng mga nagsulat ay nagpasalamat dahil tinuruan/pinakopya ko sila sa Math. Tapos sa up friends, palagi akong "vineverbal abuse" ng leader ng group (sa cwts) kaya tinanong ako nung isa kung naiinis ba ako. Ako naman, hinde. Tas one time rin, tinanong din ako ni Torres kung naiinis ba ako sa asar. Hindi naman.
Pero hindi ganong patience ang sinasabi ko. Hindi ko kayang magbago ng tao. Hindi ko gustong magbago ng tao. Wala yata akong panahon para dun. Tingin ko pag sinabi ng isang tao na hindi niya gusto, hindi ko na siya pipilitin. Lalo na kung kilala ko yung tao. Kahit tingin ko pangit ung ginagawa niya, hindi ko tiyatiyagaing i"tama" siya. Una, alam ko namang kanya-kanyang tama at pananaw yan. Ikalawa, ayoko rin namang pinipilit akong magbago (... ngayong inisip ko, okay lang pala para makita ang ibang side). Bahala nalang siya. Baka mag-away pa pag pinilit.
Muli, ang galing nga ng tao. Ang galing ko. Ang galing nila. Ang galing niyo. Matagal na obserbasyon ko na 'to. Minsan kasi kapag gagala, may pineprefer ako na bilang. Kunwari, minsan gusto ko apat lang kami, o tatlo. Minsan masaya naman pag lima o masmarami. Pero minsan kasi, nag-iiba talaga ang ugali ng tao. Halimbawang magkikita ang tinatawag na barkada at wala ang isa, minsan nagiging mas-ok ang pakikitungo ko. Halimbawang napalitan yung isa, minsan mas-ok rin. Halimbawang andun yung pareho, minsan masnaiilang ako. At minsan pag wala pareho, natatahimik na lang ako. Nag-iiba kasi ang ugali nila kapag may nadadagdag. May timpla ang grupo. Minsan kapag wala ang isang sangkap, kulang sa lasa. Minsan pag nasobrahan, pumapanget. Minsan kasi may isang dominanteng tao at may isang hindi. Kapag silang dalawa magkasama, pantay lang. Pero kapag may iba pang sumama, yung ibang sumama na nasa gitna lang, iaangat yung dominante na magpapababa sa hindi. Basta. Iba-iba sa iba-iba.
Ikatlo, akala ko lang yata ang pagiging 3D ko. O kung hindi man, siguro NAGING 3D ako, at ngayo'y nagiging one-sided na. Yan ang naramdaman ko kanina. Ayos naman nung unang magkita-kita. Kaya lang nung medyo nagtagal, parang hindi ko na kinaya. Napaisip ako. Hindi ako makapaniwalang ganito ako dati. Kaya lang naman siguro nila ginagawa yun ay dahil ganoon ako dati. Wala silang kasalanan, ako lang. Malamang mayroong isang pintong nadagdag sa kwarto ko. Pinasok ko yun, at di na ko makabalik sa'king kwarto para bisitahin ang ibang pinto. Mahirap na. Baka unti-unti nang nakakandado yung ibang pintuan. Nagiging one-sided na nga yata ako. Parang may set of values na ako na gusto kong laging nasakin at may set of values na yata akong hinahanap sa iba. At kapag hindi ko malabas yung gusto kong makitang nasakin, o kaya kapag hindi ko mahanap sa iba, parang umaayaw na ako. Hindi ko alam kung pagiging close-minded ba ito. Sana hindi naman. Gusto ko palagi akong open-minded. Yun ay isa sa onting bagay na tingin ko'y lamang sa karaniwan. Kinandado ko na talaga yung ibang pintuan kanina. Kaso nagsalita si Optimus Prime bago magtapos yung pelikula. "Memories of the past contribute much to who you are now." Parang ganyan. Tapos napatigil ako. Gumaan yung pakiramdam ko. Okay na ako pagtapos, balik sa dati't ngiti na.
Naalala ko tuloy, tinuruan tayo kung pano magbilang - one, two, three. Hindi three, two, one.

