This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Monday, December 15, 2008

Mata sa Mata, Pero Hindi Ngipin sa Ngipin

- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - - -

ayun. Nagdadalawang isip pa 'ko kung ipopost ko 'to o hindi. Kaya sige, idedelete ko rin kung panget (base sa komento), dahil tao ako, at ayokong nasasabihang bobo; at dahil tao ka, at gusto mong may masbobo sa'yo (o hindi ba?).

- - - - - - - -

brief BG: ito ay isang reaction paper sa Soc Sci I, matapos niya kaming palaruin ng kung ano. mechanics: si ma'am ay isang diyosa, kontrolado niya ang mga pangyayari. May isang deck of cards siya. Kaming mga studyante ay mga scientists, hahanapan namin ng pattern ang ginagawa ng diyosa, para mapredict namin ang mangyayari. gets? bale may deck of cards, maglalabas siya ng 4 cards na may pattern na. Base sa 4 cards na yun, (in grps nga pala) mag-uusap ang mga scientists para alamin ang pattern na nabuo. itetest ang hypothesis sa pamamagitan ng paglalagay ng panibagong baraha na aaprubahan ng diyosa kung tama, at irereject kung mali. kuha? basta yun. maghahanap kami ng pattern.

-------




Mata sa Mata: Tao Laban sa Hayop

                Kung ako ay bata, ikaw ay matanda, ako ay walang alam, ikaw naman ay saksakan; at tanungin kita ng 1 + 1, maaaring hindi mo basta sagutin ang katanungan, kundi ay ihahayag mo ang lahat ng ‘yong nalalaman. Kasi matalino ka, ako hinde. Kasi sa tingin mo, matalino ka, at sa tingin ko, ako’y hinde.

                Palagi na rin itong sinasabi, “Ang buhay/mundo ay napakasimple, kinokomplika lang natin.” Hindi ito totoo, sa isang banda. Andiyan ang lahat ng bagay, nasa harapan natin, at napakaraming pupuwedeng tanungin. Hindi ito payak. Napakagulo nito, at alam natin na mayroon at mayroong masgugulo pa, at mayroon at mayroong maitutuklas pa. Sapagkat ang mundo’y hindi simple, sapagkat hindi isang simpleng itim na tuldok lamang ang mundo, sapagkat ito’y kakikitaan ng pagkarami-raming bagay, sapagkat marunong ang tao. Kapag matuto ang isang tao, maaaring hindi na ito tumigil, maghahangad pa ‘to ng masmarami pang dunong, magiging komplikado. Kapag marunong ang isang tao, hindi ito papatalo, paninindigan nito ang kanyang nalalaman, iaangat niya ang sarili sa karaniwan. At kapag marunong ang isang tao at harapan mo siya ng problema, hahanapin niya ang pinakakomplikadong solusyon dito na sakop ng kanyang karunungan, dahil alam niya (o sa tingin niya), marunong siya, matalino siya, maalam siya. "Knowledge is power" ika nga. Makapangyarihan ka kapag maalam ka. Madami kang magagawa at maaaring gumulo ang mga bagay-bagay. ‘Yan ang tinuro sa’kin ng isang gawain o laro sa Soc Sci 1. Naghanap ang lahat ng komplikadong pattern. Nakakita ang lahat ng komplikadong pattern. Sinundan nila ang komplikadong pattern. Hanggang sa magimbal ang lahat nang malamang mali pala sila/kami, kaya naman, naghanap pa ng maskomplikadong pattern, at inalis ang lahat ng posibilidad ng isang simpleng pattern. At ito ay dahil marunong sila/kami.

                Palagi na rin itong sinasabi, “Ang buhay/mundo ay napakasimple, kinokomplika lang natin.” Totoo ito, sa kabilang banda. Ang mga hayop, bilang mga (sinasabing) irasyonal na nilalang, ay hindi nag-iisip. Sige lang nang sige. Kapag makakita ng pagkaing pupuwede sa kanila, sige, kakain. E ang tao, kapag alam na may kung anong kasamaan o halong kung ano sa inihaing pagkain sa harap niya, maaari niya pa itong tanggihan (maliban nalang kung kailangang-kailangan na talaga siguro). Ang mga hayop, sige nga lang nang sige, walang pinoproblemang ‘di kaproble-problema. Dito na rin siguro pumapasok ang yabang. Maaaring yumayabang ang tao kapag natututo, dahil alam nito na may alam siya at angat siya sa kinagawian niya. Samantalang ang mga hayop, nabubuhay lang sila, ‘yun lang. At maaaring masyadong lumaki ang ulo ng tao, at isarado ang utak sa mga tinuturi nilang "masbobong" kasagutan. Dahil nag-aral sila, dahil rumunong sila, dahil lumakas sila. Para nga namang tinanggap mo na linoko mo ang sarili mo kapag aminin mong mali ang binunga ng lahat ng inaral mo. Kaso sadyang totoo. Oo, rasyonal/nag-iisip nga kasi tayong mga nilalang. At oo, gusto nating umasenso (kung asenso man sa tingin ng karamihan ng tao ang asensong tinatawag ng tao). Pero siguro, napakagaang ng buhay kung mag-aala-hayop tayo na sige lang, nabubuhay lang. Minsan nga kasi talaga, ang mga pinakasimpleng bagay ang siyang may mga pinaka - malakas na epekto, masarap na pakaramdam, nakakatuwa, nakaka-antig-damdamin, nakakapagpasaya, at napakarami pang pinaka. Ito ang natutunan ko nang sabihin na ni Ma’am ang napakasimpleng pattern na hindi pinansin ng mga marurunong na utak. Gano’n lang pala kadali. Kinomplika nga lang nila/namin. At ito ay dahil marunong sila/kami.

                Tama, hindi nga sa lahat ng bagay ay kailangan mong magmarunong, kailangan mo lamang gamitin ang iyong kakaunting dunong.

No comments: