
(inspired by Anton Juan Jr.'s Hinabing Pakpak ng Ating mga Anak)
Magtatalik ang dalawang nilalang na may magkaibang kasarian. Susuka, mabubuntis ang pinasukan. Sa siyam na buwan, may mabubuong nilalang sa sinapupunan. At sa dulo, manganganak at lalaganap ang angkan. lalabas ang tinatawag na sanggol.. lalaki at magiging... bata.
Hatiin natin sa dalawang klase ang bata. Ang isang grupo ay binubuo ng mga batang nasa paaralan.. mga batang nagbaballet sa kung saan.. tinuturuan magpiano, mag gitara at kung ano man. Nasa mall, nanunuod ng sine. naglalaro ng mga bagong laruan. kumakain ng hotdog, itlog, at kung ano pa... Ang isa naman ay naglalaman ng mga batang nasa tapat ng simbahan, nagtitinda ng sampaguita kahit pa umulan. Ang iba'y nasa daanan, hinaharang ang mga dyip at sasakyan, para bentahan ng basahan. Ang iba'y nag-aabang sa mga restauran, kumakalkal ng pang pagpag na iuuwi sa tahanan. Ang iba'y nangongolekta ng bote at ibebenta sa timbangan.. at ang iba.. nasa kama.
batang babae: "wag po.. wag po.. maawa na po kayo sa'kin."
abusadong lalaki: "shhh. okay lang.. hubad."
uhh.. uhhh. fffff.. uhhh.
umiiyak ang babae.
batang babae: Nay! inay! inaaaay!! saklolo..
pero nasaan ang inay.. andoon.. sa kabilang kwarto.. kunwaring natutulog.. humihilik para matabunan ang ingay na ginagawa ng kanyang customer at ng kanyang empleyado, ng kanyang anak.
Hayop! sira ulo!! Bakit ganyan?! Bakit ganyan na lamang ang tratuhan sa ating lipunan? Marahil swerte tayo.. Marahil hindi natin nakikita ang mga ganyang bagay.. pero nangyayari. 32 na bata araw-araw ang inaabuso ang katawan. 9 taong gulang pababa ang karamihan nito.. At ang mga nang-aabuso? 50% ay kapamilya, 46% ay kamag-anak o kaibigan ng magulang, at ang 4% ang iba. At halos lahat ng mga inabuso, hindi nagsasabi. BATA! Inosente't malinis ang utak. Puno ng enerhiya para maglaro, hindi para maabuso. Dignidad, dangal, respeto't kaluluwa. Lahat na'y naalis sa kanya sa oras ng pang-aabuso. at minsan.. kahit ang kanilang kinabukasan. Bakas na sa kanyang murang isipan ang gabi-gabing paglalapastangan sa kanyang mahinang katawan. Paano na siya mabubuhay? Sira na ang imahe ng lalaki sa kanya. Sira na ang imahe ng mga matatanda sa kanya. Sira na ang imahe ng tao sa kanya. Onting kalabit, mayayanig ang buong katawan. Iiyak ang kawawang nilalang. Lalaking palaboy. Takot sa mundo. At iisiping ang pinakamadaling kitaan ay ang pagpapatira.
_____
galing sa hinabing pakpak ng ating mga anak:
batang babae: "Kuya, pahingi po ng mga tirang bakal pagkatapos nyo jan sa construction."
construction worker: "oo sige. pag marinig mong matapos ang mga pagpupukpok."
*natapos ang pagpupukpok*
batang babae: "ayan tapos na ang pagpupukpok!"
batang babae: " uuhh.. uhhh.. si-uh-ge ku-ku-kuya. mal-ma-ma-malaki naman kikitain ko dito diba?"
construction worker: "hhh.. oo .. hhh. masmabigat pa to kesa sa bakal! ahahaha"
_____
bastos! hindi na narespeto ang templo ng espiritu santo! hindi na ginalang ang pagka-inosente ng musmos! hindi na tinuring tao ang bata! Hindi ito makatarungan. Bastusan. Bakit ba mayroong ganito sa ating lipunan!? pang-apat ang pilipinas sa buong mundo kung pag-uusapan ang child prostitution. Leche. Ewan! Kawawa. At lahat ng iyan ay likha ng libido, ng sadistang pag-iisip, ng demonyo. Muling nagtatagumpay si Satanas! "rape! rape!" sige lang! kahit pulis ginagawa yan. Hay Pilipinas. Nakakaloko. Kawawa.
No comments:
Post a Comment