Friday, June 26, 2009
Payong
Umaaraw, umuulan. Hindi ko lang alam kung kailan. Kaya araw-araw ay kailangan ng payong na masisilungan. Sabihin nilang maarte para sa lalake, okay lang kaysa madale. Darating rin ang araw na hihiramin ito ng kaklase.
- - - - - - - -
'Yan ang sinulat ko nang inatasan kami ni ma'am glecy sa Pan Pil 19 na maghanap ng bagay sa bag namin na ung tipong hindi pedeng iwan. Yung kapag naiwan, babalikan mo pa sa bahay mo. Hindi ka pedeng wala nun. At yung kaya kang irepresenta bilang isang tao o lalaki. At gawan daw namin ito ng maikling write-up in 5 minutes.
Wala akong mahanap nung una. Sabay nakita ko yung payong ko na nakalagay sa ilalim ng silya ko kasi basa. 'Yun nalang. Karamihan sa kanila, wallet ang kinuha. Di ko naisip yun ah. Pero napakacommon naman kasi. Kaya yun, payong. Ang korni pa nga ng ginawa ko. Akala ko kasi ipapasa. Ipapabasa lang pala sa isang partner. Yung sa partner ko napaksimple lang, diretsahan. Akin anlandi pa. Nahiya tuloy akong ipakita.
...
Nakornihan ako bigla. Tinamad na ko mag-explain. Magkwento nalang ako ng nangyari sa linggo na 'to.
Ikalawang linggo ito ng ikalawang taon ko sa U.P.
AT HINDI AKO MARUNONG MAGRECITE!
Pan Pil 19
Okay naman. Interactive tong klase na 'to. Parang Humad 1 lang. Parang Soc Sci 1. Nung unang araw ng linggo, usapang pangalan lang. Ayos naman mga kagrupo ko, masaya. Nung ikalawang araw, usapang daily routine at babae-lalake. Likas vs. likha. Gusto ko ang topic - tungkol sa lipunan. Sinabi nung isang lalaki yung daily routine niya. Sinabi nung babae yung kanya. Tinanong kami ni ma'am kung ano napansin namin. Nagtaas ako ng kamay, sabi ko, 'yung babae, kailangan pang magpatuyo ng buhok (na binanggit nung babae). Tumawa sila. HINDI YUN JOKE. anyway, kalaunan naman e naacknowledge yun ni ma'am kaya okay na ko. Nagrecite pa 'ko isang beses, pero di voluntary. Pinagpalit-palit kasi kami ng bag. E napunta sa'kin yung handbag(?) na pambabae. Tas tinanong ni ma'am kung okay lang ba sakin na iuwi yun. Sabi ko hinde, tumawa ulit sila. Sabi ko pambabae kasi yun, tinuro ko yung babaeng nakaprint sa bag. Antanga ko. Dapat ang sinabi ko, di kasya mga gamit ko dun, para di "stereotypical".
Econ 100.2
Ayos naman. Sa book lang talaga. Nagkabook na ko. Salamat ulit Noel.
Econ 100.2 DISC
Sakto lang akong dumating sa oras. May pinamimigay si ma'am. PROBLEM SET na gagawin namin in 40 minutes. WTF. open notes kaya good. Sinimulan ko na at binilisan. Bawat number ay mahaba. Pero niskip ko yung number 2 dahil mukhang yun ay masmahaba sa number 3. Pagtapos ko sa number 3, magtatime na, tas sinita ni ma'am ung katabi ko na hindi daw sasagutan yung number 3. PUTAKTE! Ubos na oras ko. Wala pa kong kalahati. Lintek. BAGSAK SA UNANG QUIZ! Sabay sinabi ni mam testing lang yun. Di recorded. Haha. nainis ako kasi todo effort ako. PERO ANSAYA KO KASI BAGSAK SANA KO NUN.
Comm 3
Nagkabook na ko. Salamat Mach at Den! Ayos kasi nung first day sa week, pinagawa kami by grp ng isang communication model. Samin yung the Self and Intrapersonal Communication na chapter. Ayos kasi tingin ko natumbasan ko ung cinontribute nung dalawang loud freshies na kagrupo ko. Medyo may model na kasi silang nagawa na inoo-oo-oohan ko lang. Tas nung tinatanong nila kung okay na yun. Sabi ko Intrapersonal ang topic namin at kailangan magfocus sa loob ng tao, sa pag-iisip. Medyo society kasi ung nasa unang model. Though di pa rin ako satisfied sa second model, sige nalang.
2nd day, reporting. Galing nung kagrupo ko mag-english. Hindi ko kaya yun. Kung ako yung nasa pwesto nya, wala akong nasabi.
PE 2 STD
Mukha pa rin akong tanga.
Eng 11
FIRST DAY OF LECTURE/DISCUSSION NA. Di ko pa naman gaanong naintindihan ung pinabasa. Sakto lang. TAPOS MAY INDEX CARDS na hawak. At bunutan. Natawag si France at si Ayra, ako hinde. yehey. 2nd day. Ganon ulit. TAKTE. ni-isa sa mga tinatanong niya, wala akong masasagot. Kaya buti nalang at green ung index card na pinasa ko. Sa white siya palagi kumukuha. shet kelangan kong pag-igihan. Ansaya pa naman nyang prof. Tuwing pagtapos ng class, magtatanong siya. "Any questions? About the poems? About me? Sexual exploits?"
Stat 101
May coursenotes ako. Salamat noel! Galing naman dun lahat ng tinuturo. Pedeng-pedeng mag-advanced reading. Tapos ung mga assignments, nabigay na. Kaya pede ring pangunahan. Ayos. Nung unang araw, tinawag ako, ano daw height ko. Yun. haha. Nung pangalawa, nagtanong siya kung ano ibig sabihin ng non-probability sampling. Lahat ng kaklase ko biglang kinuha mga notebooks nila at course notes. E alam ko, nagtaas na ko ng kamay at nagbigay ng definition. Yehey. Naintindihan ko rin yata yung topic. Yehey.
Wala. Umaaraw, umuulan. Buong linggo akong may payong. Kailangan ko ng proteksyon. Kailangan rin ng iba.

Bakit?
Kailangan bang may dahilan ang lahat?
Hindi ba pwedeng "wala lang"?
Kanina nang magtext ang isang kaklase (na never ko namang naging kaklase) kung nasaan ako, sinabi ko kung nasaan ako. Kaso nakulangan ako. Gusto kong lagyan ng "BAKIT?" Nagdalawang-isip ako. At yun, sabi ko nga, "bakit?"
Ano'ng meron? Bakit kailangan pag-usapan ang salitang "Bakit?" Bakit ba 'ko nagsusulat o nagtatype? Bakit ka ba nagtatanong? Bakit ba bakit?
Wala lang.
Meron pala. Kapag magyayaya kasi akong lumabas, ang pinaka-ayaw kong mareceive na sagot ay "BAKIT?" Kung ayaw mo 'kong kasama edi sabihin mo nalang na 'di ka pede, mag-imbento ka ng rason, gaya ng ginagawa ng halos lahat ng may ayaw. Ang "bakit" ay tanong lamang ng cynic o ng curious. (baka mali tong statement na to.) "Gateway tayo." "Bakit?" "Gahasain kita." Takte. Wala nang baket-baket kasi kung halata naman ang sagot. Gusto lang o ayaW.
Meron pala. Ang "Bakit" ay pampakumplika ng buhay o pampagaan ng buhay, depende sa magtatanong o sa tatanungin. Mahihirapan ka lang kung di ka interesado. Mamamangha ka pa siguro kung trip mo. Kapag tinanong ko sa isang geologist kung bakit igneous rock ang isang igneous rock, papahirapan ko lang sarili ko dahil wala naman akong pake.
Meron pala. Hindi kasi lahat ng tao ay kayang sumagot sa tanong na "Bakit?". Bukod sa "Paano," "Bakit" ang pinaka-ayaw kong tanong sa exam at sa buhay. Minsan mahirap sagutin, minsan 'di talaga masagot, minsan ayaw lang sagutin.
Kaya wag nalang. Wag nalang ipagpilitan ang "Bakit." Kanya-kanyang sagot yan, at kanya-kanyang dahilan kung sasagutin ng tao ang tanong o hindi. Darating rin o hindi ang araw na hindi mo na kailangan pang magtanong kung bakit. Kusa nalang silang lalapit sa'yo. Mag-antay lang.
Wala lang.
-==============
taena ampanget.

Monday, June 22, 2009
Ramdam ang...Katamaran.
Hindi ko pa maramdaman ang school. Hindi pa 'ko nakakapag-adjust maigi mula sa mahabang break. Ayoko ng ganitong feeling, 'yung parang napaka bago mo sa isang environment. Mahirap gumalaw.
Econ 100.2.
Ambilis magturo.. siguro. Pero nasa book naman lahat. Kaya lang, wala akong libro. Kasama ko naman si Den kaya okay naman.
Econ 100.2 DISC.
Ang ganda ng room. Parang pang-ibang bansang paaralan. Yung may elevation per row. Kaya lang nasira ang kasayahan nang biglang kunin ni ma'am ang class list at inisa-isa sa recitation ang lahat. A pa naman ang apelyido ko. Mali ang sagot ko pero nag-ok siya. Sige. Ayos na rin. Masmadaling matuto pag nagrerecite at kapag nakikita mo na mali ang iba.
Comm 3.
Ayos lang. Nasasakal pa rin ako kasi COMMUNICATION subject ito. interactive dapat. tapos may kagroup ako last year na kaklase, at di kami nagpapansinan. Tapos may mga taga-Xavier na freshies na maingay, as in mahilig kumausap sa teacher at magrecite. nakaka-intimidate. nakakahiya, talo ng freshie. nakakatulog rin ako... papikit-pikit.
Pan Pil 19.
absent ako noong unang araw. Pumasok ako nung ikalawang meeting. Pagpasok ko, medyo marami ang tao. 'Di dumating ang titser. Nagplay ng pelikula. Bayaning 3rd World. Tungkol ito kay Rizal. Tinanong ko 'yung katabi ko kung may pinagawa ba na kung ano. Sabi niya magresearch daw ng isang kakaibang kwento tungkol kay Rizal at gawan ito ng reaksyon. Medyo nakakatulog ako habang nanunuod. Di ko rin naman kasi ga'nong maintindihan ung palabas. Medyo nakakatawa paminsan. Pero nakakaantok. oldie. Sabay kanina, ine-mail ko si ma'am. Tapos nag-e-mail siya.
"Anong Rizal?sigurado kabangPP 19 ang klase mo?Baka dapat sa PI 100 ka.
Pumasok ka na sa susunod at wag mag-absent.Kung magtatanong ka sa akin na lang at di sa katabi mong mukhang absent din katulad mo.Walang klase dapat nung thursday"
Haha. Antanga lang. 'Di ko alam kung mali ba yung room na pinasok ko o sadyang kinuha lang nila ung room dahil wala naman daw kaming klase noon.
Eng 11.
Isang beses pa lang kami nagkikita. OTB siya. First time ko yata magkatitser na ganon. Pina-upo niya sa gitna lahat ng studyante. Gitnang-gitna naman ako. Magiging masaya siguro to. Terror daw sya dati. Pero nagkaproblema sa puso kaya magiging magaan nalang daw siya. Yehey.
Stat 101.
Ang hina ko. Medyo di ko magets agad 'yung tinuturo niya. lintek na. Ayos lang. Salamat sa course notes o kung anuman yun noel. Buti madali assignment... at by group. Hay.
PE 2 STD.
di ako marunong maggroove. parantanga lang pag pinapanuod ko sa salamin. putakte. medyo sumasama na rin siguro tingin sakin ni kuya von coach von sir von o kung anumang von. Nakapantalon kasi ako nung 2nd meeting, e sabi nya bawal yun.
MPs 10.
Wala si prof nung unang meeting. Nag-iwan ng note, sabi sa Friday nalang daw. Wala rin siya nung Friday. Nag-iwan ng note. Pumunta daw ako sa blabla. Pumunta ako. Nagsign ng attendance tas may kinuhang biodata form. Tapos pinapunta ako sa xeroxan sa 3169. yun. nobela yata yun. Hay. Akala ko ansaya ko dahil 3 mtg pa na wala siya. Kaso PARANG andaming pinapagawa. magreresearch pa 'ko nang husto tungkol sa isang city. andaming hinahanap. sikat na artista yata. exotic food. etc. Antipolo o Angono nalang siguro.. City na ba Angono?
Wala pa yata ako sa kondisyon pumasok. Namimiss ko ang Math Building. Hay. Sana this week, komportable na 'ko at desidido nang mag-aral. Hindi ko alam kung matatandaan ko pa ung binasa ko kanina e. Sana dumating na yung araw na papasok nalang ako basta. 'Yung presko ang utak, walang iniisip. Kung late, yung pagkalate ang iniisip. Kung hinde, yung tinuturo lang ng guro ang iniisip. Basta. Hirap i-explain. Kung ano ako nung mga bandang end part o midsem nung mga nakaraang sem, sana maging ganoon na rin ako ngayon.
Ge. Matutulog na 'ko. Baka malate pa ulit bukas.

Saturday, June 20, 2009
Pautang, Ama.
HAPPY FATHERS DAY
sa ama niyong haligi ng tahanan, sa tatay niyong taga-taguyod ng pamilya, sa itay niyong kumakayod para magkapera, sa daddy niyong masarap kasama, sa papa mong puno ng pagmamahal at tagabigay ligaya
at sa ama kong hindi.
Marami na sigurong nacurious sa pagkatao ng aking ama. Marami na talaga. Pati nga guidance councilor namin nung high school e nagtanong tungkol sa kanya. Pa'no, hindi ko rin naman talaga maramdaman at hindi ko na rin pinaparamdam sa iba. Baka nga madami nang alam ang ibang tao tungkol sa nanay ko (tinatawag pa nga sa first name na first name lang at walang tita o kung anuman, syempre pag wala lang siya). Pero pagdating sa tatay ko, shut up nalang ako. Nasabi ko lang ung pangalan niya nung tinanong ako nun kasi lasing ako, pero malamang nalimutan na rin nila yun. Hindi naman kasi talaga siya magandang pag-usapan. Wala akong maisip na magandang sasabihin kapag ama na ang topic. Siguro yung mga biodata lang tulad ng ilan silang magkakapatid at kung pang-ilan siya (na sinasabi lang naman para magkuwento kahit papano tungkol sa relatives). Naalala ko tuloy nung binanggit ni Neil na nung nagpunta sila samin, para daw silang hostage (o kriminal ba?) na tinatago-tago ("Pwede na ba kami lumabas?"). Hahaha. Isa kasi sa tatlo o apat kong dahilan kung bakit ayokong magpapunta ng tao sa bahay e ang tatay ko. Nakakalungkot mang isipin, siguro kahit papano ay kinakahiya ko siya... ng onti siguro. Pero kasi may S yun palagi. Baka pag may papuntahin akong bisita, matyempong may S yun, nakakahiya naman. Sobrang GALIT lang talaga ang aabutin ko. Kanina nga, may S ulit siya. Nagising nalang ako mula sa tulog dahil SOBRANG lakas ng tv sa baba, nakafull volume. hay. Tapos ilang sandali pa e umiiyak na yung kapatid kong babae kay Mama. Wala. Sanay na'ko. Dami pa. Baka nga madami pang pedeng ikwento tungkol sa kanya. Puro kasiraan nga lang niya. Sabi nga ni Mama, ang bawat pamilya daw ay may special child (NA HINDI KO SINASANG-AYUNAN DAHIL MAY MGA ALAM AKONG PAMILYA NA MATINONG-MATINO AT KINAIINGGITAN KO, kahit na alam kong masamang mainggit). Siya na siguro yung amin kung hindi ako. Actually, ayaw ni Mama na nagkekwento 'ko ng family problem sa iba. Siguro nakakahiya para sa kanya bilang tagatayo ng pamilya. Eh, okay lang yan. Blog ko naman 'to. At hindi ko naman na pinoproblema pa 'yun. Tanggap ko na 'yun, realidad na yun. Sa bagay, ang problema naman ay realidad. Ha na. (Babaguhin ko nalang ang pangalan ko.)
Muli, di ko naman nga ikinalulungkot 'yun. Sabi nga ni Chiz Escudero nang tanungin siya sa Ateneo kamakailan lang kung ano ang naitulong ni Pangulong Arroyo sa bansa (paraphrased), "hinimok niya ang mga Pilipino na matalinong bumoto at pumili ng maayos na lider." Sa'kin, alam ko na siguro kung ano ang hindi dapat sa pagiging ama. Maiiwasan ko na ang ayaw ng magiging anak. At pagka-ama na ako, bawat taon, mayroong batang sincere na magsasabi sa'kin ng "Happy Father's Day."

Friday, June 19, 2009
Bilog ang Tao
Ang tao, parang mundo yan e. Sa ibang parte, mainit, sa iba malamig. Sa ibang parte, maraming tao, sa iba onti lang. Lahat na, ihalintulad mo. Pero ang tao, hindi magiging parang globe na pwede mong ikut-ikutin para hanapin kung san maganda lumugar.
Narealize ko kailan lang na hindi parating ibig sabihin na kapag kaibigan ko si Ganito at kaaway mo si Ganito, maskilala ko na siya kaysa sa pagkakakilanlan mo kay Ganito. Hindi pala ganoon. Kung kaibigan kita at pipilitin kitang kaibiganin si Ganito at sabihin mo sakin na ayaw mo kasi kaaway mo siya, WALA AKONG KARAPATAN na sabihin sayo na "hindi mo pa kasi siya nakikilala." Ang totoo nyan, nakilala mo na rin talaga siya. Magkaibang sulok lang yung nalapitan natin kaya magkaiba ang nangyari (at syempre madami pang ibang factors). Malay mo, pag nakilala mo pa si Ganito sa paraan ng pagkakakilala ko, maging kaibigan mo. At pag makilala ko si Ganito sa sulok na kinilala mo, maging kaaway ko pa. Kaya naman lahat siguro ng nakakasalubong/namemake contact with natin, kilala tayo kahit papaano. Sabi nga sa Comm 3 kahapon, "Communication is inevitable and irreversible." Kung pano ka tinrato ni Ganito, siya na 'yun. Kung nagpapanggap lang si Ganito noong panahon na 'yun, siya pa rin 'yun, mapagpanggap siya (kung gusto mong ilabel) noong panahong iyon. 'Yung nagtatagal lang siguro kasama si Ganito, yun yung mga nakakalibot lalo sa kanyang mundo. Sabi nga rin sa Comm 3 kahapon (Comm 3 ako nang Comm 3), "Communication is a process of adjustment." Habang tumatagal ang pagsasama, dumadami ang commonalities ng dalawang partido, nag-aaway man o hindi, nag-aadjust sila sa isa't-isa. Sa kaso ng magkaibigan, pag nagkakasundo sila sa mga bagay, lumalaki ang "adjustment" nila. Sa kaso ng magkaaway, habang tumatagal, nalalaman nila kung ano ang ayaw ng kalaban, saka lumalaki ang "adjustment" nila.
Muli, ang tao nga ay parang mundo. Umiikot, nagbabago kasabay ang panahon. Umuunlad o nasisira, depende sa taong naninirahan (sumasama) dito. Umiikot sa kamay ng isa o ilang gabay. Hindi ito patag na walang lubak. At marahil, 3/4 tubig, 1/4 lupa. Kung 3/4 good at 1/4 evil o 3/4 kaluluwa at 1/4 katawan, ikaw na ang bahala doon.

Thursday, June 18, 2009
Ssshhh
...
...
(hahahaha)
...
...
(HAHAHAHA!)
...
...
(HAHAHAHAHAHA!)
...
...
Nangyari na 'to dati sa'kin. Naramdaman ko na 'to noon. Tumatawa silang lahat, ako lang ang hindi. Hindi ako makahanap ng rason para tumawa, kahit hiya ay hindi ko maituring dahilan. Dati naman e todo tawa rin ako pagkaganoon ang pinag-uusapan. Ngayon lang talaga hindi. Pero hindi ako nakatanga lang. Nakatingin ako sa malayo. Pero hindi blangko ang isipan. Sa katunayan, tinutuligsa ng aking isipan ang kanilang kinatutuwaan. Pero kaibigan ang kasama. Lahat ay nagtatawanan. Kapag nagsalita ako, ako ang iba. Baka mag-iba pa ang turing sa akin. Kaya sige, tahimik nalang.
...
...
...
Tumigil na ang mga hahaha.
...
...
...
Nabingi si kuyang nagdadrive sa katahimikan. Binuksan nya ang radyo.
...
...
... Salamat, may ibang pedeng isipin.
... ... ...
Naalala ko noong isambeses na naganito rin ako. Magkakatabi silang magkakaibigan, ako nasa dulo. Sila'y nagtatawanan, ako nakatingin sa bintana ng bus. Umuulan pa naman nun. Ang emo tignan. Pero 'di manhid ang kaibigan ko. Nag-eeffort syang libangin ako o kung ano. Nag-eeffort syang magtanong. Pero hindi ako kulang sa pansin, kaya minabuti ko nalang na itigil ang usapan.
Bakit gano'n? Bakit bigla nalang nag-iiba ang paningin ko sa dati kong trip? Kung noong unang magkakilala palang kaming magkakaibigan at ganoon ako, malamang hindi ko sila kasama ngayon.
Malamang may nangyari lang bago yun na nag-iba talaga ng aking pakiramdam. Sabi sa Comm 3 kanina, ang bawat communication ay unique, "unrepeatable". Sa pagkakataong ito, ang mga nakakatuwa noon ay hindi na nakakatuwa ngayon. Kapag ang joke ay nalalaos, ang kasiyahan ay nag-iiba - minsan bumababaw, minsan tumataas. Ngayon e hindi bumenta ang tinda ng mga kaibigan. Nagsawa na 'ko sa tinda nila. Baka sa iba na ako bumili. Hindi na nila ako magiging suki. Pero malay nila, kung sobrang husay nilang maninininda, babalikan at babalikan ko rin sila.

Tuesday, June 16, 2009
Sa Bago o sa Luma, sa Bago at sa Luma
Unang araw ngayon ng school year 09-10 para sa U.P.. Ibig sabihin, tapos na ang summer. At nitong summer, goal kong matutunan ang sining, agham, pag-aaral o kung anuman sa paggawa ng kaibigan at pagkakaibigan. At ngayon, sa unang araw ng taon, ang part 1 ng exam.
Unang araw palang, may absent na. Sakto naman ang gising ko. Sakto rin ang alis ko sa bahay. Ang 'di lang sakto, e yung pagkuha ko ng masasakyan. At nung makakuha na 'ko, sobrang sikip naman ng traffic. Kaya naman isang oras na ang nakalipas mula nang magsimula ang una kong klase e wala pa ko sa school. Kaya yun, ung pangalawang klase ko nalang ang pinasukan ko.
Maulan. E medyo nagpapaapekto yata ako sa panahon. Di ko tuloy magawang ngumiti. Econ 100.1 na. Sa auditorium yun kaya naman maraming tao. Parang wala akong balak makipagkaibigan sa ganon kalaking klase. Tinetext na ko ni mars. kaso di kami nagkatabi, kasama nya mga orgmates nya. Pagtapos ng econ, balak ko sanang kausapin pa siya, kaso wala rin naman yata akong maisip na sasabihin. Dumiretso nalang ako sa susunod kong klase.
Comm 3. Asar. Napalitan ung prof ko. Ayon sa research ko pa naman e mataas magbigay ng grade ung inenlistan kong prof... sabay napalitan. Hay. Ayun. Andun yung kagrupo ko nung Geog 1 1st sem last year. 'Di kami nagpansinan, never pa naman yata kaming nag-usap kahit magkagrupo kami. Wala 'kong paki. Introduction. Hindi ako nag-effort alamin yung mga pangalan ng kaklase ko. Hindi rin ako nag-effort sa pagbibigay ng introduction. Isang tanong, isang sagot, in Filipino pa. Walang hiya. Sugod sa next class.
PE 2 - Streetdance. Yes yes yes. Medyo nabuhayan ako. Yun. Andun ung blockmate kong never ko pa rin yatang nakakausap. Tinanong ko lang kanina kung tama ba ung klaseng pinasukan ko tas isnaban na ulet. Blabla. Uwe.
Walang kwentang araw. Wala gaanong kinausap. Mapa bagong kita o luma nang kilala, wala 'kong ganang kumausap, hindi ako komportable. Bagsak ako sa unang exam. Wops di bale, warm up palang naman yun.

Langit, Lupa
Ang pagiging bukas sa isa't-isa ay isang mahalagang sangkap sa isang matagumpay na relasyon - mapa-pamilya, kasintahan, o kaibigan. 2nd year high school retreat nang una akong makaranas ng isang open forum sa pagitan ng magkakaklase. 3rd year high school retreat naman nang bigyan kami ng isang notebook na susulatan ng bawat kaklase, lalagyan ng mabuti at masamang katangian. Kamakailan lang, ginawa naming magkakaibigan (35) pareho, nag-open forum at nagsabihan ng gusto at kinaiinisan sa bawat isa. Hindi para makasira ng pagkatao o makapagpalaki ng ulo, kundi para makita namin ang aming sarili sa mata ng ibang tao.
Dumating ang aking pagkakataon. May mga salitang lumabas na 'di ko naman gustong marinig tulad ng pagkatalino, pagiging independent, at galing sa pagsusulat. Tingin ko kasi hindi 'yun mga positibong bagay para sa'king pakikipagkapwa. May mga salitang lumabas na ako, sa sarili ko, e alam ko. May isang salita raw ako (salamat at naappreciate), may prinsipyong pinanghahawakan, na hindi ako makuwento o malapit sa pamilya. At may mga salitang lumabas na 'di ko ganoong inasahan. Mas okay sa okay daw akong kaibigan, ambilis ko raw mag-evolve, antaas ko daw. Bihira kung ituring ko ang sarili ko bilang isang mabuting kaibigan, siguro mabait, pero hindi mabuti. Palagi akong nakakahanap ng lamat sa aking sarili bilang kaibigan. Tingin ko kayang-kaya naman akong palitan ng maraming tao. Madami diyang masmasaya kasama, masmasarap kausap, masmakabuluhan magpayo, masmapagbigay sa oras. Ako, wala lang.
Pero lahat ng 'yan ay relative. RELATIVE (mahalagang salita iyan). Ang sinasabi nilang taas ko ay relative. Ang anila'y bilis kong pag-evolve ay relative. Ang tingin ko sa sarili kong mahinang kaibigan ay relative. Relative sapagkat depende ito sa tao. Depende sa tao kung titignan nila ang ibang tao bilang langit na kahit anong talon ay di nila maabot o lupang habang buhay inaapakan. Tingin ko masamang tignan ang iba bilang lupa. Mayabang yon, mapagmataas at laging namimintas. Buti sana kung tataniman mo ang lupang iyon ng halaman na lalaki, lalago, at maabot ka (oa na sa analogy). Tingin ko, hindi naman masamang ituri ang ibang tao na langit. Hindi masamang humanga. Ang masama lang e yung sa sobrang paghanga mo e di mo na malapitan ang Langit mong itinuturing dahil antaas niya at ambaba mo. At di magtatagal, mauunawaan mong di mo siya kayang abutin at isa ka lamang mababang nilalang. Emo ka na. Iyak na lang.
Pero lahat nga ng 'yan ay sa paraan lamang ng pagtingin. Pede ka namang hindi tumingin sa langit o sa lupa. Pede kang tumingin ng diretso. Tignan ang tao bilang kapwa tao, kasama mo sa ibabaw ng lupa at ilalim ng langit. Nang sa gayon e pantay-pantay ang lahat. Walang takot para di makalapit. Walang yabang para magtayo ng pader. Walang limitasyon sa pakikihalubilo. Tao lang, kasama mo rito. At pagka namatay, saka mo iiwan - ang katawan mo sa lupa, at ang kaluluwa sa langit.

Wednesday, June 10, 2009
Babay ng Bata
Ansarap maging bata. Ansayang maging bata. Gusto ko ulit maging bata. 'Yan ang akala ko mga ilang buwan na ang nakaraan. Pero gawa ng mga nakalipas na araw, naalala ko, hindi pala.
Kasama sa kultura ng Azaaar ang roundtable. Isa-isang tinatanong ang bawat miyembro, paikot sa buong mesa, hanggang matapos ang lahat. At nung isang araw, ang tinanong ay kung pano daw kami mag-away na magkakapatid at pano maglambingan.
WALA. Hindi walang pumasok sa isip ko. Kundi pumasok sa isip ko na wala. Kaya rin siguro ako hirap magkwento ay dahil kinalimutan ko na ang nakaraan. Pero onting piga pa, at naalis ang ulap sa isipan kong nagngangalang WALA at naalala ko na kahit papano kung papaano ko nung bata ako at ang mga kapatid ko. Pangit nga. Wala ring kwenta. Puro away lang, iyakan. Pero di yun mahalaga. Bukod dun e naalala ko 'yung mga tinuri kong kaibigan noon. Meron akong mga kapitbahay na pinupuntahan talaga sa bahay. Mga kabasketbol na tuwing hapon e nagtatawagan pa para magbasketball. Mga gradeschool friends na talaga nama'y pinagtetelebabadan. Mga 1st yr and 2nd yr hs friends na palagi ko rin kasama. Kaya lang, hanggang "noon" lang 'yun. Ewan ko na ngayon.
Kung iisipan ko ng dahilan ang bawat pagtigil ng pagkakaibigan (palagay ko e tumigil naman na talaga), away lang siguro ang dahilan. Yung iba, nakulangan lang siguro ng pag-uusap. Pero sabi nga ng prof ko sa MS1, "Communication is vital." Totoo. Ayan. Patay na ang pagkakaibigan. Onting tampuhan lang talaga, wala na ang pagkagandang pagkakaibigan.
Palibhasa bata, immature. Pagka-kaaway, kaaway. Nilagyan na talaga ng harang, binura na sa buhay. E ngayong matanda na't sabihin nating mature? ... Ganon rin pala. Pareho lang. Babay.
Pero sana, hindi ko balang araw isipin na nasayang ang pagkakaibigan na meron ako ngayon. Sana pagtagal e nagsasaya pa rin ako kasama sila.

Tuesday, April 21, 2009
Bilang Buhay
Sige nga... dahil wala pa akong naririnig na ganto daw ang buhay, igagawa ko ito. Magdadagdag ako sa listahan ng bagay na kinukumpara sa buhay.
ANG BUHAY AY PARANG Math 17 Exam. TAMA. Math 17 Exam. Sa simula, magugulat ka, hala, di mo alam. Maghahanap ka ng sisisihin. Sisisihin mo ang prof mo. Pero mapapaisip ka, sisisihin mo din ang sarili mo. Minsan matutukso kang tignan 'yung papel ng iba. Kaya lang ung true or false lang ang madaling kopyahin. Yung ibang problema, di mo na talaga makopya kasi di mo maintindihan. Ikaw na talaga ang kailangan sumagot. Tapos pag tagal, kaya naman pala. Tapos magsusulat ang prof mo, "5 mins left". May oras pa. Pero onti nalang. Hanggang sa matapos na yung limang minuto at sige, bahala na nga lang si batman o ang Diyos. Minsan may mga hindi ka talaga kayang sagutin. Pero ayos lang. Ibabalik sa'yo ung papel mo. Bagsak. Pero ituturo ng prof mo kung pano nasagot bawat problema. Nasa sa'yo kung makikinig ka. Minsan ngingiti ka, kasi tama yung ginawa mo at may partial points. Minsan maiinis ka, bat di mo naisip yung ganon, andali lang pala. O minsan mapapa-ahh ka nalang. Pero ayun, andun na. Ginawa mo naman yata lahat ng makakaya mo habang nagtetest. Ginamit mo naman siguro lahat ng nalalaman mo habang nagtetest. Kung pasado, odi congrats. Kung bagsak nga, at least ngayon alam mo na. May second, third, fourth, fifth, midterm, at finals pa naman. Kaya pa sigurong matuto.

Wednesday, March 25, 2009
Lotto
Haha. Hindi ko alam kung ano ang dapat paniwalaan, kung ano ang dapat malaman, kung ano ang alam ko. Alam kong hindi ko talaga sila alam. Salamat epistemology.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Patapos na ang pers yir. Sa iba, tapos na. Sa iba, nagkakaalaman na ng grades. Sa akin, onting kayod pa. Panahon na kung saan uso ang mga salitang "good luck" at "mag-aral". Pero mas-uso ang "good luck". Pero mas ginagamit ko ang "mag-aral." Pero kapag hindi applicable ang "mag-aral," sinasabi ko "good luck". Pero hindi ko sinasabi nang wala lang, pinipigil muna 'ko ng isip ko... May nagagawa ba ang "good luck"?
Hindi ako naniniwala sa luck... or at least, hindi ako UMAASA sa luck. Tanggap ko nang malas ako sa ibang bagay, pero swerte sa napakaraming bagay. Bale walang malas, walang swerte, buhay lang, tama lang. Pano ba... Hindi rin naman NA ako masyadong nagdadasal, kaya di ko rin sasabihin talaga ang "God bless you." Kapag sinabi ko, siguro may diyos muna 'ko sa panahong 'yun.. at may diyos ako kapag...
At kung may natutunan man ako sa Bio part ng Natsci2 ko dati, ang growth and development ng isang living creature ay base sa gene at sa environment. Kumbaga sa agham panlipunan siguro, TAYO LANG AT ANG PALIGID NATIN ang may kontrol sa mga nangyayari. Bibigyan ka ng paligid ng pagpipilian, ikaw ang mamimili. Hindi ako gaanong naniniwala sa gabay ng maykapal at ng swerte. Tingin ko, hindi takda ang lahat. Environment lang at ang sarili ang nagtatakda. Kung sumabog ang araw, gawa ng environment. Kung umiyak ka, gawa mo. Kung sumabog ang araw, kawawa tayo. Kung umiyak ka, kawawa ka... okay lang. Pinili mo naman yun. sige lang. Tayo ang takda. Tayo ang namimili kung saan tayo tatayo sa mundong marahas na ito.
e.g.
1. Nasa U.P. ako... pano?
Napunta ako sa nanay na masipag, matalino, may sariling kwento at nakatira sa Rizal. Hindi pa ako marunong pumili.
Pinag-aral ako sa pribadong paaralan. Hindi pa ako marunong pumili.
Binigyan ako ng mga kaklase ng paaralan. Namili ako ng mga kaibigan.
Binigyan ako ng mga takdang aralin. Pinili ko 'tong aralin.
Binigyan ako ng mga gantimpala. Pinili kong magka-ambisyon.
Binigyan ako ng pagkakataong maghayskul. Pinili kong mag-aral sa San Beda at hindi sa Rizal Sci.
Nung 3rd yr, binigyan ulit ako ng mga kaklase, isa dun yung kaibigan ko nung gradeschool. Pinili kong kaibiganin pa rin siya.
Binigyan niya ako ng option magreview center. Pinili kong magreview.
Binigyan ako ng panahon mag-aral. Pinili kong mag-aral.
Binigyan ako ng UPCAT. Pinili kong gawin lahat ng kaya.
Pumasa. Pinili kong mag-U.P.
at pinili kong gumawa ng blog.
Hindi 'yun swerte. Walang swerte dun. Pinili ko kung nasaan ako ngayon. Bawat oras ay crucial, hindi lang kolehiyo. Kung nagseryoso nung bata ang isang studyante, malamang mas kaya niyang mag-aral ngayon. Kung pinili nung bata na magyosi noon, ewan ko nalang kung nasaan na siya ngayon. Ayokong maging mapanghusga. Pero malamang (malamang = maybe 80%) ganon na nga. At hindi lang kolehiyo ang crucial part ng buhay. Hindi lang kolehiyo ang magdidikta ng future mo. Ikaw at ang kapaligiran mo - yan ang gagawa ng kinabukasan mong hindi mo makikita hangga't di mo nakikita ang ginagawa mo ngayon. Bawat segundo ay mahalaga. Pedeng nitong 9:00 and 1 sec, maisip kong magpakamatay. sa 9:00 and 4 sec, may kutsilyo na ako. Sa 9:00 and 10 seconds, nakadampi na ang kutsilyo sa leeg ko. Sa 9:00 and 11 seconds, pinili kong mabuhay. Buhay ako. At hindi yun dahil sa swerte. Buhay ako at ganito dahil pinapili ako ng kapaligiran ko... at pinili kong maging ganito.
Kung mali man ng pagkakapili, isa lang yan sa marami pang ibang pagpiling gagawin. Hanggat buhay at may kaunting kalayaan, pwedeng mamili. At pipiliin kong mabuhay... at magtagumpay.
p.s. para sa mga kritiko't pilosopo. ang pagpiling binanggit sa itaas ay hindi naman nangangahulugang KADA SEGUNDO, conscious ka sa pagpili, pinag-iisipan mong mamili. Ang sakin lang, pagpili, na alam mo ang hindi mo gagawin, o kaya naman may pinili kang misyon, hindi mo na kelangan piliin nang husto hanggang sa pinakamaliit na detalye lahat ng bagay. basta. kaya nyo na yan.

Tuesday, March 24, 2009
Papayo
Sabi sa BNO (magic? 89.9), "WHEN YOU SHARE, YOU CARE." Sabi ng isang kaibigang manyak, kapag daw nagkekwento ng problema, MAY ULTIMATE BOND na nasestrengthen between two friends/people. Kailangan kong sumang-ayon. Siguro kasi lately, medyo kinekwentuhan ako ng problema ng ilang tao.. at siguro, nagkekwento rin ako... pero ano nga ba'ng kaya kong isagot?
One time sa mcdo, may (supposedly) tinutulungan ako sa kanyang problema (na sana ay nagawa ko nga)... at sige, nagsasalita ako... pumapayo ako... tapos at one point, tumigil ako, tumingin sa kawalan, ngumiti. Napansin niya, tinanong niya kung ano'ng meron. Sabi ko wala. Syempre pumilit. At syempre dahil may namumuong bond na nga, sige , wag nating putulin. Sabi ko, "i'm learning." Tama, I'm learning... naiinis kasi ako, pakiramdam ko wala akong kwentang kausap.. haha. HINDI KASI AKO MARUNONG MAGBIGAY NG PAYO... (yata) ... AT YUN AY dahil baka masnagmature ako.. Baka naging mas conscious ako sa possible conditions ng tao.. baka naging mas-open ako sa ideas.. baka naging mas humb(UL)le ako. At naging takot akong pumayo... dahil baka mali ako. Hindi ko alam pero siguro nagpayo na rin ako before, pero hindi nakinig yung tao... kaya siguro ayaw ko na. Siguro lang... Pero ayun, iwas payo na 'ko. Kaya puro O at A nalang ang sagot ko. nag-iiba nalang ng pananda - question mark, exclamation point, period, o elipses na dinagdagan ng maraming h. At hindi ko 'to gusto. Naisip ko rin, kung ako ang magkekwento ng kung anumang may bigat sa damdamin ko at O at A lang ang marinig ko sa kausap ko, e ta mababadtrip lang ako.
Kaya tama.
Matuto. At natututo nga yata ako. Medyo mataas pa rin nga ang tingin ko sa sarili ko. Pero hinahayaan kong matamaan ng sapak ang mga kahinaan ko... at balang araw, ang maliit na masel, pag sinapak sapak, ay lalaki. Kaya naman pag may pagkakataon, gusto kong magbigay ng payo. E ano kung mali? Sa tingin ko naman may sense lahat ng sinasabi ko... hindi nila masasabing wala akong sense kausap.... sa bagay, ano naman kung wala akong sense kausap? Kung masaya ako sa pakikipag-usap, sige, makikipag-usap ako. At sa ngayon, masaya ako sa pagpapayo. Hindi man lahat ng bagay ay alam ko, tingin ko naman ay may prinsipyo ako, at doon ako babase. Tuturo ako habang nagpapaturo.

Durara
KKKHHRRKKCH!
PWEH!
*whistle*
ipon laway/plema
dura
dedma
yan ang lintik na durara. Inis. INIS! Kaya nagkalat ang sakit eh! bwisit. di ba sila nahihiya kapag ginagawa nila 'yun? Bwiset. Oo tinry ko na yun ONCE. kasi meron talaga akong bwisit na problema sa baga at nung panahon na yun ay tadtad ako ng plema. Naaalala ko pa, patawid ako papuntang trinoma nun saka ko inubo, at no choice, KESA LUNUKIN, dinura ko ung putaraming plema sa may damuhan. ................. KADIRI NO? Baka nga naman ganon rin ang nangyayari sa kanila... haha. asa. basta dura nalang nang dura eh. walang modo.
sige palalain pa natin.
NO $*#@!&% LITTERING! ta. mapakendi-wrapper o supot ng kung ano, TINATAPON. nung isang araw, may anak ung mag-asawang pasahero sa jeep. May kinuha sa isang supot, saka tinapon ung supot sa labas. Kanina, bumili ako ng buko juice dahil mainit, sumakay ako sa jeep na may dalang buko juice. Naubos ko ung buko juice. Hinawakan ko lang. Habang bumabiyahe ang jip, may pumarang isang babae at isang lalaking umiinom ng buko juice. Umakyat ung babae. Umakyat ung lalaki, at tinapon ang cup ng buko juice sa kalsada. Nagalit ung babae, di naman nagalit, pinagsabihan lang. Kung tama ang pagkakarinig ko, depensa nung lalaki, "Plastic cup lang naman e. Mawawala rin yan."
WTF?! ?!?!?!?!?!?! nakakainis. siguro nga tinuruan ako sa skul na bawal magkalat. PERO ISKOLAR NG BAYAN DIN SIYA. at mataas din ang pinag-aralan. anak ng. BAKIT BA HINDI MAGAWANG ITAGO MUNA ANG BASURA, SAKA ITAPON KAPAG MAY MAKITA NANG BASURAHAN!? ANG HIRAP BANG GAWIN!? ANG ARTE!! BWISET! Bukod sa MAKALAT AT MADUMI NANG TIGNAN, PANIRA PA NG KALIKASAN! HAY TAO!
--- galit sa literista (taong naglilitter?).

Saturday, March 21, 2009
Obitwaryo
Nung isang araw, nabasa ko sa dyaryo,
bibigyan ng presidential medal of merit si King of Rap, Francis Magalona.
Hindi ako tutol dun. Pero bat nun lang? Bat kung kelan patay na siya?
Nadaig pa niya ung mga ibang masbigaten sa kanya (meron nga ba.. di ako nanunuod ng local tv eh)... kasi ... nauna siyang mamatay.
Kapag feeling ko nakapagpasaya ako, palagi kong naiisip, sana mamatay na 'ko. Kasi sa puntong iyon, siguradong may dadalaw sa lamay ko. Feeling ko may iiyak. Feeling ko maraming pupunta sa lamay ko. Kesa sa tumagal pa't tumanda ako, baka makalimot na 'ko... baka malimutan na'ko.
Ang nasa isip ko kasi, ang sukatan ng lugar mo sa mundo ay kung ilan ang sincere na pupunta sa lamay mo. Kung ilan ang iiyak, kung ilan ang magnanais magbigay ng eulogy para sa'yo, kung ilan ang pipila para makita ka nang huli. Kita mo si Francis M, si DaBoy, puro pinilahan nang husto. Anlaki ng lugar nila sa mundo. Idol. Sana ako rin.
Pero palaging may pero.
Pero naiisip ko kasunod, ang makasarili ko talaga, ang laki ng ego ko, antaas ng tingin ko sa sarili ko. Naiinis ako. E pano kung wala palang pumunta sa libing ko? puta iyak. Hindi ito paramihan ng dadalaw sa libing mo. Isang malaking HINDI. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung ano ang sukatan ng silbi't lugar mo sa mundong ito. Pero alam ko, hindi yon kung ilan ang pupunta sa libing mo o kung ilan ang malulungkot sa pagkawala mo. Hindi ito labanan ng quantity. Ewan ko pa kung quality. Naiinis ako. Eto siguro ang pangit sa pagiging competitive, gusto mo angat ka sa iba. HINDI ITO LABANAN NG KAHIT ANO. Baka nga hindi rin ito sinusukat.
Sabi nung character ni Hillary Swank sa isang character na nung panahong yon ay walang kwenta sa Freedom Writers (something like this), "You know what happens when you die? YOU ROT. And everybody forgets about you." Ngayon may pansagot na 'ko sa tanong ko sa itaas. Kaya nun lang pinarangalan si Francis M, nung patay na siya, kasi ayaw ng mga pilipinong malimutan siya. Hindi na mahalaga kung natanggap niya yung award o hinde nang personal. Ang mahalaga, alam niya sa sarili niyang nakamarka sya sa bawat (kung di man lahat, karamihan) Pilipino, at ang pagbibigay ng medalyang yon ay pagsertipika lamang.
At sana, gustuhin ko nang mamatay kapag masayang-masaya na ako. Hindi dahil feeling ko may dadalaw sa burol ko. Kundi dahil tagumpay ako sa buhay na 'to.
RIP Mr. Francis Magalona

Saturday, February 28, 2009
KaaLAMAN
Paunang salita: Ang classroom/office at ang buhay/mundo ay magkaiba. Iba rin ang dunong sa kaalaman.
May mga kaalamang hindi kailangan malaman pero inaalam kaya sa huli, sana 'di nalang nalaman.
Wish mo bang magkasuperpowers? Lumipad? Makagawa ng apoy o yelo? Kumontrol ng tao? Ipatotoo ang ilusyon? Baliin ang oras atbp? Wish mo lang. Malay mo magkatotoo. __ 'Wag pala. Baka naglolokohan lang tayo. Noon, wish ko, nakakabasa ako ng utak. Para diba, makopya ko ang sagot ng kaklase ko, maunahan kong magtaas siya ng kamay sa recit, malaman kung sino ang crush ng crush ko, malaman ang gusto ng tao, atbp. Pero ngayon, naisip ko,___ gusto ko nga ba talagang MALAMAN ang mga bagay na iyon?
Pa'no kung sa paghahalungkat ko ng kaalaman sa utak ng ibang tao, makita kong linalait-lait pala nila ako. O kaya naman, crush niya 'ko, o kaya naman, papatayin pala niya ako. Pa'no? Lalayuan ko na 'yung tao kasi nilalait ako (sa isip)? Lalandiin, sasamantalahin ang pagkakacrush niya? Maghahanda sa pagtatangkang pagpatay sa akin? MAMOMROBLEMA AKO?!
Secret.
Iyan ang sagot sa huli at lahat ng tanong. SECRET. May mga bagay na kapag hindi sinasabi sa'tin ay may dahilan. Lahat pa nga yata. Hindi sasabihin ng prof mo ang sagot sa quiz kasi gusto ka niyang mag-aral. Hindi sasabihin sa'yo ng siyota mo na nangangaliwa siya kasi ayaw ka niyang masaktan o baka magalit ka sa kanya. Hindi ka haharapin ng backstabber mo kasi takot siya. Madami, kanya-kanyang dahilan. May mga bagay na hindi talaga kailangan ipaalam. Wag nalang magduda, mamomroblema ka lang. Sabi nga raw ni Bob Ong, "hindi mo kailangan maniwala, kailangan mo lang magtiwala. Bahala na ang iba kung ipapaalam nila sa'yo o hindi ang nais o ayaw nilang ipaalam. Kung hindi, para mong binuksan ang sent items ng kilala mo at nakitang pinagtataksilan ka nila. Maiinis ka, magagalit. Aawayin mo siya. Sino ang masaya? WALA. Sino ang may kasalanan? Ikaw. Inalam mo kasi ang 'di pinapaalam.
Pero oo nga naman, kung 'di mo tinignan ung sent items, 'di mo malalamang binabackstab ka pala. Mabubuhay ka sa kasinungalingan. Pero bago yun, masaya ka naman kasama siya. Bakit 'di nalang hayaang ganoon? Kung ako, bahala sila sa ginagawa nila, basta ako, masaya.
Kung ano ang sabihin sa'kin, 'yun lang ang kailangan kong malaman. Ang di sabihin, di ko na kailangan pang malaman. Mabubuhay nalang ako, magsasaya. Walang kaalamang ninanais at saka poproblemahin.
Gusto mo pa bang maging superhero? Hindi nalang. Masaya maging tao.

Subscribe to:
Posts (Atom)