This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Wednesday, June 10, 2009

Babay ng Bata

Ansarap maging bata. Ansayang maging bata. Gusto ko ulit maging bata. 'Yan ang akala ko mga ilang buwan na ang nakaraan. Pero gawa ng mga nakalipas na araw, naalala ko, hindi pala.

Kasama sa kultura ng Azaaar ang roundtable. Isa-isang tinatanong ang bawat miyembro, paikot sa buong mesa, hanggang matapos ang lahat. At nung isang araw, ang tinanong ay kung pano daw kami mag-away na magkakapatid at pano maglambingan.
WALA. Hindi walang pumasok sa isip ko. Kundi pumasok sa isip ko na wala. Kaya rin siguro ako hirap magkwento ay dahil kinalimutan ko na ang nakaraan. Pero onting piga pa, at naalis ang ulap sa isipan kong nagngangalang WALA at naalala ko na kahit papano kung papaano ko nung bata ako at ang mga kapatid ko. Pangit nga. Wala ring kwenta. Puro away lang, iyakan. Pero di yun mahalaga. Bukod dun e naalala ko 'yung mga tinuri kong kaibigan noon. Meron akong mga kapitbahay na pinupuntahan talaga sa bahay. Mga kabasketbol na tuwing hapon e nagtatawagan pa para magbasketball. Mga gradeschool friends na talaga nama'y pinagtetelebabadan. Mga 1st yr and 2nd yr hs friends na palagi ko rin kasama. Kaya lang, hanggang "noon" lang 'yun. Ewan ko na ngayon.
Kung iisipan ko ng dahilan ang bawat pagtigil ng pagkakaibigan (palagay ko e tumigil naman na talaga), away lang siguro ang dahilan. Yung iba, nakulangan lang siguro ng pag-uusap. Pero sabi nga ng prof ko sa MS1, "Communication is vital." Totoo. Ayan. Patay na ang pagkakaibigan. Onting tampuhan lang talaga, wala na ang pagkagandang pagkakaibigan.

Palibhasa bata, immature. Pagka-kaaway, kaaway. Nilagyan na talaga ng harang, binura na sa buhay. E ngayong matanda na't sabihin nating mature? ... Ganon rin pala. Pareho lang. Babay.

Pero sana, hindi ko balang araw isipin na nasayang ang pagkakaibigan na meron ako ngayon. Sana pagtagal e nagsasaya pa rin ako kasama sila.

3 comments:

Samantha said...

HAHA grabe naiisip ko nga din yan. Nasasayangan ako sa mga friendship noon. "Friends forever" pa ang mga sinasabi saka yung mga pangarap e.g. na pagtanda namin tabi-tabi kami ng bahay. HAHA. Syempre alam naman natin na malamang hindi na mangyayari yun. :)

Iniisip ko din minsan kung naaalala nila yung pinaggagagawa namin nung magkasama kami (high memory yata ako sa masasayang kaganapan). Yung small things gaya ng pagtakas sa guard or pagttulakan sa classroom. Alam kong pag pinaalala ko naman tatawa na lang sila tas, MOVING ON.... Haha! Edi wag na lang. Gawa na lang siguro ng bago kung kaya. :] Nakakaasar din na hanggang small talk na lang ang nararating ng ilang old friendships. Quality time yata talaga ang kelangan eh.. Tipong kahit di lagi nagkkita, pag nagkita eh one time big time, narreassure yung friendship. Nakakapagtaka kung pano yung ibang friendship nagssurvive at yung iba hindi. Minsan yung taong di mo expect na tumagal ang friendship, sila yung tatagal. Parang yung isa kong friend sa holy, pinakamatalino sya sa batch tas feeling ko ang taray taray nia. Pero ngayon nagbbruha-bruha na lang kami pag naguusap. Haha.

Oh well. Sabi nga sa kanta "This may not last but this is now, so love the ones you're with". Edi yun pakasaya. Oi friends forever! Hahaha

Gelo said...

Haha. walang kwentang blog, nagcomment ka pa. Natigil na nga lang ako kasi anlungkot. haha.
Oo nga, yang mga bahay na magkakatabi. aww. haha. naiinggit talaga 'ko dun sa isa kong friend kasi nung tinanong ko siya kung in touch pa sya sa lahat ng friends nya kahit ung gradeschool pa, sabi niya oo daw. tas ayun napayuhan ako. pero sa kalagayan ngayon, at sa personalidad ko (okay ikahon), parang malabo na talagang makipagconnect sa mga dating kaibigan. hay.

gandang kanta. friends forever nga. haha.
naalala ko tuloy si pid. nung grade 4 nagbigay yun ng sulat e, may nakalagay friends forever. haha. nasakin pa rin. wala lang nagshare lang.

Samantha said...

HAHAHA! talaga si pid?? woooww... katuwa naman. haha! hook up by katy perry yun/i don't hook up by kelly clarkson (dalawa eh). isang linya lang sa kanta. haha naadik ako dun. naks grade 4 nasayo pa, ako grade 5 lang nagstart magcollect. haha. minsan ko na lang basahin. oh well. :]