warning: mahaba. yung mga walang magawa, sige basa lang. yung mga may ibang mas-importanteng gagawin, layas na.kwento kwento kwento ulet. mahaba so kahit wag nalang basahin. (!@&$(!@*#!@$&)!@&$(#@%!)#&@!(*#!O@!&*(
gising ng 6 ayon sa alarm. tulog ulet. gising ng 7. ayan. cram. pumuntang Beda, nakarating ng mga 8am. May hinihingi kasi sa'kin si Pid, e wala rin siya don so iniwan ko nalang. Nagpasa na rin ako nung request ng F137. odi ayun. Tapos nun, puntang 7-11, inom. tapos diretso Katipunan. sabay U.P.
Sa totoo lang, ang Freshman Orientation ay 12:30pm pa magsisimula... e sa kadahilanang di pa ko enlisted kahapon (pinauwi kaming mga EEE na wala pang ES 1), kinailangan pumunta ng OUR (University Registrar) ng ganoong oras. Ayun. upo. antay. as usual. Tapos ayun may sched na! (maipost sa susunod).. naiba nga lang ung Pilates P.E. ko kasi nakaharang sa lintik na ES 1. Napalitan ng duck-pin bowling... kung ano man yun. So sa wakas, tapos na. 11am na. Malapit na. Kain muna! Gaya ng nakagawian, Rodic's muna (bigaten pala eh. may naka frame na two pages ng magazine dun.. laman sila). O sya sya. di na mahalaga. Diretso nang College of Economics...
O doon. Pila. Pawis. Pagod. Buti nalang maaga-aga ako kaya may nakuha akong upuan. Kasama ko ulit ung mga nasa college briefing kahapon. Mukha pa rin silang matatalino. Nakakabwisit nga yung dalawang nasa kaliwa ko eh. Di ko maintindihan ang mga pinagsasasabi. Masyadong pang libro. Nakakaintimidate tuloy. Pero hindi. sabi naman.. ang kalaban ko lang daw ay ang sarili ko. wala namang top top dun. basta 1.75 average, cum laude na. kahit may masmataas pa. (haha piling naman ako). Ayun. Orientation. Ciento Freshiento daw. blahblahblah. Nakaktawa naman ung mga MC, maligalig, bibo. Isang babae, tapos isang mala-Sir Sonajo. Ang kulet. parang bababaw ang kaligayahan ko (good yata yun). buti di uso ang "ssss" dun. Ayun ayun ayun. Mga sira ulo. ina-act out nila ung pagiging isang studyante from gantong course, ganyang course. magaling naman. nakakatawa nga. o yun . tapos ung lintik na video na ewan. sige. natuto nalang ako kunwari. Tapos ayun. apat na kanta mula sa UPCC (U.P. Concert Chorus). Ang galing! Sumali daw sila ng Montreal Tournament sa Italy yata. tapos nanalo. yabang nila no? anyway, magaling nga. Tama ang sabi ng emcee, world-class. Yung first three songs, di ko alam kung anong lengwahe. Basta maganda. Tapos ung last, I Believe ni Fantasia. hmm. magaling ung background.. ung mga gumagawa ng music. Yung dalawang nagsolo magaling rin.. (kaya lang masmagaling pa rin si Syesha!) gaya nga ng sabi ni Randy Jackson, "there were a couple of pitch problems when you hit the higher notes.. but it was all right. it was all right." Ayun. Nagcomedy nanaman tong mga emcee. tapos video ulet ng buhay isko. tapos... PEP Rally agad! pambihira! di pa kami nagsisimulang mag-aral Pep rally na agad! u-nibersidad-ng-pilipinas! blabla. Ayun. yung nag lead ng pep rally, komedyante rin. Sige tawa. Pambihira. Ayos naman. Ayoko lang gawin ung "u.p. wave" pati ung pagtataas ng right arm kapag nag u.p. hymn. Bedista pa rin ako! ha o sya. Nagkita na rin kami ni Clarence. Tapos sabay nang umuwi.Tapos na? Hindi pa. akala ko lang. Lintek. nakatulog ako sa jeep. tapos nung sa Volley Golf na, ginising na ko ni Clarence. Pagtayo ko mahilo-hilo pa ko (e nasa dulo ako sa likod ng driver) kaya nasagi ko yata lahat ng tao.So sakay ng tric... pambihira nung maghahanda na ko ng pambayad, wala na pala pitaka ko! Buti nalang iba yung pitaka ko sa pinaka-wallet ko. (Yung pitaka parang maliit lang na purse o kung ano na pang commute lang.. barya>100). Ayun. sayang. may laman pa yata yun mga isang daan. haha. sayang. Sige. pagpalain ang nakakuha. bale ayun. tapos na.
No comments:
Post a Comment