This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Friday, September 5, 2008

Oo? Oo sabi eh... Oo nga!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Ilang beses mo nang nabitawan ang salitang "OO"? Nabitawan ha, NABITAWAN, hindi SINABI. 'Yun bang tipong sinabi mo dahil napilitan ka.. o kaya naman, e ayaw mong kulitin at pilitin ka pa. 'Yun bang basta mo nalang sinabi kahit wala kang balak tuparin? Syempre mahirap bilangin kaya wag nalang.
OO. Malamang sinabi niyo na iyang salitang iyan. Isang salitang may dalawang pantig at dalawang titik na magkatulad at depende sa tono, maraming pahiwatig. O diba, andaling sabihen? Wag ka na kasing kumontra. Um-OO ka nalang! O diba? OO!

"Ang ganda ng cheering ng U.P no?" - OO.
"Pumasok ka ba kanina sa Bio?" - OO.
"Ang panget niya ngayon." - OO nga.
"Nalampasan mo na ba ako?" - OO.
"Mahal mo ba ako?" - OO.

Ano'ng napansin niyo? wala namang kakaiba diba? (Um-OO ka nalang ulet!) Puro "oo" lang na wala namang problema. "OO" at tapos na ang usapan. Pero sige nga, tignan niyo ulit.. Ano ang pagkakapareho ng limang pangungusap?...5...4...3...2...1. Alam niyo na? Kung oo, mali ka. Kung hinde, alamin mo! De sige mag atribida... lahat sila, natutungkol sa nangyari, at nangyayari. Past and Present para sa mga Kano at nagpipiling Kano. Chorba at Eberlu sa mga bakla. Nakaraan at Kasalukuyan para sa mga guro (at sa iba na rin). Kanina at ngayon sa mga tamad. O basta yun, sa NANGYARI AT NANGYAYARI, walang halaga ang OO kundi pag-agree at pagcertify.

Past.. Present... o? ano'ng sunod? Ano pa ba edi Puture! Putres na Puture! PUTURE! PUTang futURE! (Muli, um-oo nalang kayo.) O ano, may epekto ba ang OO kapag tungkol sa PUTURE ang pinag-uusapan? OO!!! Teka't tignan natin.

"Ma, ibili mo ko nun ha?" - OO anak
"Alam niyo na gagawin niyo bukas ha?" - OO lider
"Pupunta kang Gateway mamaya?" - OO
"Kita tayo 8am sa chowking tikling. American time ha?" - OO sige.
"Kwentuhan mo naman ako mamaya." - OO sige.

O.. Muli, ano'ng napansin niyo? WALA?! WALA KAYONG NAPANSIN?! WALA?!?!!??! O sya. Lahat ng limang pangungusap sa itaas ay... in the puture tense! tama, in the puture tense! o teka, ano pa? ..... ...... o basta yun.. Ang PUTURE, HINDING-HINDING-HINDING-hindi natin masasabi. Kaya naman, walang kaseguridad. 'Yang "Ma, ibili mo ko nun ha?" na yan, hindi natin alam, kung mabibili talaga 'yan. Kasi maraming pwedeng mangyari. Mahirap e. Mahirap.... Lalo na kapag in-OOhan ka ng isang tao.. so ayun diba in-OOhan ka na, nagkasundo na sa isang bagay na mangyayari sa future... este puture., mag-eexpect ka na... ANG PANGIT LANG, e kapag hindi napanindigan nung um-OO ang kanyang sinabi. Naintindihan ba? (OO NA! OO NALANG! wala akong balak umulit). Kung kunwari'y hindi umabot sa ekspektasyon mo yung ginawa nung isang tao (meaning medyo lang niya ginawa ung in-OOHAN niya) e syempre madidismaya ka, maiinis ka. Lalo pa, kung talagang hindi ginawa! O diba... ano'ng tawag sa'yo? (Di ko na tatanungin kung alam ninyo. malamang hinde) ISA KANG.... ASA!!!! ASA KA! ASA! ASA! ..l.. isa kang gunggong na umasa, nagtiwala ka! UMASA KA! Umasa ka sa katuparan ng sinabi ng taong umoo, umasa ka sa wala! Isa kang hangal dahil nagtiwala ka! (ops medyo marahas pero ganun na nga) .. Pero.. kasalanan mo ba? HINDI MO KASALANAN. Ang ginawa mo lang ay nagbigay ka ng tiwala.. at tinanggap na malugod nung tao iyon sa pamamagitan ng isang titik na inulit, "OO". Kaya hindi mo kasalanan. Sadyang hindi lang kayang tuparin nung taong um-OO ang sinabi niya... at syempre, pag magalit ka, tantararan! LISTAHAN NG DAHILAN! Kaya sige, intindihin nalang.. Punyeta

Kaya naman, mga mambabasa, inyong ingatan ang ibinigay sa inyong tiwala. Ang oo'y isang salita lamang, pero marami ngang maipararating. Isang palit lamang ng titik ay kabaligtaran na ang ibig sabihin - NO. Hmm.. siguro may katanungang bumabalot sa inyong isipan - MAY PINAPATAMAAN BA AKO? ... ang sagot diyan e isang malaking OO!!! OO may pinapatamaan ako! Tayong lahat diyan na nabigyan ng tanong na masasagot ng OO at hinde, at ang isinagot ay OO, ngunit hindi tumupad, pwes, tamaan tayo!!! Pero tamaan na ngayon, wag lang bukas. Dahil bukas, dapat alam niyo na, na ang OO ay hindi bastang salita. Ito'y mahalaga sa kapwa. Matutong humindi sa hindi kayang gampanan. Matutong igalang ang tiwala ng kaibigan.

No comments: