This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Friday, April 25, 2008

pabibigay-silbi sa summer

Odi eto ayan. Si Neil ay may practical exam sa C.C.A., ako naman ay kukuha ng medical certificate sa U.P.. Bale umaga, etong si Bello, nagtext! gm gaya ng nakagawian. sinabihan kami, gawin daw productive ang summer! Kaya ayun.. pano nga kaya gagawing productive ang summer? gala dito gala roon? nuod sine swimming kaen timezone? e hindi. sa araw na iyon, hmmm..
Gising ng umaga, 6am. banat ng buto, etc. etc. sabay nakatulog. tas nanaginip ng kung ano (di ko matandaan) kaya nagising. salamat nalang. tas lakad palabas hanggang madaanan ng tricycle (exercise na, mura pa. yun productive?). Sabay patak 8am (meeting time dapat namin tatlo ni JC at Neil sa Katipunan), napatext nalang ako sa kanila kung nasaan na sila kasi pakiramdam kong wala pa sila doon.. e sabay si JC nandun na. si Neil nasa Antipolo pa (aba kung sino tong nagpapasama siyang late! ). Odi ayun. biyahe sa masikip na FX. lakad ule. at ayun nakita na si JC, kumakain. Tsaka dumating si Neil, tapos umalis rin agad at dumiretso na sa CCA. Edi parang di na rin namin siya nasamahan...

Kaya ayun, diretso na kaming U.P.. grr. nakakaasar mga tao dun! ang tataray! guwardiya lang hindi. nakuha ko na yung Medical Certificate ko, pambihira pagkaliit-liit lang palang papel. Akala ko kung anong mukhang kahalagahan. Edi ayun, diretso kaming office of Admission and Aid/Registrar.. napaihi nalang sa sobrang panghing banyo (ilang buwan na yata barado mga ano dun!). Tsaka tanong dun sa mga window window.. sa unang window (assessment), nagtanong kami.. "dito po ba nakakakuha ng ganito, ganyan?" sagot sa tensed at nakakahawang boses "ay hindi dun yan sa kabila sa admission". odi sige, okay. sabay pila dun sa admission.. tanong ulet "pwede po pahingi ng ganito, ganyan?" sabi ba naman, "ay hinde, sa assessment yan.". (pinaglololoko ako ng mga tao dito a). syempre.. di pede paapi. "ay hinde sabi PO kasi ng babae diyan sa assessment dito ko daw kunin yung ganito, ganyan.. kakapila lang namin sa kabila. dito daw." odi ayun. sabi di pa daw pede makuha yung ganito,ganyan. edi wala rin kaming napala. dirty ice cream lang sa tabi. tas lakad mula doon papuntang building nung Engineering para lang makita ko. ok naman. Guwardiya lang talaga mabait dun. Noong una, ayaw pa kami papasukin eh. pero pumayag rin sa kabaitan ko (lol). Edi ayun. Napagod kami kakalakad, naghanap ng upuan sa may puno-puno. Wala.. kaya napaabot pa kami sa malayo. usap usap usap usap. sabay bagsak ng ulan. Tapos tsaka na-stranded sa waiting shed, nakatayo, inaantay tumila ang ulan. hay. pero di pa rin natigil ang usap usap usap.tapos bandang alas dos, bumalik na kaming CCA sa pag-aakalang patapos na si Neil... e alas-quatro pa pala. e hilo-hilo na ko nun di pa ko kumakain (si jc kasi busog pa). edi kain muna... ang haba bat ba sinusulat pati to!? anyway, edi usap usap. pambihira nagkakaubusan na ng topic! lahat na yata napag-usapan. kaya pagdating ni Neil ng alas-quatro, yung ikekwento ni Neil na nakwento na niya sa'kin, naikwento ko na kay JC. hay. tapos ayun. maantok-antok na ko noon. e hindi. sino ba naman ang makakapigil sa bibig ni Neil?! . pag nagsimula yan, sige na ng sige. e nandiyan pa si JC, tagapatuloy/pahaba ng conversation. pag ako kasi, usually kinig lang... ayun. masaya. kung ano-ano nalang napag-usapan. hanggang sa mag 8?9?...
Habang naglalakad kami sa mahabang Katipunan, mayroong babaeng kumausap sa'min, may kasama siyang bata. Edi ako, napalayo, napapunta sa daan. tinawag pa ko ng babae baka daw masagasaan ako. O anyway, humihingi sila ng pamasahe papuntang Bulacan. ayun nagkwento pa siya. kesyo daw nanggaling silang ever gotesco, ortigas ng alas-tres, nag 1-2-3 daw sila sa jeep na naflatan ng gulong, kikitain daw kasi yung tatay ng bata na hindi naman daw sumipot. basta mga ganun-ganun. e mukha namang kapani-paniwala tsaka nakakaawa naman yung bata... napabigay tuloy kami..odi ayun. sige bye. sana nakauwi silang Bulacan. o tapos sakay na pauwi. tapos ayun. uwi na.
e pag on-line ko, sabay usap si Krizia. malalaman na pala kung enlisted na sa piniling sched. pag log in ko sus. naiba ung block ko. pati p.e. ko nawala. e! edi pre-enlist ulet ako sa dating block.. ulit ule. baka malaman sa Monday. sana. .

O hayun. mukha namang naging "productive" etong araw na ito ng summer. Naka-exercise naman, nakadaldal naman ng husto, di naman napagastos ng todo. Parang nakakahiya na nga sa Mcdo, naka ilang rounds na ng customer ang dumaan sa amin, kwentuhan pa rin kami ng kwentuhan. productive na siguro yun! kesa nakatunganga sa computer kapag nasa bahay. tsaka minsan minsan nalang siguro tong mga ganitong pagkakataon kasama ng mga kaibigan sa high school.. mukhang sa college, busy busy na. baka nga makalimot na yung iba (wag sana). saya! ayos na tong summer na to, kasama kaibigan.
o siya. tulog muna.

No comments: