- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - (imbento lang yang randomyo)
Dalawang araw ring hindi nasinagan ng liwanag ni haring araw ang aking balat. Dalawang araw akong Tambay sa sariling bahay, pasyente ng sariling kama, at bilanggo ng sariling kulungan.
Kahapon, tila may kung anong kaluluwang malungkot ang sumanib sa akin. Ang lungkot ko... at hindi ko alam kung bakit. Ang pangit ng mood ko kahapon, parang gustong mang-away. Putres.Ewan. nakakagago talaga kahapon. Ang lungkot na ang lungkot.. Ang problema ng ibang tao, parang pinoproblema ko rin kahit di naman dapat.. samantalang ang mga problema ko, wala akong pake..
A change is gonna come
andaming pagbabago...yata. at hindi ko alam ang tamang reaksyon/emosyon.. Si Neil.. magbabago ng kurso.. di ko alam kung dapat ba akong matuwa o ewan. Si Pasa.. parang gago. ambait. hindi maka-Pasa. pag may sasabihin ako, imbis na mura, magpapasalamat pa. basta. pati sa comments ang bait. walang bahid ng karungisan.. Si Sto. Demonyo.. di na mayabang.... wops maraming nagtaka. MAYABANG PA RIN. pero eto, parang nag-aalangan pa sa accounting niya. Sila Mark, ang aga na matulog.. sarap ng buhay, naiinggit ako. Si JC, parang enjoy na enjoy sa college (which is good).. haha (sige ipagpilitan ang "Haha"), inggit.. Si Aaron.. wala naman yata. Si Jio.. nagbabago na rin... Si Sam.. parang ayaw na lumipat sa Diliman.. hay.. pati yata si Pid.. dami pang iba.. ako.. nagbabago na ba?
A change should come
Kaya nga dinidisiplina ko na ang sarili ko e. dapat ngayong araw, mag-aaral ako.. kaso de. ang hirap, nakakatulog ako. At lecheng balikat yan. di ko alam ung tawag. basta ung nasa gitna ng left shoulder at leeg ko, mula kagabi habang nanunuod ako, nanakit. .tapos eto, kahit anong batak, suntok, o ano, wala, sakit pa rin. Para tuloy may kung anong kaluluwang iniipit ako sa aking balikat at kinokontrol ang buong katawan ko, pati ang mga emosyon ko. Tapos kanina, nabalitaan ko pa na next Saturday, 2nd major exam namin sa ES1 (engineering drawing).. at namigay nung thursday ng tatlong plates. at dahil absent ako, wala akong nakuha. Kaya tuloy.. habang nag-aaral ako para sa kas1, nakatulog ako.. at nanaginip..
sumakay ako ng elevator sa eng'g building at pinindot ang numero tres. pagbukas ng pinto, ilang tao ang pumasok sa elevator tsaka ako lumabas. Sabay nagpunta agad ako sa may Engineering Science Department. Tapos sa labas ng room, may taong di mapinta, ewan ko kung nasusuka. Edi pumasok na ko sa room at hinanap .."Excuse me, si Ms. Can******* po?" Sa harap ko ay matatagpuang nakahilera ang silya ng limang matatandang tao at doon, sila'y nakaupo. Isa rito ay ang aking prof, may sakit. Edi pinaliwanag ko na ang aking side, na nagkalagnat ako nung thursday at di nakapasok.. tsaka ko tinanong kung ilang plates ang kelangan pa.. sabi nung isang matanda, "EIGHT." napa-"pbbfftt" nalang ako.. Tumayo ang maysakit na si Ms. C, at pumunta sa inakala kong pagkukuhaan ng mga plates kaya sumunod ako. Sabay ang punta, sa banyo.
O basta. nakalimutan ko na kung ano ang nangyari sa panaginip before and after the above incident. Malamang masama ang ibig sabihin niyan. Monday na ngayon, tuesday bukas at walang pasok. Wednesday na muli ako makakapasok pero Thursday na ang pasahan ng lahat ng plates. Tapos sa Saturday, 2nd major exam ko na sa ES1. Sabi na nga ba noong friday, dapat pumunta na akong ES Dept. HAY.
Leche............................ permanente na to.. PERMANENTE...
kung inyong napansin nitong mga nakaraang linggo, ang title ng multiply ko ay DORMANT.. Noong araw na naisipan kong ilagay ang title na iyon, sabi ko sa sarili ko, di ko na muna gagalawin ang Multiply ko... kaya dormant. pero hinde. HINDI kaya. Pero gaya ng nakararami, pipilitin kong magbago. Matutulog ako nang maaga gaya ni Pascua. Magpapractice ako nang husto gaya ni Pasa. Magsasaya ako sa kolehiyo gaya ni JC. At lilipat ako ng kurso gaya ni neil.. ay.. except yun pala. Basta, di na sana ako magmumultiply.. tutal kagago-gago naman tong internet.. sa tuwing magloload ng kung anong page, "PAGE LOAD ERROR" ang lumalabas.. at kinekelangang pindutin pa ng pagkarami-raming beses ang refresh tsaka lalabas. Please. iuupdate ko nalang yung thought for the day ko. yun nalang muna. ge bye multiply.. pag di ko talaga makontrol sarili ko, ipapabago ko password ko sa kung kaninong pinagkakatiwalaan para di ko na magalaw.. worst case scenario: idedelete ko tong multiply ko.
One act of random kindness at a time will change the world.
No comments:
Post a Comment