This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Friday, September 19, 2008

HINDI ako mayabang.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

PAPAYAG KA BA

kung sabihin kong likas na mayabang ang mga Pilipino/tao?

kung hindi, mayabang ka. gusto mong patunayan sa'kin na mali ako at ipangalandakan na tama ka. Nagyayabang ka.
kung oo, hindi ka nagyayabang. pero umagree kang mayabang ang mga Pilipino.. kaya mayabang ka rin.

totoo naman eh. Kahit ano'ng mangyari, magyayabang kayo. Kung makakuha ka ng mataas na grado, hindi magtatagal ay kakailanganin mo ng pagyayabangan.. kahit sa anong paraan pa, ganon rin ang intensyon. Puro yabang. Ewan ko ba, baka may gusto kayong patunayan.. baka..
Totoo naman eh. 'Ta mo nga, kahit ung mga negatibong bagay, pinagyayabang. "Bagsak ako shet" sabi ni A. "naku, masbagsak kaya ako sa'yo" sabi ni B. "sus wala yan, masmababa grade ko sa inyo o". Kung sino ang masna-late, kung sino ang masmarami ang sakit, kung sino ang may masmaraming absences, kung sino ang masmaraming peklat, kung sino ang masnakakalungkot ang kwento, kung sino ang mas nakakaawa - LAHAT YAN at marami pang iba AY IPINAGYAYABANG. admit it, mayabang ang tao.

sabi nga ng isang kaibigan (ewan ko kung si Lyka o Sam), ang mayabang, minsan lamang makatikim. Totoo, sabi ko.. Madalas ko na rin 'yan sabihin sa kung sinong kaibigan na nagyayabang. Sige nga. PROVE THAT MAYABANG = MINSAN LANG MAKATIKIM. Ganto kasi. Kung halimbawa, si Juan ay kilalang magaling magbasketball, hahangaan na siya ng mga tao kung hahanga nga. Kaya naman, hindi na niya kailangan pang ipagyabang na magaling siya magbasketball - kasi alam na ng karamihan at alam na niya sa sarili niya. Pero ang hindi alam ng tao, matalino't maraming alam pala si Juan. Kaya pag may bumukas na opportunity, ihahayag niya ang kanyang kaalaman, kahit pa sa maling paraan.. nagyayabang.

Siguro... siguro mali ako. Baka naman hindi PAGYAYABANG ang tawag sa ginawa ni Juan. Siguro lang. Pero gano'n na rin 'yun. Pag nagyayabang tayo, inaangat natin ang ating sarili sa ibang tao. Gano'n din sa kaso ni Juan. Gusto niyang mamangha ang ibang tao sa kanyang tagong kaalaman.
O basta. Kapag minsan mo lang matikman ang isang bagay, masyado kang natutuwa. Pero kapag nakasanayan na, wala na. Kapag minsan ka lang papurihan sa isang bagay, gusto mong magyabang at patunayan sa mundo ang iyong kakayahan. Pero kapag nakasanayan na, wala na.

Kapag naman yinabangan ka, syempre, NAAPAKAN ANG NAPAKALAKI MONG PRIDE. Hahanap at hahanap ka ng butas. Lilipat ka sa ibang larangan, doon ka magyayabang. "Tang ina masmataas pa grade ko sa'yo sa math" "ts bobo naman sa english"
Pero dapat, ang pride ay tinuturing na tae. Kapag naapakan ng nagyayabang, 'yung nagyayabang pa ang mabibwisit!

Dali nga, reflect. Mayabang ka. Aminin




Lahat ay mayabang. Lahat... lahat maliban sa'kin! Oo! Lahat kayo ay mayabang! Tignan niyo nga yang mga sarili niyo, ang yayabang niyo! Ang kikitid naman ng utak. Masyadong nagpapaalipin sa demonyo. Pataasan ng pride ang hilig. Gusto palaging naka-angat ang baba. Lahat linalait. Kalait-lait naman rin. Mga mayayabang! mayayabang kayong lahat! Mga inutil! Walang inatupag kundi pagandahin ang reputasyon sa pamamagitan ng overrated descriptions sa sarili. Walang ginawa kundi hanapan ng mali ang iba at hanapan ng tama ang sarili! Mga makasarili! Hindi niyo ba alam, kada nagyayabang ka, yinayabangan ka rin? Sus. sasabihan nyo pa ng mayabang ang isa, pareho lang naman kayong mayabang! Puro kayo satsat! Sabi nga ni Rihanna, "LIVE YOUR LIFE". Bigyang buhay ang IYONG buhay! 'Wag pakialaman ang buhay ng may buhay. Asikasuhin mo ang iyo! Wag magpaapekto sa ibang wala namang maitutulong sa'yo. Ang yayabang nyo e no. Buti pa ako, humble na humble.


O diba, ang yabang ko.

No comments: