This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Friday, June 20, 2008

May Pag-asa Pa Nga Ba?

teka: ang susunod na mga talata ay bunga ng pagtuturo ng aming guro sa Humanidades, Bb. Will Ortiz.. at ang mga susunod na impormasyon ay maaari.. inuulit ko, MAAARIng nagkakamali dahil bunga lamang ito ng sariling pang-unawa. Kaya kung sakaling may mali, sabihin lang. salamat.

Magsasaka, drayber, simpleng mamamayan, PILIPINO. Lahat ay nagrereklamo. "Ang taas ng presyo ng kuryente!", "Ang mahal na ng gasolina!", "Nasaan na ang lupa naming mga magsasaka?!" -ilan lamang ang mga iyan sa reklamo at protestang ating naririnig. Ang mahal ng lahat. "Kapag ba nakakita ka ng bentsingko sa kung saan, pupulutin mo? HINDI. maliban nalang kung wala kang magawa at naisipan mong paglaruan. Kahit nga yata piso walang magagawa e," sabi ng propesor ko sa Humanidades. Oo nga naman. Wala na talagang mabibili yan. Kahit nga ang dating tatlo dalawang piso na kendi ay nagiging piso isa na, minsan nga dalawampiso pa.

Globalisasyon ang turong dahilan.

Globalization or (globalisation) in its literal sense is the process of making, transformation of some things or phenomena into global ones. It can be described as a process by which the people of the world are unified into a single society and function together. This process is a combination of economic, technological, sociocultural and political forces. -Wikipedia

o. Sino nga naman ba ang ayaw niyan? Sabi ni Ramos, "Kaya natin makipagsabayan sa mga first world countries!" (kahit isa lang tayo sa mga third-world-countries...). Gawing globalisado ang bansa! Akala nila (gobyerno), bubuti ang kalagayan ng bansa.. Akala nila, higit pa tayo sa ibang bansa. Akala nila, kaya nila... AKALA.

Maliit na butas, lumalaki. Konting gusot, dumadami. lahat nang iyan ay sa maling akala.

Sa ilalim ng globalisasyon,
andiyan ang
1)Liberalisasyon - pagigiging bukas ng bansa sa malawakang kalakalan. Ayan tuloy, dagsaan ang mga "IMPORTED" na produkto galing sa iba-ibang bansa.. BUKAS ANG PILIPINAS. Eto namang isang presidente, dahil nga daw kaya makipagsabayan sa first world countries, inalis ang SAFTEY NETS (linilimitahan ang karapatan ng ibang bansa sa pangangalakal at paggamit sa ating bansa). Isang resulta? Ang pagmimina. Kung dati na may safety nets ay pedeng limitahan ang mga tagamina ng ibang bansa (halimbawa, "Hanggang anim na buwan lang kayo pwede magmina at dito lang sa bundok na ito.. at pananagutan ninyo ang kung anong mangyari sa paligid"), ngayon wala na. Doon daw tuloy sa Mindoro, todo mina itong Marcopper (mining company yata na medyo kontrolado ng USA) hanggang sa kumalat ang ginamit na kemikal sa ilog. Tuloy, etong mga taga roon ay nagka kung anong komplikasyon sa balat na hindi kinailangan panagutan ng Marcopper. Syempre, hindi lang yun. Naubos ang mga pagmiminahan. at... Nasaan ang mga koreano? Andito sa Pilipinas... teka.. Hindi naman nagpapakaliberal ang gobyerno para lang maging bukas, gusto rin nilang makakuha mula sa ibang bansa. KASO.. Wala tayong sapat na teknolohiya para magmina sa ibang bansa, para gamitin ang mga natural resources ng ibang bansa. isang malaking UTO-UTO!
Syempre, papasok nang papasok ang mga natural resources na IMPORTED.. at dahil bukas ang bansa, WALANG TARIPA, WALANG TAX. At dahil walang tax, MASMURA kung ikukumpara sa mga produktong agrikultura na pinagpaguran ng mga magsasaka.. San ka pa? edi sa masmura. Mura na, imported pa. o diba. kaso pano na ang mga magsasakang Pilipino? hindi nga nabibigyan ng lupa (na dapat naman.. dahil sa CARP), ambaba pa ng kita.. hay.

2) Privatization. Ito ay ang pagbebenta ng mga government-owned corporations sa pribadong mga kompanya. Noong 4th year high school ay medyo napag-aralan namin ito kay Sir Sigua. Sabi ng libro, nakakabuti naman daw. Kasi nga, kung utak businessman ang nagmamay-ari, masmaayos ang pamamalakad dito. Kaya ayun... Kuryente, tubig, mga paaralan, kalusugan at kung anu-ano pa. O diba, bawas gastos sa gobyerno, dagdag budget ng gobyerno. Ayan tuloy na mga pribadong kung ano, kapag ginamit ng mga Pilipino, pribado, may TAX/E-VAT. Ngayon, kung gobyerno ang nagmamay ari niyan, bale ung mga TAX na binabayad natin .. ng mga magulang natin (pala) ay napupunta rin diyan. BAWAS GASTOS SA ATIN... yata. e hindi. pribado nga. so walang kontrol ang gobyerno. tapos babayaran pa natin ung mga kompanyang yun (meralco, manila water, mga paaralan, etc.).. syempre may tax.. pupunta sa gobyerno.. pupunta sa budget.. ibabayad sa utang ng Pilipinas. Sabi nga, ang pinakamalaking bahagi ng national budget ay napupunta sa utang ng Pilipinas, gawa ni Marcos lintek. sino lugi? tayo. hay.

3) Deregulation. kapag narinig yan.. krudo, gasolina, gaas, diesel, unleaded ang unang lalabas sa utak. Sa dami ng mga protesta ngayon, medyo iyan ang nangingibabaw. Ang deregulation kasi ay ang pag-aalis ng government control sa mga ibang aspeto ng industriya.. sa ngayon, Oil ang pinaka usapin. Dati kasi, mayroon daw tinatawag na "Buffer Fund". etong buffer fund na ito daw ay ginagamit tuwing magtataas ang presyo ng gasolina sa buong daigdig..Halimbawa, sabihin nating from 15 pesos kada litro sa diesel, nagtaas ang buong mundo.. naging bente kunwari. Eto ngayong buffer fund, parang ibabayad para kaunti lang ang itaas ng presyo.. para hindi masyado maramdaman ng mga mamamayan. E ETO NAMAN DAW SI CORY..INALIS "DIBA, PARANG AMBOBO NAMAN NUN", sabi ng prof.

4) Contractualization. Etong contractualization, parang kinokontrata ang mga manggagawa. Halimbawa, etong si Manoy, magtatrabaho sa kung anong kompanya, 6 months lang siya pwedeng magtrabaho doon.. Tapos pagnagustuhan, pedeng irenew. ANG UTAK naman ng mga business owners. Dahil dito sa contractualization, hindi kailangan bigyan ng kung anong insurance etong mga manggawa - gaya ng sss, gsis, at kung ano pa. Eto pa.. sa isang kompanya daw, ang tawag sa mga tao ay numero! NUMERO! kunwari.. si Aaron, ang pangalan niya ay 044. o kaya si neil, pangalan niya 240. Taktika daw yan ng mga business owners para di masyado maging magkakaibigan ang mga empleado nito.. Ang pagkakaibigan daw kasi, nagbibigay daan sa paglalahad ng damdamin ng mga empleado laban sa kumpanyang tinatrabahuhan.. na gumagawa ng isang UNION.. na maaaring pumrotesta sa kompaniyang tinatrabahuhan. O diba. ang utak talaga. Ginagawa nang robot ang mga empleado (dehumanization nga daw).

5) Financial Adjustments. Halimbawa, madaming supply ng kamatis... kapag marami ang supply, onti ang demand.. pag onti ang demand, mababa ang presyo. kaya ang ginagawa daw ng iba, tinatapon etong mga kamatis para umonti.. tapos tataas uli ang presyo.. Talaga naman.. Isa pang halimbawa, etong si Mayaman ay napakayaman. Kaya bumili siya ng pagkarami-raming lupa. E tumagal.. syempre iba ang lupa.. kapag naluma't tumagal, nagmamahal. So binenta ni Mayaman ang kanyang lupa. Sa laki ng iminahal, madami siyang kinita..tumataas tuloy ang GDP (Gross Domestic Product) gawa ni Mayaman.. So matutuwa ang gobyerno, sasabihin.. "WOW. ang galing ko! napapayaman ko ang Pilipinas! Lumalaki ang kanilang mga kinikita!" pero ang katotohanan, yun lang mga ELITE na madaming pera ang kumikita ng malaki at hindi ang buong Pilipinas.. (malabo ba? haha. di ko rin kasi ako masyado nakapakinig sa part na to kasi time na at may next class pa ko)


ayun teka. may isa pang gawa etong globalisasyon.. Naaalala niyo si Marcos? si dating presidenteng Marcos na nagpataw ng Martial Law sa bansa? Binack-upan daw yan ng mga kano. So nung nakita ng mga kano na ang Martial Law daw ay nagpapahirap sa mga Pilipino, binack-upan nila si Cory.. O diba may People Power Revolution, tapos nahalal na pangulo si Cory... akala daw ng mga tao, gawa nila kaya napatalsik si Marcos.. pero hinde. KANO ang may kagagawan kung baket nahalal si Cory.. Wala. Wala tayo. Gawa ng globalisasyon, KAKAMPI natin ang mga Amerikano. Lahat ng karapatan sa bansa natin ay nasa kanila. Tamo pati yan si Gloria, kaibigan yan ng mga kano. Nag-aral ba naman sa Georgetown University sa Washington eh. Antibay. May back up din daw yan si Arroyo from USA eh. Basta. nagagamit daw tayo ng mga Kano.. Bakit hindi nalang tayo humiwalay sa kanila? Bakit hindi nalang tayo magsarili? BAKET kamo? Ano ba namang panama ng ating army sa kanilang nuclear bomb? wala.


Ayan. Sabi nga ng isa kong kaklase, ang Pilipinas daw ay parang isang triangle. Ang elite ang nasa itaas, ang mahihirap ang nasa ibaba. Ang mga elite na mayayaman ay kakaunting-kakaunti lang, bilang na bilang - Henry Sy, Cojuangco, Ayala, Lopez, Tan, Gokongwei at iba pang onti. Samantalang ang mga mahihirap ay ang mga sumasakop sa pinakamalaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas. Ang mga elite ay nagmamay-ari ng mga napakararaming natural resources at kung ano (Hal.: Lopez - Meralco, Manila Water, ABS-CBN, BayanTel,etc ; Ayala - Ayala Malls, mga lupain; etc) samantalang ang mga di pinalad ay wala.

So ano.. may pag-asa pa ba?

MERON! Ang kabataan ang pag-asa ng bayan! ulol. yan ang sabi nila. At yan rin ang karaniwang caption o tagline ng mga proyekto ng gobyerno ukol sa edukasyon. Pero kung hindi sapat ang puhunan para sa mga paaralan at guro, sino pa ang gaganahan magturo? Sa U.P. nga e ang mahal na rin ng tuition fee. noon daw ay medyo 6000 per sem lang, ngayon limambeses na nun. WALA! Ang pagtuturong dekalibre ay matatagpuan kadalasan sa mga mamahaling paaralan. Na ang mga may pera lang ang makaka-attain. Pero syempre, andiyan ang scholarship. Pero kung hindi nga naturuan nang maayos at may kalidad noong bata pa, hindi rin matatanggap sa mga iskolarship yan.. iilan lang. Tapos ang iilan ring nabiyayaan ng talino, kinukuha ng ibang bansa para sa isang iskolarship. Edi ayun. tinuruan halimbawa sa America.. Tapos siyempre, matalino nga, naturuan pa ng kung ano sa America (kung saan may kalidad ang edukasyon), nakaimbento pa!. Saan ang credit? sa America.. Kaso Pinoy. Ibabalita dito sa Pilipinas, PINOY YAN! PINOY YAN! mga lecheng desperado. wait nawala ako.. ano.. may pag-asa pa nga ba? Ang sagot na "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan" ay totoo siyempre.. at least kahit papaano. syempre tayong kabataan kasi ang mga matatanda kinabukasan. Mahirap magsalita.. pero meron yan.. Meron at meron yan.

o.. syempre ikaw na mambabasa, at ako, medyo wala yata tayong pakialam diyan. Gusto daw ba natin ng rebolusyon? HINDI. Kasi komportable tayo. Ayan nga o, nakaka internet tayo. Kapag nagkarebolusyon pa, baka mawala pa yan sa'tin. So wag nalang diba? Pero paano na ang bayan na ating kinikilusan? Malamang.. karamihan sa mambabasa ay gusto nang lumipat sa ibang bansa paglaki.. ANDOON ANG GINHAWA.. ano meron sa Pilipinas? wala.. PERWISYO. Ewan. Ako, kahit papano, gusto ko nang umalis dito eh.. Pero yun nga.. Ang mga "may kaya" lang ang kayang umalis ng bansa na permanente. At siyempre, yung mga "may kaya" na iyon ay malamang, naturuan at kung ano pa.. So kung aalis ang "may kaya" na iyan, nasaan na ang kinabukasan ng bayan? WALA SA BAYAN. Nasa kabilang bayan. Nasaan ang progress? WALA SA BAYAN. Nasa kabilang bayan.. hay. ewan. paano ba susulong ang bansa naten!!!! Pero muli.. wala na tayong pakialam doon... yata.

No comments: