This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Tuesday, November 18, 2008

(-:

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Sabi kailan lang ng isang babaeng manlalaro sa Wowowee ('yung aalamin mo kung ano ang pamagat ng kanta), "Hindi ka naman nabubuhay para magsaya eh. Kailangan mong matuto at lampasan ang mga pagsubok na inihaharap sa'yo." Ang una kong naramdaman: gulanta. Sa mga panahong ito, naniniwala ako na tayo ay nabubuhay para sumaya. Walang kwenta ang buhay na walang kasiyahan. Lahat marahil ng ginagawa natin ay para sa'ting kasiyahan.

Pero...

ano ang saya? kelan ito nararamdaman? ano nga ba ang mga bagay na talagang nakapagpapasaya? bakit itong mga bagay na ito?

Ang kasiyahan - bilang isang emosyon o pakiramdam, tulad ng galit, awa, sisi, at iba pa - ay hindi tiyak. Nararamdaman nalang natin, 'yun na. "Lahat marahil ng ginagawa natin ay para sa'ting kasiyahan." Ang pag-aaral, ginagawa ko para matuto. At kapag natututo ako, nasisiyahan ako. Ang paglalakwatsa, ginagawa ko para makasama ang mga kaibigan ko. At kapag nakakasama ko ang mga kaibigan ko, nasisiyahan ako. Marami pang iba. (Itama kung mali) Lahat ng ginagawa kong para sa kasiyahan, lahat may saysay. Kapag hindi ako nasisiyahan, at wala akong makitang dapat ikasiya, siguro hindi 'yun tama at walang saysay.

Sabi ni Charles Deveaux (na namamatay na) sa isang episode ng Heroes season 1 (marami na rin nga yatang nagsabi), "In the end, all that really matters is love". Ako, hindi ko alam ang ibig sabihin ng love. Hindi ko pa rin alam kung ano etong pinagkakaguluhan ng lahat - love. Siguro ito yung nararamdaman mo sa isang tao na hindi pagkagalit, pagkawalang-bahala. Pero 'yun, wala akong paki. Bahala na siyang magpakita sa'kin, kung ano man 'yun. Pero para sabihin ng maraming tao na "In the end, all that really matters is love", at para gawan ng milyon-milyong tula, kwento, sining, etc ang pag-ibig, siguro napakasayang pakiramdam nito. At kaya siguro sinasabi ang katagang iyon, ay dahil sa sinabi ko sa itaas kanina: nabubuhay tayo para sumaya. Ito marahil ang pinakamasayang bagay sa mundo, kaya naman kapag nandito ka, pwede nang wakasan ang buhay, nasa climax na. O kaya naman kapag magwawakas na, oras na para alamin kung may pag-ibig pa... kung meron, masaya.

Hindi ako marunong. Ang alam ko lang, ang buhay ay laan para magsaya. Kaya naman kung 'di ka masaya sa ginagawa mo, 'di ka nakapagpapasaya, di nagsasaya dahil hindi nakapagpapasaya, pwes, panahon na para iwan ang gawaing iyon at tumutok sa mga gawaing masaya o masmasaya.

--------

Hindi ako diyos. Maaaring may mali, sige, itama niyo, kung alam niyo ang tama, at kung alam niyo ang mali. Pero sabi nga ni Socrates, "I do not think that I know what I do not know". At sa pag-iisip niyang iyon, wais siya. Kung mainit lang talaga ang ulo niyo at gusto niyong isa-isahin lahat ng mga salita diyan sa itaas, para lamang maipalabas na mali ako, sige, magmarunong ka. WALA AKONG PAKI. Kung sasaya ka (sasaya ka nga ba sa pagpapahirap, pagpapasakit? ... abangan sa susunod na blog), sige lang, bukas ako sa kritisismo. Kung 'yun lamang ang pakay mo - mampahiya -, nakakaawa ka, hindi mo ako kilala, mataas ang tingin ko sa sarili ko. Ako, magpapakasaya na lamang.

No comments: