Monday, February 23, 2009
Sige, Magkekwento Na Ako
Hindi ko alam. Pa'no ba magkwento? Nung grade school, ang alam ko, tahimik ako. Pero may mga kaibigan naman. Nagkekwento kaya ako nun? Nung high school, ang alam ko, medyo dumaldal ako nun... Nagkekwento kaya ako nun? Hmm... Ano bang dapat ikwento? Sa pagkakatanda ko lang, noon, medyo madalas lang akong mambackstab. Oo na, inaamin na. Pero walang kwenta yun. Ayan, ngayong hindi na'ko nambabackstab, wala na'kong masabi. Ang hirap naman magkwento. Baka kasi hindi dapat pinipilit ang pagkwento... Nakakainggit. Kapag tinanong ako ng "what's up?" ang tanging sagot ko lang ay "wala lang". E wala naman kasi talaga lang.
Nung isang linggo yata, nasa eng'g lib 2 ako, nagnenet lang. winay-em ako ng isang kaibigan, sabi niya, "sup?". Sinagot ko, "teka ha... Pa'no ba sinasagot ang ganyang tanong?" ..." sige kunwari ikaw ang tatanungin ko.."... "SUP?". sumagot siya. Sinabi niya kung nasaan siya at kung ano ang ginagawa niya. Tapos tinanong niya ulit ako. Sinabi ko kung ano ang ginagawa ko. Ayun. wala namang pinatunguhan kasi aalis na rin siya. Pero kapag iba ang kausap ko, palitan ng sup, tas kwento na nila. Ayos lang. Maganda nga yon. Ayoko ng nagkekwento eh. Sabi nga, "some things are better left unsaid." o kaya naman, "kung walang sasabihing maganda, wag nalang magsalita." O wag na nga lang. Paki niya sa sasabihin ko? Ewan ko. May paki naman ako sa sinasabi nila. Ewan ko lang kung may paki sila sa sasabihin ko. O e kung nagkwento nga ako tungkol sa buhay ko... edi wala. ayun. siguro nagbond. odi masaya. e hindi ako marunong magkwento. Wag nalang.
Kanina, sinabihan ako ni Mama, magkwento daw ako ng buhay ko. Ako daw ang pinaka-hindi nagkekwento....Napaisip tuloy ako, "sige magkekwento na'ko." wops. A.S.A. Hmm... minsan, tinatry ko namang takpan ang katahimikan. Sinasabi ko sa sarili ko na "sige magkekwento na'ko." Tapos ayan, magkekwento nga ako. Hindi ko naman masabi nang maayos. O minsan, kapag nasabi ko nga ng maayos, wala. Tatango nalang. tas maagkekwento ung kausap ko ng kanya. Haha. Sabi ko nga, wag nalang ako magkwento.
Buti nga at may blog ako... sa Multiply. Doon (dito rin through crossposting), nakakapagkwento ako. Kasi de-sulat lang. Kasi pinag-iisipan ko rin minsan. Kasi linilinis ko. Kaya ayos. Pero kulang. Pero ayos lang. Kaso, ina-add naman ako ng mga hindi ko kaclose na dapat kong kaclose. O kahit kaclose, pero hindi ako komportable kausapin. O kahit komportable kausapin, ayaw ko lang sabihan ng ganoong bagay. Ina-add ako. E hindi naman nila ako kilala. Ayan, baka nahuhusgahan ako. Pero buti nalang pedeng FOR individuals o FOR FRIENDS only. buti nalang talaga at ang talino ng gumawa ng multiply. Ayun. Nakakapag express ako. Pero... may facebook rin ako. At lahat ng gawin ko dun, mapapaalam sa lahat ng contacts ko. Diba nakakainis. Ayan nga't inadd na rin ako ng mga hindi-komportableng-dapat. Wala na, hanggang mafia wars nalang ako. Kasi baka makita nila akong magmura. Baka may bastos na lumabas sa bibig ko. O bastos na sabihin ng iba sa'kin, pero ayos lang naman sa'kin. Wala na e. Makikita nila. Para bang ang saya-saya mong naglalaro kasama ang kaibigan mo, sabay darating ung terror prof mo. E wala, wala na, mahihiya ka na. Hay. Ayaw na nga sa biosphere, ayaw pa sa blogosphere. Mukhang ayaw talaga akong ipakwento.
Sa bagay, ano nga bang ikekwento? Lablayf? Sorry, wala pa ako nun. Kaaway? Wala rin... sana. School? hmmm.. paki nila? ewan. Problema, Sorry, wala rin ako nun... sa tingin ko. E baka wala nga. Pramis wala nga. Masaya ako. Ang tanging problema ko lang siguro ay ang aking kalusugan. Pero magaling na ulit ako. Salamat sa linggo-linggong pagbisita sa doktor. Ayan, wala na akong problema. ____ Yes! nagkwento ako! Sinabi kong pumupunta 'ko sa doctor. O e ano ngayon sayo? Hmm.. Napag-usapan na rin namin ng maharlika kong mga kaibigan 'yung tungkol sa pagkekwento ng problema. E ayon, ni isa yata samin, wala namang nagkekwento ng problemang pampamilya. Sabi nga run, anong punto ng pagkekwento, hindi ka naman matutulungan. Nandadamay ka lang ng iba. Dadagdagan mo lang ang problema nila... kung may paki sila. Ewan. Wag na nga lang.
Ano, ang gulo na. Magkekwento ba 'ko dahil gusto ko? O dahil kailangan ko? Alam ko, gusto ko. Baka nga lang hindi gusto ng iba. Alam ko, kailangan ko. Hindi ko lang kaya. O baka kaya ko, ayaw ko lang. Hindi ko alam. Bahala na?
Pa'no kung hindi ako 'yung taong makwento? Ipipilit ko ba? E hindi nga ako yun?
O baka ako yung tipo ng taong gustong magbago, odi magkekwento na 'ko? Para bago?
Sabi nila, 16 times mo daw kailangan ulit-uliting gawin ang isang bagay para maging habit mo na siya. Halimbawa, uminom ka ng alak sa labing anim na araw, ayun, hindi na siya mapait. O kaya naman magyosi ka 16 times, cool ka na, hindi na siya nakakaubo. Habit mo na siya, hindi ka na cool. Patay ka na. ___ Ganoon rin kaya sa pagkekwento? Ayan. Ayan ang tinuro saking wag gawin sa ESOTSM, wag mag what if, gawin nalang. Kaya sige, gagawin nalang. susubukan. Sakay lang.
Wednesday, October 15, 2008
Balang Araw.
… di bale, balang araw.”
Bumangon si Cory sa kanyang kinahihigaan at naghanda sa pagligo habang ang kanyang asawa’y nagluluto ng kanilang pambansang almusal, ang tuyo. Alas sais na ng umaga.
“O bakit ikaw ang nagluluto diyan?” tanong ni Cory sa asawa.
“Bakit hindi? Ang sarap rin kasi ng tulog mo, naglalaway pa.”
“Haha” pilit na tawa ni Cory. “Pa’nong hindi ako maglalaway e ang panaginip ko ay isang napakagandang noche buenang puno ng masasarap na pagkain. Noche buenang… sabihin nalang nating, hindi atin.”
Naramdaman ni Ninoy ang kaunting pagpapatama ni Cory kaya’t linambing nito ang asawa “Ha mo, makakaraos rin tayo. Sana’y bigyan tayo ng krismas bon – “ naputol si Ninoy ng kanyang asawa.
“Hayan ka na naman e! ‘Wag na tayong umasa! Wala na, wala nang pag-asa, tayo nalang!”
Nagising tuloy si Kris… “Nay?”
“Naku ikaw talagang babae ka o, dali na, aalis na tayo, mahuhuli ka na sa klase mo.”
Pagkatapos magpaka”busog “ sa tuyo at toyo, iniwan na ng tatlo ang kanilang tinitirhan. Si Ninoy, papuntang Kowloon East, isang siopaoan na kanyang pinagtatrabahuhan, at sila Cory at Kris? Papuntang paaralan. Si Kris ay nag-aaral sa Pinalad Public Elementary School, mga isang kilometro mula sa kanilang tahanan. Nasa ikatlong antas na siya PERO sinasamahan pa rin siya ng kanyang ina papasok ng eskwela para tumulong maglinis ng paaralan.
“Mwah” at iniwan na ni Cory si Kris sa kanyang silid kahit na maaga pa para lamang makakuha ng silya. Dumiretso siya sa banyo at hinagilap ang basahan. Dito ay napansin niya ang kanyang mukha mula sa isang basag na salamin. Maganda. Maganda si Cory. Maganda kung ikukumpara mo sa kapwa niya mahirap, kung ikukumpara mo sa nakararami ng kanyang bansa. Pero imbis na matuwa sa nakita, sinampal lamang niya ang kanyang sarili, “Panget,” bulong niya sa sarili. “Ang kapal ko talagang mag-ilusyon. Sabi nga ng matandang mayaman noong isang araw, ‘Bato bato sa langit, tamaan huwag magalit. Kumausap ka ng yagit, at makakakita ka ng pangit.’ Hay buhay.”
‘Pag labas niya ng banyo, kakantahin na ang pambansang awit. Antagal pala niyang nasa banyo, nakatitig, naaawa sa sarili. Tumindig ang lahat at hinawakan ang kaliwang dibdib gamit ang kanang kamay at ito’y nagsimula. Handa, awit. “… ang mamatay nang dahil sa’yo…” Nagsibalikan na ang mga mag-aaral sa kani-kanilang silid at nagsimula nang magtrabaho si Cory.
‘Di nagtagal ay rinig na niya ang sigawan sa labas, sa kalsada. “BOYCOTT! KOWLOON! IBOYCOTT ANG KOWLOON! PATALSIKIN SA PWESTO! IBIGAY ANG SWELDO!” Paulit-ulit ang mga katagang iyon sa tenga ni Cory hanggang sa magsimula ang putukan.
“Teka,” napa-isip si Cory, “Kowloon. Boycott. Rally. Putukan. Diyos ko ang asawa ko!” pahagulhol niyang sinabi at lumabas papunta sa pinanggalingan ng putukan. Wala… Wala si Ninoy, hindi niya matagpuan, “baka naman hindi sumali”, bulong nito sa sarili at bumalik na sa paaralan. Nang mag alas kwatro ng hapon, lumabas na si Kris sa kanyang silid at lumakad na silang pauwi, malapit lang naman. At sa kaiklian ng daan, nadadaanan nila ang SM City Mall na sinubukan nilang pasukin nang minsan ngunit nabigo sa dumi ng kanilang suot. Araw-araw ay nakatingala si Kris sa malaking gusaling iyon. Hindi man kumikibo si Cory, alam niyang gustong-gusto ng kanyang anak malaman ang misteryo sa loob ng dambuhalang kahon. Ngunit sa hapong ito, hindi na napigilan ni Cory ang kanyang sarili, yinakap ang anak at sinabing, “Ha mo anak, balang araw, papasok tayo diyan.. Ibibili kita ng lahat ng laruang gusto’t itatapon mo, ng kending sisira sa ngipin mo, ng pagkaing idudumi mo, ng mga damit na hindi kakasya sa’yo… balang araw.” At tipid na ngumiti si Kris.
Naka-uwi na sila, alas-sais ng gabi. Wala pa si Ninoy. Kahit na ang normal na uwi ni Ninoy ay alas nuwebe na ng gabi, hindi maiwasang mag-alala ni Cory.
Saka nagsigawan ang mga sinasabong na manok sa kabilang tahanan (mahirap tawaging bahay). Narinig niya ang kalampag ng magagaang na paa sa maingay nilang sahig. Dinig din ang talsik ng mantika mula sa kawali. “Mali. Panaginip lang pala…
… Patay na nga pala si Ninoy. Nadakip nga pala siya ng mga pulis, pinagpapalo, hanggang sa mamatay. Itinapon sa ilog, natagpuan ng pulis. Ipinamalita sa akin. Ipinamalita sa diyaryo. Pinatay daw ng mga baliw. Saka binalot ng sako, inilibing. … … … Mga hayop. Makakatikim rin ako ng hustisya, antayin niyo. Balang araw, makakatikim rin ako!”
Bumangon si Cory sa kanyang kinahihigaan at naghanda sa pagligo habang ang kanyang anak ay nagluluto ng kanilang pambansang hapunan, ang tuyo. Alas sais na ng gabi.
“O bakit ikaw ang nagluluto diyan?” tanong ni Cory sa anak.
“Bakit naman po hinde? Ang himbing-himbing ng tulog niyo e.”
“Haha.” May sasabihin pa sana si Cory kaso napansin niyang parang naulit lang ang nangyari. Iniba niya ang usapan. “Tara na’t mahuhuli na ‘ko sa trabaho ko.”
Pagkatapos magpaka”busog” sa tuyo at toyo, iniwan na ni Cory si Kris sa kanyang tirahan. Doon, sa QC Circle. Sa kalsada. Doon nagtatrabaho si Cory nang mahigit sampung taon na, mula nang pumanaw ang kanyang mister. Empleyado siya ng isang nagngangalang Ferdinand. Ang trabaho? Pokpok. Pokpok sa ilalim ng bugaw na si Ferdinand. Pokpok. Puta. Prosti. Pero ang alam ng anak niya, isa siyang call center agent sa isang sikat na kumpanyang nangangalang Pilipinas.
Ang ganda ng kanyang gabi, ‘sing ganda ng kanyang kutis. Nakita niya ang kanyang mukha sa tintadong salamin ng kotse ng kostumer at inisip, “Seksi. Maganda. Meron naman palang ka-akit-akit sa mundo ng yagit.” Saka bumaba ang bintana ng kotse at tinignan siya ng nasa loob. Mali. Hindi siya tinignan. Hinubaran siya. Isang minuto lang ay nasa loob na siya ng kotse. Paungol-ungol. Kunwaring nasasarapan. Magaling. Magaling siyang puta. Hanggang sa napagod at nakuntento ang kanyang kostumer, binigyan siya ng malaking tip, isang libo. (Malaki, kung ikukumpara sa normal na binabayad sa kanya ng isang kostumer, 500. Dati nga ay 350 lang, pero dahil regular na siya, naging 500 na.) Naitago niya ito sa bugaw at binigyan lamang ang kanyang boss ng isang daang piso, na talaga namang dapat.
Umuwi siya bago pa sumilay ang araw at ginising ang anak na diyese-siyete años na at nag-aaral ng kanyang ikatlong taon sa hayskul.
“Anak! Anak! Dali, pupunta tayong SM! Magbihis ka nang maayos para papasukin tayo. Ibibili kita ng gusto mo! Ng mga pula’t berdeng bumbilya! Ng laruang nakabalot sa pula at may puting balbas. Ng punong umiilaw!”
Nag-unat ang anak at humikab habang hindi makapaniwalang nagsalita, “Talaga? Teka teka, ikaw rin ‘Nay, magbihis ka.”
“Hindi na ‘yun mahalaga! IKAW ANG MAGBIHIS.”
Tuwang-tuwa ang mag-ina. Naligo sila nang maigi. Nagbihis ng pinakamaayos nilang damit, kahit butas pa. Nag-alisan ng kuto. Nagtatatalon sa galak at nang mag-aalas-diyes ng umaga na, pumunta na sila sa dambuhalang kahon, sa SM City Mall. Unang beses nilang dalawa na makakapasok dito. Kung may meyk ap at lipstik man si Cory, ito’y bigay ng boss niya.
“ANG LAKI INAY!” tuwang-tuwang sabi ni Kris. “Paglaki ko, itatayo ko kayo ng ganitooooo kalaking bahay! Para lang sa ating dalawa ‘nay!”
“Hahaha sana nga anak.”
Linibot muna nila ang loob ng dambuhalang kahon. Sa kanilang paglilibot, may nakakita kay Kris na kanyang kaaway sa paaralan.
“Hoy Kris! Hayup kang babae ka, manunulot!” sigaw ng kaaway niyang si Imelda, papalapit sa kanya at handang sabunutan siya. Ngunit hinarang siya ni Cory.
“Ikaw hamapslupa ka, ano’ng pinagsasasabi mo ha?!”
“MGA PUTA KAYO! PUTANG INA MO!”
Putang ina mo… PUTANG. INA. MO!
Tumagos ang mga salitang iyon sa puso ni Cory, kahit hindi masyadong nasaktan si Kris sa mga sinabi nito. “Ha mo anak, balang araw, paghihigantihan natin ‘yang malditang ‘yan. … Balang araw.”
Umuwi na sila matapos ang mangyari dahil sa biglang naramdaman ni Cory. Linalagnat siya’t nanghihina.
Saka tumilaok ang manok sa kabilang tahanan (mahirap tawaging bahay). Narinig niya ang kalampag ng magagaang na paa sa maingay nilang sahig. Dinig din ang talsik ng mantika mula sa kawali. “Mali. Panaginip lang pala…
… linagnat lang pala ako ngayon. ‘Yun lang naman. At natigil na ‘ko sa pagtatrabaho. Nanghina ang aking katawan. May tumubong kung ano sa aking ari. Namasa ang katawan ko. At inamin ko na nga pala kay Kris, na hindi call center na naglilingkod sa kumpanyang Pilipinas, kundi isang pokpok na naglilingkod para sa isang nagngangalang Ferdinand ang kanyang ina, dahil sadyang wala na siyang pagkukuhaan ng pera, wala siyang pinag-aralan, mahina ang benta sa sampaguita, masmadaling kumita ang pokpok, minsan nasasarapan pa. Buti naman, tinanggap niya ‘yun. AIDS. Aids nga pala ang sakit ko. Nakamamatay daw. Nakamamatay na pala ang eyds, age, edad. ‘Pag tinatanong si Kris ng guro sa skul noon, ‘What is your age, Kris?’ hindi sumasagot si Kris. Alam ko na kung bakit. Kasi nakamamatay ang AIDS.”
"O... Kris.. bakit.. ikaw.. ang .. nag..luluto.. diyan?"
… Hindi sumagot si Cory at parang sininok pa, kaya kinabahan tuloy si Kris.
“’Nay! ‘Nay! ‘Wag niyo muna ho akong iwan!” Umiiyak si Kris, beinte tres años, nakahalandusay sa katawan ng nanay.
At sumagot si Cory sa lakas na di maririnig ni Kris kung hindi siya nakadikit dito, “shhh… Kris. Kris. Shh… balang … araw, ma..mamatay rin ..ako. Kaya ikaw, pagbu…b..b..utihin mo ang pag…tatrabaho mo, para ..balang araw…, maka.. hain. .ka.... ng masarap na.. noc..no.noche buena.. sa 'yong .. magiging pamilya.. At nang ..may pa… may pa…tunguhan naman …ang aking …pagkanta sa’yo… tuwing …ika’y natutulog…, ‘Ang mamatay… ng dahil sa’yo’. ...Tahan na.... Alam ko... panaginip,,, na ,,, naman ito.,,, Matulog ka na rin.”
Monday, August 11, 2008
Pinako sa kolehiyo, namatay, inilibing.
Sa loob ng apat na mahahabang taon, isang tao mula sa liblib na lugar ng Rizal ang tinapon sa isang kulungang tinatawag na San Beda - Rizal. Dito, sinanay siyang umasal leon, hari ng kagubatan - Matapang, mataas, malakas ang loob, magaling makipagkapwa-tao, marangal, tapat, makabayan, at maka-Diyos. At matapos ang apat na taong ito, binuksan ang kulungan at hinayaang matunghayan ang hiwaga ng mundong-labasan. Nakihalubilo sa mga agila, mamamana, tigre, maroons (?), tamaraw, lobo, at iba pang mga kahayupan. Ngunit sa kasamaang palad, binigo siya ng kanilang pag-aakalang maganda ang kulungang kaniyang kinalakihan (San Beda). Sa bagong lipunang kaniyang ginalawan, matapang niyang ipinakilala ang kanilang mga sarili bilang mga leon, matapang at magiting na leon. Pero hanggang doon nalang.
Siguro magsasalita na rin ako para sa lahat kung sasabihin kong ANG HIRAP NG COLLEGE. ANG HIRAP-HIRAP NG COLLEGE! Libo-libong salitang babasahin, sandamakmak na takdang aralin, maka-ubos-dugong mga problema sa Matematika, at kaleche-lecheng mga instructors (marami pang iba). O, ano?! kaya pa ba? Kasi parang ako, hindi na. Parang lang. SISIHIN ANG KULUNGAN! SISIHIN ANG SAN BEDA! 'Yan ang pangunahing scapegoat. San Beda. Bakit yung mga taga-probinsya, parang sisiw lang sa kanila ang mga exam? Samantalang akong taga-Beda, hirap na hirap sa kalechehan. Bakit alam na nila ang topic na yan? samantalang ako, nagkakandaloko-loko pa sa kakaintindi. BAKET?! "BEDA AKO! BEDA AKO! (sabi ni aaron)". SIKAT! BEDA! SIKAT! BEDA! SIKAT ANG BEDA! pero baket daig pa ako ng halos lahat!? Kasi... ang kulungan ng leon.. ay di sikat sa pagpapatalas ng utak o ng mata. Sikat lamang ito sa pakikipagtunggali. sa basketball. sa paHARIan.
o... pano? suko na? Hindi dahil taga-Beda ka, hanggang basketball nalang.
"Bakit ba kasi ako pumasa sa kurso/paaralang ito?!" Minsan tuloy, pinagsisisihan ko ang pagkapasa ko dito sa bago kong school. Na sana, nanatili nalang ako sa kulungan ng mga leon. Ewan na talaga. Pero sabi naman ng iba, kung nakaya ko daw ipasa ang exam, kaya ko rin naman daw gumraduate kung gagawin lang ang ginawang kasipagan tulad nung sa exam. E KUNG HINDE? ano, suko na?
"Ang galing nila." Ngayon, nararanasan tuloy natin ang hirap na dinanas ng ating mga magulang para lang mabigyan tayo ng sapat na makakain, pang-internet at kung ano pang gastusin. ANG GALING NILA. natiyaga nila ang punyetang factoring, inequalities, formulas at kung anu-ano pang kasiraan sa utak. ANG GALING NILA. nakakainis! bakit kaya nila, ako (tayo), hinde?! Natiyaga nilang mag-aral ng mahabang panahon..
Kahit anong kurso pa kayo - mapaCulinary, Engineering, Accountancy, Nursing, o kung ano pa yan, siguro naman ay makaaarrive tayo sa isang consensus - MAHIRAP ANG COLLEGE. Aminin na kasi. magdamayan tayo! nakakaloko! sa mga nadadalian, ge, go. congrats.
Pero kaya yan! KAYA YAN! KAYANG-KAYA! maayos na disiplina, wastong paggamit sa oras, masikap na pag-aaral, madalas na pagdarasal, kaya yan. sana. Si Pedro nga, nang palakarin ni Kristo sa tubig, lumubog. At 'yon ay dahil sa nag-alangan siya. Dahil wala siyang tiwala sa kanyang sarili at sa Panginoon. Pero hindi sya hinayaan ni Kristong malunod. Hinatak siyang pabalik. Sana ganoon din tayo.
Ewan. bat ba ko nagsusulat? Ewan rin. nawala na ko sa mood kanina pa. Basta. May lintek na long exam kasi bukas. Madali lang naman yata kasi memorization daw. Kaso... di ko maintindihan ang mga sinulat ko! Kaya wala rin ako masyadong mamememorize. Tsaka midterms na rin sa Math17 (isa sa pinakamadugo kong subject) sa Sabado. Oh well. good luck sa ating mga magmimidterms! kaya yan! kaya yan! KAYA YAN!
Thursday, August 7, 2008
Beep Beep Beep ang sabi ng Jeep
punyetang mga JEEPney drivers yan. Markado na sa utak ng mga Pilipino ang nakakamatay na pagtaas ng presyo ng langis. At tanggap na rin na kasama dito ang pagtaas ng presyo ng halos lahat ng bilihin at ng pamasahe. Pero tila may umaabuso sa talamak na pagtataas ng presyo ng pamasahe. eto ang mga "punyeta". Sila ang mga mapagsamantalang Pilipino na gahamang umaabuso sa kainosentehan ng mga mamamayan. Pa'no? Eto. Dahil nga markado na sa utak ng mga Pinoy ang pagtaas ng presyo ng langis, dapat ring alam nila/natin na magtataas ang pamasahe. At dahil alam na nila/natin 'yon, panibagong budget ang kailangan at maaaring itanong na lamang sa mga punyeta ang pamasahe. Diyan nagsisimula ang abuso! mga punyeta. "Kahapon lang, 16 pesos, tapos ngayon 17 na." 'Yan ang reklamo ng isang pasahero noong isang araw. At ang sagot ng punyeta, NAGTATAAS ANG PRESYO NG LANGIS. Kalokohan, alangan namang araw-araw ay nagtataas din ang presyo ng pamasahe. Bwiset.. ang solusyon ng MMDA o LTO (ewan), maglagay ng TARIPA sa bawat jeep. At madali lamang itong intindihan. Kaya lamang ay may mga sadyang punyeta na, bobo pa. Kaya naman iyon ang kinahantungan (ta ang yabang haha). Magbabasa na lang ay mali pa. At 'yung iba, tinatago pa, para tuluyang makapang-abuso. Mga leche. 'Pag makakita ako, ge post ko dito para alam niyo kung magkaano (kaso ano lang yan, antipolo-cubao via junction, o kaya angono hi-way - cubao, o basta kung ano meron).
Basta, first 4 kilometers, 8.50 sa mga ordinaryo, 6.80 (7 na rin) pag student o senior citizen. Tapos every next kilometer, dagdag 1.50 sa mga ordinaryo, 1.25 sa mga discounted.
Punyeta talaga. Eto nga. Kagabi lang, mga 11pm, from katipunan, sumakay kami nila Aaron at Neil ng jeep to Pamcor (Mitsubishi). Ayon sa taripa (na nakita ko sa ibang jeep), P14.00 lang pamcor to katipunan/vise-versa (student). E walang taripa tong punyeta. Edi nagbayad ako, 15, sobra ng piso, pero sige ha na. Si Neil nagbayad ng 14, sakto. Tapos eto si aaron, nagbayad ng bente.. Odi yun, daldal. Sabay nasa Brookside na, hindi pa sinusuklian si Aaron, kaya hiningi namin ung sukli. Sabay nagbigay ng dalawang piso, kasi daw akala nya sa brookeside kami bababa. E HINDE. Pamcor pa. So hiningi niya yung dalawang piso. ay punyeta. edi banat, "Katorse lang ho hanggang pamcor ah." sabi Bente. "GAGO". tapos kinausap si aaron nung nasa tabi niyang babae na hindi daw sana susuklian nung punyeta kung hindi yata kinulet. Edi ayun punyeta talaga. Tapos nung pababa na kami, tinadtad na, "hinayupak, gago,etc." Edi ayun, pinakyu sign ko muna, tapos lumingon kaso nakababa na, tapos pinakyu ni neil, kaso tumalikod ung punyeta, tapos lumingon ulet, tapos pinakyu ulet. Ayun . sana kinarma ang punyeta.
Lesson siguro? wala. wag hayaang nanggaganun ang mga punyeta. Pare-pareho lang tayong nagtatrabaho (nag-aaral). Buti nga't nagbabayad nang matapat at hindi nagwa-1-2-3. Kahit piso pa yan, HINGIIN. yung iba nga ay nagmamaktol sa loob ng jeep kapag di nasuklian ng piso (pero wag naman ganoon). haha. Hindi porke taas nang taas ang jeep, pwede na nilang taasan ang presyo ng pamasahe nang ganun ganon nalang. Mandurugas. CHEATERS NEVER WIN. ayan. do to no one what you yourself dislike. O yun. Bakit hindi mag-FX? Masmahal puta. from sa'min, P30.. hanggang LRT pa lang yata yun. o, imbis na P14. Jeep na ang pinakapraktikal (unless mainit/masikip ang trapik). 'Ge. larga
Sunday, July 27, 2008
Panaginip sa panaginip
-
Nagmumultiply ako non, tapos bumaba para uminom ng tubig. Tapos etong kapatid ko at ung isang helper, naliligo dun sa isang banyo.. E kinailangan kong pumasok so pumasok ako,naghugas lang yata. Nung isasara ko na yung pinto, hindi na masara, kasi may gap.. kuha? diba pag sinara ang pinto, ayun, FIT. e nung pagsara ko, may space pa rin.. so parang lumiit ung pinto.. kuha? odi yun.. siguro nga lumiit yung pinto.. e hinde. nagmove pala ung wall. Sinisisi ako nung kapatid ko, ako daw ung may kasalanan.. kaya nagcomputer nalang ako.. tapos tsaka gumuho yung bahay..tapos.. nagising ako.. panaginip lang pala.. pero pagkagising ko, nasa loob na ko ng mundo ng power rangers!. may nangyaring kung ano e.. basta ako yung bida.. eto namang si eugene domingo ang nagaact na ina ng aking character.. So yun, pag-uwi ko sa bahay, kasama ng iba pang kapwa power rangers, hinainan kami ni eugene domingo ng pagkain.. tapos ung isang malditang power ranger, pinagbababoy at pinagtatapon ung pagkain (di ko maalala kung sino e). Tapos ayun, nagkagulo.. Sa labas naman ay tawa nang tawa ang isang kalbong kontrabida.. tuwang tuwa dahil tagumpay siya sa kanyang plano.. siya si Neil.. wops! nagising ulet ako.. PANAGINIP na naman.. pero ayun..Monday kasi, e sabi ni jio nung isang araw, punta daw kami ng beda rizal.. so pumunta kami nila neil, aaron, jio, at nung isa kong kapatid na si aaron (na duon na nag-aaral). PUMUNTA KAMI. So morning assembly noon.. tapos nagpalakad-lakad kami sa crowd. Tinginan ang lahat ng tao sa'min. Nakita namin si sir baguingon na naka vest na violet (look at ribaya's videos nung integration, yun ung suot nya) tapos ginagago nya ung mga students.. tapos tatawa siya. pero walang matatawa.. ayun. May dala pa nga akong unan.. Tapos pagtingin ko sa sarili ko, naka sando at shorts lang pala ako! kaya pala kami pinagtitinginan.. so hinatak ko yung kapatid kong aaron para umuwi at magpalit.. pag-uwi ko, andun ang gumuguhong bahay, ang mga power rangers, at sila jio, aaron, neil.. tapos, nagising ulet ako.. panaginip na naman.. natutulog ako sa kwarto ko.. tapos andun ung pinsan ko, tatawag sana ng tricycle para makauwi na.. kinuha ko yung telepono, tapos minali ko yung pupuntahan ng tricycle.. TAPOS.. nagising ulet ako.. PANAGINIP ULET..
-
yan.. yang pagitan ng dalawang "_" na iyan, ISANG MALAKING PANAGINIP. haha takte.
Friday, July 18, 2008
Welga kami! ---o? pasubok nga.
tagpuan: College of Arts and Letters (CAL) Building
Dahil nasa CAL Bldg., at iisa lang naman ang klase ko sa CAL, Humanidades ang subject.. At usually, dito sa subject na ito may mga pumapasok na tao para hikayatin kami na sumali sa pagwewelga... Pero ngayon.. walang panibagong mukha ang nagsalita sa harap namin.. Sa halip... siguro 10 minutes bago magtapos ang klase, nagsimula na ang sigawan sa labas ng silid-aralan...
ISKOLAR NG BAYAN!!!!
NGAYON AY LUMALABAN!!!
NGAYON AY LUMALABAN!!!
ISKOLAR NG BAYAN!
Pero sige pa rin sa pagtalakay ng lesson si prof. Hanggang sa natapos na.. Pupunta na sana ako sa aking next class nang makita ko mula sa itaas ang lobby ng building.
PUPPET, PASISTA, PAHIRAP SA MASA!
(sagot:)PATALSIKIN SI GLORIA!
vise versa..
tapos..
EDUKASYON! EDUKASYON!!!
KARAPATAN NG MAMAMAYAN!!
vise versa..
hanep.
Tapos nun, ginrupo-grupo kami.. Tapos may parang isang aktibisitang nakatoka sa bawat grupo.. tapos discuss discuss ng konting kalokohan sa gobyerno't lipunan. Pagkatapos noon, may mga nagperform sa amin, mga ARTISTA NG BAYAN.
EDUKASYON! EDUKASYON! KARAPATAN NG MAMAMAYAN!
BOYCOTT!!!! WALK-OUT!!!
WALK-OUT!!!! BOYCOTT!!!
Yun. diretso sa AS Building.. ako naman, sige, go with the flow..Etong si katabing babae, sige kinausap ako, hello daw. Edi hello din. tapos sige, lakad.. Tapos pagdating ng AS Building, tinanong ko kung freshman din siya (kasi mukhang lahat ng kasali doon ay upper years na) edi freshman din nga.. so sige.. tinanong ako kung baket ako sumali.. sabi ko TRY LANG.. PASUBOK LANG. PAEXPERIENCE.. e tae. ang pagtry lang na iyon ay inaasahan kong limitado sa pakikinig sa kanilang mga hinaing.. hindi pagrarally.. Pero sige, andun na eh. ISKOLAR NG BAYAN! NGAYON AY LUMALABAN!!! Bawat classroom na daanan ay sinisigawan ng kung anong chant. hahaha. sikat tae. tinginan lahat sa'min siyempre.. Tapos.. akala ko hanggang AS Building lang.. e tae lumabas.. tapos p
Ayun.. PAEXPERIENCE LANG.. Pero sabi ni Sto. Demonyo, sa patry-try, paexpi-experience nagsisimula yan.. Pero haha. asa. Kahit sa sarili ko ay di ko maisip kung bakit kailangan mag walk-out... Pwede namang magrally sa ibang araw, bakit sa may klase pa.. Siguro nga.. history daw.. dahil nagawa na yun ng PUP sa kanilang administrasyon.. etc.. tae. baket walk-out?! Sabi nga nitong isang tagapagsalita kanina, "TATAHIMIK NA LAMANG BA TAYO AT PAPANUORIN MAGHIRAP ANG ATING BANSA?!" .... oo! haha. de. o.. sabi nila, "Pagtagal, maipagmamalaki natin sa ating mga anak, 'tayo ang gumawa ng kasaysayan!' ang kaunlaran ng bayang kanilang ginagalawan ay likha ng ating pakikipaglaban"
Saturday, June 14, 2008
yuck! EMO!
this blog entry isn't really about how yucky emo people are (no offense to emo people.. pede na ring meron, sa mga posers). this is about me, a loner.
ayun. nakaupo sa isang upuan sa harap ng isang building, nakikinig ng kung anong kanta, mag-isa... ayun. sakop ang isang table sa iba-ibang canteen sa upe, kumakain ng kung anong pagkain, mag-isa... ayun. nasa banyo, nagpapalipas ng oras, kunwaring nag-aayos ng buhok, mag-isa... ayun. sa gilid-giliran ng mga klase, walang katabi, tahimik, mag-isa.
kulang nalang, ipastraighten ang buhok at mag one sided bangs. kulang nalang, magpurong itim at pula. kulang nalang, magsuicide. Ang loner ko no? OO, walang kokontra. loner ako. shet kawawa! bakit ba ganon? hay. isang linggo ko ring hindi nagamit ang ngiti ko. hindi ko maipaliwanag kung bakit nangyari ang ganoon. ang masasabi ko lang ay kung ano ang nararamdaman ng isang loner.. O halimbawa.. nandun ako sa gilid.. unti-unting darating ang mga kaklase ko.. san uupo? kasama ng mga kakilala nila. kilala ba nila ko? hindi. kaya hindi sila tatabi sa'kin. ung mga wala ring kilala? di rin tatabi sa'kin. kasi ako, nasa gilid gilid, sa tabi ng bintana para malamig. sa likod para kita ang paligid. ayaw naman ng mga taga upe doon, gusto nila palaging nasa harap, kung saan malinaw nilang naririnig at nakikita ang ginagawa ng guro.. o yun, wala akong katabi.. kapag may ipapapasang papel, tatayo pa ako para iabot sa ibang kaklase. kapag may magjojoke, tatawa ang mga kaklase ko.., ako hindi-kasi hindi ko naman sila kilala.. pilitin ko man, di ko ramdam. Papasok sila ng klase na may kasabay. Papasok sila ng klaseng may sasalubong sa kanila. Papasok sila ng klase na may kadaldalan.. Ako.. wala. Sila, may kinakawayan. ako wala. Sila, may binabati. ako wala. puro meron sila. puro ako wala.
"YUCK. LONER."
ang mabuti lang, nasa kolehiyo na ako. kasi kung noong hayskul ako loner, naku pinag-usapan na siguro ako ng mga tao tao.dito walang paki eh.. Pero mahirap.. sino nalang ang dadamay sa'kin kapag may mahirap akong assignment? alangan namang damayan ako ng mga taong di naman yun assignment.. sino nalang ang kausap ko tungkol sa prof o sa subject? alangan namang sa hindi taga upe. Oo.. andun sila Derrick, Clarence, at Krizia.. Si Derrick kaklase ko sa dalawang subjects, si Krizia at Clarence hindi.. di ko pa makasabay sa sched.. Kaso si Derrick, masyadong magaling. Nakakausap nya ang madaming tao.. ayun tuloy, andami na niyang kilala.. dun sa isang subject, di ko siya kasama kasi andami na niyang kasamang iba. Nakakainggit.. kaso masamang mainggit.. Hay. kawawang ako.
kayo bang mambabasa, siguro naman e kakilala ko kayo.. sinong unang lumapit/kumausap/o kung ano? ikaw o ako? Umaasa nalang ako na sana ay magkaroon rin ako ng mga kakilala.. actually.. meron akong dalawang bagong kausap...
1., nung wednesday, p.e... eh hinahanap ko kung san gaganapin yung pe. class. tapos ayun. may dumating na lalaki sa supposed to be venue, tapos dumating ung isang babae, tapos tsaka ako dumating.. umalis ung lalake, sumunod ako, sumunod din ung babae.. sabi kasi sa note, sa up gym daw magmeet. e malay ko ba kung saan yun.. edi sinundan ko na ung lalaki..baka pupunta rin doon. sumusunod din sa'kin ung babae.. e ang gulo. di ko malaman kung san pupunta.. so tumigil ako, tapos nag-alis ng hiya at kinausap ung sumusunod sa'kin.. "duck-pin bowling ka ba? freshie?" etc, etc..hanggang sa yun, naglakad kami ng malayo hanggang dun sa venue..
2. nung wednesday rin.. sa nat sci2.. kasama ko si derrick doon.. e madaldal nga (in a good way) so kumausap siya ng kung sino.. edi napasalita na rin ako.. so ayun.. kaso nagyoyosi.. babae pa naman..
o diba, bilang na bilang ang mga nakausap ko.. bukod sa gwardiya, tagalinis, proft, at tindera/o, yan lang ang mga nakausap ko masyado.. ewan. dati rin naman nung sa iv-40.. iniisip ko, parang wala akong magiging kaibigan dito.. na sana 41 nalang ako.. pero bandang huli, naging maayos naman.. sana sa upe ganon din. sana. Pero sabi naman ni Sam, di ko naman daw kailangan magmadali.. darating rin yan.. sana.
Pambihira! parang emo nga kinalabasan ah.. o sya.
Tuesday, June 10, 2008
Ang Ikalima at Huling Hakbang Papuntang Kolehiyo: ang papunta mismo... ANG COMMUTE!
Wala nang paligoy-ligoy pa!... Kwento na!
Si Mrs. Coronado, nasa may whiteboard, nakangiti. Ako, at ang iba kong mga kaklase, nasa silya, may hawak na papel at panulat, nagtetest. Ang iba, kung san-san nakakarating ang mga mata. Ang iba, nagtetext. Ang iba, nagdadaldalan. At ang iba, nagpapasahan ng calculator (nakasulat dun ang sagot)..
"Ano ba? Ano???"
"Gising. tumutunog alarm clock mo!"
"Ay!" sabay bangon..
Panaginip lang pala. Ang galing. Parang ganun lang. Kanina, hayskul, mamaya kolehiyo. Hay bilis. O yan. Alas-sais na ng umaga.. kilos sabay alis...
sa sakayan...
Ayun oh! ANDAMI! Siguro dalawang dosenang tao ang nag-aabang ng masasakyan. Sus kainit. Bale mga isang oras yata ako nakatanga doon, nagpapapawis sa araw. Odi nagpasya na 'ko, kahit LRT nalang nga pede na... 1st Attempt... may dumaang fx (lrt santolan)... SUGOD MGA KAPATID!!! ayun.. naunahan ako.. 2nd attempt.. SUGOOOD!! hayop habang umaandar ang fx e sumasakay ako sa me harapang bahagi ng fx. ayan. UNTOG. sa'kit ng ulo leche. O yun. Sa wakas, lamig naman. bayad ng isang daan kasi walang barya.. sa tagal ng biyahe, nakatulog ako... Pag gising ko... LRT NA. edi baba agad dahil sa taranta. Noong paakyat na ako ng overpass, tae naalala ko... di pa ako sinusuklian ng hayop na driver! Babalikan ko sana kaso di ko na maalala ang itsura.. hay.. pagpalain. Edi yun. LRT. pagdating ng tren... SUGOD uli. kala mo naman mawawalan ng espasyo lintek. yun. baba ng lrt.ta, mag-e-8:30 na, e 8:30 ung welcome assembly o kung anong orientation yun... Edi sakay ng jeep. nagpapawis ulit.. tapos mga 9am nandun na 'ko. Buti nakapasok pa ako kahit late! Kasama ko uli yung babaeng ala-foreigner.. palagi kong nakikita yun e.. med exam pa. anyway, kung nahuli pa siguro ako ng 1 minute, di na ako nakapasok. Odi yun, upo sa silya sa UP Theater. sa wakas, calm. peace. hay. SARAP. tapos sinasabayan pa ng magagandang himig ng UPCC (UP Concert Chorus). yun. uubo na sana ako.. sabay shet. panyo ko?! yun nawala. hay buhay. Pambihira. nauntog na nga, nawalan na rin nga ng p75, nawalan pa ng panyo.. lecheng burara. Ayan. pano nalang ako ngingiti nito ha. Sabi nga nila..
"First day of school dapat cool na cool, mas cool pa sa tubig ng swimming pool" e lintek. puro kamalasan dumapo sa'kin. init pa.. hay. o yun. Buti nalang may dala akong isa pang panyo... ewan ko nalang talaga pag nawala pa pati iyon. yun. orientation ulit. Andun yung tito ni Cao (yata) na Chancellor ng U.P. Diliman.. nagspeech.. tapos gaya nga ng sabi ni Pasa, pinalaki lang ng husto ang aming mga ulo. Yun. ung emcee.. andaldal ulet. pero doctor yata. komedyante rin. tapos nagCheering ulit... U-NIBERSIDAD-NG PILIPINAS! a magaya nga si krizia, nagpost ng cheer. haha.
U - NIBERSIDAD - NG PILIPINAS
U - NIBERSIDAD - NG PILIPINAS
matatapang.. matatalino
hindi papatalo.. kahit kanino
.pweh. wag nalang pala. nalimutan ko na. ge. yun. Natapos ang orientation.. Edi paglabas, may nagrarally. akala ko pakulo lang nila, acting... Sabay nagtext si Sto. D, may rally daw sa U.P.. wala lang. yun. hanapan ng mga lecheng blockmates. Isang oras akong naghahanap sa ilalim ng demonyong araw. Yun pala, may klase ang mga org members na mamamahala sa'min. O yun. Tinipon kami't binusog.. bumilog at pinaintroduce ang isa't-isa.. name, age, interests.. a ganon talaga. edi silang lahat salita. i'm ganito ganito.. i'm 17 yrs old.. i'm 16 yrs old.. i'm 17 yrs old.. ba mga gurang. (de ayos lang. ganon naman din si pascua.) tapos I like ganito ganyan.. at ung iba talaga naman.. i'M INTERESTED IN PROGRAMMING COMPUTERS. lintek. anong panama ko jan.? ang sabi ko lang e Mahilig ako mag-internet. hahaha. ay de. meron pala. I'm 15 years old! hahaha pinagyabang. lol . baliw. game. balik.
Odi yun. Hinatid na nila ako sa aking klase (hanep may tagahatid talaga ah). Naglakad ng pagkahaba-haba kasama si kuya alfie at ate janelle (16 yrs old.. pinagyayabang di na 15 sya cumollege. haha). o yun. pagpasok ko ng NIGS Bldg, tinawag ako ni Derrick Divinagracia! AYOS! pareho kami ng sched ng Nat Sci 2!! hanep. pareho ng room na pinagtestan, pareho ng room sa natsci2! talaga naman. woo MIS, Beda, UP! lol tama na . ge. Odi yun. buti wala munang lesson. Nagcomedy lang ung mala-Mr. Bean (sabi ni Derrick) naming prof. wooo hassle. from u.p., jeep ako hanggang triNo. tapos mrt hanggang ortigas.. yun sa ortigas syempre malayo-layong lakaran.. edi takbo.. malelate na ko sa doktor. syempre, ayaw lumayo sa'kin ni Malas. kakatakbo ko, nasira ung kabilang strap ng bag ko. edi yun. sabog. nagtaxi nalang tuloy ako papuntang med city. yun blablabla rush. may hahabulin pa kasi akong Math ng 4pm. e 3:30 na nun. edi taxi ulet. c-5 tas katips. medyo ayos lang. naka upo lang ako e. wala lang akong tiwala sa driver.. odi yun, late uli! 4:30 na.. . hay.. nakabukas yung doors ng room.. papasok na sana ako sabay tingin lahat sa'kin... O SHET! Tatakbo na ba ako?! Ung prof pa naman e parang si fronteras lang. Nakakaintmidate ang titig. hay. sabi ko nalang... "Pwedeng.... (bahala na).. pasali?" shet ano bang lumabas sa bibig ko! tinawanan tuloy ako. o ayun, pede naman daw kung enrolled. edi yun. sa likod ako pumwesto. taeng yan. May introduction pa.. yun. karamihan dun, blockmates ko.. Ung isang babae, pamilyar ang mukha.. napansin ko kasi un nung enrolment, disente. e yun. madaming kaharutang nalalaman ang prof. kailangan pipili pa sa class ng gustong maging kaclose from the opp sex. edi nauna si babaeng pamilyar, pinili ako. edi pinili ko rin siya. tapos end na ng class. hay. bukas lessons na. shet. buti di kelangan ng calcu, may kumupit nung akin sa Beda e.
O yun. pagtapos... kasama ko uli ang mga blockmates ko at ung org members (UP CIRCUIT nga pala pangalan) although loner ako. Naglakad kung saan-saan. nag-usap-usap sila.. tapos hinarang kami ng isang babaeng Amerikana (taga Miami) na taga U. wala lang. may sinermon tungkol ke God. tapos binigyan kami ng papel para magsulat ng ipapadasal.. edi pinadasal ko ung sakit ko. wala namang mawawala. o yun. tuloy sa pagmarcha. sa wakas pinauwi na rin kami. .pambihira. edi commute. tas baba. tas tawid. tas antay.. takteng pag-aantay yan. yun talag ayung pinaka-ayaw ko e. nakatayo pa. tas ang paligid e puro usok. Dinagdagan pa ng mga lintek na yosi boys. tapos bigla nalang sa may harapan mo, dudura ang isang tao. bwiset. ayun . isang oras din yun. may kasabay naman akong kaantay. ateneo yata. inis at impatient na rin. yun. nakasakay ako. siya hinde. yan mag UP ka na kasi. haha biro lang. NAKAUWI NA RIN SA WAKAS.
Ay sus. kung araw-araw e ganto, sa iba nalang ako. Pero di yan. sanayan lang yan.. wag na masyadong mag-isip. Wag na masyadong magworry.. Kaibigan? Uno? Singko? Frat? Orgs? Activities? Pag-ibig? e sus. darating yan kung darating. hindi kung hindi. Basta pakasaya nalang sa kung ano ang meron. Massumaya nalang sa kung ano ang darating. Kapag masama ang darating, edi tignan nalagn ung sunod na darating tapos pakasaya. kapag di pa rin masaya, e sa present nalang tae. Ge. bahala na... basta ako.. GUSTO KO NANG MATULOG.
Wednesday, May 7, 2008
ikatlong hakbang papuntang kolehiyo (Advance Registration III: Enrollment)
O bale ayun. Gaya ng nakagawian, gising ng 6am dahil sa alarm clock. KAso nakatulog rin uli hanggang 8am. Pag gising ko tuloy, paalis na sila Mama, 'di tuloy ako nakasabay. O ayun. 9am umalis na kong bahay para kunin yung pang enrol ko. E ayun. Akala ko good morning. di pala. Pag baba ko ng fx, uubo sana ko, sabay pag kapa ko sa bulsa ko, nawala ko na pala panyo ko. hay. burara! Mali pa ako ng binabaang gate so napalakad pa ko ng husto. Odi ayun. Nakuha na.. Mga 10am, alis na sa Meralco papuntang MRT station... andoon kasi yung isa kong kaklaseng nagngangalang Pascua. E di ko alam kung saan yun... Edi sakay ng taxi... kaso di dadaan doon yung taxi... so sabi niya baba nalang daw ako sa may galle. Di pa niya pinapatakbo yung metro. so nung sa may galle na, tinanong ko sa kanya kung bababa na ako.. sabi niya oo. tapos inabutan ko ng bente. ayaw. pero sige pinilit ko pa. o ayun. bait nya (sana nakakuha sya ng pasahero lol). Pambihira. lakad lakad lakad. Ang init-init e. Sa may kalsada pa ako naglalakad papuntang MRT Station... May harang kasi.. E yung harang pala hanggang dulo yun. So umikot pa ako ulit para lang makapasok sa lintik na MRT Station. At ayun, bumili ng kendi para sa batang nawawala. Ayun. Nakita ko rin si Mark at binigyan ng kendi. Yun. kung san san na. di ko na alam kung saan kami napunta. pantranco philcoa o kung ano man yun. basta may jeep papuntang u.p. di pa kami bumaba dun sa bababaan so parang umikot muna kami ng isang round tsaka bumaba . parang loko. o ayun. lakad as usual. O.U.R. na. Bawal magdala ng magulang o ng kung sino sa loob (ginagawa kaming independent).. kaya si Mark, kunwari nalang tiga UP. Nadaan sa envelope. Sa may kwarto ng bayaran sa itaas, may guard pa, pinapalayas ang mga magulang o sinumang di nag eenroll. ayun. nadaan nalang uli sa envelope. ayun. enrolled na! Syempre, Rodic's muna! pambihira araw-araw na Rodic's. O tapos nun.. TriNoma na.
Ayun. Dumating kami doon ng alas-dose. Syempre wala pa si Yadao. Syempre. Timezone muna. ayun. Yung gwardiya kung san san shinushoot yung bola. Pati sa ibabaw/likod ng makina tinitira. Napaakyat tuloy ng di oras. (Picture sa kanan. pasensya na kuya :D). Tapos ayun. Dumating na si Yadao.. tapos kain siya, takam si Pascua, upo ako. Sabay 1:40pm, nuod!!! What Happens In Vegas. ayos. (gawa nalang ako ng review siguro). Pagtapos nun, kung san sang tindahan nakarating. tapos kumain ulit. tapos inulit ulit yung mga tindahang narating. Ayun. kapagod maglakad! tambay sa timezone. sila nood ng MMT3, ako nakatanga sa silya. ayun. blabla bla. kumain ulit (antatakaw ng mga kasama ko!) busog na busog na ko kanina pa e. napapasige nalang. ayun. tapos nagpatrip ng onti. tapos uwi.
hay kapagod. puro ang hahaba ng araw ko. sana bukas pahinga. pero ok lang rin kung hindi.. sayang lang hindi ko napanuod AI. bukas nalang. O siya. sige. Nga pala! Vanessa Carlton sa TriNoma sa May 9. 7pm yata. wala lang. parang gusto kong pumunta.
Tuesday, May 6, 2008
ikatlong hakbang papuntang kolehiyo (Advance Registration II: Schedule)
| | MONDAY | TUESDAY | WEDNESDAY | THURSDAY | FRIDAY |
| 8:00-8:30am | ES 1 | PE 2 BW-D | ES 1 | PE 2 BW-D | |
| 8:30am-9am | |||||
| 9am-10:00am | - | - | |||
| 10:00-11:30am | HUMANIDADES 1 | HUMANIDADES 1 | |||
| 11:30am - 1pm | - | GEOG 1 | - | GEOG 1 | |
| 1pm-2:30pm | NAT SCI 2 | KAS 1 | NAT SCI 2 | KAS 1 | |
| 2:30pm-4pm | - | - | - | - | |
| 4pm-5:15pm | MATH 17 | MATH 17 | MATH 17 | MATH 17 |
Monday, May 5, 2008
ikaapat na hakbang papuntang kolehiyo (Freshman Orientation)
kwento kwento kwento ulet. mahaba so kahit wag nalang basahin. (!@&$(!@*#!@$&)!@&$(#@%!)#&@!(*#!O@!&*(
gising ng 6 ayon sa alarm. tulog ulet. gising ng 7. ayan. cram. pumuntang Beda, nakarating ng mga 8am. May hinihingi kasi sa'kin si Pid, e wala rin siya don so iniwan ko nalang. Nagpasa na rin ako nung request ng F137. odi ayun. Tapos nun, puntang 7-11, inom. tapos diretso Katipunan. sabay U.P.
Sa totoo lang, ang Freshman Orientation ay 12:30pm pa magsisimula... e sa kadahilanang di pa ko enlisted kahapon (pinauwi kaming mga EEE na wala pang ES 1), kinailangan pumunta ng OUR (University Registrar) ng ganoong oras. Ayun. upo. antay. as usual. Tapos ayun may sched na! (maipost sa susunod).. naiba nga lang ung Pilates P.E. ko kasi nakaharang sa lintik na ES 1. Napalitan ng duck-pin bowling... kung ano man yun. So sa wakas, tapos na. 11am na. Malapit na. Kain muna! Gaya ng nakagawian, Rodic's muna (bigaten pala eh. may naka frame na two pages ng magazine dun.. laman sila). O sya sya. di na mahalaga. Diretso nang College of Economics...
Tapos na? Hindi pa. akala ko lang. Lintek. nakatulog ako sa jeep. tapos nung sa Volley Golf na, ginising na ko ni Clarence. Pagtayo ko mahilo-hilo pa ko (e nasa dulo ako sa likod ng driver) kaya nasagi ko yata lahat ng tao.So sakay ng tric... pambihira nung maghahanda na ko ng pambayad, wala na pala pitaka ko! Buti nalang iba yung pitaka ko sa pinaka-wallet ko. (Yung pitaka parang maliit lang na purse o kung ano na pang commute lang.. barya>100). Ayun. sayang. may laman pa yata yun mga isang daan. haha. sayang. Sige. pagpalain ang nakakuha. bale ayun. tapos na.
isa nanamang hakbang patungong kolehiyo
May 5, 2008. Nagising ng 6 ng umaga, tapos nagpa easy-easy. 8am pa kasi kailangan sa U.P.. Akala ko 30 minutes lang papunta doon. E ayun natagalan sa pag-abang ng masasakyan. Yung dyip nalang tuloy pa-Cubao. e pambihira. siksikan. doon palang pawis na ko. hay. Pagbaba ng Katipunan, takbo paputnang mini stop para uminom. tapos takbo papuntang sakayan para umupo. Edi ayun. Akala ko dire diretso na hanggang makita ang College of Engineering (Melchor Hall yata). Hindi pala. tumigil pa, pinalipat pa kami sa kabilang jeep. eh ako, pakiramdam ko sisingilin pa ko doon, at nasa isip ko na malapit na naman, e hindi ako sumakay. (KURIPOT!) Nagpalakad-lakad tuloy ako dun. Hala! 8:20 na! late na late ka na, Gelo! Pambihira. Tanong sa metro aid ( o kung ano man yun ), tanong sa gwardiya. Sabi, diyan. diretso. kaliwa. etc. edi sunod. Sabay pambihira. di ko pa yata nakikita yung lugar na iyon. Edi sige, lakad... baka sakaling may marating. Sabay dun na sa may Palma Hall, may parang tumatabi sa'king lalaking naka blue, o sinusundan ako. Parang gusto tumulong, edi tinanong ko, "Kuya, taga-rito po ba kayo? (Oo.) San po ba yung... (College of Engineering?) Opo. (doon o.) Sige po. Salamat". E inalok pa akong sasamahan ako. Edi ako, sa takot na baka mahazing o ewan, ibang direksyon daan, tapos tanong sa isa pang tao. Tama naman pala ung daanan. E para kasing nakakatakot siya. Alam ba namang Engineering ung hinahanap ko. ewan. edi kumbaga sa dalawang daan patungo sa iisang lugar, doon siya sa isa, doon ako sa kabila. Senyas sya ng senyas, ako nakikita ko, pero di ko pinapansin. Takbo nalang ako ng husto para maunahan ko siya.. e yung pinadaanan pa naman sa'kin, mapuno-puno at ma kung ano. Basta, ayun. nakarating sa College of Engineering!!! sa may parang pagbungad na pinto, may mga mag-aaral yata doon na tumutulong sa incoming freshies. So ayun, tanong ako, "Excuse me, miss. Dito po ba ung sa Computer Engineering? College briefing? (with matching hingal)" ay sus. hindi sila sumasagot. parang pinapanuod akong humingal. Pero ayun. tumawa. sabi, "hinga ka muna (tawa)". edi ayun. masaya. Tapos umakyat na ko sa kung san.. andun, dumating na rin ung kumausap sa'king naka blue. Baka mabait lang. Gusto ngang tumulong (sorry di ako kumakausap ng di ko kakilala,, nang matagal). [haha todo type ako a. basa nalang.] tapos ayun. Pirma sa attendance sheet... tapos tanong ko, "ummm Mayroon po bang malapit na banyo dito?".. Sabi nila, "ah oo. doon po.. (sabay tawa) malapit." Odi sige. masaya. so diretso na kong banyo. palit ng damit! grabe basa na ung unang damit, ang init pa. so ayun. balik. tapos pasok na sa inaakala kong classroom, yun pala, auditorium (parang ganun). *Salamat! anlamig!*. Andun pa si Clarence! E ung isang bakanteng upuan, one seat away sa kanya, edi doon na ko. Halfway through the orientation na yata so wala na rin ako masyadong natutunan.
Takteng College Secretary (sorry) yan. ang bagal magsalita. sana pinabasa nalang ung nakasulat sa naka project. Yung mga sinasabi pa, Scholastic Delinquency (kung paano matanggal). Kapag daw bumaba sa ganitong grade, probation. Kapag daw maraming ganto kababang grade, dismissal from college.. etc etc! wala akong balak intindihin yun! pambihira! Di pa nga ako nakaka enroll, binabagsak nyo na ko! asar. Pero siguro sinasabi yun para lang i avoid. E. pero napaka negative. Tinatakot pa kami.. na out of 100 students, 45-50 lang nakakagraduate. whatever. haha. sana isa ko sa 50 na gagraduate. ayun, sa wakas, pinaliwanag na ung Scholastic Excellence (honors and all) at least nagkaron ako ng aim. Masgusto ko yun. O. Next topic. Frats and Orgs. blah blah blah. hinding hindi ako sasali ng frat. siguro Orgs.. kailangan daw yun .. titignan ng mga kompanya kung may extra curricular activities sa college. so ung org na siguro ung pinaka-yun. blahblahblah. tapos kuha na ng form 5a at student's directory. [haba no!] kahaba ng pila. sa dulo pa kami ni Salting kasi nga late ako.. late din nga pala siya. Usap usap muna (sa loob pa rin ng auditorium ang mga pangyayari). Tapos ayun. Sinundan nga pala ako ni Mama so pagtapos ko sa orientation, punta ko sa kanya tapos kain muna kami sa napakasarap na kainang Rodic's. Tsaka punta sa Registration.
Ayun! sobrang habang pila! 100+ katao ang nauuna sa'kin. Ok lang, naka upo naman. Tsaka kahit anong usad ko sa pila, nakatapat sa'kin electric fan! Eto nga lang katabi ko e ang kulet. nakatali kasi ung mga upuan so dikit-dikit. e eto ngang isa kong katabi, medyo harutan sila ng katabi niya so tama ng tama sa'kin. Anyway, kalmado akong nakaparoon. Mukha pa ring matataray ang tao as usual. Wala namang kulang na requirements. Bale ayun na. Pagkatapos ng mahabang pila, Enlistment na. Mayroong naganap na pre-enlistment via internet mga 2 weeks before.. Kaso sa P.E. lang ako natanggap!! haha. Pilates! woo. ayun. Ginawa ako nung babaeng trabahadora doon ng aking schedule. Bata pa siya. siguro estudyante. tapos mabait! Grabe. Lahat ng mga nandun na bata-bata, ang babait at approachable. Yung mga matatandang empleado, sus kasungit. So ayun. Antagal. Hanggang sa ok na sched ko.. kaso ayun nga . Nadelay pa kaming di enlisted na mga taga EE, ECE, at CoE kasi kulang ng subject - ES 1. E Requirement saming mga EEE students iyon. So nag-antay pa kami ng tawag mula sa kung anong departamyento. Inabot na ng 3, wala pa. So nagdecide sila, 4 pa daw matatapos ung prof so di pa makakagawa sched. past 4 pa. so antay or bukas nalang. edi ako, bukas nalang! pambihira. sawa na ko kakaantay.
Lakad lakad lakad lakad. Sige lang. Baka may patunguhan. Ayun. Mayroon nga. after 30 minutes nga lang. Sakayan ng Dyip papuntang Katipunan. Hay. Hirap pag di memorize! napunta lang ako sa pinanggalingan ko kaninang umaga. edi bale parang ligaw lang ulet ako. Sige diretso. hanggang dun nga sa sakayan. Si Neil, andoon sa Gateway, nag-aantay.. kaya diretso na ko doon. hay! tambay diyan diyan. lakad-lakad. kwento-kwento. pasok sa loob ng kung ano anong tindahan. Labas na parang nag CR lang. Ayun. Manonood sana ng movie, kaso tinatamad na ko. Inaantay ko nalang rin tamarin si Neil. At ayun tinamad rin siya. so , 7, uwi na agad. siya may pinuntahang kung sinong kaibigan sa J.Ruiz, ako uwi na!
Eto namang terminal ng fx/van sa santolan, andami pang kalokohan. Ung pasahero kasi, sa kabilang van nagbayad.. kasi doon sya nauna, lumipat lang siya. E nagkagulo gulo tuloy yung bayad. Kawawa nalang yung caller. Nag-abono daw ng pambayad sa driver. Nagtatalo sila doon..pasahero vs. caller. tumataas na boses eh. gusto ko nang pakalmahin. buti magalang naman ung caller. matandang babae na kasi si pasahera. Odi ayun. kawawa. eto namang mga pasahero, di maka get over. Bumabiyahe na, pinag-uusapan pa. kulet. gusto ko nang patahimikin. Kaya ayun. nakatulog ako. Buti nalang nagising nung sa may volley golf na. Bale ayun!! HABA no? hay. pagod. at syempre, dahil pinapabalik pa kami bukas... gigising ulet ako ng pagka aga-aga. haaaaaaaay.
Bale ganon. Bukas uli. At least natututo na ko ng kung anu-ano dito sa bago kong papasukan. Sana masaya! Sana pumasa! Sana makatapos! Sana makaraos. Salamat nalang ulet!
Friday, April 25, 2008
pabibigay-silbi sa summer
Gising ng umaga, 6am. banat ng buto, etc. etc. sabay nakatulog. tas nanaginip ng kung ano (di ko matandaan) kaya nagising. salamat nalang. tas lakad palabas hanggang madaanan ng tricycle (exercise na, mura pa. yun productive?). Sabay patak 8am (meeting time dapat namin tatlo ni JC at Neil sa Katipunan), napatext nalang ako sa kanila kung nasaan na sila kasi pakiramdam kong wala pa sila doon.. e sabay si JC nandun na. si Neil nasa Antipolo pa (aba kung sino tong nagpapasama siyang late!
Kaya ayun, diretso na kaming U.P.. grr. nakakaasar mga tao dun! ang tataray! guwardiya lang hindi. nakuha ko na yung Medical Certificate ko, pambihira pagkaliit-liit lang palang papel. Akala ko kung anong mukhang kahalagahan. Edi ayun, diretso kaming office of Admission and Aid/Registrar.. napaihi nalang sa sobrang panghing banyo (ilang buwan na yata barado mga ano dun!). Tsaka tanong dun sa mga window window.. sa unang window (assessment), nagtanong kami.. "dito po ba nakakakuha ng ganito, ganyan?" sagot sa tensed at nakakahawang boses "ay hindi dun yan sa kabila sa admission". odi sige, okay. sabay pila dun sa admission.. tanong ulet "pwede po pahingi ng ganito, ganyan?" sabi ba naman, "ay hinde, sa assessment yan.". (pinaglololoko ako ng mga tao dito a). syempre.. di pede paapi. "ay hinde sabi PO kasi ng babae diyan sa assessment dito ko daw kunin yung ganito, ganyan.. kakapila lang namin sa kabila. dito daw." odi ayun. sabi di pa daw pede makuha yung ganito,ganyan. edi wala rin kaming napala. dirty ice cream lang sa tabi. tas lakad mula doon papuntang building nung Engineering para lang makita ko. ok naman. Guwardiya lang talaga mabait dun. Noong una, ayaw pa kami papasukin eh. pero pumayag rin sa kabaitan ko (lol). Edi ayun. Napagod kami kakalakad, naghanap ng upuan sa may puno-puno. Wala.. kaya napaabot pa kami sa malayo. usap usap usap usap. sabay bagsak ng ulan. Tapos tsaka na-stranded sa waiting shed, nakatayo, inaantay tumila ang ulan. hay. pero di pa rin natigil ang usap usap usap.tapos bandang alas dos, bumalik na kaming CCA sa pag-aakalang patapos na si Neil... e alas-quatro pa pala. e hilo-hilo na ko nun di pa ko kumakain (si jc kasi busog pa). edi kain muna... ang haba bat ba sinusulat pati to!? anyway, edi usap usap. pambihira nagkakaubusan na ng topic! lahat na yata napag-usapan. kaya pagdating ni Neil ng alas-quatro, yung ikekwento ni Neil na nakwento na niya sa'kin, naikwento ko na kay JC. hay. tapos ayun. maantok-antok na ko noon. e hindi. sino ba naman ang makakapigil sa bibig ni Neil?!
Habang naglalakad kami sa mahabang Katipunan, mayroong babaeng kumausap sa'min, may kasama siyang bata. Edi ako, napalayo, napapunta sa daan. tinawag pa ko ng babae baka daw masagasaan ako. O anyway, humihingi sila ng pamasahe papuntang Bulacan. ayun nagkwento pa siya. kesyo daw nanggaling silang ever gotesco, ortigas ng alas-tres, nag 1-2-3 daw sila sa jeep na naflatan ng gulong, kikitain daw kasi yung tatay ng bata na hindi naman daw sumipot. basta mga ganun-ganun. e mukha namang kapani-paniwala tsaka nakakaawa naman yung bata... napabigay tuloy kami..odi ayun. sige bye. sana nakauwi silang Bulacan. o tapos sakay na pauwi. tapos ayun. uwi na.
e pag on-line ko, sabay usap si Krizia. malalaman na pala kung enlisted na sa piniling sched. pag log in ko sus. naiba ung block ko. pati p.e. ko nawala. e! edi pre-enlist ulet ako sa dating block.. ulit ule. baka malaman sa Monday. sana. .
O hayun. mukha namang naging "productive" etong araw na ito ng summer. Naka-exercise naman, nakadaldal naman ng husto, di naman napagastos ng todo. Parang nakakahiya na nga sa Mcdo, naka ilang rounds na ng customer ang dumaan sa amin, kwentuhan pa rin kami ng kwentuhan. productive na siguro yun! kesa nakatunganga sa computer kapag nasa bahay. tsaka minsan minsan nalang siguro tong mga ganitong pagkakataon kasama ng mga kaibigan sa high school.. mukhang sa college, busy busy na. baka nga makalimot na yung iba (wag sana). saya! ayos na tong summer na to, kasama kaibigan.
o siya. tulog muna.