03.13.08 - thursday
11:30pm
Inaantok na ako. Nga lang ay ayaw ko pang matulog. Ayan tuloy, Kung anu-ano ang naisip.
Nagsimula ang aking araw sa kwarto ng isang kaklase/kaibigan/sa taong nagngangalang Mark Pascua (salamat nga pala), kasama sina Corpuz at Neil. Alas-kwatro imedia ng madaling araw, matapos ang mahigit kumulang isa't kalahating oras na tulog, ay nagising kami ni Neil. Tapos ayun, nauna na akong naligo tsaka ginising 'yung iba pa. Bandang alas-sais ay dumating na si Gideon para pasabayin kami (salamat) papuntang school. Tapos ayun. Lumakad na. Sa aming biyahe ay napansin ni Gideon na malambot ang isang gulong kaya't nagpasyang pahanginan ito sa Shell. Natuklasan ng trabahador doon na may pako sa gulong( yata) kaya pinalitan nila ang gulong. Buti nalang, hindi kami nahuli ng pagpasok (salamat uli).
Wala masyadong ginawa sa praktis ngayon (hay salamat). Pinasadahan lang ng isang beses 'yong sa Graduation Rites, lumakad lang sa stage tapos bumaba. Hay. Ayun na ang pinaka sasabihin sa Graduation. Panget. Parang wala lang. adviser: "Christine O. Antonio. Blablabla award. blablabla... ...Gelo... ... ... ... Sandip M. Bains... ____award" Wala man lang ni isang award! Ni homeroom wala. Nakakahiya't nakakapanghinayang. Sayang. 'Tila wala lang yung ginawa ko para sa isang club. Sa bagay, huli na nung sumali... pero kahit na. Sana 'di ko nalang pinahirapan nang husto ang sarili ko kung wala rin lang. Hay. O tapos ayun. Dumating si Ms. Parco, dala-dala ang listahan ng mga may academic awards. Alam kong wala ako, pero umasa pa rin ako. Lintik na Social Science kasi 'yan ng 4th Qtr ng 2nd yr. 77 (dapat kasia 78+ ang grade sa lahat ng subjects 1st to 4th qtr, 1st to 4th yr). Ayun. Malungkot. Isa sa mga walang nagawang estudyante. Kung meron man, sa maling tao ginawa. Pinanuwi na rin kami. Imbis na manatili sa school upang makipagbonding pa (gaya ng nakagawian), pinasya ko nang sumabay kay Pasa (salamat) pauwi.
Pero ayun. Habang ako'y inaantok at napapaisip ng kung anu-ano, naisip ko... ang pinakasilbi ng graduation, ay bigyan kami ng Diploma at magpagraduate, nagmamarka ng paglalampas namin sa mga pagsubok namin sa hayskul, bilang estudyante, Pilipino, Kristyano, at bilang tao. Kaya kahit malungkot dahil wala ni isang gantimpala, ang pinakapremyo ko na ay ang bawat sigundo ko noong nakaraang apat na taon sa San Beda, ang mga karanasan, ang mga turo, ang mga kaibigan, mga hindi malilimutang parte ko na humulma sa kung ano ako ngayon at sa kung ano ako magiging, bukas. Salamat, San Beda.
No comments:
Post a Comment