This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Wednesday, May 7, 2008

ikatlong hakbang papuntang kolehiyo (Advance Registration III: Enrollment)

warning: mahaba. yung mga walang magawa, sige basa lang. yung mga may ibang mas-importanteng gagawin, layas na.

O bale ayun. Gaya ng nakagawian, gising ng 6am dahil sa alarm clock. KAso nakatulog rin uli hanggang 8am. Pag gising ko tuloy, paalis na sila Mama, 'di tuloy ako nakasabay. O ayun. 9am umalis na kong bahay para kunin yung pang enrol ko. E ayun. Akala ko good morning. di pala. Pag baba ko ng fx, uubo sana ko, sabay pag kapa ko sa bulsa ko, nawala ko na pala panyo ko. hay. burara! Mali pa ako ng binabaang gate so napalakad pa ko ng husto. Odi ayun. Nakuha na.. Mga 10am, alis na sa Meralco papuntang MRT station... andoon kasi yung isa kong kaklaseng nagngangalang Pascua. E di ko alam kung saan yun... Edi sakay ng taxi... kaso di dadaan doon yung taxi... so sabi niya baba nalang daw ako sa may galle. Di pa niya pinapatakbo yung metro. so nung sa may galle na, tinanong ko sa kanya kung bababa na ako.. sabi niya oo. tapos inabutan ko ng bente. ayaw. pero sige pinilit ko pa. o ayun. bait nya (sana nakakuha sya ng pasahero lol). Pambihira. lakad lakad lakad. Ang init-init e. Sa may kalsada pa ako naglalakad papuntang MRT Station... May harang kasi.. E yung harang pala hanggang dulo yun. So umikot pa ako ulit para lang makapasok sa lintik na MRT Station. At ayun, bumili ng kendi para sa batang nawawala. Ayun. Nakita ko rin si Mark at binigyan ng kendi. Yun. kung san san na. di ko na alam kung saan kami napunta. pantranco philcoa o kung ano man yun. basta may jeep papuntang u.p. di pa kami bumaba
dun sa bababaan so parang umikot muna kami ng isang round tsaka bumaba . parang loko. o ayun. lakad as usual. O.U.R. na. Bawal magdala ng magulang o ng kung sino sa loob (ginagawa kaming independent).. kaya si Mark, kunwari nalang tiga UP. Nadaan sa envelope. Sa may kwarto ng bayaran sa itaas, may guard pa, pinapalayas ang mga magulang o sinumang di nag eenroll. ayun. nadaan nalang uli sa envelope. ayun. enrolled na! Syempre, Rodic's muna! pambihira araw-araw na Rodic's. O tapos nun.. TriNoma na.
Ayun. Dumating kami doon ng alas-dose. Syempre wala pa si Yadao. Syempre. Timezone muna. ayun. Yung gwardiya kung san san shinushoot yung bola. Pati sa ibabaw/likod ng makina tinitira. Napaakyat tuloy ng di oras. (Picture sa kanan. pasensya na kuya :D). Tapos ayun. Dumating na si Yadao.. tapos kain siya, takam si Pascua, upo ako. Sabay 1:40pm, nuod!!! What Happens In Vegas. ayos. (gawa nalang ako ng review siguro). Pagtapos nun, kung san sang tindahan nakarating. tapos kumain ulit. tapos inulit ulit yung mga tindahang narating. Ayun. kapagod maglakad! tambay sa timezone. sila nood ng MMT3, ako nakatanga sa silya. ayun. blabla bla. kumain ulit (antatakaw ng mga kasama ko!) busog na busog na ko kanina pa e. napapasige nalang. ayun. tapos nagpatrip ng onti. tapos uwi.
hay kapagod. puro ang hahaba ng araw ko. sana bukas pahinga. pero ok lang rin kung hindi.. sayang lang hindi ko napanuod AI. bukas nalang. O siya. sige. Nga pala! Vanessa Carlton sa TriNoma sa May 9. 7pm yata. wala lang. parang gusto kong pumunta.

No comments: