- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
O O OPS! teka boy, nasa College na tayo.. COLLEGE NA! nag-iilusyon ka e
tama! nag-iilusyon ako.. kagabi/kaninang umaga, sa aking pagtulog, andami ko yatang napanaginipan... lahat .. high school! nakalimutan ko na karamihan pero sa tanda ko, lahat nung iv-40 e nandon.. eto nga e. isa talaga.. SI NIEVA, tumathumling! ang dating taga cheering squad ng beda ay tumatambling na sa cheerdancing ng DLSU! hahaha kaloko.
so bakit ko nga kaya napanaginipan ang mga yan? KASE KASE KASE.. kahapon ay nakuha ni mama ang report cards ng aking mga kapatid at andaming sinasabi. Nainggit ako... ang saya-saya ng buhay nila! sobrang ... MALAYA. kung noon ay inaasam-asam kong makarating ng kolehiyo dahil sa Kalayaan , ngayon baligtad pala. GUSTO KONG BUMALIK NG HS. Gusto kong gumising ng umaga, obligadong pumunta sa eskwela, tignan ang mga kasawa-sawang mukha sa umaga, pilit na mag good morning sa mga guro, magdasal mekanikali, kumain kasama ang mga "kaibigan", at umuwi sakay ng serbis........
O O O O O gelo nagkakamali ka na naman yata, NASAAN ANG KALAYAAN DIYAN?
nagkakamali na kung nagkakamali, pero para sa'kin, anlaya nila! malaya silang makakapaglaro, malaya silang makakapag-aral kung kelan lang nila gustuhin, malaya silang makakapanggago, malaya silang magpahinga, malaya silang PUMASA!
o teka, ganon ka rin naman ah.. diba?
hinde! isang malaking hinde! MALAYA AKO dahil nasa KOLEHIYO na ako. Kaya kong magbulakbol, tumambay sa gateway kahit kelan, magcut ng klase, pumasok ng klase, pero bull shit. College na.. at wala nang biro biro.. kapag inabuso ko ang kalayaan (kapag gamitin ko ang kalayaan), malamang... malamang.... malamang mamatay ako! de.. mamatay ako nang mahirap! malungkot at mahirap.
aaayy kawawa ka naman. mag high school ka na lang ulit.
KUNG PWEDE! Pero hinde! ang high school ay isang step lang naman sa mahabang hagdan. at ito na siguro ang pinakapatag na step. walang pako, hindi bakubako. masaya. kaya naman lahat ng nasa high school, magsaya kayo! MAGSAYA KAYO! Pero magbuti rin.. para alam niyo kung saan kayo aapak sa susunod na hakbang.
sus andami mong landi. gusto tas ayaw.
oo na oo na. pero once you start walking/climbing the ladder of life, you can only stop.. but you can't return back. at ngayon, nasa Kolehiyo na ako, sa isang step na alanganing tayuan, puno ng alikabok, at madaling mabutas.. at kapag nabutas, laglag ka. LAGLAG KA. masusugatan ka. mamamatay ka. PATAY KANG SUGATAN.
o ano gusto mong sabihin ko?
WALA. makinig ka lang. Mag-ingat sa pako. Wag magpadulas sa dumi. Takpan ang ilong sa ayaw malanghap. Tignan ang paa kung saan aapak.
huh?
sana.. mag-intrams na...
No comments:
Post a Comment