tagpuan: College of Arts and Letters (CAL) Building
Dahil nasa CAL Bldg., at iisa lang naman ang klase ko sa CAL, Humanidades ang subject.. At usually, dito sa subject na ito may mga pumapasok na tao para hikayatin kami na sumali sa pagwewelga... Pero ngayon.. walang panibagong mukha ang nagsalita sa harap namin.. Sa halip... siguro 10 minutes bago magtapos ang klase, nagsimula na ang sigawan sa labas ng silid-aralan...
ISKOLAR NG BAYAN!!!!
NGAYON AY LUMALABAN!!!
NGAYON AY LUMALABAN!!!
ISKOLAR NG BAYAN!
Pero sige pa rin sa pagtalakay ng lesson si prof. Hanggang sa natapos na.. Pupunta na sana ako sa aking next class nang makita ko mula sa itaas ang lobby ng building.

Akala ko normal lang.. sabay pagbaba ko.. ayun, sinalubong ako ng mga aktibistang isko.. (pasensyahan na ang larawan sa >>>, malabo.. kunwari gumagalaw nalang). Sabi ba naman, stay daw ako, saglit lang, parang mang iimpluwensiya lang sila.. E sabi ko may class pa ko.. Sabi, "hinde, wala nang classes ngayon" (tuwa ko naman) "may boycott ngayon" (dismayado.. nga pala, july 18, walk out ulet) "At hindi ka papasok. Walang pasok. At ikaw ang magsisimula nito." a hayop. Sa isip-isipan ko, GUSTO KO! gusto kong makita ang pananaw ng mga ito tungkol sa pamamahala ni Gloria, kung bakit ba sila sige nang sige sa pagboboycott ng klase at pagpoprotesta against Gloria... KASO... may klase ako.. at dahil gusto kong makalipat sa BAA next year, kailangan kong maka-uno! at makaka-uno lang ako kung papasok ako..Makasarili no? o basta ganon.. so sabe ko, babalik nalang ako. Sagot niya, "ay ganon. dali na kuya. anong oras ba klase mo?" sabi ko ngayon na mismo, so pinalaya na ako. Sige. yun. sugod sa next class sa kalapit na building (AS Building), GEOGRAPHY1. Ayun, saya.. Dahil nagrereklamo na din daw etong prof namin sa tuluyang pagtaas ng presyo ng langis, sige, walk-out! Kaya libre ako ng isang oras at kalahati.. Ayoko namang sayangin lang iyon kaya bumalik ako sa CAL bldg. at sumali sa kanilang usapin.. Pinaupo kami dun sa lobby at doon lineksyunan ng kung anu-anong kalokohan ni Gloria.. tapos tinuruan kami ng chant.. un ngang iskolar ng bayan!! (sagot->) ngayon ay lumalaban!!!.. tapos vise versa.. tapos ung isa pa,PUPPET, PASISTA, PAHIRAP SA MASA!
(sagot:)PATALSIKIN SI GLORIA!
vise versa..
tapos..
EDUKASYON! EDUKASYON!!!
KARAPATAN NG MAMAMAYAN!!
vise versa..
hanep.
Tapos nun, ginrupo-grupo kami.. Tapos may parang isang aktibisitang nakatoka sa bawat grupo.. tapos discuss discuss ng konting kalokohan sa gobyerno't lipunan. Pagkatapos noon, may mga nagperform sa amin, mga ARTISTA NG BAYAN.
Ang gagaling.. Yung pinerform nila. (pasensiya na, malabo ang video at ang tunog.. di pa kumpleto, mahaba yan. Mahina lang ang lintek na memory ng cellphone) tungkol sa isang Isko na mahirap..tama, mahirap daw. Galing probinsya, doon nag-aaral.. Ang mga malalaking bagay sa probinsiya na pinapadala sa kanya bilang baon, nagiging parang wala nalang dahil sa taas ng bilihin atbp. Kaya kinailangan niya magtrabaho.. nag apply siya bilang call center agent.. kaso kulang pa rin.. basta ganon. Tapos ung mga ibang isko, mayayaman, ganto ganyan. basta ayun. Labo no? Basta. Ang galing umarte. Artistahing-artistahen. Ang gawa kasi dyan ay may dalawang dubbers (isang lalaki't isang babae). tapos isang bidang actor at dalawang .. ekstra (?)na babae na paiba-iba ng role. Halimbawa, Si bida, titingin sa bulletin board, nagiging bulletin board etong si isang ekstra.. Halimbawa, naging call center agent si bida, parang kausap nya sa kabilang linya yung isang ekstra.. basta ganon. Mahirap si bida.. ANG GALING UMARTE. Todo facial expressions. Hindi nagpapadala sa audience. Inaasahan ko, tatawa siya , pero hinde.. todo bigay sa acting.. Ayun. Di lang yun! so parang pagkatapos ng script, si bida, mahirap, call center agent, pero wala pa rin.. so pinapasuggest ang tao kung ano ang dapat gawin ni bida.. unang suggestion, magpaBabuyan.. tae. akala ko hanggang scripted lang.. ang galing rin mag-ad lib! ung dalawagn dubbers nakagawa agad ng script na patok sa manunuod, habang inaact out na sobrang galing nitong tatlo.. kailangan talagang nagkakaintindihan silang lima. Basta magaling.. so isa pang suggestion.. tapos natapos rin sa pagwawalk out.. So yun.. Pagkatapos ay binigyan kami ng mga gamit pang-rally.. WTF?! 
12:15 na yata noon at may klase pa ko ng ala una. Tae. akala ko parang seminar lang.. sabay mapapasabak pala kami sa pagrarally.. E etong isang kasali sa grupo ng mga aktibista, sabi sa'kin, "kuya itataas niyo yan mamaya pag nag snakerally na tayo ha." edi sige nalang. Sabay ayun. pinalinya kami sa apat na pila at sugod sa kabilang building.EDUKASYON! EDUKASYON! KARAPATAN NG MAMAMAYAN!
BOYCOTT!!!! WALK-OUT!!!
WALK-OUT!!!! BOYCOTT!!!
Yun. diretso sa AS Building.. ako naman, sige, go with the flow..Etong si katabing babae, sige kinausap ako, hello daw. Edi hello din. tapos sige, lakad.. Tapos pagdating ng AS Building, tinanong ko kung freshman din siya (kasi mukhang lahat ng kasali doon ay upper years na) edi freshman din nga.. so sige.. tinanong ako kung baket ako sumali.. sabi ko TRY LANG.. PASUBOK LANG. PAEXPERIENCE.. e tae. ang pagtry lang na iyon ay inaasahan kong limitado sa pakikinig sa kanilang mga hinaing.. hindi pagrarally.. Pero sige, andun na eh. ISKOLAR NG BAYAN! NGAYON AY LUMALABAN!!! Bawat classroom na daanan ay sinisigawan ng kung anong chant. hahaha. sikat tae. tinginan lahat sa'min siyempre.. Tapos.. akala ko hanggang AS Building lang.. e tae lumabas.. tapos p
ag labas namin, may nakaabang na camera man ng GMA.. o hanep na-TV ang loko. baka. haha. kaso mahina chant nun. kaya parang tanga lang.. Sabay ayun!!! MAY MGA JEEP NA NAKA-ABANG! lintek! anong balak nitong mga to!? So tinanong ko si babaeng katabi kung sasama daw ba siya, e hindi daw.. ako din hinde. asa pa. haha. Kaya sige, lumayas kami patago. Tapos nagpaalam na dahil may mga klase pa... Nagtext si Sto. Demonyo na binarikadahan na yata ang Mendiola. haha. Buti nalang pala't di ako sumama.. tapos eto namang si Pascua, trapik daw sa Philcoa dahil may mga nagrarally.. haha.Ayun.. PAEXPERIENCE LANG.. Pero sabi ni Sto. Demonyo, sa patry-try, paexpi-experience nagsisimula yan.. Pero haha. asa. Kahit sa sarili ko ay di ko maisip kung bakit kailangan mag walk-out... Pwede namang magrally sa ibang araw, bakit sa may klase pa.. Siguro nga.. history daw.. dahil nagawa na yun ng PUP sa kanilang administrasyon.. etc.. tae. baket walk-out?! Sabi nga nitong isang tagapagsalita kanina, "TATAHIMIK NA LAMANG BA TAYO AT PAPANUORIN MAGHIRAP ANG ATING BANSA?!" .... oo! haha. de. o.. sabi nila, "Pagtagal, maipagmamalaki natin sa ating mga anak, 'tayo ang gumawa ng kasaysayan!' ang kaunlaran ng bayang kanilang ginagalawan ay likha ng ating pakikipaglaban"
No comments:
Post a Comment