This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Saturday, March 15, 2008

Hay... tao.

Ang tao...

makasarili
mapagmalaki
mapanlait
sinungaling
manggagamit
abusado
huli
madahilan
mayabang
inggitero
may sariling diksyunaryo
mahangin
bastos
malisyoso
sabik
mapagpanggap
asal-hayop
demanding
mapagkubli
nagmamarunong
kulang sa turo
pacool
balimbing
sobra
(madadagdagan pa yan kapag may maka-engkwentro pa akong tao)

kaya nga lang... mayroong kakaunting ibang...

mabait
nakakahawa ang saya
nakaiintindi
iniisip ang iba
mapagbigay
maalalahanin
magaling makisama
magalang
pasensyoso
tapat
mapagkumbaba
mapagpasalamat
mapagpatawad
maka-Diyos
inosente
masayahin
may pagkukusa
mapagkakatiwalaan
magaling

tunay ngang ambait ng Diyos. Maikli man ang buhay, maka-engkwentro man ng di kanais-nais, meron pa rin Siyang ginawang ibang kakaunti na magpapasaya sa tao. Wala namang perpektong tao na lahat ng katangian ng sa ibang kakaunti ay na sa kanya habang walang katangiang panget. Pero meron at merong mga taong ating kagigiliwan at katutuwaan sa kung ano't sino siya.
??? ewan. teka ano ba tong ginagawa ko... hay... tao.

No comments: