- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
this blog entry isn't really about how yucky emo people are (no offense to emo people.. pede na ring meron, sa mga posers). this is about me, a loner.
ayun. nakaupo sa isang upuan sa harap ng isang building, nakikinig ng kung anong kanta, mag-isa... ayun. sakop ang isang table sa iba-ibang canteen sa upe, kumakain ng kung anong pagkain, mag-isa... ayun. nasa banyo, nagpapalipas ng oras, kunwaring nag-aayos ng buhok, mag-isa... ayun. sa gilid-giliran ng mga klase, walang katabi, tahimik, mag-isa.
kulang nalang, ipastraighten ang buhok at mag one sided bangs. kulang nalang, magpurong itim at pula. kulang nalang, magsuicide. Ang loner ko no? OO, walang kokontra. loner ako. shet kawawa! bakit ba ganon? hay. isang linggo ko ring hindi nagamit ang ngiti ko. hindi ko maipaliwanag kung bakit nangyari ang ganoon. ang masasabi ko lang ay kung ano ang nararamdaman ng isang loner.. O halimbawa.. nandun ako sa gilid.. unti-unting darating ang mga kaklase ko.. san uupo? kasama ng mga kakilala nila. kilala ba nila ko? hindi. kaya hindi sila tatabi sa'kin. ung mga wala ring kilala? di rin tatabi sa'kin. kasi ako, nasa gilid gilid, sa tabi ng bintana para malamig. sa likod para kita ang paligid. ayaw naman ng mga taga upe doon, gusto nila palaging nasa harap, kung saan malinaw nilang naririnig at nakikita ang ginagawa ng guro.. o yun, wala akong katabi.. kapag may ipapapasang papel, tatayo pa ako para iabot sa ibang kaklase. kapag may magjojoke, tatawa ang mga kaklase ko.., ako hindi-kasi hindi ko naman sila kilala.. pilitin ko man, di ko ramdam. Papasok sila ng klase na may kasabay. Papasok sila ng klaseng may sasalubong sa kanila. Papasok sila ng klase na may kadaldalan.. Ako.. wala. Sila, may kinakawayan. ako wala. Sila, may binabati. ako wala. puro meron sila. puro ako wala.
"YUCK. LONER."
ang mabuti lang, nasa kolehiyo na ako. kasi kung noong hayskul ako loner, naku pinag-usapan na siguro ako ng mga tao tao.dito walang paki eh.. Pero mahirap.. sino nalang ang dadamay sa'kin kapag may mahirap akong assignment? alangan namang damayan ako ng mga taong di naman yun assignment.. sino nalang ang kausap ko tungkol sa prof o sa subject? alangan namang sa hindi taga upe. Oo.. andun sila Derrick, Clarence, at Krizia.. Si Derrick kaklase ko sa dalawang subjects, si Krizia at Clarence hindi.. di ko pa makasabay sa sched.. Kaso si Derrick, masyadong magaling. Nakakausap nya ang madaming tao.. ayun tuloy, andami na niyang kilala.. dun sa isang subject, di ko siya kasama kasi andami na niyang kasamang iba. Nakakainggit.. kaso masamang mainggit.. Hay. kawawang ako.
kayo bang mambabasa, siguro naman e kakilala ko kayo.. sinong unang lumapit/kumausap/o kung ano? ikaw o ako? Umaasa nalang ako na sana ay magkaroon rin ako ng mga kakilala.. actually.. meron akong dalawang bagong kausap...
1., nung wednesday, p.e... eh hinahanap ko kung san gaganapin yung pe. class. tapos ayun. may dumating na lalaki sa supposed to be venue, tapos dumating ung isang babae, tapos tsaka ako dumating.. umalis ung lalake, sumunod ako, sumunod din ung babae.. sabi kasi sa note, sa up gym daw magmeet. e malay ko ba kung saan yun.. edi sinundan ko na ung lalaki..baka pupunta rin doon. sumusunod din sa'kin ung babae.. e ang gulo. di ko malaman kung san pupunta.. so tumigil ako, tapos nag-alis ng hiya at kinausap ung sumusunod sa'kin.. "duck-pin bowling ka ba? freshie?" etc, etc..hanggang sa yun, naglakad kami ng malayo hanggang dun sa venue..
2. nung wednesday rin.. sa nat sci2.. kasama ko si derrick doon.. e madaldal nga (in a good way) so kumausap siya ng kung sino.. edi napasalita na rin ako.. so ayun.. kaso nagyoyosi.. babae pa naman..
o diba, bilang na bilang ang mga nakausap ko.. bukod sa gwardiya, tagalinis, proft, at tindera/o, yan lang ang mga nakausap ko masyado.. ewan. dati rin naman nung sa iv-40.. iniisip ko, parang wala akong magiging kaibigan dito.. na sana 41 nalang ako.. pero bandang huli, naging maayos naman.. sana sa upe ganon din. sana. Pero sabi naman ni Sam, di ko naman daw kailangan magmadali.. darating rin yan.. sana.
Pambihira! parang emo nga kinalabasan ah.. o sya.
No comments:
Post a Comment