This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Friday, July 4, 2008

Mayroon nga bang bobo't matalino sa normal na tao?



"normal" ang tukoy sa pamagat dahil hindi kasama dito ang mga abnoy (may diperensya, nakulangan sa buwan, may malalang sakit, etc.)at mga gifted child.

Bakit nga kaya mayroong nakakapasa ng isang exam, nakakaperpekto ng nasabing exam, at bumabagsak sa exam?............ BAKIT??? at... paano? Ang isang tao nga ba'y nilikhang bobo at ang isa nama'y matalino? Naglalakad ako kanina sa kung saan nang naalala ko ang ilang pangyayari sa linggong ito.. o isa lang pala.. ang First Long Quiz sa Math... ang unang quiz na natake ko sa bago kong school (dapat 2nd.. kaso late ako sa humanidades noon kaya zero.. tae). Lahat yata ng Engineering students sa school ay mayroong subject na Math 17 kaya naman medyo sikat sa usapin ang sabjek na ito. Bale... Yon. Karamihan sa mga estudyante ng Math 17 ay nagquiz na rin. Kaya naman kapag may kakilalang eng'g student ay naitatanong ko kung nagquiz na ba sa Math. Ang iba, oo, ang iba, hindi pa.. Tapos siyempre.. pag oo, kasunod ang "kamusta". Tatlo lang ang pwedeng kasagutan. Una, "Wala.. mahirap... bagsak.". Pangalawa, "ayun, awa ng Diyos, pumasa (pasang awa)". Pangatlo, "Pasado.." tapos may kasunod - grade.. kasi nga mataas. haha. Etong si isang kilala, muntik nang umabot sa pasa pero di rin.. Eto namang isang kilala, 4th daw siya sa class niya.. eto namang si isa, 1st. Sus patawarin. Bat ba ganyan?! Kung may balak kayong itanong ang akin.. kung lang naman.. ipagpatuloy ang pagbabasa. kung hinde, baba na sa next paragraph.. ayan. so ibig sabihin balak niyong malaman ang grade ko.. diba? .. haha. o siya.. pasang awa. 31/50 takte. haha. 60% daw ang passing eh. Ayun, pasang awa. ako siguro pinakamababa sa klase namin. Ang pinakamataas ay... 45.5.  YUN!  so sige. meron nga bang bobo't matalino?

1. wala. Nasa tao yan. Depende sa pokus at interes. Sabihin nating si Angelico ay isang normal na tao.. Nagdidiscuss ang kanyang magaling na teacher sa Math. E etong si Angelico, mahilig sa Math, so nakikinig siya at patango-tango nalang.. naiintindihan ang diskusyon, mataas ang makukuhang marka sa quiz... sasabihing MATALINO... o sabihin nating si Angela ay isang normal na tao... Nagdidiscuss ang kanyang magaling na teacher sa Heograpiya. Gustuhin man niyang makinig, nalilipad ang kanyang isipan sa kanyang nobyo.. kaya naman, naka miss siya ng mahalagang turo, bumagsak sa quiz.. sasabihing.. BOBO! Baka nga naman ganoon lang yun.. depende sa pokus.. kung lahat ng atensyon (ATTENTION at hindi bastang pagdidinig ng mga lumalabas sa bibig) mo ay nasa guro at pinapagana mo ang utak mo, maiintindihan ang lesson, papasa sa mga eksam, makakapagparticipate, matalino.. Kung magulo naman ang isipan at hindi naka 100% ang atensyon sa guro at lesson, malamang, kabaliktaran ang aabutin mo... malamang..

2. Wala.. nasa kinalakihan yan.. Sabihin nating si Angelica ay isang normal na tao. Pina-aral siya ng kanyang mga magulang sa isang tanyag na paaralan noong elementarya.. Dekalidad ang pagtuturo.. Dekalibre ang mga guro.. Walang kung anong bisyo sa kung saan... basta. pang matalinong school. Ayun.. So maayos ang turo, naabsorb ang beysiks, naintindihan lahat ng beysiks.. pagdating sa high school, maganda ring paaralan ang pinasukan (sabihin nating PhiSci), napag-isip siya nang husto, naturuan nang marami, ayun.. U.P. ang bagsak..  So pagdating ng mga bagung mga turo, madaling nakukuha kasi alam kung paano nangyari... Di gaya ni Anghelito, na kung saan lang paaralan nagmula, limitado ang turo, tatamad-tamad ang guro, etc.. pagbagsak sa U.P., ayun, di maintindihan ang lesson kasi ang inaasahang beysik na dapat ay alam na ng mga estudyante, hindi pa niya alam.. (haba... isang sitwasyon lang yan sa marami pang pwede).. bale.. sino ang mangingibabaw? Si Angelica siyempre, na lumaki sa magagandang paaralan na tinuruan siyang mag-isip nang kritikal at mahalin ang karunungan habang si Anghelito ay .. wala lang..

3. MERON! Sa oras na kinuha ng Diyos ang putik at inukit ang ating mga katawan, sinabi Niyang, "Ikaw.. magiging matalino ka!", "Ikaw.. hindi ka matalino.", "Matalino ka", "Ikaw hindi". Kaya naman yang mga nasa Harvard, Yale, Princeton, Univ of London, MIT (di yan mapua), etc., sinabihan yan ng Diyos, "ikaw.. Magiging matalino ka."

4. Meron! Siyensiya ang dahilan! Depende iyan sa genes.. Kung ang isang parte ng utak ng magulang mo ay naipamana sa'yo ng dala-dala ka sa kanyang tiyan, ayun.. matalino ka.. Mayroong dagdag na cell sa iyong utak na gagawin kang matalino.  Kaya naman yang mga matatalino na yan, masmalalaki ang utak niyan kaysa sa kung sinuman. (<< yan ay isang kabarberuhan lang. Pero baka totoo... baka.)


Syempre, andyan ang motto/ inspirational msg/encouragement na "KUNG KAYA NILA, KAYA KO RIN!" at syempre.. Madaling sabihin pero mahirap gawin.. kung may bobo't matalino nga, sige! ipagsigawan mo yang motto mo. tignan natin kung may mangyari.. hay sus.
O.. ano nga kaya? May bobo't matalino nga kaya?

No comments: